CHAPTER 10 - CLOSE YOUR HEART TO HER

2722 Words
CHAPTER 10 CLOSE YOUR HEART TO HER❤ "NAKS, RONRON, MAY manliligaw ka na." sarkastiko na tukso ni Michael kay Diesel na nakaupo sa chair nito habang nakataas ang dalawang paa na nakapatong sa isang upuan. Ngumisi siya sa sinabi nito habang napapahawak sa labi dahil hindi niya mapigilan na mapangiti. "'Wag kang sarkastiko, Michael. Hindi talaga kapani-paniwala na may crush sa akin ang babaeng 'yon." pagyayabang niya at napatingin kay Sandro na tahimik lang. "May crush nga ba? Tila wala naman." sabat ni Raphael na lumalamon ng chips. "Tsk. Kung ano ang sinasabi mo. Kumain ka na lang d'yan." inis na sabi niya rito na sinisira ang mood niya. "Pinaglalaruan mo lang siya, Diesel. Mabait si Jhaycee kaya sana tantanan muna ang pambu-bully sa kanya." biglang wika ni Sandro na nakatutok pa rin ang mga mata sa librong binabasa nito. Bumaling siya rito at nakaramdam siya ng inis dahil sa sinabi nito. "Bakit ba concern na concern ka sa kanya? Saka matagal na akong ganito, ngayon mo lang ako pinipigilan sa mga ginagawa ko." sabi niya rito. "Dahil hindi na tama. 'Di ba tinulungan ka niya? Bakit pinagtitripan mo pa rin siya?" tanong nito habang nakatingin pa rin sa libro. Binaba niya ang mga paa at tumayo siya mula sa pagkakaupo sa chair niya at humarap rito. "Pinagtripan ko ba ang tao? Eh, sa umamin siyang may gusto siya sa akin." sabi niya rito. Sinara ni Sandro ang libro at tumayo rin at hinarap siya kaya magkaharap na sila. "Wala akong narinig na sinabi inya na gusto ka niya. Ikaw nga ang tinatanong niya kung may gusto ka ba sa kanya." sabi nito. "Oo nga, Diesel. May gusto ka ba kay Jhaycee?" tanong ni Jin. "What?" natatawa niyang usal pero sa loob-loob niya ay hindi siya nakapaghanda sa tanong ni Jin at Sandro, "Ano bang klaseng tanong 'yan?" kaila niya. "Ano bang mali sa tanong ko? Madali lang naman ang sagot, Sel. Meron o wala? So, may gusto ka ba kay Jhaycee?" tanong muli ni Jin. "W-Wala.." tugon niya at napadila ng labi. Hobby niya iyon kapag kinakabahan siya. Tila natutuyot ang labi niya sa kaba. "Si Jhaycee!" anunsyo ni Michael kaya agad siyang napatingin sa labas ng room. Pero wala naman. Nagtawanan sila Michael kaya kinuha niya ang chips ni Raphael at binato rito na tawa pa rin ng tawa, "Bwahaha! May gusto nga siya kay Jhaycee!" Tukso nito habang tawang tawa. "Stop laughing! I don't like her." iritang saway niya rito. "So, please explain to us why you acting like that?" tanong ni Sandro. "What? It's nonsense." sabi niya at naupo muli bago sinuot ang shades. "Well, wala daw siyang gusto. Sandro, it's your chance now." nakangising sabi ni Michael. Agad na napaupo ng maayos si Diesel at inalis ang shades bago napatingin kay Michael at Sandro. "What chance?" salubong ang kilay na tanong niya. "Oh, it's nonsense. Don't act like you are affected." sabi ni Michael at nginisihan siya na kinainis niya. "Sel, si Jhaycee." sabi ni Ralph kaya banas na tumingin suya rito. "Don't fool me." mariin niyang sabi rito. "But she's here." sabi nito at tinuro ang labas kaya bagot na humarap siya dahil alam niya na niloloko lang siya nito. Pero tila nanlaki ang mga mata niya ng makita nga ito sa labas na dumadaan habang sukbit ang bag nito. Napatayo siya at hahakbang na sana siya ng mapatingin siya sa bangtan na hinihintay ang gagawin niya. Napakamot siya ng kilay at naupo para hindi makahalata ang mga ito. Pasimple siyang tumingin sa labas at napabuntong-hininga siya ng makita na wala na ito. - KANINA pa naiirita si Akina dahil panay ang bulungan at tingin sa kanya ng mga kaklase niya mula pa kanina sa unang klase nila. Isama pa sila Mina na tinutukso siya kay Gasolina. "Ms. Flores." tawag sa kanya ng Prof. nila kaya tumayo siya at hinintay ang sasabihin nito, "You may go now." sabi nito na tumingin sa pamisig na relo at bumaling sa kanya tila sinesenyasan siya kaya tumango siya at kinuha ang bag. Nagbulungan naman ang mga kaklase niya tila nagtataka kung bakit agad siyang na-dismiss sa klase. Napagkasunduan kasi na kailangan niyang galingan sa school para maaga siyang ma-dismiss sa klase para makapasok sa trabaho niya sa cafeteria ngayong araw. Paglabas niya ng room ay walang mga estudyanteng naglisawan dahil mga nasa room at may klase pa. Napadaan siya sa section Class A kung saan nagru-room ang mga bangtan. Kaya naisipan niya na bilisan ang paglalakad baka mapagtripan na naman siya. "Si Jhaycee!" dinig niyang sigaw mula sa room ng mga ito pero hindi na niya pinansin at nag-deretso na siya para magtungo sa cafeteria. "Ikaw ba ang bagong waitres rito?" tanong ng babae mula sa cashier. "Yes." tugon niya kaya inaya na siya nito sa loob. Pagpasok niya ay sa stock room sila dumaan hanggang sa nakita na niya ang locker room. "Ito ang locker mo. Tapos heto 'yong uniform. Magpalit ka na dahil malapit na ang break ng mga estudyante. Pero bago 'yon ay magpunta ka muna sa kitchen para kumain. Dahil alam ko na hindi ka pa kumakain." sabi nito kaya tumango siya at nagpasalamat. Umalis na ito kaya kinuha niya ang uniform na nababalutan ng plastick. Inilagay muna niya sa locker ang bag niya at saka siya nagtungo sa banyo na bitbit ang uniform niya. Inalis niya sa plastick ang uniform at halos manlaki ang mata niya na maunawaan ang uniform ng waitres rito. Isang blue blouse na may logo ng cafeteria ng university. Tapos ang skirt ay siguro hindi aabot sa tuhod niya ang haba na may slit pa, at may bonus pa ang cup para sa ulo niya. Napabuntong-hininga siya dahil tiyak na pagtitinginan na naman siya dahil sa suot niya. Sanay naman siyang magsuot ng ganoong damit pero paano siya makakapag-disguise ng katauhan kung unti-unti ding naaalis dahil sa uniform ng university na ito. Bahala na. Wala namang nakakapasok na ibang tao rito kaya wala siyang dapat na ipag-alala. Sinuot na niya ang uniform na fit na fit sa kanya. 'Yung blouse ay tinuck-in niya sa skirt. Tapos humarap siya sa salamin at inayos muna niya ang maikli niyang buhok at saka sinuot ang cup sa ulo. Nang ayos na ay lumabas na siya ng banyo. Paglabas niya ay naroon na rin ang ibang waitres na napatingin sa kanya. Tinignan pa siya mula ulo hanggang paa. Hindi niya masisisi ang mga ito dahil tiyak na naninibago ang mga ito sa suot niya. "Hi. Ikaw 'yung nasa latest news ng university, right?" sabi ng babae na katabi niya sa locker. Tinutukoy nito ang latest news ay 'yung video nila ni Diesel. Tumango na lang siya bilang tugon, "Wow! From boyish look turn into a hot chicks." nakangiti nitong sabi, "Hindi ko akalain na maganda ka nga." pagpapatuloy nito. Hindi na siya nagsalita at sinara na niya ang pinto ng locker niya. Tumingin siya sa name tag ng babae at nabasa niya na Olga ang pangalan nito. Pagkatapos makita 'yon ay lumabas na siya ng locker room at nakita niya ang cashier na nagdala sa kanya sa loob. "Oh! Mabuti at tapos ka na palang magpalit. Wow! Parang hindi ikaw 'yung kausap ko kanina. Dapat pala ganyan ang mga sinusuot mo." sabi nito pero wala siyang naging komento sa napansin nito, "Anyway, heto ang name plate mo. Ako si Veronica, and to make it short just call me Nica." sabi nito kaya tumango siya at kinabit sa left side ng dibdib niya ang name plate na inabot nito. Tinuruan siya ng mga instruction. Kung ano ang mga nasa menu. Kung paano isusulat ang order ng mga estudyanteng kakain sa cafeteria. Madali na lang niya natatak sa isip niya ang mga gagawin kaya habang wala pang costumer ay nagpunas siya ng mga table. Maya-maya pa ay napaangat siya ng tingin ng makarinig na ng ingay. Nakita niya na naglalabasan na kaya tumigil na siya sa pagpunas at nagtungo sa wash area para maghugas ng kamay. Paglabas njya ng wash area ay may nakasalubong siya na tatlong babaeng estudyante na napatingin sa kanya tila kinikilala pa siya. Inismiran na lang niya ang mga ito at naglakad na patungo sa bar counter para doon maghintay ng costumer. "Is that Jhaycee?" "Oo nga! Siya nga!" "Waitres siya rito?" "Yes, makakaganti na tayo." Kanya kanyang bulungan ang mga estudyante na dumadating sa cafeteria na napapatingin sa kanya na mga hindi makapaniwala. Ibig niyang umirap dahil parang napaka-big-deal ng itsura niya ngayon. "Waitres please!" tawag sa kanya ng grupo ng mga estudyante kaya napabuntong-hininga siya para lumanghap ng lakas dahil tiyak na pagtitripan siya ng ilan na may inis sa kanya. - TAPOS na rin ang klase nila Diesel kaya lumabas na sila ng grupo. Nauuna si Diesel habang sinusuyod ang tingin upang tignan ang paligid kung sakali na makita niya si Jhaycee. "Dali, Pre! May new waitres daw." "Talaga?" "Oo. 'Yung si tibo." Nang marinig niya 'yon ay parang naging mabilis rin ang paglalakad niya. Napatingin siya kay Sandro na sinabayan siya kaya mas binilisan niya na kinailing na lang ng bangtan na nasa likod nila. Pagdating sa cafeteria ay maingay ang bumungad sa kanila. Sinuyod niya ang tingin at napatingin siya sa waitres na nakatalikod sa gawi nila. Tinignan niya ito mula paa pataas. Sexy 'yong waitres kaya hindi si Jhaycee 'yon. Pero nang humarap ito para ilapag ang order sa kabilang table ay napamaang siya. Hindi siya makapaniwala na sj Jhaycee 'yon. Seryoso lamang ito na nagse-serve. "Wow! Si jhaycee pala 'yon. Hindi ko akalain na coca-cola pala ang shape ng body niya." si Michael kaya napatingin siya rito ng masama na kinangisi nito. Hindi na niya pinansin ito at tinungo niya ang table nila habang nakasunod pa rin ang tingin kay Jhaycee na patungo sa bar counter. "Dito na ba siya nagtatrabaho?" si Jin. "Maganda pala si Jhaycee, I mean, maganda naman talaga siya kahit na pa-tomboy-tomboy siya, pero mas lalong nakita ang ganda niya ng mag-suot siya ng pambabaeng uniform." sabi ni Benedict. "Yeah. Tama ka, Dude. Crush ko na tuloy siya." sabi ni Raphael, "But I'm hungry! Waitres come here!" tawag na nito sa waitres kaya napalunok siya dahil si Jhaycee ang lumapit. Tumapat na ito sa table nila na walang anumang hawak na papel at ballpen. "What's your order?" tanong nito na flat ang tono ng boses. "Ako, Beef with brocolli. Tapos burger. Tapos chocolate cake and fresh mango shake." sabi ni Raphael na grabe umorder. Tila pang buong araw na nito iyon pero dahil matakaw ito ay pang tanghalian lang nito 'yon. "Sa akin ay spicy chicken with garlic and fried garlic rice. And lemon ice tea." nakangiting sabi ni Benedict kaya tumango si Jhaycee. "Fried beef with garlic rice and sweet corn. Four season shake." si Michael. "Ganoon din sa akin, Jhaycee." sabi ni Sandro na inismiran niya dahil naiinis siya ng nginitian ito ni Jhaycee. "Sa akin ay spicy Fish fillet with patato chips and vanilla flavored juice." si Jin. "You." maikling sabi ni Jack na kinarahas niya ng tingin rito. "What?" banas niyang tanong. "You it means Yummy omelet udon. Right, Jhaycee?" sabi ni Jack na kinatango ni Jhaycee kaya napatikim siya ng tinignan siya ng makahulugan ng lima. "You all order one beef brocolli. One burger. One chocolate cake and one mango shake. One spicy chicken with garlic and fried garlic rice. And one lemon ice tea. And two order of Fried beef with garlic rice and sweet corn. Two Four season shake. And one spicy Fish fillet with patato chips and vanilla flavored juice. And last the japanese omelet udon." sabi ni Jhaycee sa order ng anim na sa isip lang nito 'yon nakatatak na wala man lang ginamit na papel para doon isulat ang order nila. Namangha na sana siya pero siya ay hindi man lang kinuha nito ang order niya. "And what about me? Bakit hindi mo kunin ang order ko?" banas niyang sabi rito. "The food will be served in five minutes." sabi lang nito at tumalikod na. Kaya napatayo siya at napaturo rito na hindi makapaniwala. "Hoy! 'Yung order ko pa!" inis niyang tawag rito. Humarap ito at napabuntong-hininga bago muling lumapit, kaya tumikhim siya bago naupo at kinuha ang menu. "Umaalis ka ng hindi man lang kinukuha ang order ko? Tsk." Aniya rito habang pumipili ng kakainin niya. "O-order ka ba o magsasalita na lang? Babalik na lang ako kung wala ka pang order." sabi nito. "Wait. Hindi ko kasi mabasa ito. Pakibasa nga, malabo kasi mata ko." sabi niya at lihim siyang ngumisi. "Pasta salad." sabi nito na hindi man lang nilapit ang mukha para makita. "Okay. Pero hindi 'yan ang order ko. Mayroon bang Jhaycee sa menu n'yo?" sabi niya rito na kinasalubong ng kilay nito kaya napangiti siya. "Mayroon." sabi nito at lumapit pa sa kanya ito at napamaang siya ng ipatong nito ang isang kamay sa lamesa sa tapat niya. Pagkatapos ay hinawakan nito ang mukha niya na kinatuod niya ata ng upo dahil para siyang na-kuryente. Nilapit nito ang labi kaya napalunok siya pero nilipat nito ang labi patungo sa tenga niya, "Bukas ang zipper ng pants mo." bulong nito na kinalaki ng mata niya. Itinulak niya ito palayo sa kanya at napatingin siya sa pants niya at nakita niya na bukas nga. Pakiramdam niya na namula ang buong mukha niya. "O-order pa kayo, Sir?" nakangisi nitong sabi. "Excuse me." sabi niya at gamit ang bag na bitbit ay pinantakip niya sa pants nya at tumayo siya paalis sa table nila. Pagdating sa C.R ay agad niyang sinara ang zipper. Mas nabanas siya dahil tiyak na kanina pa bukas ang pants niya. Pero alam niya na sarado 'yon kanina bago siya umalis ng bahay. Napatingin siya sa salamin at kita niya ang pag-pula pa rin ng mukha niya sa hiya. Naghilamos siya para mawala pero tila walang talab. Paano siya lalabas ng C.R? Wala ata siyang mukhang maihaharap kay Jhaycee. Nag-ring ang phone niya kaya banas na kinuha niya sa bulsa at tinignan ang tumatawag--Mommy niya. "Hello, Mom?" "Anak, hindi ba sira ang pants mo? Naku, itong si Benj ay pinaglaruan kanina 'yan. Baka nasira at naisuot mo pa." Napapikit siya dahil si Benj pala ang salarin. Napadilat siya at napatingin muli sa pants niya. Nakabukas na naman at sira ang zipper dahil kusang bumubukas. "It's okay, Mom. Tatawagan ko na lang po ang uniform department para magpadala ng pants." sabi niya. "Pasensyahan muna ang kapatid mo." sabi ng Mom niya kaya tumango siya. Binaba na niya ang tawag at tinawag ang department ng mga uniform para padalhan siya sa C.R ng pants. Ginulo niya ang buhok dahil naiinis siya ngayong araw na ito. Nasira ang porma niya at ang nakakainis ay si Jhaycee pa ang nakakita ng bukas niyang zipper. "Sir Diesel, heto na ang pants mo." katok mula sa labas kaya lumakad siya at binuksan ng kaunti ang pinto at inabot niya ang pants niya, "Thanks." sabi niya at sinara ang pinto at ni-lock para siya lang ang nasa loob. Nagpalit siya ng pants at lumabas na bitbit ang pinaghubaran niyang pants. Inabot niya 'yon sa kumuha ng pants niya at saka siya umalis ng C.R. Pagbalik niya sa table nila ay nakalapag na ang mga pagkain na inorder ng anim. "Oh, buti nakabalik ka na. Saan ka ba nagtungo?" tanong ni Michael. "Nag-C.R. lang." tipid niyang sagot. Napatingin siya sa pagkain na nakalapag sa harap niya. Ang pagkain na parati niyang kinakain. "Alam pala ni Jhaycee ang kinakain mo parati. Kaya pala hindi ka na kinuhanan ng order." sabi ni Jin. Hindi siya makapaniwala na nilibot niya ang tingin para hanapin si Jhaycee at nakita niya ito sa malayong table na nagpupunas ng lamesa. "Naks! Nangingiti ang loko." sabi ni Michael kaya napatikim siya at hindi na pinansin ang pang-aasar nito. Kinain na niya ang pagkain niya habang nakasunod ang tingin kay Jhaycee. Nang mapapatingin ito sa gawi nila ay tumingin siya bigla sa pagkain niya. Napangiti siya at hindi niya alam pero natutuwa siya dahil alam nito ang kinakain niya parati. At tila doon siya nakakalamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD