CHAPTER 6
JEALOUS
PANAY ang iling ni Diesel sa sarili habang nagsa-shower siya rito sa boy's shower room. Napawisan siya at natural lang sa kanya ang agarang naliligo.
Napanganga siya ng bumalik sa isipan inya kung bakit ganoon ang nakita niya kanina kay Jhaycee. Nang alukin siya nito ng kamay ay napatitig siya sa mukha nitong pawisan at maging sa buhok nito na basa sa pawis. Para bang may mga rosas na nahuhulog habang naka-sentro ang paningin niya sa mukha nito na gumanda sa paningin niya.
Halos ramdam niya ang biglang paglakas ng kabog ng dibdib niya habang sinusundan pa niya ang pagtulo ng pawis nito sa patilya ng buhok nito.
Napapalo siya sa tiles ng pader dahil nahihibang na siya. Isang kalokohan lang ang lahat. Siya? Magaganda sa itsura ng tomboy na 'yun? Nah! Never in his life na magaganda siya sa kilos lalake at pormang lalake na jhaycee na 'yon.
Sa magaganda, matalino, at ka-respeto-respetong babae lang ang makakapukaw sa mga mata niya, at alam na 'yon ng lahat.
Pinatay niya ang shower at kinuha ang towel bago itapis sa ibabang bahagi ng katawan niya. Naglakad siya palabas sa shower at napatingin siya sa salamin. Napaatras siya at napahawak sa pader ng makita ang repleksyon ni Jhaycee sa salamin na nakangiti at may bulaklak sa tenga nito ngunit ganoon pa rin ang porma.
"Cute ba ako?" tanong nito habang naka-posisyon ang dalawang kamay sa ilalim ng baba nito habang nakangiti na nakatingin sa kanya.
"Whoa! Hindi! Hindi ka cute! Argh!" umiling iling siya at pumikit. Nagbilang siya ng limang segundo bago binuksan muli ang mga mata.
Pagmulat niya ay sarili na lang niya ang nakita niya. Marahas na napabuga siya ng hangin at napasabunot sa buhok.
"Argh! Ano bang nangyayari sa iyo, Diesel?! Hindi ikaw ito!" sabi niya sa sarili habang sinasabunutan ang buhok sa pagkabanas.
Umiling iling siya at hindi na muling tumingin sa salamin at lumakad siya patungo sa locker room. May mga nag-shower rin na mga basketball player kasama na doon si Michael at Benedict na sumali sa varsity.
Binuksan niya ang locker niya at kinuha ang damit niya na pamalit. Napahinto siya sa pagkuha ng damit ng may makita siyang nakatayo sa gilid niya. Lumingon siya at napasinghap ng makita si Jhaycee.
"Cute ba ako?" tanong nitong muli habang iniipit naman ang maikli nitong buhok sa tenga.
"Ano ba! Stop pestering me! Stop! Stop!" hiyaw niya at pinalo-palo ang pisngi.
"Hey, Sel!" yugyog sa kanya ni Michael kaya napatingin siya rito, "Anong nangyayari sa iyo?" taka nitong tanong.
Napalingon siya sa kabilang gilid niya kung nasaan si Jhaycee, ngunit wala na doon ang dalaga. Inis na sinipa niya ang locker at kinuha na ang damit niya at bumalik sa shower room.
"Peste! Peste ka talagang tibo ka!" bulong-bulong niya sa inis.
Bago magbihis ay naghilamos siya ng mukha para mahimasmasan. Nahihibang na siya. Panay ang pakita nito sa isipan niya.
"Hindi ka cute, dahil nakakabanas ka." sabi niya sa sarili na tila nababaliw na siya.
Pagkabihis niya ay lumabas na siya at sinalubong siya ni Michael at Benedict.
"Sel, ano bang nangyayari sa iyo? Bigla-bigla muna lang kinakausap ang sarili mo?" si Benedict.
"It's nothing." aniya at lumapit muli sa locker niya at kinuha ang bag niya. Sinara niya ang pinto ng locker at sinukbit ang bag sa balikat niya bago naunang naglakad palabas sa dalawa na nakasunod sa kanya.
"Sure ka na 'It's nothing'? Baka naman may nakikita ka hindi namin nakikita?" pang-asar na sabi ni Michael...
"Tsk." asik niya rito at hindi na niya pinansin pa ito.
Paglabas nila ng shower room ay nakita nila ang naglisawang mga estudyante na pauwi na. Naghihintay sa kanila ang apat na alam nilang nasa parking lot. Habang naglalakad sila ay napabaling siya ng tingin sa kaliwa ng makita niya sila Mina. At syempre kasama nito si Jhaycee at tila may sariling mundo.
"Hi, Bangtan!" si Briones na napatili pa.
Napalunok siya habang hinihintay na mag-angat ng tingin si Jhaycee. Pero bwisit! Naglakad ito ng dere-deretso.
"Oh, bakit iniwan kayo no'n?" tanong ni Benedict na kinahinga niya ng maluwag. Dahil nais niya rin na itanong 'yon.
"Huh?" takang usal ng tatlong magkaibigan bago napalingon kay Jhaycee na palayo na.
"Ah.. Ewan namin. Kailangan na daw niyang umuwi, e." si Mina kaya napatango ang dalawa habang siya ay tinatanaw pa rin ito.
"Uy, Sel." bangga sa kanya ni Michael, "Natulala ka d'yan? May problema ba?" tanong pa nito.
"Wala." tugon niya at nauna ng lumakad.
"Sure kang wala? Baka nag-aadik ka na nang hindi namin nalalaman?" pang-aasar pa nito bago binunggo ang balikat niya habang nakasunod ito.
"Tigilan mo ako, Michael." irita niyang sabi rito na kinahalakhak nito. Napakapang-asar talaga nito.
Lumapit na sila sa kanilang kotse kung nasaan ang apat na si Jin, Jack, Ralph, and Sandro. Nakasakay na siya sa kotse ngunit nakatulala lamang siya habang nakahawak sa manibela at nakapatong ang baba niya roon.
Gulong-gulong na suya kung bakit ganoon ang naging epekto ni Jhaycee sa kanya? Nakakainis lang dahil bakit naman palagi itong rumerehistro sa utak niya. Para bang na-engkanto suya. Siguro ay may lahing mangkukulam ito. Tama! Tiyak na may salamangka itong ginawa habang nasa taekwondo class sila.
Kailangan niyang 'wag na itong pansinin at 'wag ng isipin pa para mawala na ang salamangka nito. Napatango siya at sumandal sa upuan bago napahinga ng malalim. Binuhay na niya ang makina at pinaandar na paalis sa university, dahil tanging siya na lang ang naiwan at nakaalis na kanina pa ang bangtan.
Habang tinatahak niya ang daan pauwi ay madadaanan niya ang hardware shop. Napa-preno siya ng makita si Jhaycee na may buhat-buhat na sako ng graba ng buhangin. Hindi siya makapaniwala na nakaya nitong buhatin ang ganoong kabigat na bagay.
Pinagmasdan niya ito habang patuloy sa pagbubuhat. Uminom ito ng tubig at pagkatapos ay binuhos nito sa mukha bago ito napa-baling-baling ng ulo para mawala ang tubig sa mukha nito. Napalunok siya dahil heto na naman. Tila ba ito lang ang nakikita ng paningin inya. Parang may mga nahuhulog na bulaklak ng rosas habang tumutulo sa buhok nito ang tubig.
Lumakas ang t***k ng puso niya kaya agad niyang sinuntok ang dibdib dahil anong nangyayari sa kanya at tumitibok 'yon ng malakas? Napasabunot siya ng buhok at napadukdok sa manibela.
"I think I'm crazy. Yeah. Makita siya sa isip ko na isang magandang babae ay isang kalokohan. She's not pretty. She's not so sexy. I'm just tired, right!" sabi nya sa sarili tila pinapaniwala ang sarili.
Napaidtad siya ng may biglang kumatok sa bintana sa gilid niya. Napatingin siya at agad na nataranta ng makita na si Jhaycee ang kumakatok.
Agad siyang napatingin sa rear mirror at inayos ang buhok at dinilaan pa ang labi bago tumikhim at umayos ng upo. Pinindot niya ang button para ibaba ang bintana.
"Why?" maangas niyang tanong habang hindi nakatingin rito.
"Tsk. Umalis ka sa daan dahil hindi makaraan ang truck dahil nakaharang ang kotse mo." sabi nito kaya napatingin na siya rito. Nakapatong ang isang kamay nito sa bubong ng kotse niya habang nakapamaywang ito. Pinalo nito ang bubong ng kotse niya kaya napaidtad siya, "alis na. Hindi ito playground. Umuwi ka na bata." sabi nito na kinausok ng ilong niya.
"Ano? Anong bata?! Hoy! Bumalik ka rito!" banas niyang sigaw lalo na ng umalis ito at bumalik sa truck. Iginilid niya ang kotse at nagdadabog na bumaba ng kotse niya at inilang hakbang ito.
Sinesenyasan nito ang truck kaya umandar na ito. Papasok na sana ito ng mapatingin ito sa kanya.
"Bawiin mo ang sinabi mo! Anong bata? I'm 18 years old for your information."
"Psh! 'Yun lang ang pinuputok ng butchi mo kaya ka bumaba pa ng kotse? Oo na hindi ka na bata kaya makakaalis ka na." sabi nito na kinamaang niya.
"Bakit mo ako pinapaalis? Bakit pagmamay-ari mo ba ang hardware na ito? Baka hindi mo alam na ang lupang ito ay pagmamay-ari ng pamilya ko. Kaya kung gusto kong tumambay rito ay wala ka na roon." pikon niyang sabi.
"Tsk. Bahala ka sa buhay mo." sabi nito at naglakad na ito papasok na kinainis niya.
"Hoy! Hindi mo dapat tinatalikuran ang katulad ko!" lalo siyang napikon dahil tuluyan na itong nakapasok.
Sinipa niya ang bato na nakita niya at nag-martsa na patungo sa kotse niya.
Ano ba ang naisipan niya at huminto pa siya rito? Wala naman siyang mapapala. Na-bwisit lang siya kay Jhaycee.
Pinaharurot na niya paalis ang sasakyan para makauwi na. Kailangan na niyang magpahinga dahil tiyak na pagod lang ang isipan niya kaya kung ano-ano ang naiisip niya.
-
MATAPOS ang nakakapagod na pagtatrabaho ni Akina ay nagpaalam na siya sa boss niya at gamit ang bisikleta ay tinahak na niya ang daan pauwi.
Habang pumipidal siya at nakatutok ang paningin sa daan ay napahinto siya ng may biglang humarang na isang pusa. Agad siyang napa-preno at inapak sa lupa ang mga paa.
"Meoww!" huni nito kaya in-standing niya ang bike at bumaba bago nilapitan ang mabalahibo at imported na pusa na tingin niya ay isang turkish angora.
Naupo siya at hinawakan ito na kinadila nito sa kamay niya.
"Nawawala ka ba? Nasaan ba ang nagmamay-ari sa iyo?" tanong niya habang hinahaplos ang balahibo nito.
Binuhat niya ito at tumayo siya bago niya niyakap ito habang hinahaplos haplos muli niya ang balahibo nito. Bigla ay na-miss niya si Simsimi. Pinapakain kaya ito ni Butler Mito?
"Fiona! Nasaan ka? Fiona!"
Napaangat siya ng tingin ng marinig ang isang tinig na pamilyar sa kanya. At nakita niya ang naka-jogging pants at naka-jacket na si Sandro.
Napatingin ito sa kanya at sa hawak niya. Tila nakahinga ito ng maluwag at nakangiting lumapit sa kanya.
"Mabuti at ikaw ang nakakita kay Fiona. Akala ko ay nawala na siya." nakangiti nitong sabi kaya hinaplos muna niya ng isang beses pa ang pusa at inabot niya ito kay Sandro.
"'Wag muna ulit hayaang mawala siya. Kung hindi ako ang nakakita sa kanya ay baka tuluyan na itong nawala." sabi niya rito na kinangiting kinatango nito.
"Oo. Bigla na lang kasi siyang nagpumiglas sa akin habang pinapasyal ko siya. Siguro ay dahil naamoy ka niya at gusto tayong pagtagpuin." sabi nito na hindi na niya pinansin pa.
"Sige. I have to go." sabi niya rito at lumapit sa bisikleta niya.
"Hey, Fiona, what's the problem?"
Napabaling siyang muli kay Sandro ng mabakasan niya ng pag-aalala nito sa pusa. Nakasakay na siya sa bike ng may mapansin siya sa pusa.
Kaya agad din siyang bumaba ng bike at lumapit sa mga ito.
"She's pregnant?" tanong niya.
"Oo. Oh! Manganganak na siya!" taranta nitong sabi.
"Kailangan muna siyang iuwi. Tumawag ka ng veterinarian." sabi niya rito. Nabigla siya ng humawak ito sa kamay niya.
"Please, samahan mo muna ako. Baka may mangyari sa kanya at hindi ko alam ang gagawin." sabi nito at hahatakin sana siya.
"Wait." sabi niya at napabuntong-hininga siya. Lumapit siya sa bike niya at tinulak niya ito palapit kay Sandro, "Tara." sabi niya rito na kinangiti nito.
"Thanks." sabi nito kaya tumango lang siya. May concern siya sa pusa dahil animal lover siya, kaya hindi na niya natanggihan ito.
Mabilis silang naglakad at sumabay lang siya kay Sandro sa paglalakad. Paakyat ang kalsada patungo sa bahay nito kaya medyo nahirapan siya sa pagtulak sa bike niya. May nakita siyang up and down house na malaki rin. At white and black ang theme ng kulay.
Binuksan ni Sandro ang gate kaya hinintay siya nito na makapasok. Tinayo niya sa gilid ang bisikleta niya at tumingin kay Sandro na hinihintay siya.
"Tara sa loob." sabi nito kaya tumango siya at sumunod rito. Parang korean style ang house nito. Dahil pagpasok nila ay siyang bukas ng ilaw sa tapat ng pinto. Hinubad niya ang sapatos at sinuot ang pares ng pambahay na tsinelas na nakatabi sa gilid.
Pagpasok nila ay napatingin syia sa loob ng bahay nito. Malinis, maaliwalas, at maganda ang style ng bahay nito.
"Dito, Jhaycee." pukaw sa kanya ni Sandro kaya tumango siya at sumunod rito na tinungo ang isang room.
Pagpasok nila ay puro gamit ng pusa ang naroon. Inilapag nito si Fiona sa isang pabilog na basket na may nakalatag na puting tela. Mayroon rin incubator para siguro doon ilagay ang ipapanganak na kuting.
"Manganganak na siya." sabi niya ng mahawakan niya ang tiyan ni Fiona.
"Kaya mo bang magpanganak? Tinatawagan ko ang veterinarian pero hindi ko ma-contact." balisang sabi ni Sandro.
Napahinga siya ng malalim at tumango na kinaliwanag ng mukha nito.
"May mga gamit ka ba?" tanong niya na kinatango nito. May kinuha itong plastick box na pinaglalagyan ng mga medicine kit.
Binaba niya ang bag niya sa gilid at binuksan ang box ng medicine kit. Kinuha niya ang gloves at sinuot sa dalawang kamay niya. Pinatakan niya ng alcohol bago niya hawakan si Fiona.
"I-ready muna ang pang bakuna niya." sabi niya kay Sandro na agad tumango.
Hinimas niya ang tiyan ni Fiona na nahiga na sa basket.
"Hintayin na lang natin na kusa niyang ilabas ang anak niya." Sabi niya rito.
"Okay. God! Kinabahan ako. Ito ang unang makikita ko na manganganak na si Fiona." natutuwang sabi ni Sandro kaya napangiti siya. Ramdam niya na mahal na mahal nito si Fiona kaya natutuwa siya.
"Ganyan talaga sa una. Pero 'pag nakita muna ang mga anak niya ay tiyak na makakahinga ka ng maluwag." sabi niya rito habang nakatingin kay Fiona.
"May alaga ka rin bang pusa? Parang ang dami mo kasing alam." tanong nito.
"Yes. Pero ngayon ay hindi ko sila kasama." tugon niya.
"Bakit naman?"
"Oh! Nakalabas na ang ulo ng kuting." paglilihis niya sa usapan. Ayaw niya na may makaalam sa pagkatao niya. Maigi ng walang nakakaalam, mas safe.
Mga ilang oras siguro sila nakatanghod kay Fiona ng tuluyan nitong pinanganak ang dalawang kuting. Ginupit niya ang cord at nilinisan niya. Ginamot din niya ang dumudugong si Fiona at sinaksakan ng bakuna para mabilis ding gumaling ang sugat ni Fiona.
Nilinisan nila si Fiona at ang dalawang cute na kuting bago ilagay sa Incubator para mainitin muna.
"Jhaycee, picture tayo para may remembrance sa unang beses na pag-anak ni Fiona." sabi ni Sandro habang may sine-set-up ang cam.
"Sige." pagpayag niya dahil ayaw naman niya na masira ang kasiyahan nito.
Tumayo siya habang nasa harap ang mga kuting at si Fiona. Tumabi sa kanya si Sandro.
"Smile." sabi nito kaya ngumiti siya. Pero napatingin siya rito ng akbayan siya nito pagkatapos ng unang kuha nila ng litrato.
Pagkatapos nilang mag-picture-picture ay napatingin siya sa wrist watch niya at nalaman niya na masyado ng gabi.
"Tara, dito ka na kumain." aya nito na inilingan niya.
"Hindi na, kailangan ko na ring umuwi." sabi niya rito at nilapitan niya ang bag niya kung saan niya nilapag.
"Ganoon ba. Wala kasi akong kasabay na kumain. Sabagay, parati naman akong walang kasabay." sabi nito na kinahinto niya sa pagkuha sa bag niya, "Anyway, thank you sa pagtulong sa akin sa pagpapaanak kay Fiona. Malaking tulong ang ginawa mo. Kaya asahan mo na tatanawin ko na utang na loob ito." pagpapatuloy nito kaya tumango siya at kinuha ang bag at sinukbit sa balikat niya.
Hinatid siya nito sa labas kaya lumapit siya sa bisikleta niya.
"Jhaycee, pwede ko bang ipangalan sa iyo ang isang kuting?" tanong nito ng alanganin kaya napangiti siya at humarap rito.
"Sige." nakangiti niyang sabi na kinangiti nito. Nagpaalam na siya at tulak-tulak ang bisikleta palayo sa bahay ni Sandro.
-
SAMANTALA, pagkatapos mag-shower ni Diesel ay lumapit siya sa kama habang nagpupunas ng buhok.
Kinuha niya ang cellphone ng mag-pop ang notification tone niya sa f*******:.
"Si Sandro may post?" taka niyang tanong sa sarili. Himala at naging updated si Sandro. Ibig sabihin lang no'n ay importante 'yon. Dahil mga importanteng event lang naman sa buhay nito ang pino-post nito.
Pinatong niya sa side table ang towel bago siya sumandal sa head board ng kama at tinignan ang pinost ni Sandro.
"What the!" bulalas niya at napaupo ng maayos ng makita si Sandro at Jhaycee na magkasama sa litrato at nasa bahay pa ni Sandro. At nakita niya na nakaakbay pa si Sandro kay Jhaycee.
Sandro caption: Fiona's Cutie kitten, Jhaycee and San San. Thanks, Jhaycee! ?❤
Hindi niya alam bakit bigla siyang nainis kay Sandro. Inulan ng comments at likes ng bangtan at mga estudyante sa university ang post ni Sandro.
Tumayo siya at hindi mapakali na lumakad-lakad habang nakapamaywang. Napatingin siyang muli sa cell phone niya at kinuha niya muli.
Zinoom in niya ang larawan at nabanas siya dahil bakit nakangiti si Jhaycee sa litrato.
"Tsk. Bakit sa akin hindi ka nakangiti 'pag kaharap ako? Eh, ano naman kung may litrato kayo ni Sandro? Pakialam ko?" kausap niya sa larawan nito.
Inis na zinoom out niya ang litrato at binasa ang message ng bangtan.
Benedict: Naks! Bakit nasa bahay mo si Jhaycee? May namamagitan ba sa inyo?
Michael: Hindi ko alam na ganyan ka kabilis Sandro.
Jin: Sabi na, e. May crush ka kay Jhaycee.
Jack: ?
Raphael: Whaaa!! Nanganak na si Fiona! Uy, Bakit kay jhaycee mo pinangalan? Sabi mo sa akin. ?
Sandro: Ano ba kayo! It's not what all you think. Nagkataon na nagkita kami ng manganak si Fiona. Kaya tinulungan niya ako at bilang kapalit ay pinangalan ko sa kanya ang isang kuting.
"Tsk." asik niya ng mabasa ang reply ni Sandro.
Hinagis niya sa kama ang cell phone at pahaklit na kinuha ang towel at nagdadabog na lumabas ng kwarto.
Pagbaba niya ay nasa sala ang magulang niya at mga kapatid niya.
"Mom!" tawag niya kay Beatrice na napabaling ng tingin sa kanya mula sa pagtingin sa magazine.
"Yes, baby?" takang usal ni Beatrice.
"Mom, I want a breed dog. 'Yung manganganak na." sabi niya.
"Huh? Mayroon ba no'n? Saka 'di ba ayaw mo sa aso?"
Napakamot siya ng kilay dahil sa inis.
"Basta. Bukas na bukas gusto ko po ng aso!" demand niya at bumalik na sa taas.
Nagkatinginan sila Beatrice at Dimitri sa inasal ni Diesel. Ang isang nakakapagtaka ay ang maghanap ito ng aso na manganganak na.