CHAPTER 4 - SHADES

3119 Words
CHAPTER 4 SHADES ? BANAS na banas na ipinasak ni Diesel sa tenga ang ear phone niya at gamit ang mga braso ay ginawa niyang mga unan ito. Pumikit siya at nakakunot-noo pa rin dahil hanggang ngayon ay nanginginig siya sa inis kay Akina. "Baby RonRon, kakain na! Bakit ba ayaw mo pang bumaba?" katok ng Mommy niya kaya inis na inalis niya ang pasak na ear phone sa tenga niya. "Ayoko nga pong kumain." tugon niya at ginulo ang buhok niya. Bumukas ang pinto at pumasok ang Mommy niya na si Beatrice. "Bakit ayaw mong kumain? Inaayos na ng Daddy mo ang sunny car mo." mahinahong sabi ng Mommy niya at naupo sa dulo ng kama niya. "Wala ako sa mood, Mom." sabi niya habang kinakalikot ang ear phone. "Sino ba 'yung nagsulat sa sunny mo? Tila may matinding galit sa iyo." nakangiting sabi ni Beatrice habang tinitignan ang anak na ngayon lang nagmaktol ng ganoon. Pag-uwi ni Diesel sa bahay ay inis na inis ito. At nang tinatanong niya kung bakit ay dahil pala sa isang sulat gamit na ginamitan ng pentel pen. "She's just a poor girl, Mom. She's so annoying and so boyish." sabi ni Diesel at walang gana na binitawan ang cell phone. "Anak, don't call her poor. Ano ba ang sinabi ko sa inyo? 'Wag kayong titingin sa panlabas na anyo. Ayaw ko ng ganoong asal anak. At nakita ko naman ang sinulat nung babaeng sinasabi mo. Mas gumanda nga ang sasakyan mo, e. Inferness ha, maganda ang penmanship hand writing niya. " paalalanan ng mom niya at pinuri pa nito ang sulat ni Akina. "Mom!" pikon niyang suway rito na kinahalakhak nito at tumayo. "'Wag ka na kasing mag-matol d'yan. Tara na at naghihintay na ang Daddy mo at mga kapatid mo. Masamang pinaghihintay ang pagkain." aya nito at hinila siya kaya napangiti na siya at tumayo sa kama. "Ma, piggy back." sabi niya at sumampa sa likod nito. "Jusko Anak! Ang laki mong bulas. Sa akin ka pa talaga nag-piggy back." nahihirapan nitong sabi kaya napahalakhak siya at umalis sa likod nito bago niya akbayan ang Mom niya. "I'm kidding, Mom." sabi niya kaya piningot siya nito sa tenga. "Ikaw talagang bata ka, puro ka kalokohan." sabi nito kaya napangiti siya kahit paano. - "ANONG nangyari sa first day mo, Akina? Nagustuhan mo ba?" tanong ni Isabelle sa kanya at nilapag nito ang tinolang manok sa hapag na umuusok pa. "Okay lang." wala niyang ganang tugon at sumalok ng sabaw at humigop para mainitan siya. Medyo basa pa ang buhok niya habang may face towel sa ulo niya na ginawa niyang pamunas para tiyuin ang buhok niya. Naligo kasi siya dahil nga galing siya sa maalikabok na lugar at nadumihan ang damit niya dahil sa pagbubuhat ng sako ng graba. "Anong okay lang? Parang hindi ka naman okay?" Binaba niya ang soup bowl sa plate at tumingin siya kay Isabelle. "Tiya, 'yung shades, magagawa pa ho ba?" paglilihis niya sa usapan. "Tinignan ko, pero hindi na maaayos 'yon dahil sobrang basag at putol na ang tangkay. Kanino ba 'yon at bakit nagka-ganoon?" sabi nito kaya napahinga siya ng malalim. "Wala ho. Hindi na ho importante 'yon." Tugon niya at kumuha ng manok at nilagay sa plato. "Oo nga pala, Akina. Tutal ay sabi mo nga may work ka na, isasama ko na lang si Allen sa trabaho ko, para hindi na siya maiwan dito mag-isa." Napaangat siya ng tingin at napatingin rito dahil sa sinabi nito. "Sigurado kayo, Tiya? Hindi ba nakakahiya sa amo mo at baka maglikot si Allen doon?" "Hindi 'yon. Sanay na 'yon sa bata dahil walo ba naman ang anak no'n. Saka mabait na bata itong si Allen at alam ko na hindi siya maglilikot doon." "Walo ang anak nung amo mo? As in walo? Pero bakit mukhang bente-singko palang siya? Hindi kapani-paniwala na may walo siyang anak... Grabe pala ang dami ng anak no'n." hindi niya makapaniwalang sabi. "Ano ka ba! Syempre sa ganda ni Ma'am ay talagang aagarin ni Sir 'yon. Sa itsura pa naman ni Sir na mukhang mahilig." ngising-ngising sabi ni Isabelle sa kanya. "Mahilig?" hindi pa niya ma-gets ang sinabi nito. "Saan pa ba? Edi sa kama. Hihi." kinikilig nitong sabi na kinanganga niya at kalaunan ay umiling na lang siya. "Tama na nga. Maunawaan pa ni Allen ang sinasabi n'yo." saway niya rito. "Asus! Ikaw nga hindi mo agad naunawaan, ang batang ito pa kaya." tukso nito at tinuro si Allen na patuloy sa pagsubo sa pagkain nito. "Kayo talaga." iling niyang sabi at uminom ng tubig bago tumayo. "Oh, saan ka pupunta?" tanong sa kanya ni Isabelle ng tumayo siya agad. "Busog pa ho ako. May tatawagan din ako." tugon niya at umalis na lamesa. Umakyat siya sa taas at tinungo ang kwarto. Naupo siya sa kama at hinalungkat ang bag para kunin ang phone niya. May pinindot-pindot siya at may tinawagan overseas.. "Who's this?" napailing siya dahil tila inaantok ang boses nito na sinagot ang tawag niya. "Shin." aniya at nakarinig siya ng kalabog sa background. "Baby! Ikaw ba 'yan?" tuwang tuwa nitong sabi sa pagkataranta. "The one and only." "Bakit ngayon ka lang tumawag? Nakakatampo ka!" nag-i-inarte nitong sabi. "Kahapon lang din kasi ako nagkaroon ng phone kaya ngayon lang din ako tumawag." sabi niya rito. "Gano'n ba, baby. Akala ko kasi kinalimutan mo na ako." Napairap siya dahil tiyak mukha itong s**o ngayon sa kakanguso. "Tsk. Stop calling me baby, it's irritating." suway niya rito. "Ayoko nga, endearment ko na sa iyo 'yon, e." "Psh! Tigas din ng ulo. Kumusta sila Dad at ?om?" bigla niyang tanong. "Pinaghahanap ka ng Dad mo. Pati sa akin ay hinahanap ka. Naku, baby, galingan mo sa pagtago dahil 'pag nakita ka ng Dad mo ay hindi natin alam kung ano ang gagawin niya. Tumawag din siya ng police officer dito para ipahanap ka." Napahinga siya ng malalim at napahilot ng noo sa binalita ni Shin. "Basta tawagan mo ako kung mayroon mang hindi magandang nangyayari d'yan. At ibalita mo rin sa akin kung ano ba ang lagay nila Mommy." pakiusap niya rito. "Sure." napahinga siya ng malalim at nagpaalam sila ni Shin sa isa't-isa. Nahiga siya sa kama at napatingin sa kisame. Kahit na tumakas siya sa mga ito ay sobrang nag-aalala rin siya sa kalagayan ng magulang niya. Piping humihingi siya ng sorry sa mga ito. "Please, give me more time to spend my freedom peacefully. I want to see the other side of me. I want to see the happiness of being independent. Dad, I know that you are really so disappointed to me right now but I know someday that you will be proud of me. And I'll make sure of that." Pumikit siya at sa dulo ng kanyang mga mata ay may pumatak na luha ng isang nangungulila ring anak.. ~ KINABUKASAN ay pumasok si Akina sa university para lang salubungin ng pambabato sa kanya ng kamatis. Nasa gate palang siya ay binabato na siya ng mga nakakasalubong niyang estudyante. Napatiim-bagang siya dahil narumihan na ang damit niya at maong pants. Naglalakad siya habang nakasunod ang mga ito na patuloy sa pagbato sa kanya. "Hoy! Anong ginagawa n'yo sa kanya, ha? Tigilan n'yo nga 'yan!" si Mina na humarang kasama si Briones at Rex. "'Wag ka ngang humarang d'yan, Mina. Utos sa amin ito kaya wala kang pakialam kung ano ang gawin namin sa kanya." sabi ng isang lalake. "Sige, batuhin n'yo na rin kami." sabi ni Mina. "Syunga ka talaga, Mina. Lalo mo lang sila inudyok." si Briones. "Huh? Dapat ba sabihin ko na ipagpatuloy nila?" Napailing siya sa turan ni Mina. Hinawakan niya ito sa balikat kaya bumaling ito ng tingin sa kanya. "'Wag n'yo na akong harangan. Hayaan n'yo sila, magsasawa din ang mga 'yan." sabi niya rito. "Pero, paano ka?" "Kaya ko ang sarili ko. Pumasok na kayo baka ma-late pa kayo ng dahil sa akin." flat na tono niyang sabi rito, "Sige na, Rex. Ayain muna ang dalawa paalis rito." baling niya kay Rex na agad tumango at hinawakan ang dalawa sa braso at hinatak palayo sa kanya. Humarap siya sa mga estudyanteng may hawak na maraming kamatis. Inalis niya ang bag at hinagis palayo sa kanya. Naupo siya sa sahig ng field at nahiga bago tumingin sa langit. "Sige, batuhin n'yo ako hanggang sa magsawa kayo." sabi niya at pumikit, lalo na ng maramdaman niya ang pagbato sa mukha niya. - "SEL, ano ba ang inutos mo sa mga 'yon? Hindi na makatao ang ginagawa nila sa babae." si Sandro na hindi kinaya ang nakikita habang narito sila sa second floor at nakatayo habang kitang kita nila ang pagbabato ng mga estudyante kay Akina. "What? Wala akong pinag-uutos na ganyan. Bakit ako binabalingan n'yo?" iritang sabi ni Diesel. "Ikaw lang naman ang may matinding galit sa kanya. Kaya bakit hindi ikaw ang pagbibintangan namin." Si Sandro na naiinis na sa kaibigan. Hindi umimik si Diesel habang nakatingin kay Akina na parang wala lang rito ang pagbabato ng kamatis. Hindi niya alam kung masusura siya sa kayabangan nito. Masyadong pa-cool pa rin kahit na basang basa na ito ng mga katas ng kamatis. "Jin!" Napalingon sila sa galit na boses na 'yon at nakita nila si Mina kasama ng kaibigan nito. "My loves." napaasik siya dahil ang corny talaga nitong si Jin. "Dinig ko na isa sa inyo daw ang nag-utos kaya binu-bully si Jhaycee ngayon. Ikaw ba 'yun? Dahil ba close siya sa akin?" "Ay! Lakas talaga ng confident nito." si Briones. 'Jhaycee pala ang pangalan niya.' ani niya sa isip. "Jhaycee ba ang pangalan niya?" si Sandro kaya napatingin siya rito. "Oo." si Briones. "My loves, hindi ako 'yun. Good boy kaya ako." malambing na sabi Jin kaya aalis na sana siya ng mapatingin siya kay Sandro. "Saan ka pupunta, Sandro?" si Michael. "Tutulungan ko lang si Jhaycee." sabi nito at napatakbo na. Napakuyom siya ng kamay at tumingin muli kay Akina. - "STOP!" Napadilat si Akina ng makarinig ng boses na tila pinipigilan ang pambu-bully sa kanya. Dumilat siya at nanlalabo ang mga mata niya kaya hinawi niya ang kamatis sa mata niya. Nakita niya ang isang lalake na nakangiti at nakalahad ang kamay sa kanya. Naupo siya at tumingin sa mga estudyante na lumayo. "Tapos na ba kayo?" bagok niyang tanong. "Sorry sa nangyari sa iyo. Pangako, hindi ka na nila guguluhin." sabi ng lalake na nakita niyang kasa-kasama ni Diesel. "Hindi ko na kailangan ng tulong mo. Alam ko naman na pakana ng kaibigan mo ito. Kaya bakit mo ako tinutulungan?" sabi niya at tumayong mag-isa na hindi inaabot ang kamay nito. Lumakad siya palapit sa bag niya at binitbit niya 'yon. Napaangat siya ng tingin sa building at nakita niya si Diesel kasama ng grupo nitong nakatingin sa kanya. Nakita niya rin na nandoon sila Mina. Naglakad na siya na balewala ang mga kamatis sa katawan niya. Tinungo niya ang shower room at naglinis siya ng katawan. Mabuti at may baon-baon siyang damit, pati panloob para in case nga na mapag-trip siya. Pagkatapos makapaglinis ay binanlawan niya ang marurumi niyang damit at sinampay sa nakita niyang tagong sampayan sa gilid. Wala naman sigurong magkaka-interest na kumuha no'n. Mamaya na niya kukunin 'pag natiyo na. Lumabas na siya ng shower room rito sa swimming pool area. Paglabas niya ay pansin niya na wala ng masyadong estudyante. Habang tinatahak niya ang hallway kung saan ang daan patungo sa room niya ay napatingin siya sa isang room at kita niya ang bangtan na nasa gilid ng glass window nakapwesto ang mga seat chair. "Mr. Ford, hindi porket ang Daddy mo ang may-ari ng school na ito ay pa-easy-easy ka na lang sa subject ko." dinig niyang sermon ng Prof kay Diesel. "Gag*!" sigaw ng isang lalake na may sinigawan mula sa ibaba. Matapos nitong bigyan ng 'f**k you sign' ang sinasabihan nito ng gag* ay pumasok na ito sa tapat nitong room tila wala pang guro. "Hoy, Miss!" Napabaling siya sa likod niya at nakita niya ang Prof na babae ng Bangtan. "Ho?" taka niyang usal at lumapit rito. "Bakit ka sumisigaw ng gago? Hindi mo ba alam na class hour ngayon at bawal ang pagsasabi ng mga offense word dito?" mataray nitong sabi. "Pero hindi po ako ang nagsabi no'n. 'Yung lalake sa kabilang room." "Nagtuturo ka pa. Bakit hindi ka ba lalake?" sabi nito kaya nagtawanan ang mga estudyanteng nasa loob na tinuturuan nito. Napakuyom siya ng kamay at hindi na lang nagsalita bago talikuran ito. "Walang modo! Hoy! Bumalik ka rito at kinakausap pa kita." galit nitong insultong hiyaw. Hindi na niya pinansin ito dahil kung gano'n ba naman ang teacher ay sino ito para igalang. Mas mukhang ito ang walang modo sa pang-iinsulto sa kanya. Pagdating sa room ay napapikit siya dahil tiyak na dragong Prof na naman ang maaabutan niya. Pumasok na siya dahil bukas naman ang pintuan. "Ms. Flores or let's say Mr. Flores, late ka na sa klase ko kaya bakit tumuloy ka pa? Tapos papasok ka na parang hangin lang ako rito. Mga walang modo na ba talaga ang mga estudyante ngayon?" sabi ni Prof. Rowen. Tinungo niya ang upuan niya sa tabi ni Mina na alam niyang kabado dahil sa Prof nila. Naupo siya na parang hindi alintana ang galit ng Prof niya. "Tayo, Flores!" iritang tawag sa kanya ni Prof. Rowen. Kaya tumayo siya at tumingin rito na masama ang timpla ng mukha habang nakatingin sa kanya. "Five hundred sixty times thirty divided by sixty. What is your answer? Tutal ay magaling kang magyabang." hamon nitong tanong sa kanya. Tumingin siya rito na tila may ngising paghahamon. "Ano? Nagbibilang ka pa ba? Nasaan ang yabang mo?" "280." tugon niya. Napatahimik ito at napatikim bago tumalikod. "Okay, Class. Let's proceed to the topic I discused earlier." sabi nito kaya napapailing na naupo siya. Mapagpatol din pala itong Prof nila. "Ang galing mo. Nandoon palang ako sa times." bulong ni Mina. Tipid na lang siyang ngumiti at tumingin sa prof nila dahil baka mamaya ay pagdiskitahan na naman siya. "Sabay ka sa amin." napahinto siya sa paglalakad palabas ng room ng ikawit ni Mina ang braso nito sa braso niya. Lunch break na at naisipan niya na kumain sa tahimik na lugar. Tutal ay may baon naman siyang pagkain. Doon sana siya muli sa pinagtambayan niya kahapon. Kaso, bago pa siya makatanggi ay hinila na siya ni Mina at Briones. Pagdating nila sa cafeteria ay napatigil sa pagkain ang mga estudyante at napatingin sa kanila, o mas tamang sabihin na sa kanya. "'Wag mo na silang pansin. Kami ang bahala sa iyo." sabi ni Mina. "Kalurkey! Akala mo naman may magagawa. Mabuti na lang at may Jin kang suitor kung hindi ay damay-damay na ito." si Briones. "Tama na nga 'yan. Doon na tayo sa table natin." si Rex kaya naglakad na sila. Napatingin siya sa kabilang table dahil may nararamdaman siyang masamang awra. At tama naman, dahil si Diesel ang bumungad sa kanya na masamang tumingin sa kanya. Hindi na lang niya pinansin ito at naupo na siya bago ilapag sa table ang bag niya.. "Ano ang sa iyo, Jhaycee?" tanong ni Mina sa kanya. "Hindi na. Mayroon akong baon." sabi niya. "Really?" natutuwang sabi nito, kaya tumango siya. "Kami na lang ang o-order, Jhaycee. Bantayan muna lang ang table natin." sabi ni Briones. "Okay." maikli niyang tugon kaya tumayo na ang tatlo. Tumingin siya sa paligid at napansin niya na nakatingin sa kanya ang lahat tila may binabalak pa sa kanya. May naglapag ng tray sa lamesa nila kaya napaangat siya ng tingin. Nakita niya ang lalakeng kaibigan ni Diesel na nais siyang tulungan kanina. "Hindi ka ba o-order ng food mo? Gusto mo share tayo?" alok nito. "No need. I have my own food." blanko niyang sabi at tumingin na lang sa paligid. "Ako nga pala si Sandro. Jhaycee, right?" Napabaling siyang muli rito dahil nagtataka siya kung paano nito nalaman ang pangalan niya? Pero siguro dahil talagang kalat na kalat na ang pangalan niya rito sa university dahil siya lang naman ang target ng mga estudyante rito. Tumango siya at humalukipkip bago pumikit. "Pag-binully ka nila ulit, just call me." sabi pa nito. "I don't need your help. I can handle myself." sabi niya rito habang nakapikit. "In case lang naman." sabi nito. "Hoy, Tibo!" Napadilat siya ng marinig ang boses ni Diesel at alam niya na siya ang tinatawag nito. "Ano? Nasaan na ang pamalit mo sa shades ko? Ang yabang-yabang mong magdeklara na papalitan pero hanggang ngayon ay wala pa rin." pagpaparinig nito. Napahinga siya ng malalim at tumayo habang nakapamulsa sa pantalon niya. Lumapit siya rito at huminto sa gilid nito kaya napaatras ito ng kaunti. "A-Ano?" nauutal nitong sabi pero nandoon pa rin ang pagkamaangas ng tono nito. "Next time, 'wag kang magpaparinig ng parang babae. Tumutupad ako sa pangako ko pero sana tuparin mo ang hinihiling ko na tantanan muna ang pag-ganti mo sa akin." "Yeah.. Yeah.. Nasaan na?" Ibig niyang bigwakas ito pero nagtitimpi siya. Tutal ay alam niya na may kasalanan rin siya at nais na niyang matahimik dahil baka ito pa ang dahilan kapag nahanap siya ng Daddy niya. Umalis siya sa harap nito at lumapit muli sa table nila. Nandoon na rin sila Mina na nagtataka kung bakit siya lumapit sa grupo nila Diesel. May kinuha siya sa bag na isang box na itim na pinaglalagyan ng shades. Lumapit siyang muli kay Diesel at hinagis rito 'yon na gulat na sinalo nito. "'Yan na, matahimik ka na." sabi niya rito. "Tsk. How much this kind of shades? Looks cheap." Napataas siya ng kilay sa sinabi nito dahil kelan pa naging cheap ang pinakamahal na shades sa japan? Ibig niyang salungatin ang paghuhusga nito sa shades niya pero napagtanto niya na hindi maaaring malaman ng iba kung ano ang tunay niyang pagkatao. Lumapit siya rito at hinawakan sa kwelyo bago itinayo na kinagulat nito. "May angal ka pa ba sa binigay ko?" mariin niyang tanong. "T-Teka.. Sabi mo wala ng gantihan? May sinabi ba ako na CHEAP ang shades mo? Wala kaya." pag-iiba nito sa sinabi kanina. Napatango siya at dahan dahang niluwagan ang hawak sa kwelyo nito. "Mabuti at nagkakaintindihan tayo." sabi niya rito at tuluyan ng binitawan. Tumingin siya sa mga kaibigan nito na nagpipigil ng tawa pero napatigil at nagkunwari na may ibang ginagawa ng mapatingin siya. Hindi na niya pinansin ang mga ito at bumalik na siya sa table nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD