Episode 4

794 Words
Napaawang ang labi ko at agad na sumagot. “No! how could you say that, wala akong gusto sayo. I feel like you’re into literature, narinig kitang tumula. Taga literature department ka rin ba?” Sambit ko. “No.” Maiksing tugon nito. Tumango ako, Ah hindi sya literature major.. “If you have nothing else to say, then I will leave.” Sambit nito, sabay kuha sa coat nya at tumayo. “Sandali lang!” Pigil ko dito. Nilahad ko ang kamay ko at inabot dito saka ngumiti. “I’m Felicia Delgado.” Pakilala ko rito, nakatingin lang sa akin ang lalaki. Tumaas ang dalawa kong kilay habang naghihintay ng sagot nya, akala ko ay tatalikuran nya nanaman ako kaya dahan dahan kong binaba ang kamay ko pero laking gulat ko nang bigla nyang hinawakan ito at baritonong nagsalita. “Henry Carson.” Maiksing sambit nito, lumuwag ang ngiti ko, agad din naman nyang binitawan ang kamay ko saka lumabas na ng café. “Nice to meet you Henry!” Pahabol ko pa rito. Bumilis ang t***k ng puso ko at hinawakan ko ang kamay ko na nahawakan nya, atleast he’s not that bad.     Nakapangalumbaba ako habang nakatingin sa notes ko, malapit na ang exam namin pero hindi ko pa nakakabisado tong tula na irerecite naming isa  isa. Napatingin ako sa lalaki na tumapik sa akin at umupo sa tabi ko. “Malas yan, bakit ang aga-aga nakapangalumbaba ka dyan?” Sambit ni William habang nakatingin sa akin. “Anong gagawin ko? William, baka bumagsak ako nito sa exam!” Sambit ko.  “Ano ba yan? Baka pwede kitang tulungan.” Tugon nito sabay hablot sa notes ko, nangunot ang noo nito at parang hindi nya maintindihan ang mga nakasulat. “Akin na nga yan, thank you nalang alam ko namang hindi mo naman alam yan, Mr. Architect.” Sambit ko dito, bumuntong hininga nalang ako at muling tinungkod ang kamay sa baba ko. saka ako may naalala, si Mr. Sungit! Ay si Kenneth! Sigurado akong matutulungan nya ako, pero ilang linggo ko na syang hindi nakikita, hindi ko narin sya nakikitang pumasok sa klase ni Mr. Cowell. Muli akong bumuntong hininga, sigurado akong di naman ako papansinin non.     Habang naglalakad ako sa campus, nakita ko yung lalaking kasama ni Mr. Sungit sa Italian restaurant, may mga kasama sya siguro ay mga kaibigan nya, nilapitan ko sya at naglakas loob na kausapin ito. “Hi.” Sambit ko, kumunot pa ang noo nito at naliit ang mga mata nang makita ako, marahil ay kinikilala nya kung sino ako. “Hey, Um, you are?” Tugon nito, ngumiti ako at nakipagkamay. “I’m Felicia Delgado.” Nakangiti kong sambit. “I’m Rey Chan, well what can I do for you Ms. Felicia?” Sambit nito. “Gusto ko lang malaman kung nasaan si Henry? Ilang linggo ko na kasi syang hindi nakikita dito sa school.” Sambit ko, muli nya akong tiningnan at binigay ang isang address. “You can find him here.” Tugon nito, nginitian ko sya saka inabot ang calling card na binigay niya. “Don’t worry about him he will be back kapag natauhan na sya ulit.” Dutong nito, kumunot ang noo ko at muling nagtanong. “Bakit?may sakit ba sya?” Sambit ko. pero nginitian lang ako nito.  “I have to go.” Sambit pa nito saka bago umalis. “Thank you.” Pahabol ko saka nagpaalam na rito.   After my class, agad akong nagdrive papunta sa address na binigay nito, it was a small studio type apartment, kumunot pa ang noo ko at muling tiningnan ang address na nakasulat sa calling card saka muling binaling ang tingin sa pinto, sigurado ba yung Rey na dito nakatira si Henry? Akala ko mayaman sya, iba talaga ang dating kapag gwapo nagmumukhang mayaman. Umiling ako at agad na nagdoor bell, maya maya lang ay bumukas na rin ang pinto. Bumungad sa akin ang napakagwapong mukha ni Henry Carson. Sandali syang tumingin sa akin at hindi nagsalita, bumaba ang tingin nya sa dala kong paper bag. Ngumiti ako saka inangat ang paper bag na hawak ko bago nagsalita. “Adobo with rice.” Sambit ko, hindi sya umimik bagamat binuksan nya lalo ang pinto saka ako pinapasok. “Come in.” Sambit nito. “Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?” Tanong nito habang nakaupo ako sa sala, maliit lang ang sala nya at sa kabilang dulo ay may higaan at side table, meron din syang desk kung saan nakalagay ang mga libro nya, nagkalat din ang ilang papel sa ibabaw nito, may mga libro rin sa sahig na nakasalansan. “Binigay ni Rey yung address mo, dito daw kita makikita.” Sambit ko. “Why are you here? Why do you want to see me?” Magkasunod na tanong nito, napadiretso ako ng upo sa tono ng boses nya, dominating. Masungit nanaman yata sya. “Ilang linggo kasi kitang hindi nakikita sa school, at hindi pumapasok sa klase ni Mr. Cowell, and he even ask kung nasaan ka. that’s why I’m here.” Sambit ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD