CHAPTER 5
IRRITATE ?
BANAS NA BANAS si Diesel habang narito na sila sa room para sa last subject nila. Hanggang ngayon ay pinagtatawanan pa rin siya ng mga kaibigan niya dahil daw takot pala siya kay Jhaycee.
"Stop laughing." mariin niyang suway sa anim.
"Oh, c'mon, Sel. We're just having fun. Actually, you're really funny. Hindi namin akalain na kwelyuhan ka lang ay bahag na agad ang buntot mo kay Jhaycee." si Michael na malakas mang-asar.
"Anong bahag? Ako? Ayoko lang na magusot ang polo ko." palusot niya.
"Psh! Mga palusot mo hindi kapani-paniwala." sabi pa ni Michael.
"Sel, patingin nga ako ng shades na binigay niya." si Benedict.
Kaya nagtataka siya na ibinigay rito. Pinagmasdan nito ang lalagyan na lalo niyang kinataka.
"This is my first time to see this kind of shades. Saan kaya niya ito nabili?" namamanghang ani ni Benedict ng buksan ang lalagyan ng shades at makita ang shades sa loob.
"Tsk. Saan pa ba? Edi sa bangketa. For sure, tig 100 pesos lang ang bili niya d'yan." sabi niya rito.
"It's a royal shades for only the princess of japan. Natatanging salamin na pinagawa para lang sa prinsesa." si Jack na tahimik ay nagawang umimik.
Napakunot-noo siya sa sinabi nito, "Anong pinagsasabi mo? Paanong magkakaroon ng ganoon ang babaeng 'yon? E, mukhang pambili nga lang ng pagkain sa cafeteria ay hindi siya makabili."
"Paano mo nasabi na royal shades ito, Jack? Kilala mo ba ang princess na sinasabi mo?" interasadong tanong ni Sandro na kinasalubong ng kilay inya.
"Hindi ko pa nakikita ang mukha ng princess pero alam ko na ganyang uri na may tatak na ロイヤルプリンセス ay ibig sabihin n'yan ay Royal princess. Kaya alam ko dahil may exhibit noon sa japan ng mag-bakasyon ako at nakita ko ang ganyang tatak. At nalaman ko na pinapa-auction nila dahil para i-donate sa mga batang ampunan."
"Wow! Jack, improving ka. Akalain mo nakapagsalita ka ng mahaba dahil sa shades na ito. At hindi ako naniniwala na mamahalin ito. Kita n'yo na ang itsura ng babaeng 'yon. Tingin n'yo ay makakabili ng ganoong shades 'yon?" kontra ni Diesel at inagaw na ang shades..
"Well, I'm just saying my opinion." sabi ni Jack at kinabit na muli ang head phone sa tenga.
"Maybe, she's rich." si Jin.
"Oh, C'mon! Kung ano-ano ang pinagsasabi n'yo. Tantanan n'yo na nga at naiirita na ako dahil ang babaeng 'yon ang pinag-uusapan natin." sabi niya at sinilid sa bag ang shades.
"Asus! Nagje-jelly ka ba, Ron?" si Ralph na lumalamon na naman.
"Tsk. Jelly your face." Sabi niya rito at kumuha ng marshmallow bago niya ipasak sa bibig nito. Napailing siya ng madali nitong isubo 'yun.
"Okay, Class!" biglang sulpot ng Prof nila sa english, "The booth for the registration of activity for the freshman students is now open. You can go now." sabi nito.
"Saan kayong activity sasali?" tanong ni Benedict.
"Sa student council ako." si Sandro.
"Ofcourse, I'm in music group." si Jin.
"Asus! Doon siguro si Mina." sabi ni Ralph.
"Of course. Kung nasaan siya, nandoon ako."
Napapailing siya dahil masyado siyang nako-corny-han sa pinagsasabi ni Jin.
"Ako sa basketball." si Michael.
"Yeah. Ako man sa basketball." si Benedict.
"Si Jack, tiyak sa music din 'yan. Ako sa baking." si Ralph.
"As usual, saan pa ba de-deretso ang tulad mong puro pagkain ang nasa isip." si Benedict kaya napahalakhak sila.
"Ikaw, Sel?" si Sandro na binalingan siya kaya napatingin sa kanya lahat.
"Sa taekwondo class." sabi niya.
"Sabagay." sabi ng mga ito at naglakad na sila palabas ng room.
-
"HINDI ko akalain na kaya mo pa lang gawin 'yon kay Diesel." natutuwang sabi ni Mina habang nakasandal sa kanya kaya napapailing siya at ginalaw ang balikat para paalisin ito doon, pero tila hindi ito nakakaramdam na ayaw niyang dumikit ito.
"Oo nga! Ang astig mo talaga, Jhaycee. Nagulat na lang kami na lumapit ka sa table ng bangtan na wala pang nakakagawa no'n. Kaya pala ang sama ng timpla ng mukha nila Miranda. Nakalapit ka pero sila ay hindi." si Rex.
"They are just an ordinary student for me. Kaya bakit hindi ko magagawang lapitan sila? Saka may binigay lang ako na kapalit sa shades niya."
"Oo nga pala, nagtataka ako, mahal ba 'yung shades na pinalit mo? Parang ang expensive kasi ng itsura. Lalagyan palang 'yon." si Briones
"Oo nga." si Mina.
"Let say, it's a special shades for me. At walang makakatumbas sa ibang shades ang halaga no'n sa akin." sabi niya.
"Pero bakit mo binigay kay Diesel kung importante 'yon sa iyo?" si Briones.
"I don't have a choice. Nasira ko ang kanya kaya dapat lang na palitan ko." tugon niya at pumikit bago isandal ang ulo sa pader na nasa gilid niya.
"Class!"
Napaayos siya ng upo ng marinig ang boses ng Prof nila na si Mrs. Dela peña, business Teacher nila.
"Class, the activity booth is open for the freshman like you. You can go now and proceed to what booth you want." sabi nito.
"Jhaycee, ano nga palang kukunin mong activity? Hindi mo pa sinasabi sa amin." si Mina.
Nakibat-balikat siya dahil sa totoo lang ay wala pa siyang naiisip. Siguro, kung ano na lang ang naroon.
Tumayo na ang mga kaklase nila at lumabas, kaya tumayo na rin sila. Sinukbit niya ang bag sa balikat at nakapamulsa ang isang kamay sa bulsa ng pantalon niya..
Hinayaan na niya ang pagkapit ni Mina na parang tuko sa kanya. Nakukulitan man siya rito ay wala naman siyang magawa dahil sobrang kulit kahit na pagsabihan mo.
Habang tinatahak nila ang hallway ay nakita rin nila ang paglabas ng bangtan sa room ng mga ito. Napalingon ang mga ito sa kanila at napahinto.
"My loves." 'yung pink ang buhok na lumapit sa kanila. Napatingin ito sa kamay ni Mina at sa kanya kaya pinagtaasan niya ito ng kilay, "Pinagpapalit muna ba ako, My Loves?" inarte nito na kinairap niya dahil para itong si Shin.
"Hindi naman, Jin baby. Pero gusto ko lang nakadikit kay jhaycee, para mahawaan ako ng ka-astig-han niya." tugon ni Mina na kina-face-palm niya.
Napatingin siya kay Diesel na natawa sa sinabi ni Mina.
"Tara na, Jin. Ayokong makasabay ang isa d'yan." pagpaparinig ni Diesel at naunahang lumakad kasunod ng iba pa nitong kaibigan maliban dito kay Jin at kay Sandro.
"My loves, sabay na tayo. Music room ako." si Jin.
"Okay." sabi ni Mina. Kaya sabay-sabay na silang lumakad.
Pagdating nila sa mga booth na naghihintay ng mga sasali sa bawat activity ay nagkahiwa-hiwalayan na sila.
Pinagmasdan niya ang lahat ng mga activity na maaaring salihan. Lumakad lakad siya sa bawat room kung saan may iba't-ibang activity.
Unang niyang nadaanan ang music room na pwede sa guitars, piano, vocal, drums, dance, etc. Nakita niya si Mina at Jin na nagpapa-register na. Sa kabilang room ay nakita niya ang Science Club. Sunod ay English Club. At sunod ay sa Math Club.
Dumeretso siya hanggang sa nakita naman niya ang sport room. Nakita niya si Rex pati 'yung bangtan na si Michael at Benedict na tiyak na basketball ang sinalihan nito. Sa sunod na room ay sa volleyball, tennis, may master chess din, at cheering squad. Napahinto siya ng makita ang karatula na may nakasulat na Taekwondo class.
Napatitig siya rito at biglang nag-flashback sa isip niya ang araw kung kailan siya tinuturuan ng otōsan niya.
FLASHBACK
"MUSUME (Daughter), are you ready?" maawtoridad na tanong ng Daddy niya habang tinatali nito ng mahigpit ang sintron ng suot nitong taekwondo suit.
"Yes, Otõsan!" tugon niya at inihanda ang posisyon ng paa at kamay na tila handa na sa laban.
Pumisisyon din ang otōsan niya at seryoso silang nag-ikutan tila isang competition.
"Iiiyahhhh!" sigaw niya at sumugod ng mabilis at pinaulanan ng sipa at atake ng kamay niya ang binti at tiyan ng otōsan niya.
Agad na sinanggi ng Daddy niya ang kamay niya, kaya ginamit ng isang paa at balak sana niyang patumbahin ang Daddy niya gamit ang pagpapatumba sa mga paa nito, ngunit tumalon ito at hinawakan siya sa dalawang kamay bago ginamit ang mga binti sa pagsakal sa leeg niya.
Ibinuhos niya ang lakas at pumaikot bago niya pilipitin ang mga paa ng Daddy niya pataas. Pinalo nito ang sahig hudyat na natalo na ito sa laban kaya napatalon siya sa tuwa.
"Yehey! Natalo ko kayo, Otōsan!" natutuwa niyang sabi at lumapit dito bago yumakap sa leeg nito
"Good job, Musume." sabi nito kaya napangiti siya.
"Otōsan, can I go now to Shin house?" She asked.
"No. You need to focus on this than playing with Shin." maawtoridad nitong tugon at tumayo, "I hope you'll do better, Musume." iyon ang huling sinabi nito bago ito umalis sa practice room.
END OF FLASHBACK
"HEY, Miss!"
Napabalik siya sa sarili ng may marinig siyang boses na gumising sa natulala niyang isip. Napatingin siya sa lalakeng malaki ang katawan, matangkad, gwapo, at tingin niya ay nasa thirties na ito.
"Are you interested to join in my class?" tanong nito at tinuro ng hawak nitong patpat ang karatula ng taekwondo class.
Tumango siya rito na kinangiti nito at bumaling sa loob bago siya muling binalingan.
"You can go inside and fill up the papers in my table." sabi nito kaya tumango siya.
Nakapamulsa na humakbang siya papasok at napaangat siya ng tingin ng matigil ang naririnig niyang ingay kanina. Hindi na niya pinansin pa ang mga ito at hinanap niya ang table nung coach na magtuturo sa kanya.
Nang makita niya ay lumapit siya at kumuha ng isang fill up papers. Ginamit niya ang ballpen sa table at nilagay niya lahat ng hinahanap sa form.
Pagkatapos ay tumayo siya ng tuwid at napatingin sa buong practice room. Nakatingin pa rin sa kanya lahat tila ba isa siyang nakakadiring tao. Hindi na lang niya pinansin pa at lumakad siya sa dulo at hinubad ang bag bago naupo at sumandal sa pader.
"Why she's doing here? Eww! I don't want her here."
"Maybe, gusto pa niya maranasan ang sobrang sakit. Well, why not? Baka hindi pa siya solve sa ginawa natin sa kanya kanina."
Iba't-ibang bulungan ang naririnig niya pero balewala sa kanya 'yon at nakatingin lang siya sa kawalan.
"Okay, class! We need to start. Tingin ko naman ay wala ng nais na sumali pa." pukaw sa kanila ng coach ng taekwondo.
"I have uniforms in the closet. So pick yours and change before we start our class." pagpapatuloy nito kaya agad na nagsitayuan ang mga estudyanteng nais na matuto ng taekwondo.
Bumukas ang pinto kaya napalingon lahat. Agad nagtilian ang mga babae rito kaya lumingon siya. Napaasik siya dahil 'yung hambog na si Diesel lang pala.
Tila naramdaman pa nito ang pagkaasik niya kaya bumaling ito sa kanya. Agad na nagsalubong ang kilay nito ng makita siya.
Hindi na niya pinansin ito at lumakad siya palapit sa closet at kinuha ang isa sa dalawang natitirang taekwondo suit. All white siya kaya malinis tignan at mukhang bago pa. Sabagay, private school ito kaya afford ng school na bumili ng bago para sa mga estudyante.
Tinungo niya ang changing room para magpalit pero agad siyang naunahan ng hambog na si Diesel.
"Opps! Nandyan ka pala. Sorry, nasa loob na ako." nakangising sabi nito at sinara na ang pinto.
Napatiim-bagang siya at nagtimpi na lang na maghintay sa mga natatapos na kaysa patulan ang isip-batang si Diesel.
Nang may matapos na ay pumasok siya at nilapag ang bag at taekwondo suit sa isang wooden chair.
Hinubad niya ang tshirt at pants bago isuot ang taekwoondo suit. Nang matapos siya ay tiniklop niya ang pinaghubarang damit at sinilid muna sa bag niya bago siya lumabas.
Napatingin sa kanya lahat dahil siya na lang pala ang hinihintay. Napatingin siya kay Diesel na ngisi ng ngisi.
Isang isa na lang ito at bibigwasan na talaga niya, ngunit alam niya na walang kapupuntahan ang pagpatol rito kaya hindi na lang niya pinansin pa at lumakad na siya palapit sa inupuan niya kanina at naupo.
"Okay, Class! I'm Coach Tim. And today we start in the basic movements. So, who wants to volunteer first?"
"Sir, I suggest to pick the partners first." sabi ng babae.
"You're right. Okay." tugon ng Coach Tim at kinuha nito ang yellow pad na pinagsulatan nila ng attendance, "So, pipili ako ng magkaka-partner at kung sino ang una kong tawagin ay siya ang unang sasabak, okay?" pagpapatuloy nito.
"Mr. Orosco at Mr. Peñaflor, kayo ang una." sabi ni Coach sa unang tinawag niya, "Mr. Ford and Ms. Flores."
"Sir, sino 'yun?" tanong ng hambog na si Diesel.
'Yeah. Sino nga 'yun?' aniya sa isip.
"Ms. Flores?" tawag ng coach nila. Palingon-lingon ang lahat maging siya.
Pero nang may napagtanto siya ay napahawak siya sa noo at agad na nagtaas ng kamay kaya napatingin sa kanya ang lahat.
"Bakit hindi ka agad umimik? Are you with us?" tanong ni Coach Tim.
"Yes. Sorry, Sir." Flat na tonong sabi niya.
"Psh! Ano bang kamalasan ito at siya pa ang naipares sa akin?" bulong-bulong ni Diesel na ilang dangkal lang ang layo sa kanya kaya dinig na dinig niya ang sinasabi nito.
Hindi na lang niya pinansin ito at hinihintay na lang na matapos ang pagbanggit sa mga pangalan na pinapares.
"Okay, let's start! Mr. Orosco at Mr. Peñaflor." Coach Tim.
Tumayo ang dalawang tinawag at tinuruang pumusisyon. Hanggang sa mga basic moves.
"Tsk. So easy. Lalo na at wala namang binatbat ang kalaban ko." pagpaparinig muli ni Diesel na alam niya na sa kanya nagpaparinig ito.
Napapailing siya dahil napakayabang lang nito. Akala mo naman kay galing nito. Well, let's see. Tignan lang niya kung hanggang saan ang angas at yabang nito.
Nang matapos ang dalawang unang sumabak ay tila mga nanlalata pa kaya napapailing ang coach nila.
"Class, make sure that you all have energy before going to my class. This is not easy like what all you think." paalala nito sa kanila, "Okay, next." sabi pa nito kaya tumayo na siya kasabay ni Diesel.
Lumapit sila sa Coach at yumuko habang nakadaop palad ang mga kamay nila sa harap ng dibdib. Matapos mag-bow rito ay nagharap sila ni Diesel at nagsalubong ang mga mata nila. Tila may kuryenteng dumadaloy sa bawat mata nila bago sila nag-bow sa isa't-isa bilang paggalang.
Nang matapos ang pag-bow ay pumusisyon na ang mga paa at kamay nila. Ngumisi sa kanya si Diesel kaya pinagtaasan niya ito ng kilay bago ngumisi.
Agad na nagsanggaan sila ng kanilang kamay bago niya inangat ang isang paa at pinatamaan ito sa dibdib na kinaatras nito.
Bumagsik ang mukha nito at agad siyang pinaulanan ng atake ng kamay bago nito itaas ang isang paa kaya tinaas niya rin ang isang paa niya kaya nagkatamaan sila.
Hinawakan niya ito sa kamay at yumuko siya bago mabilis na umikot patungo sa likod nito. Ginamit pa niya ang isang paa at kinawit sa isang paa nito at buong pwersa niyang binuhos ang lakas bago niya napatumba ito.
Hingal na hingal siya na napaluhod at napatingin rito na nakadapa sa sahig.
"Very good! Very good!" palakpak ni Coach tim sa kanila kaya tumayo siya. Umikot si Diesel ng higa kaya lumapit siya rito at naglahad ng kamay.
Pawis na pawis at hingal na hingal siyang nakatanghod dito habang ito ay gulat na gulat na nakatingin sa mukha niya. Pinunasan niya ang pawis sa noo gamit ang braso bago niya muli i-offer ang kamay.
"Tsk. Get up. Para kang tanga." sabi niya rito kaya napaiwas ito ng tingin bago hawiin ang kamay nuya at kusang tumayo.
Napapailing siya at humarap kay Coach Tim bago yumuko.
Napatingin siya kay Diesel na iling ng iling habang hinahampas ang pisngi.
"Mr. Ford, are you okay?" tanong ni Coach tim rito.
Agad namang umayos ng tayo si Diesel bago yumuko.
"Yes, I'm fine." tugon nito at napatingin sa kanya. Napatitig pa ito sa kanya bago umiling-iling.
Nawi-weirdo-han siya sa kinikilos nito. Sabagay, weirdo naman ito kaya bakit pa siya nagtataka?
Nakiba't-balikat na lang siya at lumakad na palapit sa pwesto niya at naupo.
"No, it can't be. No... Nag-iilusyon lang ako. Tama.. Tama.." bulong-bulong ni Diesel sa sarili kaya napalingon siya rito. Panay ang iling pa rin nito at ginulo ang buhok tila mayroon itong hindi matanggap sa sarili. Lumingon ito sa kanya at nagulat pa ito ng makita siyang nakatingin.
"'Wag ka ngang tumingin, nakakabanas ka." mariing bulong nito at tumalikod sa kanya.
"Problema nito?" usal niya na napapatanong.