CHAPTER 7 - FEELINGS

3292 Words
CHAPTER 7 FEELINGS ? INAANTOK pa at tila masama ang pakiramdam ni Jhaycee, pero hindi niya pinahalata 'yon kay Aunt Isabelle at Allen. Tahimik lamang siyang kumakain ng hinanda nitong breakfast para sa kanila. "Akina, pinasok ko nga pala si Allen sa kinder d'yan sa public school. Para naman matuto ang batang ito na sumulat." sabi ni Isabelle kaya napaangat siya ng tingin. "Huh? Paano mo siya napa-enroll kung wala naman tayong information na hawak niya?" tanong niya kahit na wala siyang gana na magsalita. "Mayroon na ngayong makukuha na NSO kapalit sa dating Birth Certificate. Mabuti at alam ni Allen ang pangalan ng magulang niya at apelyido niya kaya nakakuha kami ng kopya. Kaya makakapag-aral na siya." sabi nito kaya napatingin siya kay Allen at hinawakan ito sa ulo. "Matalinong bata. Matandain ka pala." papuri niya rito. "Mabuti po at tinuruan po ako ni Nanay noon na bigkasin ang pangalan nila ni Tatay. Kaya po ngayon ay natatandaan ko pa po bago sila mawala." sabi nito kaya napahinga siya ng malalim dahil naaawa talaga siya sa sinapit ng bata. Ginulo niya ang buhok nito bago niya bitawan. Napahawak siya sa bibig at napaubo ng malakas na hindi niya napigilan. "Tila may sakit ka, Akina? Maputla ka pa." nag-aalalang sabi sa kanya ni Isabelle na inilingan niya. "Wala ito, Tiya. Pagod lang siguro." sabi niya. "Sabi ko kasi sa iyo ay 'wag ka nang magtrabaho. May nakukuha naman akong pera na maaaring pangtustos sa araw-araw natin." "Kailangan ko ho na gawin 'yon. Mauubos din ang pera ko at ayoko naman ho na humingi sa inyo. At hindi rin magiging sapat 'yon lalo na at mag-aaral na si Allen." sabi niya rito na kinabuntong-hininga ni Isabelle. Tumayo ito kaya napatingin siya rito na nagtungo sa kusina kaya pinagpatuloy na lang niya ang paghigop ng sabaw para mawala ang pagkasakit ng lalamunan niya. "Heto ang gamot. Pagkatapos mong kumain ay inumin mo ito para hindi magtuloy sa lagnat 'yang nararamdaman mo. Magbaon ka rin para mainom mo sa school." sabi ni Isabelle kaya tumango siya, "Hay! Kahit kailan ang tigas ng ulo mo. 'Wag ka na lang kayang pumasok? Baka mahilo ka pa sa school." hindi mapakali nitong pag-aalala sa kanya na kinangiti niya. Tumingin siya rito at umiling, "Salamat sa pag-aalala, Tiya. Pero kailangan kong pumasok dahil halos kakasimula pa lang ng pasukan. Ayoko naman na mapahiya kayo sa amo n'yo dahil inerokomenda n'yo ako pero magliliban lang pala ako sa klase. Kaya 'wag n'yo na hong i-suggest na a-absent ako dahil hindi ko gagawin." sabi niya rito na kinangiti nito at hinawakan siya sa kamay. "Napakabuti mo talagang bata. Swerte ng magiging asawa mo." sabi nito kaya binawi niya ang kamay dahil bigla siyang kinalibutan. "Tiya, 'wag n'yo ngang sabihin 'yan. Wala pa ho sa isip ko 'yan." kinikilabutan niyang sabi na kinahalakhak nito, maging ni Allen. "Ang lalake natin, takot sa relationship." tukso nito. "Tiya, Isa!" suway niya rito. "Okay... Okay... Hindi na. Pinapasigla ko lang ang emosyon mo para kahit paano ay magising ang diwa mo." sabi nito kaya napailing siya at napangiti. - FORD RESIDENCE NAKABIHIS na si Diesel ng uniform habang pababa siya ng hagdan. Hanggang ngayon ay nabwi-bwisit siya sa post ni Sandro. Hindi siya makatulog dahil sumasagi sa isip niya ang larawan ng dalawa. "Oh, anak, maupo ka na at nang makakain ka na." aya ng Mom niya na nilapag ang nilutong ulam sa hapag. Naupo siya sa tabi ni Deo na may kinakalikot sa cell phone nito. "Oo nga pala, Son. Nariyan na ang binili kong Berger picard." pukaw sa kanya ng Daddy niya. "Oh? Nasaan, Dad?" tanong niya at tumayo. "Mamaya muna tignan at kumain ka n alang muna, Anak. Bakit ba naisipan mo na gusto mo ng aso?" sabi ng Mommy niya at tinanong siya kung bakit nais niya ng aso. "Basta po." sabi niya lang dahil ayaw niyang sabihin ang dahilan. Asarin pa siya ng mga ito. "Bakit gusto mo ng dog, Diko? I thought you don't like dog. Kasi kinagat ka noon sa puwet." sabi ni Bettina na kinainis niya. "'Wag mo nang ipaalala." banas niyang sabi rito. "She's right, Diesel. Nakakapagtaka na gusto mo ng aso. Eh, pinakaayaw mo nga na makakita ng aso. I smell something fishy sa request mong dog." sabi ni Deo. "Bakit, bawal na bang magustuhan ko muli ang aso? Tsk. Kung ano-ano ang pinag-iisip n'yo." sabi niya at kumuha ng bread at egg, at pinalaman niya. "Mommy, I want this dog!" hiyaw ni Benj kaya napabaling sila dito ng tingin, at halos mapalunok siya sa kaba ng makita ang katabi nitong aso na hawak nito ang tali sa leeg. "Ibibili ka na lang ng Dad mo, Baby. Kay Diko Diesel mo 'yan." sabi ng Mom nila habang siya ay tila pinangatugan ng tuhod ng makita ang matapang na itsura ng aso. "D-Dad, bakit 'yan? Wala ba 'yung maliit lang?" tanong niya. "Wala na. At mabangis 'yan kaya pwedeng bantay 'pag may nagtangka sa iyo." sabi ng Dad niya. Iyon nga ang problema, takot nga siya sa aso, 'yung mabangis pa ang binili. Paano niya hahawakan 'yan? Baka kagatin pa siya nito. Naman! "D-Dad, hindi naman buntis 'yan. Palitan n'yo, gusto ko 'yung cute na aso." sabi niya para makalusot at palitan ang aso. "This dog is pregnant, Son. Malaki ang perang binuhos ko dito para ibigay lang sa akin ng may-ari." sabi ng Dad niya na lumapit kay Benj at binuhat bago hawakan ang tali ng aso. Napalunok siya ng dalhin ito palapit sa kanya. Tinignan niya ito sa mukha at nakita niya na nakatingin ito tila siya kakagatin. "Dad, ilayo n'yo muna. Mamaya ko na lang kukunin." kinakabahan niyang pakiusap sa Daddy niya. "But she want to sit beside you." sabi ng Dad niya ng mahiga sa paanan niya ang aso na kinatulos niya sa kinauupuan.. "Hey, Bro, are you okay? Tila ka tinuklaw ng ahas." tukso sa kanya ni Deo, kunwari concern pa sa kanya. "Shut up, Deo." mariing sabi niya habang nilalayo ang paa palayo sa aso... "Naku dad, tila may binabalak lang ito kaya nagpabili ng aso na hindi naman niya gusto. Ano kaya ang binabalak nito?" nang-aasar na sabi ni Deo.. "Anong pinagsasabi mo? Wala kaya. Takot lang ako sa una dahil ngayon lang ako muli makaka-encounter ng dog, pero tignan mo pagtagal ay hindi na ako takot." depensa niya. "Okay, sabi mo." nakangisi nitong sabi na kinainis niya. Ang hilig talagang mangbuyo ni Deo. Kung hindi lang niya ka-triplets ito ay iisipin niya na enemy niya ito. Napabuntong-hininga siya dahil tila napasubo siya. Napatingin siya sa aso na nakahiga habang nakapikit na. Ano ba itong katarantaduhang pinag-iisip niya? Nagpabili pa siya ng aso na buntis. Para ano? Para gayahin si Sandro at humingi rin ng tulong kay Jhaycee. Nasisiraan na talaga siya ng ulo. Humingi ng tulong sa matindi mong kaaway ay isang napakalaking katangahan. Ano ba ang pumasok sa kokote niya at hiningi niya sa Dad niya ang bagay na 'yon? Hindi na mababawi pa ang sinabi niya dahil heto na agad sa harap niya ang aso. Iniwan muna niya ang aso sa bahay dahil naisip niya na 'wag ng gawin ang nasa isip niya. Magmumukha siyang naiingit at gustong makigaya. Habang tinatahak niya ang daan patungo sa WCU ay na-spot-han niya si Jhaycee na tulak-tulak lang ang bisikleta habang tinatahak din ang daan kung saan siya dadaan. Binagalan niya ang pagmaneho habang sinusundan ito na tila may sariling mundo. Nag-ring ang cell phone niya kaya sinagot niya at tumingin sa gawi ni Jhaycee. "Yes, hello?" "Sel, ano ba itong ginawa mo?" Si Benedict. "Huh? What do you mean?" taka niyang tanong at nilapat sa kabilang side ng tenga niya ang cell phone. "Basta. Pumunta ka na rito sa school." sabi nito. Kaya inis na binaba na niya ang cell phone dahil pinatayan sya nito. Napatingin siya kay Jhaycee pero wala na doon ang dalaga. Nagtataka na pinaandar niya ang kotse ngunit wala na ito sa daan. "Ang bilis naman no'n. Kanina lang ay parang naglalakad ito sa buwan, pero nalingat lang ako ay wala na." aniya sa sarili habang sinusuyod ang daan. Nang wala na talaga siyang makitang anino nito ay pinatakbo na niya ng mabilis ang kotse patungo sa university. Pero isang batuhan ang maabutan niya pagdating sa university. May mga binabatong itlog ang mga estudyante. Ngunit hindi niya makita kung sino ang binabato, kaya hindi pa niya naipaparada ang kotse ay bumaba na siya. "'Yan! 'Yan ang bagay sa iyo, malandi!" "Nasaan ang angas mo, tibo!" Nang marinig niya ang 'tibo' na sinabi ng isang lalake ay agad niyang hinawi ang mga nakaharang sa kanya. Agad namang nag-hawian ang mga estudyante ng makita siya. "Stop!" dinig niyang sabi ni Sandro. "Hindi ikaw ang magpapatigil sa amin, Sandro. Inutusan kami ni Diesel kaya siya lang ang susundin namin." dinig niyang sabi ni Miranda. Nang makarating din siya sa wakas sa pinagkukumpulan ng estudyante ay napamaang siya ng makita si Jhaycee na nakasalampak sa lupa habang punong puno ng basag ng itlog ang katawan at buhok nito. Napatingin siya sa bangtan na patuloy na pinipigil ang mga estudyante. "Diesel, ano 'to? Hindi na makatarungan ang pinag-uutos mo sa mga 'yan!" galit na sabi sa kanya ni Sandro. "What? Me? Wala akong pinag-uutos na ganyan." naguguluhan niyang tugon. "'Wag ka nang mag-maang-maangan. Alam namin na matindi ang galit mo kay Jhaycee kaya inutusan mo ang estudyante na pahirapan pa si Jhaycee. Hindi ko alam na aabot sa ganito ang pagka-bully mo." sabi muli sa kanya ni Sandro na pinipigilan ni Benedict at Michael. "Pero wala akong alam rito." sabi niya. "Oh my god! Jhaycee!" hiyaw ni Mina kaya napalingon sila rito na hawak-hawak si Jhaycee na nawalan ng malay. Agad siyang napatakbo pero agad siyang hinarangan ni Sandro at pinigilan sa dibdib. "'Wag ka nang lalapit pa kay Jhaycee, Diesel. Dahil palagi lang siyang napapahamak ng dahil sa iyo." sabi nito at tinignan pa siya nito ng isang beses bago mabilis na tumalikod at lumapit kay Jhaycee. Napamaang siya habang nakatingin sa mga ito. Binuhat ni Sandro si Jhaycee at mabilis na umalis sa kumpulan ang mga ito. May humawak sa balikat niya kaya napalingon siya at nakita niya si Jin kasama si Jack at Ralph. "Alam namin na wala kang kinalaman rito, Bro." sabi nito kaya napaiwas siya ng tingin at napapikit. Huminga siya ng malalim bago dumilat muli at tumingin sa mga estudyante na nakatingin sa kanila. "Sino ang may sabi na ako ang nagpautos sa inyo na i-bully n'yo si Jhaycee?" tiim-bagang niyang tanong at humakbang ng ilang beses bago huminto at muling tumingin sa mga kapwa estudyante niya. Napatingin siya kay Miranda ng marinig niya ito kanina na nagsalita patungkol sa pag-uutos niya kuno sa mga ito. "Miranda, tama ba ang dinig ko sa sinabi mo kanina na ako lang ang magpapahinto sa inyo dahil ako ang nag-utos?" seryoso niyang tanong at humakbang palapit rito. Hindi ito nakasagot maging ang mga alipores nito ay napayuko. "Sagot!" gigil niyang bulyaw rito. "Totoo naman ang sinabi ko. May sulat sa bawat locker namin na alam namin na sa yo nanggaling dahil ikaw lang naman ang may nagmamay-ari ng ford card." sabi nito na kinakunot ng noo niya. "Wala akong nilalagay na card sa locker n'yo." sabi niya. "Pwes! Sumunod lang kami sa gawain mo noon pa man. Bakit naman kasi big deal pa 'yung pang-bully namin sa babaeng 'yon? Dati pa naman natin ginagawa since high school." sabi nito. Napakuyom siya ng kamay dahil inaamin niya na siya ang pasimuno ng mga pambu-bully noon nung high school sila pero ngayon ay ayaw na niya. At hindi niya malaman kung bakit. "Simula ngayon.. hindi na mauulit ito. Oras na may mam-bully muli sa inyo ay hihilingin ko na patalsikin kayo sa university na ito." seryoso niyang wika. "What?!" react ni Miranda pero hindi na niya pinansin ito at umalis na siya sa harap nito at sa harap ng mga estudyante. "Bro, saan ka pupunta?" habol sa kanya nila Jin. 'I want to make sure if she's okay.' aniya sa isip kaysa ibulgar 'yon kela Jin. Dahil alam niya na magtataka ang mga ito kung bakit gano'n ang nasabi niya. Alam niya sa clinic dadalhin si Jhaycee kaya doon siya nagtungo. Dahan-dahan siyang lumapit sa pinto at sumilip. Nakita niya si Sandro na nakaupo habang nakatingin kay Jhaycee na nakahiga sa clinic bed at nakapikit ang mga mata. Itinaas niya ang kamay para sana kumatok pero nabitin 'yon at napahinga siya ng malalim bago dahan dahang binaba ang kamay. "Tara, pasok tayo." biglang sulpot ng tatlo na si Ralph, Jin, At Jack. Tumalikod siya sa mga ito, "Hindi na." sabi niya at lumakad na bago iniwan ang tatlo. Tinungo niya ang fire exit sa third floor at naupo siya sa hagdan at pinatong niya ang paa sa kinauupuan niyang hagdan, habang ang isa ay sa huling baitang bago niya isandal ang likod at ulo sa pader at napatulala. "Tsk. Porket ako ang nagsimula ng bully noon ay ako pa rin ang sisisihin kahit na hindi naman ako." sabi niya at napabuntong-hininga. Napatingin siya sa kalangitan at nakita niya ang maaliwalas na kalangitan. Pero hindi doon napokus ang paningin kundi sa mga ulap na tila biglang nag-form para maging mukha ni Jhaycee na naka-poker face habang nakatingin sa kanya. "Ikaw na naman? Bakit ngayon ay ayaw mong magpa-cute? Kasi kay Sandro ka na nagpapa-cute ngayon? Tsk. Nakakabanas talaga ang pagpo-poker face mo. Ayoko sa iyo dahil mas kilos lalake ka pa sa akin. Ayoko sa iyo dahil tila sasapakin mo ako sa tingin mo. Basta ayoko ng lahat sa iyo. Kaya lumabayan muna ako!" wika niya. "Sinong kausap mo?" Agad siyang napalingon at nanlaki ang mga mata niya ng makita si Jhaycee na nakatayo sa pinto ng fire exit habang poker face na naman ang mukha at tila hindi galing sa pagkahimatay. Napatayo siya habang nakatingin dito. Napalunok siya at pinagpawisan habang lumalakas ang kabog ng dibdib niya. "A-Anong ginagawa mo rito? At 'di ba nahimatay ka?" ginawa niyang maangas ang tono para hindi nito mahalata na bigla siyang kinabahan. Inismiran siya nito at bumaba ng hagdan palapit sa kanya. "Dito ang tambayan ko pero dahil narito ka na at tumambay, tingin ko ay hindi na ito ang pinakatahimik na lugar." sabi nito na kinasalubong ng kilay niya. Pero nanlaki ang mga mata niya ng lumapit ito sa kanya kaya napaatras siya. Tumingin ito sa kanya ng seryoso at napalunok siya ng hawakan siya nito sa kwelyo. "'Di ba sabi ko ay 'wag muna akong guguluhin, pero inutusan mo pa rin ang mga estudyante dito na i-bully ako. Isang isa pa at makakatikim ka na sa akin. Tigilan muna ako dahil hindi ka na nakakatuwa. Oras na gawin mo ulit 'yon, tignan natin magagawa ko." sabi nito at tumingin sa katawan niya kaya agad siyang napatakip sa dibdib, "Tsk. Hindi ka hot. Ang pangit din ng buhok mo na tila mahulugan lang ng butiki ay mamamatay. Kaya nakakapagtaka na patay na patay sa iyo ang lahat ng babae." panlalait nito na kinauwang ng bibig niya. May kinuha ito sa likod niya at nakita niya ang isang libro na nakaipit sa pader. Tinalikuran na siya nito habang siya ay hindi makapaniwala sa sinabi nito. "Hoy! Anong sabi mo? Ako, hindi hot? Baka ipakita ko pa sa iyo ang abs ko. Saka hindi mo ba alam na mas lalo akong guma-gwapo dahil sa buhok ko? Argh!" Inis na sinipa niya ang pader dahil nakalabas na ito. Napakagat siya ng labi at nakapamaywang habang hindi niya matanggap ang sinabi nito. Hindi siya makapaniwala na natawa at mainis rito. "Ako? Nilait niya? What the!" bulalas niya na hindi makapaniwala. Hindi matanggap ng ego niya na ito ang pipintas sa kanya. Para siyang napahiya. Mabibigat ang mga paa na lumakad siya paalis ng fire exit. Napatingin siya sa hallway at nakita niya ito na naglalakad, kaya naglakad siya ng mabilis para habulin ito. Pero napahinto siya ng makita si Sandro na lumapit kay Jhaycee na napahinto dahil humarang si Sandro. Nagtago siya sa pader at sumilip. "Jhaycee, hindi ka pa magaling bakit ka bumangon agad?" bakas sa boses ni Sandro ang pag-aalala. "Hindi, ayos na ako. Wala lang ito." dinig niyang medyo paos pa na boses ni Jhaycee. Nakita niya na aalis na sana si Jhaycee ng pigilan ito ni Sandro sa paghawak sa braso na kinakuyom ng kamay niya. Agad naman binitawan ni Sandro 'yon at napahawak pa sa batok tila nahihiya. "Iimbitahan sana kita sa bahay. Nais ko sanang ibigay sa iyo 'yung isang kuting." sabi ni Sandro. "'Wag na. Saka may work pa ako." sabi ni Jhaycee. 'Ganyan nga. Tanggihan mo siya.' bulong ng isip niya. "Work? Saan ka ba nagwo-work?" tanong ni Sandro. Napaisip siya at naalala niya 'yung sa hardware. "D'yan lang sa hardware." tugon ni Jhaycee. "Cashier ka ba doon? Gusto mo ba i-recommend kita sa kilala kong restaurant. Mas malaki ang kita doon." alok ni Sandro na inismiran niya. "Hindi na. Gusto ko lang kasi 'yung malapit rito. Para hindi maapektuhan ang pag-aaral ko." tugon ni Jhaycee. "Ganoon ba. Pero sana tanggapin muna ang isang kuting. Dumaan ka mamaya sa bahay, ha?" pagpilit ni Sandro na kinainis niya. Tila hindi na nakatanggi si Jhaycee dahil tumango ito na lalo niyang kinainis. "Sige, asahan ko 'yan, kita na lang mamaya." nakangiting sabi ni Sandro at umalis na tila patungo na sa room nila. "Hoy! Anong ginagawa mo d'yan?" pukaw sa kanya ni Ralph na kinagulat niya. Agad na tinakpan niya ang bibig nito at hinila patago ng lumingon sa gawin nila si Jhaycee. "Panira ka talaga." mariing bulong niya rito at binitawan ang bibig nito. "Sino ba kasing sinisilip mo?" tanong nito habang ngumunguya ng kinakain nitong burger at sisilip pa sana si Ralph ng pinigilan na niya agad ito at siya ang sumilip. Nang makita niya na wala na si Jhaycee ay nakahinga siya ng maluwag at umalis sa pinagtaguan nila. "Wala ka na doon." sabi niya rito at lumakad habang nakapamulsa sa pantalon niya. "Sino nga 'yon?" pangungulit nito na hindi na niya pinansin. Naisip niya na pupunta muli si Jhaycee kela Sandro at naiinis siya sa isipang 'yon. Kailangan niyang ilayo si Sandro kay Jhaycee. Dahil hindi sila bagay. Masyadong lalakeng kumilos si Jhaycee para magustuhan ni Sandro. "Ralph, tingin mo ay ano ang mga tipo ni Sandro?" tanong niya. "Huh? Tipo ni Sandro?" takang tanong nito kaya tumango siya, "Hmm.. Basta mabait, astig, tapos cute na maganda pa." sabi nito. "Hindi naman siya mabait. Astig? Nah. Hindi naman. Lalo na ang maganda. Cute? tsk. Mas lalong hindi." bulalas niya na hindi niya alam ay na-voice-out niya 'yon. "Sino ba ang tinutukoy mo?" bulong sa kanya ni Ralph kaya agad siyang napalayo rito at humawak sa tenga dahil tila bigla 'yon nag-init. "Huh? Wala. Wala akong tinutukoy. Tsk." sabi niya at muling lumakad. "Parang si Jhaycee." sabi nito na kinahinto niya sa paglalakad. Naramdaman niya na lumapit si Ralph sa kanya, "May gusto ka rin kay Jhaycee, ano?" tukso nito kaya inakbayan niya ito at sinakal bago takpan ang bibig nito. "Wala akong gusto. Anong pinagsasabi mo?!" inis niyang sabi. Inalis nito ang kamay niya sa bibig nito at ngumiti sa kanya ng maluwag. "Namumula ka, RonRon baby. Totoo nga!" tukso nito habang nakaturo sa pisngi niya kaya hinawi niya ang kamay nito. "Ano naman kung namumula? Inborn na 'yan." sabi niya habang nakaiwas ng tingin. "Sus! Pinagloloko mo ako.. Aminin muna--" "Oo nga pala. Marami akong chocolate sa bag, baka gusto mo." paglilihis niya sa usapan na kinaliwanag ng mukha nito. "Talaga? Penge!" Lihim siyang nakahinga ng maluwag at hawak-hawak ito sa leeg na hinatak niya. "Sige, nang natahimik ka lang " Sabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD