Chapter 6 (Part 2)

1737 Words
"Sandali..." udlot na sabi ni Cyndie nang tumalikod at nagsimulang maglakad ang binatilyo papalayo sa kanya. Napabuntong-hininga na lamang siya.  Ilang sandali pa'y bumalik ang binatilyo na may dalang tray ng pagkain. Pagkarating nito sa kinalalagyan ng batang babae, dahan-dahan niyang nilapag ang bitbit na tray. Biglang kumislap ang mga mata ng bata sa kanyang harapan sa nilalaman ng tray pero bigla nitong binawi ang ekspresyon ng mukha. "Masarap sana kaya lang wala akong pera pambayad," nalulungkot na ppahayag ni Cyndie. Sa totoo lang, gutom na gutom na rin siya pero nahihiya siya sa binatilyo. "Hahaha. Ang cute mo namang tingnan pag' nahihiya ka," sabi nito sabay kurot sa pisngi ng batang babae. "Aray. Ang sakit mo namang kumurot," pagrereklamo ni Cyndie. "Naku sorry. Pano ba yan? May atraso na  ako sa'yo. Sa tingin ko naman, hindi ka tumatanggap ng sorry eh," pilyong sabi ng lalaki. Napakunot-noo si Cyndie sa sinabi nito. "Ganito na lang. Dahil nga sa nasaktan ka sa kurot ko, ito na lang ang ibibigay ko sa'yo na peace offering," sabi nito sabay turo sa tray na nakapatong sa lamesa. Magsasalita pa sana si Cyndie nang biglang dumapo ang dalawang kamay ng binatilyo sa magkabilang balikat niya at saka nito  "Kumain ka na. Alam mo, masarap magluto ang mama ko ng adobong manok. Pag' di mo yan kinain, sigurado akong pagsisihan mo na hindi mo natikman ang luto ng mama ko sa tanang buhay mo," pagmamayabang pa nito. Wala nang nagawa si Cyndie. Aarte pa ba siya eh kung saan kumakalam na ang sikmura niya?  Habang kumakain, hindi niya mapigilan na hindi makaramdam ng pagkailang. Paano ba naman ay halos hindi na kumukurap ang binatilyo sa pagtitig sa kanya. Napaangat siya nga mukha nang  hindi na matiis ang ginagawa ng lalaki. "Pwede bang kumurap ka naman kahit ilang beses lang? Baka ka kasi matuluyan sa ginagawa mo eh," suhestiyon nito sa kaharap. Kumurap nga ito ng isang beses. "Ayan, kumurap na  ako." Nakita ng binatilyo kung paano pinilit ng batang babae na ipakita ang pagkainis nito sa kanya. Tumawa lang ito. "Sowrey ha. Ang sarap mo kasing panoorin habang kumakain ng specialty ng mama ko," sabi nito at nagpatuloy sa pagtawa. Biglang nakaramdam ng pag-iinit ng mukha si Cyndie. Ewan ba kung bakit ganon ang kanyang naramdaman. Siguro dahil sa nakaramdam siya ng hiya o pagkailang? Hindi na lamang niya ito pinansin pa at nagpatuloy na lamang sa pagkain. Tutal naman, aalis rin naman siya kaagad. "Ako nga pala si Theo. Ikaw, ano'ng pangalan mo?" Nabigla si Cyndie sa tanong ng binatilyo. Mukhang mabait naman ito pero hindi pa rin siya lubos na nagtitiwala dito. At isa pa, sabi ng mama niya huwag raw siya magtitiwala sa mga taong hindi niya kilala kahit mabait pa ang mga ito sa kanya. "Ah, hulaan ko na lang,"biglang bawi ni Theo. Nagkunwari itong na-iisip ng malalim para mahulaan ang pangalan ng batang babbe. Bigla itong napatingala sa hangin sabay ngiti. "Alam ko na. Siguro Melody ang pangalan mo, ano?" tanong nito sa kanya. Saktong tapos ng kumain si Cyndie nang sabihin ni Theo ang pangalan na hula niya.  "Alis na ako. Maraming salamat sa pagkain," sabi niya saka tumayo. "Aalis ka na? Akala ko ba hihintayin mo dito 'yung Tita mo?"  Napako si Cyndie sa kinatatayuan niya. Oo nga pala. Sinabi nga pala niya na hinihintay niya lang ang kanyang Tita kaya siya nandito. "H-hindi na. Sabi niya kasi sa akin, pag' natagalan siyang bumalik umuwi na lang ako sa bahay ng diretso," pagpapalusot niya. Akala niya, makakalusot na siya dahil sa sinabi niya pero laking gulat niya na naningkit ang mga mata ng lalaki at tila may itsura ito ng pagdududa. "Meron ba nun? Sa liit mong iyan, hahayaan ka lang ng Tita mo na umuwi ng mag-isa? Eh maggagabi na," may himig ng pakunwaring pagdududa ang boses nito habang tinitingnan sa mata ang batang babae. Nalagot na! Mukhang alam na ng lalaking ito ang tunay niyang sitwasyon. Akmang tatalikod sana siya nang marinig niya itong nagsalita ulit. "Lumayas ka siguro sa inyo. Ay mali, hindi pala. Naglayas ka nga talaga," deklara ng lalaki. "Paano mo naman nasabi?" "Simple lang. Unang kita ko pa lang sa'yo simula nung pumasok ka, iba na ang awra mo. Tapos gutom na gutom ka. At ayaw mong sabihin ang pangalan mo," sunod-sunod na paliwanag ni Theo. Hindi alam  ni Cyndie ang sasabihin. Hindi na niya maitatanggi ang mga sinabi ni Theo dahil tama nga naman ito. Hindi man ito tama sa paghula ng pangalan niya, eh agad naman nitong nahulaan ang pagtakas niya. "Saan mo balak pumunta ngayon?" pukaw na tanong nito sa kanya.  "Ah eh...babalikan ko sana 'yung tindahan na tinitirhan namin ng mama ko."  Wala nang nagawa si Cyndie kundi ang bumigay. At tama, babalik siya sa tindahan nila. Magbabaka-sakali siya na baka nandoon na ang mama niya. Tumayo na rin si Theo at nagpresenta na sasamahan niya si Cyndie na pumunta sa tindahan na sinasabi nito. Habang naglalakad sila... "Hindi ka ba magtatanong kung bakit ako tumakas? O naguguluhan man lang kung bakit ako pupunta sa tindahan namin ni mama eh naglayas nga ako?" nagtatakang tanong ni Cyndie. "Para sa ano pa? Para pagalitan ka? Sasabihin na mali 'yang ginawa mo? Para makonsensya ka? Naku wag na," nakangiting sagot nito. "Mas importante na sinasamahan kita ngayon pabalik sa mama mo. Ibig sabihin lang nun, magiging ligtas ka na," dugtong pa nito. "Huh? Ligtas sa ano?" "Syempre sa mga masasamang loob. Sa mga lasenggo sa daan at saka sa mga adik. Ano ka ba, naglayas ka na hindi mo man lang inisip na mapapahamak ka?" Hindi na mahiya ay nagawa pang ngumisi ni Cyndie sa sinabi ni Theo. "Cyndie," mahinang sambit ni Cyndie. "Huh? Anong sabi mo?" tanong ni Theo. Halos bulong sa hangin ang tinig ng batang babae. "Sabi ko, Cyndie ang pangalan ko hindi Melody." Nilakasan niya ang boses niya. "Ah. Cyndie pala. Ang ganda naman ng pangalan mo. Kaparehas ng pangalan mo yung paborito kong palabas sa TV," sabi nito saka napakamot ng ulo. "Ah! Cyndie ang Munting Prinsesa. Iyon yung paborito kong palabas ko," biglang sabi niya ng matandaan niya. Biglang tumawa ang batang Cyndie sa narinig. "Ano ka ba, Cedie and Munting Prinsipe iyon. At saka, si Sarah yung munting prinsesa," natatawang sabi ni Cyndie. Napatawa rin tuloy si Theo. Hindi niya akalain na bebenta ang joke na iyon sa batang babae. Pero bigla itong natahimik. "O ba't ka natahimik?" "Eh kasi, sa lahat ng sinabihan ko ng joke na ganyan, ikaw lang yung tumawa. Nakaka-proud lang." Muling napatawa si Cyndie dahil sa sinabi nito. Patuloy sila sa paglalakad nang biglang may nakita si Cyndie na isang grupo ng mga kalalakihan na tila may hinahanap. Pamilyar sa kanya ang mga mukha nito. Bigla niyang natandaan kung saan niya ito nakita. "Ayun yung batang babae!" sigaw ng lalaking may banda sa ulo sabay turo sa direksyon nina Cyndie. Pagkakita ay biglang silang tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Cyndie. "Cyndie, parang kilala ka ng mga lalaking iyon," sabi ni Theo sabay turo sa nagtatakbuhang lalaki patungo sa kanila. "Oo nga eh. Parang sila yung mga lalaking nagsusugal sa pasugalan ng Tita ko," sang-ayon ni Cyndie. "At sa tingin ko rin, kailangan na nating tumakbo," sabi ni Theo saka hinawakan ang kamay ni Cyndie at nagsimulang tumakbo. *** "Bilisan mo ang pagtakbo!" sigaw ni Theo sa batang kasama niya habang tinatahak nila ang magulong pamilihan sa bayan.   "Sandali lang kasi. Pagod na ako. Hindi na tayo siguro aabutan ng mga humahabol sa akin," hinihingal na sabi ng bata habang patuloy na tumatakbo.  Mukhang tama nga naman ito. Kanina pa sila tumatakbo papalayo sa mga taong iyon. Hindi naman siya ang pakay ng mga lalaki kundi ang batang babae na kasama niya.   Huminto sila sa pagtakbo at napaupo sa gutter sa gilid ng kalsada. Kapwa hinihingal ang dalawa.   "Nauuhaw ako," sabi ng batang babae sa kanya. Dumukot siya ng ilang barya mula sa kanyang bulsa saka tumayo.   "Diyan ka lang ha. Bibili lang ako ng tubig.' Wag kang aalis diyan. Babalikan kita," bilin nito sa bata at saka lumakad papunta sa malapit na tindahan. Palinga-linga naman ang batang babae sa paligid niya. Gusto niyang makasigurado na wala na talaga ang humahabol sa kanila.  Makalipas ang ilang minuto, nakita nito ang isang lalaki sa bandang dulo ng pamilihan na tinuturo siya habang may kausap na isang grupo ng mga kalalakihan. Nang makita siya ay agad silang nagsitakbuhan papunta sa kanya. Agad niya itong namukhaan kaya bigla siyang napatayo at nilibot ang paningin para hanapin ang kasama niya.   "Andito na sila! Tumakbo na tayo," takot at nagmamadaling sabi niya sa kasama nang makita itong lumalakad palapit sa kanya.   Nang makita ni Theo na totoo ngang malapit na sila ay tumakbo na rin ito. Hindi na nag-isip ang batang babae kung saan sila pupunta. Bigla itong tumawid sa kalsada, patakbong sumusunod si Theo sa kanya.   Nasa gitna na siya ng kalsada nang may biglang humaharorot na sasakyan patungo sa kanya. Dahil sa labis na takot, hindi nagawang kumilos ng batang babae.   "Tumakbo ka na, bilis!" sigaw na sabi ni Theo sa kasama sabay tulak sa kanya. Tatakbo na rin siya sana nang maabutan siya ng sasakyan.   Humagalpak ang katawan ni Theo sa lupa at tumama ang ulo nito sa isang bato.   Bago siya tuluyang mawalan ng ulirat ay nagawa pa niyang iunat ang kamay na parang humihingi ng tulong sa batang babae pero ilang sandali pa'y tuluyan na siya nawalan ng malay.   "Cyndie..." halos pabulong na sambit ni Theo. *** Nang makatawid sa kabila ay halos hindi makagalaw si Cyndie sa nakita niya. Nakahandusay ang katawan ng binatilyo sa gitna ng kalsada. Puno ito ng dugo. Kitang-kita niya pagsambit ni Theo sa pangalan niya na parang humihingi ng tulong. Gusto niya itong balikan. "Theo!" sigaw niya habang umiiyak. Nakakailang hakbang pa lamang siya nang may biglang humablot sa kanya. "T-tita?" gulat na sabi niya. "Letseng bata ka! Pinaggastos mo pa ako sa paghahanap sa'yo!" nanggagalaiti sa galit na sabi ni Luchie sa kanya. "Pero Tita, kailangan nating balikan ang kaibigan ko. Nasagasaan siya dahil sa akin," umiiyak na pakiusap niya. "Anong gusto mong gawin natin ha? Yung kotse ang nakabangga sa kaibigan mo. Labas ka na dun. Kaya umuwi na tayo," pangungumbinsi sa kanya ng Tiya habang pilit siyang hinahatak. Pilit siyang pumupumiglas sa kamay ng kanyang Tiya pero bigla na lamang siya napahinto nang may inibulong ang kanyang tiya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD