CHAPTER 11
SAVED BY HIM?
KANINA pa surang sura si Akina kay Diesel. Ngayon kasi ang araw ng taekwondo class nila kaya ka-klase niya ito. At ewan niya kung bakit panay ang pambwi-bwisit nito sa kanya. Palagi nitong sinasabi ang mga gusto nito kapag daw nanligaw siya.
"Okay, Class!" dumating na ang coach nila kaya tumayo sila at yumuko rito bilang paggalang habang nakasuot sila ng taekwondo uniform.
"Mayroon na agad sa inyo ang may talento na sa taekwondo na tila hindi na kailangan ng turo ko. Kaya bilang kapalit ay gagawin ko siyang second coach n'yo." anunsyo nito na kinataka ng mga kaklase niya at maging niya.
"Sino siya, Coach?" tanong mula sa lalakeng kaklase niya na kaklase ni Diesel sa Class A.
Ngumiti ang coach nila at nabigla siya ng tumingin ito sa kanya. Kaya naman napatingin sa kanya ang mga kaklase niya.
"Ms. Flores, please stand up and move forward beside me." sabi sa kanya ng Coach nila kaya tumayo siya at lumakad patungo sa gilid nito bago humarap sa mga kaklase niya.
"She's the one who expert in martial arts. So because of her good performance in our first class, she's now my assistant coach." sabi nito kaya napatingin ito sa kanya at ngumiti.
Napabuga siya ng hangin dahil wala naman siyang magawa para tumanggi dahil nasabi na nito. Pero ayaw niya talaga, lalo't kung ang tuturuan niya ay ang mga kaklase niya na mga nam-bully sa kanya.
"Ngayon ay nais ko na maging matibay muna ang serkulasyon at mga pangangatawan n'yo para sa pakikipagbatuhan ng lakas at hindi kayo latang lata." sabi pa ng coach nila.
"Paano po?" tanong ng babaeng irap ng irap sa kanya.
"First, you all need to do the 100 times sit ups." tugon ng coach nila na kinaangal ng ilan lalo na ng babaeng nagtanong.
"Sir, iba na lang. Ang hirap kaya no'n." reklamo ng isang babae.
"Hindi pwede. Kung nahihirapan kayo sa sit ups pa lang ay dapat na umalis na kayo sa klase ko. Dahil sa susunod na division ng bawat school ay isa ang eskwelahan natin ang sasali para sa international taekwondo championship. Kaya gusto ko na gumaling kayo para marami ang makasali sa palarong 'yon." paliwanag ng coach nila kaya napatango siya. Alam niya iyon. Dahil bata pa lang ay sinasama na siya ng otōsan niya sa taekwondo championship ng iba't-ibang bansa na minsan ay sa japan ginaganap.
Wala naman nang naging reklamo ang iba pero may ilan na piping nagrereklamo.
"Okay, Class, I want all of you to look for your partner to do the 100 sit ups." sabi pa ng coach nila kaya nagtayuan ang mga kaklase niya para maghanap ng mga makaka-partner, "Ms. Flores.."
Napalingon siya sa coach nila ng tawagin siya nito.
"Gusto ko na ikaw muna ang tumingin sa kanila at tignan kung tama ba ang pagsi-sit-ups nila." sabi nito kaya tumango na lang siya. Ngumiti ito at nagpasalamat bago tapikin ang balikat niya at may bitbit na folder na umalis.
Napahinga siya ng malalim at tumingin sa mga kaklase niya.
"Tsk. Buti pa ang isa d'yan, pa-tayo-tayo lang. Sumisipsip siguro." bulong ng babae kanina na nagtanong sa coach nila. Ito rin 'yung irap ng irap sa kanya. Kinuha niya ang yellow pad na naglalaman ng mga pangalan nila. Bitbit niya 'yon at lumakad siya habang pinapanood ang mga ito na nagsi-sit-ups na hirap na hirap.
"Kesa sayangin mo ang lakas mo sa pagsasalita, dapat na ituon muna lang 'yan sa pagsi-sit-ups mo." sabi niya rito at bumaling sa ka-partner nito na umaalalay sa paa nito para hindi mahirapan sa pag-sit-ups ang babae, "Mali ang hawak mo. Iipit mo sa pagitan ng hita mo ang mga paa niya at saka mo iyakap ang mga braso mo sa binti niya para hindi siya gumalaw." sita niya rito na ginawa naman ang sinabi niya.
Lumipat siya sa sunod na magkapareha at tama naman ang ginagawa nito. Ganun din ang iba kaya nagderetso siya ng lakad hanggang sa mapahinto siya ng makita si Diesel na nakahiga habang natutulog. Napaasik siya at lumapit rito.
Sinipa niya ang mga paa nito kaya napadilat ito at napatingin sa kanya.
"Bakit hindi ka nagsi-sit-ups?" maangas niyang tanong.
"Wala naman akong ka-partner kaya sino ang hahawak sa akin." sabi nito at muling pumikit.
"Papa diesel, ako na lang." sabi ng babae na nadinig ang sinabi ni Diesel.
Dumilat si Diesel at tinignan nito ang babae at tila pinandilatan.
"Shut up." sabi nito kaya sinipa niya ang paa nito kaya napatingin ito sa kanya.
"Umayos ka. Ako na ang gagabay sa iyo." sabi niya rito na hindi niya alam kung namamalikmata lang ba siya pero napangiti ito at maligalig na umayos ng higa.
Napaasik siya at lumuhod sa harap ng mga paa nito. Hinawakan niya ang mga binti nito at inipit niya ang mga paa nito sa pagitan ng hita niya at niyakap niya ang binti nito.
Nag-sit-ups ito ngunit nanlalata naman. Napahinga siya ng malalim dahil nasusura na siya.
"Umayos ka. Ang lakas mong mam-bully pero sa sit-ups ay nanlalata ka." sabi niya rito.
Naupo ito kaya halos magkalapit na ang mukha nila. Nailang siya bigla dahil ngayon lamang may lalakeng nakalapit niya ng mukha.
"Gusto mo itodo ko? Baka magsisi ka." nakangisi nitong sabi kaya umirap siya at itinulak ito pahiga na kinatawa nito.
"Oo, itodo mo. Hindi 'yung ba-bakla-bakla kang mag-sit-ups." sabi niya rito.
"Okay, sabi mo." sabi nito. Inismiran niya lang ito at inayos ang pagkakahawak niya rito.
Inangat nito ang ulo at katawan at nabigla siya ng halos ilapit nito ang mukha sa kanya na halos magdikit na ang ilong nila.
"One." sabi nito habang nakatitig sa mga mata niya. Ngumiti ito at muling bumalik sa pagkakahiga. Inangat muli nito ang ulo at nabigla siya ng halikan siya nito sa pisngi na kinalaki ng mga mata niya, "Two." nakangiti nitong sabi tila nasisiyahan sa reaksyon niya.
Kumabog ang dibdib niya pero hindi siya nagpaapekto. Ngumiti muli ito bago inangat ang ulo at katawan ng malakas. Pero ang kinabigla niya ng ilapat nito ang labi sa kanya. Tatlong segundo 'yon, bilang niya.
"Three.." sabi nito at dinilaan ang labi bago napangiti na bumalik sa pagkakahiga. Lumuwag ang kapit niya sa mga binti nito dahil sa pagkabigla. Hinawakan nito ang mga kamay niya at pinakapit muli sa mga binti nito, "Tatlo pa lang, bibitawan ka na." sabi nito habang may pilyong ngiti.
Tila siya nagising ng makita ang pilyong ngiti nito kaya padarag niyang binitawan ang mga binti nito at tumayo siya.
"Oh, sino na ang makaka-partner ko kung aalis ka? Wala ka pala, e. Ang galing mong tawagin akong bakla pero ikaw pala itong nanlalambot porket hinalikan lang kita." sabi nito ng ambang hahakbang siya.
"OMG! Nakuhanan ko sila! Gosh! Hinalikan siya ni Diesel!" histerikal na sigaw ng babaeng katabi nila na may hawak ng phone. Napatingin siya sa iba na bini-video-han din sila na pinangambahan niya.
Lumapit siya sa babae at inagaw ang cellphone rito. Hinanap niya ang video pero agad na may umagaw sa cellphone kaya napabaling siya sa likod niya at nakita niya na si Diesel ang umagaw no'n kaya napatiim-bagang siya.
"Akin na!" galit niyang sabi rito at aagawin niya sana ng itago nito iyon sa likod nito.
"Bakit, buburahin mo?" tanong nito na lalo niyang kinainis.
"Akin na sabi." mariin niyang sabi ngunit nasura siya ibulsa nito 'yon sa pants nito.
"Ayoko nga." sabi nito kaya tinignan niya ito ng masama. Napakuyom siya ng kamay dahil nababahala siya na oras na pag-pyesta-han sa social media ang video nila, tiyak na aabot ito sa daddy niya, kaya tiyak na mahahanap na siya nito.
Napahinga siya ng malalim at mabibigat ang mga paa na lumapit siya sa bag niya at walang lingon-lingon na naglakad para lumabas na ng room. Nakasalubong niya ang coach nila sa pinto na nagtataka.
"Ms. Flores!" tawag nito ngunit hindi na niya pinansin at agad siyang naglakad palayo sa room.
Ayaw niya sa lahat ang sinusura siya. Dahil ayaw naman niyang patulan ang pagka-isip-bata ni Diesel, at malaki ang naitulong ng mommy nito, kaya hindi niya magawa na patulan ito.
Tutal ay uwian na rin pagkatapos ng klase sana ng taekwondo kaya naisipan niya na umuwi na lang.
May humawak sa braso niya at malakas siyang hinarap. Nakita niya si Diesel na hingal na hingal habang nakahawak sa tuhod ang isang kamay nito habang nakatingin sa kanya.
Hinawi niya ang kamay nito at tinalikuran niya ito. Lumakad na siya pero napatiim-bagang siya ng pigilan siyang muli at iharap.
"Ano ba! Punong puno na ako sa iyo gasolina ka!" galit niyang sabi rito.
"Kasi.." sabi nito na tila nag-aalangan pa. Inirapan niya ito at tatalikod na sana muli ng pigilan siya nito. Kaya handa na sana niyang kwelyuhan ito ng agad nitong nilagay ang cellphone sa kamay niya, "Sorry. 'Yan na. Walang may ibang kaklase natin ang may kopya ng video."
"Tsk." asik niya at agad na binuksan ang video player ng phone. May nakita siyang maraming video pero 'yung nasa una ang tiyak na video nila. Napatingin siya kay Diesel na sumisilip kaya masama siyang tumingin rito at inilayo ang phone kaya nang maramdaman nito 'yon ay agad itong napaayos ng tayo.
Inismiran niya ito bago muling buksan ang video. Kitang kita ang paghalik sa kanya ni Diesel kaya agad niyang binura. Pagkatapos ay padarag niyang inabot kay Diesel ang phone.
"Hey! Wait for me. Hatid na kita." sabi nito ngunit hindi niya ito pinansin at agad na siyang naglakad ng mabilis. Pagdating sa gate ay kinuha na niya ang bike niya at agad siyang sumakay at nagpidal palabas ng university.
~
"s**t! Please umandar ka. What happen to you, Sunny?" naiinis na sabi ni Diesel ng hindi umandar ang kotse niya. Hindi na niya maabutan si Jhaycee 'pag nagtagal pa siya. Kaya bumaba agad siya ng kotse at agad na tumakbo para habulin si Jhaycee.
"Pasalamat ka talaga.." sabi niya at napailing bago tumatakbo palapit sa gate. Nakita niya na may isang bike na nakatabi, kaya kinuha niya 'yon.
"Mr. Ford! Mr. Ford!" tawag sa kanya ng security pero hindi na niya pinansin 'yon at nagpidal na siya palabas.
Nilibot niya ang tingin kung nasaan na si Jhaycee. Nakita niya ito sa kanang bahagi ng kalsada kaya iniliko niya ang manibela ng bike at binilisan ang pagpidal.
"Jhaycee! Stop there!" hiyaw niya kaya napalingon ito ngunit hindi ito huminto, kundi dumeretso lang ito na kinaasik niya, "Aist! Hard headed." mariin niyang sabi at hinabol ito.
Napatingin siya sa paligid at napansin niya na narito sila kung saan dumadaan ang tren na patungo sa kabilang bayan ng isla. At ilang metro na lang ay nakita niya ang tren na paraan na kung saan mismo ang kalsadang tinatahak nila.
Napatingin siya kay Jhaycee na dere-deretso lang at tila hindi alam na may parating na tren.
"Jhaycee, stop!" tawag niya rito at sinumikapan na mahabol ito. Ngunit ayaw nitong huminto na siyang pinag-alala niya.
"Jhaycee, nariyan na ang tren!" sigaw niya na kinalingon nito.
"Huh?"
"Huminto ka, nariyan na ang tren!" hiyaw niya na naunawaan na ata nito dahil napatingin ito sa kanan.
Nakita niya na nagka-problema ito sa paghinto at masama pa ay pababa ang kalsada na dinaraanan nila.
"Wala akong preno!" sigaw nito na kinamura niya at mas binilisan ang pagpidal kahit na delikado ang kalsada na tinatahak niya.
Tumunog na ang signal ng tren hudyat na malapit na ito. Nakita niya na pa-gewang-gewang na si Jhaycee.
"Tulong! Tulungan mo ako!" hiyaw nito na sa unang pagkakataon ay humihingi ng saklolo sa kanya.
Napatingin siya sa tren at agad niyang prineno ang bike at agad na bumaba. Tinakbo niya si Jhaycee dahil babangga na ito sa tren.
Nang makalapit siya ay agad niyang niyakap si Jhaycee at buong lakas na hinatak mula sa bike kaya yakap-yakap niya ito na napahiga sila sa d**o. Napapikit siya ng sumakit ang braso niya ng matukod ito.
Dumilat siya at nakita niya ang mukha ni Jhaycee na nakapikit ang mga mata at may luhang tumulo habang nanginginig pa ito. Napatingin siya sa tren na lumagpas na. Napatingin siya sa bike ni Jhaycee na durog na durog ng masagasaan ng tren.
Napahinga siya ng maluwag ng makita na ligtas na ito.
"You're hard headed girl." napapangiwi niyang sabi ng makaramdam siya ng kirot sa braso niya.
~
IDINILAT ni Jhaycee ang mga mata niya at napatingin siya kay Diesel na yakap-yakap siya habang napahiga sila sa damuhan.. Panay ang patak ng luha niya sa sobrang takot na dinanas niya. Akala niya, katapusan na niya. Akala niya, 'yon na ang huli. Pero dahil kay Diesel ay buhay pa siya.
Umayos siya at naupo habang nanginginig pa rin ang katawan niya sa sobrang kaba. Pinagsiklop niya ang mga kamay dahil nanginginig 'yon.. Ngayon lamang siya natakot ng ganito. Hindi naman kasi siya bato para hindi pa rin makaramdam ng takot kung kamatayan na ang kakaharapin niya.
"Ouch."
Napatingin siya kay Diesel na sinisikap na maupo. Napahawak ito sa kanang braso nito kaya napatingin siya doon. Nanlaki ang mga mata niya ng makita na may mantsa ng dugo ang uniform nito sa taekwondo.
Agad niyang hinawakan ang braso nito na kinadaing nito. Napapikit siya dahil may tao pang nasaktan dahil sa katangahan niya. Itinaas niya ang manggas ng uniform nito at napakagat siya ng labi ng may hiwa ang braso nito. Napatingin siya sa kinahihigaan nito at nakita niya ang basag na bote.
Tumayo usya at tinulungan niya na tumayo ito.
"Wait, where are we going?" tanong nito.
"Kailangan na malunasan agad 'yang braso mo at baka may bali pa." sabi niya.
"Huh? Ang alin? Gasgas lang ito." sabi nito na kinailing niya.
"Hindi 'yan basta gasgas. Nahiwa ka kaya dumudugo ang braso mo. At tila nabalian ka pa." sabi niya rito na kinalaki ng mga mata nito.
"D-Dugo?" natigalgal nitong tanong na kinataka niya pero tumango siya rito bilang tugon.
Nagbaba ito ng tingin sa braso nito at inalis ang kamay nito. Nakita nito ang mantsa ng dugo at pagtulo ng dugo sa kamay nito.
"Hey! Ayos ka lang?" tanong niya ng matulala ito at mamutla.
"D-Dugo.." sabi nito at nagulat siya ng mapapikit ito at napatumba sa kanya na tuluyang kinahimatay nito.
Napapikit sjya at napahinga ng malalim dahil ngayon pa ito nahimatay.
"Argh! Peste ka talaga, Gasolina. Swerte mo dahil niligtas mo ako, pero kung hindi ay tatapunan kita ng apoy para magliyab ka." sabi niya rito at inilagay ang isang braso nito sa balikat niya para maakay niya ito ng maayos.
Nilibot niya ang tingin kung nasaan ba sila? Ang totoo ay hindi niya talaga alam ang tinahak nila kanina. Gusto lang niya na matakasan si Diesel kaya siya doon dumaan.
Inayos niya ito sa pagkakatayo dahil nabibigatan siya. Napahinto naman siya saglit ng mag-ring ang phone niya, na salamat at nasa bulsa ng taekwondo uniform niya. Mabuti pala at nakuha niya ang bag bago lumiban sa klase.
Kinuha niya ang phone at tinignan ang tumatawag. Nakita niya si Aunt Isabelle ang tumatawag kaya agad niyang sinagot.
"Jhaycee, may nangyari ba sa iyo? Bigla kasi akong kinabahan." tanong nito na puno ng pag-aalala. Napangiti siya dahil sa pag-aalala nito. Hindi niya inaasahan.
"Tiya, hindi ho ako, si Diesel ang na-aksidente. I mean kaming dalawa pero si Diesel ang napuruhan." sabi niya rito na kinahiyaw nito kaya nilayo niya ang phone sa tenga niya dahil tila siya nabingi.
"Ano?! Naaksidente ang anak ni Ma'am?" hindi makapaniwalang tanong nito.
"Opo, Tiya. Nahihirapan na ako sa pagbuhat kay Diesel. Please, tulungan mo kami." sabi niya rito.
"Okay... Okay... Saan ba kayo at nang mapuntahan ko kayo?" tanong nito kaya tumingin siya sa paligid para makahanap ng sign board kung saang lugar ba sila.
"Tiya, hindi ko alam. Pero narito kami sa daan kung saan dumadaan ang tren." tugon niya.
"Sige, alam ko 'yan. D'yan lang kayo at agad ko kayong pupuntahan." sabi nito kaya napabuntong-hininga siya at binaba na ang phone ng ibaba na ni Isabelle ang tawag.
Tumingin siya kay Diesel na wala pa ring malay kaya binuhat niya ito sa may malaking bato na maaaring maupuan nila. Napabuga siya ng hangin ng makaupo sila at nakaalis na siya sa pagbuhat rito na napakabigat.
"J-Jhaycee, stop.." ungol nito at nabigla siya na siya ang tinawag nito.
Kinotongan niya ito sa ulo at napapailing na napapangiti siya dahil pati sa panaginip nito ay pinipigilan siya. Pero malaki ang utang na loob niya rito. Kung hindi siya nito iniligtas ay baka ngayon ay un-concious siya o 'di kaya ay hindi na humihinga.
"Sa lahat ng ginawa mo sa akin ay tila nabura 'yon dahil sa pagligtas mo sa buhay ko. Hindi ko akalain na ikaw pa ang magliligtas sa akin." sabi niya rito habang nakatingin sa mukha nito.
"Hmm.." ungol lang nito kaya napahinga siya ng malalim ng makita na nahihirapan ito habang nakasandal ang ulo sa balikat niya. Umayos siya ng upo at sinikap na maihiga ito at pinatong niya ang ulo nito sa hita niya.
Napatingin siya sa kamay nito na may dugo. Patuloy pa rin ang pagdurugo kaya hinubad niya ang bag na nkasabit sa likod niya at kinuha ang panyo niya doon. Inangat niya ang manggas ng uniform nito at tinalian niya ang may parteng dumudugong braso.
Nang matapos ay binaba na niya ang manggas nito at pinatong niya ang kamay nito sa tiyan nito.
May narinig siyang ugong ng sasakyan at nakita niya ang apat na kotse na itim na parating.
"You are born to be rich. And you are born to have a caring parents who loves you so much." wika niya sa tulog na si Diesel.
Sa kotse pa lang ay alam niya na kotse ng parents nito 'yon. Dahil 'yon ang kotse ng araw na magtungo ito sa bahay ni Aunt Isabelle.
Agad na huminto sa harap nila ang isang kotse at agad na bumukas ang pinto at bumaba doon ang nag-aalalang mukha ng Mommy ni Diesel, maging ang nakaalalay rito na gwapong lalake na kahawig ni Diesel.
"Diyos ko! Anong nangyari sa baby boy ko?" nag-aalalang sabi ng Mommy nito na agad lumapit sa kanila. Hinawakan nito ang mukha ni Diesel bago napatingin sa kanya, "Hija, are you okay? Ano bang nangyari sa inyo at napadpad kayo rito?" nag-aalala nitong tanong sa kanya.
Napayuko siya dahil na-guilty siya at nahiya dahil siya ang may kasalanan kaya napahamak ang precious na anak nito.
"I'm sorry, Ma'am, it's my fault. Kung hindi ko po ninais na dumaan rito ay baka po wala kami rito at hindi po kami na-aksidente, lalo na po si Diesel." paumanhin niya rito habang nakayuko.
"It's okay. Alam ko na walang may kasalanan. It's accident." sabi nito.
"Oscar, tulungan mo akong mapasok ang anak ko sa loob ng kotse." sabi ng Daddy ni Diesel.
Agad namang lumapit ang mga kasama nitong tila bodyguard. Kinuha si Diesel ng ama nito kasama ng isang bodyguard na si Oscar daw.
Nang mabuhat si Diesel ay tumayo siya mula sa pagkakaupo sa bato at inayos ang pagkakasukbit sa bag.
"Sumabay ka na sa amin, Hija." aya sa kanya ng Mommy ni Diesel pero umiling siya.
"'Wag na po. Mas mabuti po na dalhin n'yo agad si Diesel sa hospital dahil po baka may nabali po sa kanya." sabi niya rito.
"Hindi. Ang mabuti pa ay sumama ka na sa amin para maipatingin ka rin namin." pagpipilit nito sa kanya at hindi na siya nakapag-protesta ng hatakin na siya nito palapit sa isang kotse.
Agad siyang mahina na itinulak papasok sa kotse kaya sumakay siya at umayos ng upo. Sumunod ito at tumabi sa kanya na kinailang niya.
"Mabuti na lang at nandoon pa si Isabelle sa bahay at narinig ko ang nangyari kay baby boy ko." sabi nito.
"Sorry po talaga. Kaltasin n'yo po sa sahod ko ang gagastusin n'yo sa pagpapagamot sa kanya." sabi niya rito na kinangiti nito at hinawakan siya sa kamay na nasa kandungan niya.
"'Wag mong alalanin 'yon. Wala kang kasalanan dahil tiyak na ginusto ng anak ko na iligtas ka. At tingin mo ay kukunin ko pa sa iyo ang sahod mo na alam ko na mas kailangan mo? Hindi naman kami ganoon. Ganito lang talaga ako mag-alala sa anak ko o kahit sino man sa mga anak ko. Kaya pasensya na rin at ang O.A ko." sabi nito sa kanya.
"Hindi naman po. Naiintindihan ko po ang pag-aalala n'yo." tugon niya rito kaya napangiti ito.
"Magaling talagang kumilatis ang anak ko." nakangiting sabi nito na kinaguluhan niya.
"Ho?" takang usal niya.
Umiling ito habang nakangiti, "Nothing." sabi nito kaya tumango na lang siya. Pareho kung ngumiti ito at si Diesel. Kaya pareho din siyang naguguluhan sa mga pinagsasabi ng mga ito.