“Tss. Arogante.”
Sambit ko, nanlaki ang mga mata ko nang mabilis syang humakbang papalapit sa akin at napasandal na ako sa pader dahil sa sobrang lapit nito, dahil matangkad sya ay nakatingala ako sa kanya habang nakatingin sa mukha nya na wala paring emosyon, yumuko sya at tumapat sa muka ko.
“What did you say?”
Baritonong boses nito habang titig na titig sa mga mata ko, bumilis ang t***k ng puso ko na ngayon ko lang naramdaman, sobrang bilis. Napakurap ako dahil hindi ko malabanan ang paninitig nito sa akin, parang may kung ano akong naramdaman at biglang naghihina ang tuhod ko sa kaba.
Nakaramdam ako ng malamig na hangin na parang bumuga sa buong katawan ko. Gusto ko man syang itulak pero hindi ko magawa para akong naistatwa, bakit? Hindi ko alam kung bakit!
Umayos sya ng tindig saka sarkastikong ngumisi.
“I’m not interested to you miss, leave me alone.”
Sambit nito saka naglakad palayo. Napaawang ang labi ko at kumunot ang noo sa huling sinabi nito,nakaramdam ako ng inis
Henry.
I like to write poems, karamihan sa mga naisulat kong tula ay binibigay ko sa literature department at nilalagay ko sa ibang pangalan. My dad hates it, he hates when I write, he just want me to focus on his business.
I stop reading when I saw someone standing in front of me, yung maingay na babae sa klase ni Mr. Cowell. Bakit sya nandito? Sinabihan ko ang management ng school na walang pwedeng pumasok dito ng ganitong oras ha, dahil ito ang oras ko para magbasa ng literature, bakit ba kung nasaan ako nandun din ‘tong babaeng ‘to? Sinusundan nya ba ako?
I feel annoyed I can’t focus on writing, nakailang lukot na ako ng papel at nagkalat sa buong kwarto ko. hinubad ko ang salamin ko at saka tumayo at lumapit sa bintana habang nakatingin sa langit.
If heaven and eternity is true, why we need to live in this cruel world and not just stayed in that paradise for the rest of our life? Why we need to feel the pain and sorrow of life?
Felicia.
It’s weekend, nagdecide kaming kumain ni William sa paborito naming pinoy restaurant dito sa states. Nakapasok na ako sa pinto ng restaurant nang biglang magring ang phone ko. si William, agad kong sinagot ito.
“Hello? Nasaan kana? Nandito na ako sa restaurant.” Sambit ko.
*I’m sorry Icia, may kailangan akong asikasuhin baka hindi na ako makapunta. Kumain ka nalang dyan, magingat ka paguwe okay?*
Sambit nito sa kabilang telepono, napaawang ang labi ko at medyo napalakas pa ang boses ko.
“What?! Hello!? Willi...” Naputol ang pagsasalita ko nang mapatingin ako sa lalaking nakaupo sa di kalayuan habang nakatingin sa akin, binaba ko ang phone saka umayos ng tindig, alam kong dapat na akong umalis at marami ring kumakain sa restaurant na halos mapuno na ang mga upuan, kaya umatras ako at bubuksan na sana ang pinto nang tawagin ako ng may ari ng restaurant.
“Ija! Halika pasok ka, bakit nandyan ka pa sa pinto humanap kana ng upuan mo.”
Nakangiting sambit sa akin ng isang matabang babae. Matagal na kaming kumakain ni William sa restaurant na iyon kaya kahit papaano ay kilala na kami ng may ari, pinoy ang may ari ng restaurant na nakapangasawa ng amerikano.
“Hindi na po, mukhang wala naman na pong mauupuan,babalik nalang ako mamaya.” Sambit ko, pero hinawakan ako ng babae sa balikat saka lumingat sa paligid at nang makita nya ang bakanteng upuan sa may pwesto nung masungit na lalaki ay inalalayan nya ako para makaupo, mapait na ngiti ang naibigay ko rito,habang wala naman syang reaksyon at nakakrus lang ang braso sa dibdib.
“Dito kana maupo, ok lang naman diba?” Sabay tingin sa lalaking masungit, hindi ito kumibo at pinaupo na ako ng babae sa upuan saka umalis, wala na akong nagawa kaya umupo nalang ako. Napansin ko ang kinakain nito, paborito ko yon, adobo with rice! Hindi ko alam kung ilang Segundo ba akong nakatitig don sa kinakain nya nang bigla syang sumigaw sa mayari.
“One order of adobo please!” Sigaw ng lalaking masungit, tumugon naman ang may ari. “Okay, just a minute.”
Tumingin ako sa kanya habang nakakunot ang noo. “I never said that I like that.” Sambit ko habang nakatingin sa kanya.
“It’s for me.” Saka kinuha ang kutsara at tinidor nya,tiningnan ko nalang ito ng masama at nang itataas ko na sana ang kamay ko at oorder na ay bigla syang nagsalita.
“Just kidding it’s for you.” Sambit nito habang nakatingin sa pagkain nya at seryoso ang mukha. Napaawang ang labi ko at muli syang tiningnan ng matalim.
“Thank you.”
Sambit ko ng ilapag na sa harap ko ang adobong manok na may kanin, agad akong nakaramdam ng gutom at tinikman iyon, wala na akong pakealam sa lalaking nasa tapat ko pero ramdam ko ang paninitig nito sa akin.
Nailuwa ang pagkain ko dahil sa pagkapaso ng dila ko, hinawakan ko ang bibig ko na napaso at laking gulat ko ng abutan nya ako ng tubig, umayos ako ng pagkakaupo at umubo saka kinuha ang baso at uminom.
“How did you know this place?” Tanong ko rito ng hindi sya tinitingnan, huminto sya sa pagkain saka sumagot.
“There’s no Filipino in States who doesn’t know about this place.” Baritonong sambit nito. Tumango naman ako, sangayon ako sa sinabi nya, bukod sa ito ang pinakamasarap na Filipino restaurant sa buong states ay mura pa at mabait ang may-ari. Muli akong nagpatuloy sa pagkain, maya maya pa at tumayo na sya at kinuha ang coat nya saka nagiwan ng pera sa lamesa.
“Enjoy your meal then.” Sambit pa nito habang naglalakad papunta sana sa pinto. Di pa sya nakakalayo ay hinawakan ko ang braso nito at halos mabulunan pa ako sa pagsasalita dahil punong puno ang bibig ko ng pagkain.
“Wait lang, may sabihin pa ako sayo.” Sambit ko habang may laman pa ang bibig ko.
Huminto naman sya sa paglalakad at nakatingin lang sa akin.
Pumunta kami sa isang café at umorder ako ng fruit shake. Habang pinaglalaruan ko ang straw ay nagsalita sya.
“What is it that you want to say?” Baritonong boses nito habang nakatingin sa akin,
“How could you do this to me? From the moment we first met you’ve been belittling me, isa pa wala akong gusto sayo. Mr.” Sambit ko habang nakataas ang kilay.
“That’s not true.” Baritonong sambit parin nito.
“Then why are you treating me like that? Hindi ko kasalanan kung nasaan ako nandon Karin.” Tugon ko, he smirked. “You drag me here just to say that?” sarkastikong sambit nito.
“No, I drag you here because I’m curious about you.” Sambit ko saka pinatong ang siko sa lamesa. He tilted his head and smirked again. “What? Ms. Are you saying that you like me?” Tugon nito.