Episode 2

765 Words
“Talaga? What about me? What do you think about me.” Sambit nito,nanliit ang mga mata ko at bahagya pang ngumuso saka ineksamina ang kabuuan nya. “Hmm.. pwede na.” tugon ko, sabay tango. “What? Hindi mo ba alam na nagkakandarapa ang mga babae sa kagwapuhan ko? tapos sasabihin mong pwede na?!” Bulalas nito, natawa naman ako sa sinabi nya at saka umiling iling. Tama naman ang sinabi ni William, maraming nagkakagusto sa kanya sa campus at marami narin syang pinaiyak na mga babae. Sino ba naman ang makakatanggi sa karisma nya, makakapal na kilay, mapupungay na mata, matangos na ilong, mapupulang labi at perfect jaw line, samahan mo pa ng pagiging pasyonista nya, he do modelling, kahit ang mga product ng company nila ay sya ang modelo. Maya maya lang ay dumating na ang pagkain namin.  “Okay Mr. pogi, kumain na tayo kasi mukhang gutom kana.” Sambit ko, ngumuso naman sya saka kinuha ang kutsara at tinidor, muli akong lumingon sa pwesto nung masungit na lalaki, halos mapaawang pa ang labi ko nang makita kong nakatingin sya sa pwesto namin, hindi ko alam pero pilit na ngiti ang binitawan ko. pero hindi sya tumugon at iniwas ang tingin sa amin, pinagsawalang bahala ko nalang iyon at kumain nalang.   Henry. I’m studying Business, but I want to take literature. I don’t want this, it’s all my dad’s idea, ang magaral ako dito, at ipagpatuloy ang negosyo ng pamilya Carson. But I want to travel, I want to see the world, ayokong nastock lang sa kumpanya nya at pumirma ng mga papeles. I want to be freed from my family but I don’t know how. “Henry, sabihin mo nga sakin may binasted ka nanaman bang babae?” Sambit ni Rey na noon ay nakatingin sa may likuran ko, lumingon ako para tingnan kung ano yung tinitingnan nya. Ah! yung maingay na babae sa klase ni Mr. Cowell. “Shut up, Rey. Kumain ka nalang.” Saka binalik ang atensyon sa pagkain. “She’s beautiful, akin nalang sya kung ayaw mo.” Sambit pa nito, kumunot ang noo ko saka ito binatukan. “Stop being ridiculous.” Seryoso kong sambit, tumango naman sya saka kumain muli. “Okay.” Tinginan ko ang maingay na babae na umupo sa di kalayuan may kasama syang lalaki, it that her boyfriend? Tss. Pareho nyang maingay.   Felicia. Pumunta ako sa literature room kung nasaan ang mga poems at ilang literature piece na ginawa ng mga studyante, para syang libriary pero for literature students lang. Hindi pa man ako nakakalapit sa pintuan ay may naririnig akong boses, isang boses ng lalaki na tila ba nagbabasa ng tula, lumapit pa ako ng bahagya para marinig ng malinaw ang boses ng lalaki at dahan dahang binuksan ang pinto. Pumasok ako at dahan dahang naglakad sa gilid ng malalaking shelf at pinapakinggan ang boses ng lalaki. Where we don’t have a choice but to leave we can may once again arrive, from the skies view  what it means to be alive? If there is beauty in returning,  Wonderful and strange, To see that everything is different But know that it’s only you that never changed. Natulala ako sa ganda ng imahe na nabungaran ko sa dulo ng shelf, isang perpektong imahe ng isang lalaki na hawak ang libro habang nakatapat sa bintana, ang kanyang magandang muka ay lalong tumingkad dahil sa sikat ng araw na tumatama sa kanya habang binibigkas ang mga kataga ng tula na kanyang binabasa. Am I imagining someone? Ngayon lang ako nakarinig sa personal ng ganun kaperpektong magbasa ng tula, nakaawang pa ang labi ko at nakatulala parin sa kanya nang binaba nya ang libro at tiningnan ako, seryoso ang mukha nito ngunit nakakahalina ang mga titig nito. “Who are you.” Bumalik ako sa katinuan at tumayo ng maayos nang magsalita ito. “Um, hi.” Nakangiti kong sambit, seryoso parin ang mukha nya nang binalik nya sa shelf yung libro at kinuha ang coat nya saka naglakad sa gilid ko para lumabas na. nang madaanan nya ako ay lalo kong napagmasdan ang mukha nya at naalala ang masungit na lalaki sa klase ni Mr. Cowell! Agad akong tumalikod at hinabol ito. Hindi ko alam kung bakit, “Sandali!” Humarang ako sa dinadaanan nya at sya namang paghinto nito, tiningnan nya lang ako at hindi nagsalita. “Hindi mo ba ako naaalala? Ako yung kaklase mo kay  Mr. Cowell.” Sambit ko, habang nakangiti dito. Tiningnan nya lang ako at saka muling naglakad. “I was just wondering hindi ka naniniwala sa true love and eternity, pero mahilig ka sa literature.” Sambit ko, napahinto sya sa paglalakad, at lumingon sa akin. “It’s none of your business.”  Malamig na sambit nito. Napaawang ang labi ko at pinagkrus ang braso sa dibdib ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD