CHAPTER 12 - HIS NURSE

3492 Words
CHAPTER 12 HIS NURSE ?‍⚕️ HABANG nakikipag-usap ang parents ni Diesel sa doctor ay lumapit si Akina sa silya na malapit sa kinahihigaan ng wala pa ring malay na si Diesel. Nai-kwento sa kanya ng Mommy nito na takot pala ito sa dugo, kaya 'wag na raw magtaka kung bakit nahimatay ito ng makakita ng dugo. Napailing siya at napangiti habang tinitignan niya ito na parang batang matulog. Hindi niya akalain na ang lakas nitong mam-bully sa school pero dugo lang pala ang katapat nito. Saka ngayon niya lang nakita kung paano ito mahiga. May yakap-yakap na unan habang nakabuluktot na parang nasa bahay lang. May napansin siya sa pilik-mata nito kaya inusog niya ang upuan at nilapit niya ang mukha rito para makita ang nahulog na pilik-mata nito. Kukunin palang niya sana ng may nag-flash na camera kaya napalingon siya at nakita niya ang Mommy ni Diesel na nakangiti. "Souvenir lang. Tiyak na matutuwa ang anak ko." sabi niya kaya napabuntong-hininga siya dahil grabe talaga trip ng mag-anak na ito. Tumingin siya kay Diesel at nakita niya na dumilat na ito at napatingin sa kanya. Nang ma-realize nito siguro na siya ang nakikita nito ay nabigla ito at napalayo ng mukha habang hindi makapaniwala na napaturo sa kanya. "N-Nandito ka?" nauutal nitong tanong kaya inismiran niya ito at tumayo na siya dahil tila ayos na ito. Humarap siya sa parents nito na kitang kita ang ka-sweet-han habang tinitignan ang larawan nila ni Diesel. "Uuwi na ho ako, Ma'am and Sir." pukaw niya sa mga ito kaya napatingin ang Mommy nito sa kanya at maging kay Diesel. "Huh? Uuwi ka na? Pero paano ang anak ko? Walang magbabantay sa kanya." sabi nito na kinakunot ng noo niya. "Ho? 'Di ba kayo po ang magbabantay sa kanya?" naguguluhang tanong niya. Napalungkot ang reaksyon ng mukha ng Mommy ni Diesel habang ang Daddy nito ay napapailing. "Kasi, hija, may flight kami ni Mister ko. Hindi naman namin pwedeng iwanan ang baby boy ko." sabi nito na nagmamakaawa at lumapit sa kanya. Humawak ito sa mga kamay niya at tumingin sa kanya na nagmamakaawa, "Hija, pwede bang bantayan mo muna ang baby boy namin. Ikaw muna ang bahala sa kanya." sabi nito na kinalaki ng mata niya at napailing siya pero... "Baby boy, ayaw ka man namin iwan pero siya muna ang mag-aalaga sa iyo. Pagkabait ka anak para naman sagutin ka na.. " Sabi nito na halos ibulong ang huli kaya hindi niya narinig. "Pero po, Ma'am, Sir.." pigil niya sa mga ito pero kumindat lang ito na hindi niya alam kung sa kanya o kay Diesel, kaya bumaling siya kay Diesel na nahuli niya ito na pa-ngiti-ngiti habang nakikipagkindatan sa Mommy nito, ngunit nang mapansin siya nito na nakatingin ay dumaing ito at napahiga. Lumabas na ang parents nito kaya marahas siyang napabuga ng hangin at pagalit na inayos ang silya bago siya naupo habang nakahalukipkip ang mga braso niya sa dibdib niya. "Hey, gutom na ako." ungot nito pero hindi niya ito pinansin at pumikit lang siya, "Tsk. Ganito pala ang mapapala ko sa pagligtas sa buhay ng isa d'yan. Wala man lang 'thank you kiss' o di kaya ay pakainin ako." bulong-bulong nito kaya dumilat siya at tumingin rito na nakanguso habang nakatingin sa kisame. Tumayo siya at naglahad ng kamay na kinatingin nito. Nagtataka na napatingin ito sa kanya at pagkaraan ay naupo ito bago inabot ang kamay niya na kinaasik niya. Hinawi niya ang kamay nito at naglahad muli siya ng isang kamay. "Pera. Ibibili kita ng pagkain mo ng matahimik ka lang." mariin niyang sabi kaya nahiga muli ito. "Wala akong perang dala dahil naiwan ko sa school ang bag ko. Saka lalabas ka? Mamaya ay iwan mo lang ako at takasan mo ang responsibilidad mo sa akin." sabi nito na kinamaang niya. "Psh! Paano ka kakainin kung wala kang pera? Tapos ayaw mo pa akong palabasin. At para sabihin ko sa iyo hindi kita responsibilidad porket niligtas mo ako." iritang tugon niya. "Wow! Hindi mo ako responsibilidad? Ang makasama ako sa aksidente at ilagtas ka ay isang karangalan, alam mo ba 'yon? Responsibilidad mo ako dahil niligtas kita. Sige nga, kung hindi kita niligtas ngayon, nasaan ka? Kaya dapat mong gawin ay alagaan ako. Malay mo sagutin na kita." mayabang nitong sabi na hindi niya mapaniwalaan.. "Wow! Ang lakas ng hangin mo sa utak. Hindi ako nanliligaw sa iyo kaya pwede ba tigilan mo na ang kakasabi na nililigawan kita. At kung katulad mo lang din ang tinutukoy mong karangalan ay ayoko ng magkaroon ng karangalan. Hindi ka santo para sambahin." sabi niya rito. "Yes, I'm not saint but I am ford. And ford will never give up to what we want. So, don't expect me to give you up easily, Jhaycee." seryosong sabi nito kaya napairap siya dahil ayaw niya sa mga sinasabi nito. "Tsk. Makabili na nga lang ng makakain mo. Gutom lang 'yan." sabi niya rito at humakbang na palabas. Paglabas niya ng pinto ng room ay siyang dating ng bangtan na napahinto ng makita siya. "Kumusta si Diesel?" tanong ni Jin. "Ayun, buhay pa at malakas ang sapak sa utak." sabi niya sa mga ito at nakiraan siya para makaalis. Napatingin siya kay Jack ng mahuli ito at humarang sa dinaraanan niya. "Can we talk?" Tinignan niya ito at nakita niya na seryoso lamang ito at malayo kay Diesel na puro kapilyuhan ang hilatsa ng mukha. Tumango siya at naunang maglakad at ramdam niya ang pagsunod nito. Sa hagdan sa fire exit sila nagtungo. Tinukod niya ang braso sa bakal na harang na pinaka-pader. Napatingin siya sa baba kung saan ang mismong parking lot. "Anong sasabihin mo?" tanong niya rito habang nakatalikod rito. "Nagtataka lang ako kung bakit nawawala ang princess ng japan." sabi nito na kinatulos niya at natigil siya sa pagtingin sa mga kotse sa parking lot. Umayos siya ng tayo at humarap rito. Nakita niya na nakasandal ito sa pader habang may hawak na kwintas na pamilyar sa kanya. "Pakialam ko sa sinasabi mong prinsesa." sabi niya habang nakatingin siya sa kwintas na hindi siya maaaring magkamali. Ang kwintas niya na pina-auction niya para mai-donate sa bahay ampunan sa japan ang halaga no'n. Natawa si Jack at tumingin sa kanya bago iangat ang kwintas. "Are you familiar with this necklace?" tanong nito kaya umiwas siya ng tingin at humakbang sana para umalis na, "Akina kobayashi, right?" tanong nito kaya tumingin siya rito ng seryoso. "Hindi ko kilala ang sinasabi mo. Oo, akina ang second name ko ngunit hindi kobayashi ang last name ko. Kaya baka nagkakamali ka lang ng akala." sabi niya rito at tuluyan na siyang humakbang para umalis at iniwan na ito. Pagdating sa hallway ng hospital ay napabagal ang lakad niya at napahinto bago napapikit. 'Lumiliit na ang mundo ko.. Tila saglit na panahon na lang at tiyak na matatagpuan na ako ni Daddy.' aniya sa isip niya at napabuga ng hangin bago dumilat at dumeretso na ng lakad. - "YOW, Bro!" Napabaling ng tingin si Diesel sa pumasok na bangtan na kinangiti niya. "Buti dumalaw kayo." sabi niya sa mga ito at nakipagbanggan ng isang kamao. "Ano ba ang nangyari at na-hospital ka pa? Kasama mo pa si Jhaycee." tanong ni Jin na naupo sa dulo ng kama niya habang ang apat ay naupo sa sofa. Napangiti naman siya ng maalala ang lahat ng nangyari. Nakakahiya man na mahimatay sa harap nito pero nakakabakla man ay inaamin niya kinikilig siya ng maisip na babantayan siya nito at aalagaan. "Mahabang kwento at sa akin na lang 'yon." sabi niya rito habang may ngiting abot-tenga. "E, anong ngiti 'yan? May ginawa ka na naman kaya narito si Jhaycee, no? May gusto ka na ba talaga doon?" tanong ni Jin. Umayos siya ng upo at gamit ang isang braso ay pinatong niya sa ulo niya habang may ngiti siya sa labi. "Oo, I like her, Bro. Kaya walang sino man sa inyo ang aagaw sa akin sa kanya." pag-amin niya at binantaan ang mga ito. Pero binilang niya ang bangtan at napansin niya na wala si Jack, "Where's Jack?" tanong niya sa mga ito. "Kausap si Jhaycee. Ewan ko kung ano ang pag-uusapan nila pero mukhang seryoso dahil si Jack 'yon." sabi ni Benedict. Napaisip siya at napatingin sa pinto habang iniisip kung nasaan na ang mga ito at kung ano ang pinag-uusapan? "You know what, I heard may fiancé na si Jack." sabi ni Michael kaya napatingin sila rito. "Sino?" tanong ni Jin. "Hindi ko alam kung sino pero sinabi lang ni Dad 'yon. At tiyak daw na mas aangat sa industriya si Jack oras na mapangasawa ang sinasabi na fiancé nito." sabi ni Michael. "Buti sang-ayon si Jack doon?" tanong niya. "Oo naman. 'Yun ata 'yung sinasabi sa atin ni Jack na crush niya na nakita niya sa Japan. Ano nga ba ang name no'n?" tugon ni Michael habang iniisip ang pangalan nung crush ni Jack. Bigla ay parang may nagbara sa lalamunan niya. Parang ayaw nuya ang ideya na si Jack ang pakakasalan ng fiancé nito. Bago pa maisip nila ang pangalan ng crush ni Jack ay napatingin sila sa pinto ng bumukas 'yon at pumasok si Jack na malalim ang iniisip habang may hawak na kwintas na sinipat niya kung anong klaseng kwintas 'yon. "Oh, anong pinag-usapan n'yo ni Jhaycee?" tanong ni Sandro kaya napaasik siya sa isip dahil halata na may gusto ito sa Jhaycee niya. Sinabi na niya na kanya si Jhaycee pero tila mahirap pagsabihan ito. "Nothing." maikling sabi ni Jack at sumandal sa pader bago ibulsa ang kwintas. "Jack, don't you dare to have feelings for her. She's mine now." banta niya rito pero hindi naman siya pinansin nito dahil nagsuot ito ng head phone. Napailing siya dahil ang bastos talaga nito. Sabagay, ganyan na 'yan simula pa ng bata sila. "Oo nga pala, Sel, ano 'yung usap-usapan na hinalikan mo si Jhaycee?" tanong ni Michael na kinangiti niya. "Tsk. Ganyan ba talaga kabilis ang pakpak ng balita?" Tanong niya na kinahalakhak ni Michael. "Oo, Bro. Lalo na kung isang Ford ang headline." nakangisi nitong sabi. "Hindi ka ba titigil sa pangti-trip mo sa kanya, Sel?" tanong sa kanya ni Sandro. "Anong pinagsasabi mo? Hindi ko siya pinag-ti-trip-han dahil gusto ko siya, okay? Saka bakit ba nagagalit ka? Aminin mo nga, may gusto ka rin sa kanya, ano?" kompronta niya rito na kinatahimik nito. Natahimik sila ng bumukas ang pinto at pumasok doon si Jhaycee na may bitbit ng pagkain. Kaya napangiti siya at umayos ng upo. "Yow, Jhaycee!" bati ni Michael na tinanguan lang ni Jhaycee. "I help you." sabi ni Jack na himala at umimik na kinasalubong ng kilay niya lalo na ang pag-prisinta nito sa pagbuhat ng isang plastick. Naasar siya ng inabot 'yon ni Jhaycee. Tinignan nuya ito ng masama kaya nang mapatingin ang dalaga sa kanya ay nagtaka pa ito sa reaksyon niya. "Kumain ka na. Marami ka naman palang bantay. Siguro ay pwede na akong umuwi." sabi nito na kinabahala niya. "Hindi. Aalis din sila kaya ikaw talaga ang magbabantay sa akin. Saka hindi mo pa nga ako inaalagaan, sino ang magsusubo sa akin? Hindi ko pa maigalaw ang kanang kamay ko dahil may sugat?" apela niya rito. "Psh. Hindi mo ba kayang subuan ang sarili mo? Saka ayan, anim pa ang kaibigan mo na maaaring magsubo sa iyo. Saka hindi na kita kailangan na alagaan dahil tila magaling ka na naman." sabi nito ngunit inilingan niya. "Bahala ka. Hindi ako kakain 'pag hindi ikaw ang magsusubo sa akin. Tsk. Matapos ng lahat ay wala ka man lang concern sa akin." nagtatampo niyang sabi rito. Napakamot ito sa kilay kaya lihim siyang napangiti dahil tiyak na bibigay na ito. "Don't act like a child, Sel. She said that she don't want to feed you. So don't forced her to do what you want." sabi sa kanya ni Jack na kinasalubong ng kilay niya at kinainis niya rito. "Ano bang pakialam mo kung gusto ko na pakain niya ako? At kailan ka pa naging concern sa kanya?" mariin niyang tanong rito habang nakikipagtagisan ng tingin rito. "Enough, Guys. Magkakagalit pa ba kayo ng dahil kay Jhaycee? Ano bang nangyayari sa inyo?" pag-aawat ni Jin sa kanila kaya umiwas siya ng tingin at napatingin kay Jhaycee na nakatingin sa kanya. "Tsk." asik ni Jack kaya napatingin siya rito na umalis sa pagkakasandal sa pader at piniling lumabas na lang. "Hay naku! Love sucks." komento ni Michael at tumayo rin para lumabas. "What? Aalis agad? Hindi ko pa natitikman ang pagkain ni Ronron." sabi ni Raphael na hinatak ni Benedict patayo habang nakasakal sa leeg nito. "Puro ka pagkain, Raphy. Kaya wala ka pang girlfriend. 'Pag tumaba ka, magsisisi ka." sabi ni Benedict kay Raphael bago lumabas ang mga ito. "Sel, paggaling ka na lang. Saka magpasaksak ka pa ng anestisya, baka kulang ka no'n." nakangising sabi ni Jin kaya inismiran niya ito dahil nanunukso pa. Lumabas na rin ito kaya si Sandro na lang ang naiwan at sila ni Jhaycee. "Paggaling ka, Sel. Jhaycee, kita na lang muli sa campus." sabi ni Sandro at napamaang siya ng guluhin nito ang buhok ni Jhaycee. Kaya nang sila na lang ang naiwan ni Jhaycee ay nagdadabog siyang naupo ng maayos. "Ano 'yun? Bakit ka nagpapahawak kay Sandro, ha?" inis niyang tanong rito. "Ano bang pinagsasabi mo? Ano naman sa iyo kung guluhin niya ang buhok ko?" tugon nito na kinainis niya. "Ano sa akin kung guluhin niya ang buhok mo, ha?!" pag-uulit niya sa tanong nito kaya tumingin ito sa kanya ng blanko. "Oo." Walang gana nitong tugon kaya napatiim-bagang siya. "Pwes, dahil nagseselos ako! Dapat hindi ka nagpapahawak sa kanya dahil nagseselos ako! Ako lang dapat." sabi niya rito sa naiinis niyang tono. Hindi makapaniwala na napatingin si Jhaycee kay Diesel dahil sa sinabi nito. Pagkaraan nang mag-sink-in sa isip niya ang sinabi nito ay natawa siya at napailing. "Alam mo, gutom lang 'yan. Heto ang adobo, kainin mo." sabi niya rito at nilapag ang tray sa harap nito. "Hindi lang ako gutom. Sige, para hindi mo na ako ligawan, sinasagot na kita. Kaya girlfriend na kita. Kaya ayoko na malalaman na pagtataksilan mo ako." sabi nito na ayaw magpaawat na kinahinga niya ng malalim habang hindi makapaniwalang nakatingin rito. "Ewan ko kung na-umpog ba ang ulo mo at lalong naalog ang utak mo. Hindi ka ba kinikilabutan sa sinasabi mo?" sabi niya rito. "Hindi naalog ang utak ko. At lalong hindi ako kinikilabutan, Jhaycee. Hindi ko lang maamin sa iyo nung una pero habang tumatagal ay nagkakagusto na ako sa iyo. Ang babaeng tulad mo ang nakakuha ng atensyon ko." sabi nito. "Aist! Bahala ka sa buhay mo." asar na sabi niya rito at hindi na pinansin ang pinagsasabi nito. "Bahala talaga ako. Kaya boyfriend muna ako. At bilang boyfriend mo ay pa-kiss ako." sabi nito at ngumuso kaya kinutongan niya ito sa ulo na kinadaing nito. "Kumain ka na nga. Ikiskis ko pa ang nguso mo sa pader." sabi niya rito na kinanguso nito. "Subuan mo ako, girlfriend ko." sabi nito at nag-puppy eyes pa na kinailing niya at talagang pinanganak itong sisirain ang araw niya. "Ano bang pinaglihi sa iyo ng Mommy mo at ganyan ka?" tanong niya rito at naupo sa harap nito at kinuha ang kutsara nito. "Hmmm.." nag-isip pa ito bago napangiti, "Pinaglihi ako sa ipis. Cute daw ako sabi ni Mommy." sabi nito. "Ipis?" natawa niyang pag-uulit na kinatango nito. Napahalakhak siya at mahinang sinampal ang pisngi nito na kinataka pa nito kaya lalo siyang napahalakhak, "Uto-uto ka pala. Ipaglilihi ka na lang sa ipis pa? At for your information, hindi ka cute." sabi niya rito. "Tsk. Okay, I'm not cute, but I'm handsome." sabi nito kaya napailing na lang siya at agad na sinalpak sa bibig nito ang kutsara na may lamang pagkain. Nginuya naman nito 'yon at agad na nilunok na kinailing niya. "Jhaycee, dadalaw ako sa bahay n'yo. Ano bang address n'yo?" Tanong nito. "'Wag na. At kahit kulitin mo pa ako ay hindi ko ibibigay. Tantanan muna ako pagkatapos nito. Dahil wala kang mapapala sa akin." sabi niya rito at binaba niya ang plato nito sa tray. "Bakit ba ayaw mong maniwala? Gusto nga kita. Oo, madalas akong magloko pero seryoso ako sa sinasabi ko sa iyo. I like you as a girl. And I'll promise to you that I'll behave and be a good boyfriend to you." sabi nito. "Gasolina, hindi mo alam ang sinasabi mo. Hindi mo pa nga ako kilala masyado, tapos gusto na agad? At hindi pa ako uma-aggree sinasabi mo na boyfriend kita, kaya 'wag kang feeling." sabi niya rito at tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama ngunit pinigil siya nito sa braso kaya napatingin siya rito. "Whether you like it or not, I'm your boyfriend now. Gusto kita, Akina, gustong gusto." seryosong sabi nito na kinamaang niya dahil parang napukaw siya nito ng tawagin siya nito sa totoo niyang pangalan. Napapikit siya dahil narinig niya ang boses ng lolo niya sa tono ni Diesel. "Akina, My grand daughter!" Mula sa pagdapa sa kama ay napabangon siya ng marinig ang boses ng Ojiisan niya. *Ojiisan means lolo* "Ojiisan!" tawag niya rito habang humihikbi. Bumaba siya sa kama at tumakbo rito at yumakap. Binuhat siya nito kaya yumakap siya sa leeg nito habang humihikbi. "Oh, why my favorite grand daughter is crying?" malambing nitong tanong. Umiling siya dahil ayaw niyang sabihin na pinagalitan siya ng Daddy niya. Tiyak na magagalit ito sa Daddy niya. Lumabas sila ng kwarto at bumaba kung nasaan ang Daddy, Mommy, at Lola niya. "Son, akina is crying? What did you do to her again?" tanong ng lolo niya kaya napasiksik siya ng mukha sa leeg nito sa takot na baka pagalitan siya dahil baka akalain ng daddy niya ay nagsumbong siya. "Dad, she's a spoiled brat. She doesn't follow what I say. That's why she's not allowed to meet her friend." tugon ng dad niya. "Don't be so hard to her, Son. She's our precious princess and I don't want to see my grand daughter crying." sabi ng lolo niya kaya wala nang naging imik ang daddy niya. Simula bata pa lang ay kakampi na niya ang lolo niya. At t'wing strikto ang daddy niya ay lagi namang nariyan ang lolo niya para pagalitan ang daddy niya. Pero sa kasamaang-palad ay pumanaw ang ojiisan niya noong nasa grade school palang siya. "Hey, are you okay?" pukaw sa kanya ni Diesel kaya agad siyang napadilat at napapahid ng luha ng hindi niya namamalayan. "Ayos lang ako. Kumain ka na d'yan. Magbabanyo lang ako." sabi niya rito at agad siyang tumalikod at tinungo ang banyo bago pa bumagsak muli ang luha niya. Naalala niya muli ang lolo niya. Ngayon nga pala ang araw ng kamatayan nito. Gusto man niya na dalawin ang puntod nito ay hindi niya magagawa ngayon dahil hindi siya maaaring umuwi ng japan dahil tiyak na hindi na siya magiging malaya oras na bumalik siya. Inayos niya ang sarili at ngumiti para mawala ang bakas ng luha niya at lungkot. Nagtataka naman si Diesel ng mapansin niya ang pagpatak ng luha ni Jhaycee bago ito magtungo ng banyo. May nasabi ba siyang masama? Wala naman siyang naalala na nasabing masama na naging dahilan ng pag-iyak nito. Napaayos siya ng pagkakahiga ng bumukas ang pinto at lumabas doon si Jhaycee na parang walang nangyari. "Ayos ka lang ba talaga?" tanong niya at napaturo siya sa bandang mata nito, "U-Umiyak ka ba?" tanong pa niya. Natawa ito at lumapit sa kanya na kinamaang niya dahil bakit tila ata naiba ang ihip ng hangin. "'Wag ka nang magtanong. 'Di ba sabi mo gusto mong alagaan kita?" mariin nitong sabi pero nakangiti. "Oo, syempre gusto ko. Pero kanina, may--" "Kumain ka na lang." nakangiti nitong sabi at agad na sinubo sa kanya ang kutsara na may lamang kanin kaya napatigil siya sa pagsasalita. "Grabe ka naman mag-alaga." sabi niya rito ng malunok niya ang kanin. "Psh! Ayaw mo ata. Edi sige, aalis na ako." sabi nito kaya agad niya itong pinigil sa braso. "May sinabi ba ako? Ang sabi ko ay grabe ka naman mag-alaga, napakalambing." nakangiti niyang sabi kaya ngumiti ito at napangiwi siya ng pisilin nito ang pisngi niya ng mariin. "Buti alam mo." mariin nitong sabi at binitawan na ang pisngi niya na kinahinga niya ng maluwag. Ano kaya ang nagpabago sa isip nito at tila ginanahan itong alagaan siya? Pero hindi na niya iisipin 'yon dahil pabor sa kanya ang nangyayari. Lihim siyang napangiti habang sinusubuan siya nito. Sadista man ang girlfriend niya, pero ayos lang, astig naman nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD