CHAPTER 3
PERMANENT MARK PEN✒️
HABANG naglalakad si Akina patungo sa locker room kung saan nakapangalan sa kanya, ramdam niya na may sumusunod sa kanya mula palang sa paglabas niya ng classroom, hanggang rito sa girls locker room.
Huminto siya kaya ramdam niya ang mabilis na pagtago ng mga ito. Iniluhod niya ang isang tuhod para isintas ang natanggal na tali ng shoes niya. Pero pinapakiramdaman niya ang muling paglitaw ng mga ito na kinangisi niya.
"Gagawa na lang ng krimen hindi pa ginalingan." aniya sa isip dahil kitang kita ang anino ng tatlong lalake dahil sa madilim ang locker at pumapasok ang liwanag ng araw.
Nang maitali niya ng mahigpit ang sintas ay tumayo siya at nakapamulsa na humarap sa tatlong estudyante rito na napahinto at nagulat.
"Need me?" seryoso niyang wika. Nagkatinginan ang mga ito at bago dahan-dahan na lumapit sa kanya at pinaikutan siya. Napahikab siya dahil ang tagal namang mag-suguran ng mga ito sa kanya.
"C'mon!" inip niyang usal kaya mabilis siyang sinugod ng mga ito kaya ngumiti siya at humawak sa strap ng bag niya at inalis sa balikat bago hinampas sa unang sumugod sa kanya na kinatumba nito. Ginamit niya ang isang kamay at hinawakan ang kamao ng isa na nais siyang paulanan ng suntok pero mas mabilis siya kaya pasensyahan sila, "Slow." pang-aasar niya habang ito ay napapangiwi dahil mahigpit siyang nakahawak sa kamao nito hanggang sa unti unting pinilipit na kinahiyaw na nito sa sakit..
May naramdaman siyang pasugod sa likod niya kaya ginamit niya ang paa at sinipa ito sa dibdib ng malakas na kinahagis nito sa sahig dahilan rin kung kaya namimilipit ito sa sakit.
"Gag* ka!" hiyaw ng hinagisan niya ng bag na may hawak na bakal na nakuha sa gilid ng pader. Ihahampas sana nito sa kanya ng pigilan niya ito gamit ang isang kamay at ginamit niya ang isang paa para malakas na ihampas sa mukha nito na kinabagsak nito sa sahig at kinahimatay nito.
Tumingin siya sa lalakeng hawak niya ang kamay. Bumuwelo siya at hawak-hawak ang kamay nito na nagpunta siya sa likod nito at pinilipit na lalo nitong kinahiyaw sa sakit. Pinalo niya ito sa batok na kinahimatay nito kaya napailing siya habang nagpapagpag siya ng kamay.
Pinulot niya ang bag at walang gana na lumabas ng locker room dahil wala na siyang ganang maglagay ng libro doon.
Nakapamulsa siya habang nakayuko na naglalakad patungo sa WCU Sport Arena kung saan sila pinapapunta lahat ng estudyante dahil may warm welcome daw ang school sa lahat.
Kung siya ang masusunod ay uuwi na lang siya dahil masyadong ka-cheapan ang idea ng school. Hindi naman kasi warm ang welcome sa kanya ng mga estudyante rito, kundi hell.
Pagpasok niya ay punong puno ang buong Arena. Mga tumitili ang mga babae habang mga nakalabas ang phone or video cam. Ang ilan ay may hawak na pompoms at nagchi-cheer.
"Jhaycee, dito!" napabaling siya ng tingin ng marinig niya ang pangalan niya. Nakita niya si Mina na nasa unahang upuan katabi ang dalawa na si Briones at Rex. Kaya nakayuko na lumakad siya palapit sa mga ito habang nakapamulsa ang isang kamay at ang isa ay nakahawak sa strap ng bag niya.
"Mabuti at dumating ka na. Maupo ka na at lalabas na ang bangtan." na-e-excite na sabi ni Mina sa kanya at hinatak siya paupo. Lihim na napaasik siya dahil lalo lang siyang nawalan ng gana.
"Okay, Students. Before we start, let's give a warm welcome shout for the Bangtan Boys!" sabi ng emcee na isang bakla rin ang salita at kilos pero mukha siyang nire-respeto ng estudyante.
"Whoo! Bangtan! Bangtan!"
"Diesel my love!"
"Jin, marry me!" kinikilig na hiyaw ng isang grupong babae.
"Narinig mo, Mina. May nagpapantasya sa Jin mo." si Briones.
"It's okay, Brio. Hindi naman ako madamot. Hanggang hiyaw lang naman sila." nakangiting sabi ni Mina.
"Wow! Lakas ng confident mo, lukaret ka." si Briones.
"Kyahhhh!"
Malakas na dumagundong ang hiyaw ng mga estudyante kasabay ng malakas na tunog ng isang musika. Cool na cool lang na nakaupo si Akina habang bagot na bagot na nakatingin sa stage.
May pasabog pa ng usok bago siya may narinig na boses na nag-umpisang kumanta.
Insert song [Blood Sweat & Tears by BTS]
Kasabay ng pagkanta ng bangtan ay ang pagsayaw nila na sabay-sabay at mga swabeng swabe nilang galaw. Inaamin ni Akina na magaling at maganda ang boses ng grupo. At kaya hindi na rin siya nagtataka kung bakit tinitilian ang mga ito--gwapo at malalakas ang appeal.
Nagtagpo ang mata nila ni Diesel na nakita niya ang pagsalubong ng kilay nito habang kumakanta. Ngumisi siya at humikab tila inaasar niya ito. Ewan niya kung bakit ang sarap asarin nito. Natagis ang bagang nito kaya napailing siya tila sinesenyas ito na nakakabagot lang na panoorin ito.
"Ang tagal namang matapos." bagot niyang sabi.
"Oo, lalo na 'yung pink ang buhok--Si Jin 'yun! Ang galing niya, no?" sabi sa kanya ni Mina na napapatili.
Napa-face-palm siya dahil ang layo ng sinabi niya sa sinabi ni Mina. Napailing siya dahil ang lakas ng tama nito sa pink na buhok.
Nang matapos ang kanta ay lalong napasigaw ang mga estudyante. Napahawak siya sa tenga niya dahil ang lakas ng tili ni Mina na tila lumabas na ang puso nito sa lakas ng tili.
"Nag-enjoy ba kayo sa opening natin, Students?" panimula ng isang ginang na umakyat ng stage.
Sumagot naman ang mga estudyante ng 'Yes' maliban sa kanya. Napatingin siya sa wrist watch niya at nakita niya na alas tres medya na. Nag-aalala siya dahil tiyak na naiwan si Allen sa bahay ng mag-isa. Akala niya kasi dahil unang pasukan palang ay maaga siyang makakauwi. Hindi pala tulad sa japan ang time ng pasok sa pilipinas.
"Napakasaya din namin at napaunlakan kami ng bangtan boys na mag-perform ngayong araw kahit na biglaan lang ang pag-perform nila. Sa bagong estudyante ngayon na hindi pa nakakakilala sa kanila, sila ang sikat na boy group sa west cassex high school at ngayon nga ay nakita na natin sila ngayon na mag-perform para naman sa west cassex college." papuri ng ginang na kinabuntong-hininga niya.
"Anyway, para sa mga freshman student na narito, nais kong sabihin sa inyo na maaari na kayong sumali bukas sa mga activity sa school na nais n'yong salihan. Isa na sa gawain ng university'ng ito ang activity, kaya inaasahan ko na ang lahat ay may sasalihan." nakangiti nitong sabi na kinapalatak niya.
Mayroon pa palang activity na gagawin sa school na ito. Akala niya magkakaroon siya ng maraming time.
"'Yun lang muna ang i-a-anounce ko. I-a-announce ko nal ang ulit ang iba pang activity 'pag malapit na sa buwan ng nasabing activity na gagawin natin. 'Yun lang at maraming salamat." nakangiting pagtatapos ng ginang sa warm welcome kuno nito.
Tumayo na siya at aalis na dapat ng may pumigil sa braso niya.
"Saglit, Jhaycee! Ano ba ang napili mong activity?" pigil at tanong sa kanya ni Mina kaya humarap siya rito, "Si Rex kasi ay sa varsity. Si Briones ay tatakbong student officer. Tapos ako ay sa dance group. E, ikaw?" pagpapatuloy nito.
Napatingin siya sa tatlo at napahinga ng malalim. Umiling siya, "Wala." maikli niyang tugon.
"Huh? Bakit wala? Hindi pwedeng wala kang salihan. Makakadadag din 'yon sa grades mo." si Briones.
"Saka ko na iisipin 'yon, kailangan ko nang umuwi." bagot niyang sabi at humarap na muli sa daan at naglakad na palayo sa mga ito.
~
"PAANONG nangyari na nandoon ang babaeng 'yon?" tiim-bagang na sabi ni Diesel at huminto sila ng matapat na sila sa kanila kanilang kotse.
"Sino? Maraming babae sa arena." sabi ni Benedict.
"Tsk. Sino pa ba? Edi 'yung tomboy na 'yun. Nakita n'yo ba ang reaksyon nIya nung nag-perform tayo? Parang sinasabi niya na nakakabagot tayong panoorin." Banas niyang sabi.
"Uh-oh! Tila palagi munang bukang-bibig ang transferee ngayon araw. Iba na 'yan." pang-aasar ni Michael.
"Eww! Mandiri ka nga sa sinasabi mo, Michael. Oo, bukang-bibig ko, pero sa sobrang pagkabanas sa kanya. Paano ba kapasok sa university ang kagaya niya?" banas at diring diri niyang sabi na kinahalakhak ng anim.
"Boss!"
Napalingon sila at nakita niya ang tatlong inutusan niya na tila mga sakit na sakit ang katawan at may mga pasa sa mukha.
"Bakit nandoon ang babaeng 'yon sa arena? Hindi n'yo ba ginawa ang pinag-uutos ko?" mariin niyang tanong.
"Sorry, Boss, hindi namin siya kaya." sabi ng nasa gitna.
"What? Hindi n'yo kaya? Tatlo na kayo at isang babae lang ay hindi n'yo pa nagawa ang pinag-uutos ko?" hindi niya makapaniwalang sabi.
"Sorry, boss." sabi lang ng mga ito na kinahilot niya ng noo at malakas na sinipa ang batong nakita niya.
"Bullshit!" aniya at lumapit sa pinto ng driver seat, pero napahinto siya ng makita ang stainless ng bakod ng garden. Kitang kita ang reflection ng kotse niya at kitang kita niya ang dumi sa bandang trunk ng kotse niya.
Sinara niya ang pinto at lumakad patungo sa likod ng kotse niya. At halos magdilim ang mukha niya at halos manginig siya sa galit ng makita niya na may nagsulat sa kotse niya gamit pa ang pentel pen.
May drawing ng lalakeng may sungay at pangil habang nakasulat na 'This is for the stain of my pants and shirt. Next time, keep your eyes on the road, hambog!'
Lalo pa siyang nanggalaiti sa galit ng mabasa ang sinulat ng kung sino man ang may salarin sa pagdumi sa sunny car niya.
"Patay!" sabi ni Michael ng lumapit ang anim sa kotse niya upang tignan ang tinitignan niya.
Nakakuyom ang kamay niya habang naglakad siya paalis doon..
"Saan ka pupunta, Diesel?" si Sandro.
"Hahanapin ang may salarin. Oras na makita ko siya, hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kanya." tiim-bagang niyang sabi at tumakbo na para magtungo sa second floor kung saan ang CCTV monitor room.
Pagkaapak niya sa hallway ay lumiko siya ngunit may naapakan siyang lapis kaya kamuntikan na siyang mapaupo kung hindi lang siya nahawakan sa baywang ng tumulong sa kanya.
Napaangat siya ng tingin at nasalubong niya ang isang blankong mukha na walang ka-reak-reaksyon, at nakita niya rin ang pagngisi nito.
"Iniinsulto mo ba ako? Ano ako si Prince at ikaw naman ang princess? Baliktad ata." nakangisi nitong sabi kaya agad siyang napatayo ng tuwid at tinulak ito palayo sa kanya kaya napaatras ito at napabitaw sa kanya.
"Tsk. Mas nakakainsulto na hinawakan ako ng katulad mo. Gusto mo lang ata akong hawakan." irita niyang sabi.
"Lampa ka kasi. Mabuti nga at hinawakan pa kita. Baka mamaya ay ma-broadcast pa ang pagkakadulas mo." nakangising sabi nito sa kanya.
"Tsk. Wala akong time na makausap ka. Tabi nga." inis na sabi niya rito at hinawi ito bago siya tumakbo paakyat ng hagdan.
Pagdating sa harap ng cctv room ay agad niyang binuksan ang pinto na kinalingon ng mga nagmo-monitor sa cctv. Agad siyang lumapit sa nakaupo sa harap ng malaking flat screen t.v kung saan kitang kita ang lahat ng may cctv na lugar sa university.
"Ilagay mo dun sa tapat ng parking lot. Gusto kong makita kung sino ang may kagagawan sa pagdumi sa kotse ko." ma-awtoridad niyang utos sa lalakeng nagmo-monitor sa cctv. Agad namang hinanap ng lalake ang bandang parking lot at inumpisahan nila sa pag-play nung umagang record ng video.
Nakita niya sa cctv ang pagpasok niya sa university hanggang sa maiparada niya ang kotse niya sa parking lot nila ng bangtan. Maya-maya ay nakita niya ang babaeng pumasok ng gate at napatingin sa kotse niya. Pasimple itong lumapit habang palinga-linga. Nagtagis ang bagang niya nang makilala ang salarin at kitang kita niya ang ginawa nito sa kotse niya.
"Talagang hinahamon mo akong babae ka. Tignan natin kung hindi ikaw mismo ang sumuko at umalis sa paaralang ito." tiim-bagang niyang wika.
~
SAKAY ng bisikleta si Akina habang tinatahak ang daan patungo sa bahay ni Isabelle. Napalingon siya sa gawing hardware shop at nakita niya ang nakapaskil na 'hiring: kargador.'
Huminto siya at bumaba sa bisikleta bago itulak palapit sa hardware shop.
"Ano sa iyo, pogi?" kinikilig na sabi ng cashier na kinangiwi niya. Napagtanto niya na tomboy nga pala siya. Ganoon ba talaga siya mukhang lalake at pati ito ay natipuhan pa siya?
"Mag-a-apply ako." flat na tonong sabi niya rito.
"Ay! Wala kaming bakanteng posisyon para sa cashier. Pero sa akin may bakante. Pwede mo akong maging girlfriend." sabi nito.
Napailing siya at lumapit sa nakapaskil na papel sa pader at kinuha niya 'yon at hinarap sa babae.
"Ito ang a-apply-han ko." sabi niya rito na kinanganga nito.
"Huh? 'Yan?" maang nitong usal kaya tumango siya, "Kuya Robert! May aplikante ka!" hiyaw nito sa tinatawag nitong Kuya Robert.
May nakita siyang Mamang lumabas na tingin niya ay nasa mid fourties na. Inalis nito ang salamin sa mata at inaninag siya.
"Anong a-apply-han mo, Ine?"
"kargador ho." tugon niya.
"Ay, baka hindi mo kaya 'yon. Mabibigat ang mga binubuhat rito. At tignan mo, kutis mayaman ka pa, baka magasgasan ka lang rito."
"Bakit hindi n'yo ho muna ako subukan bago n'yo ako husgahan? Tignan n'yo muna kung kaya ko baka nagkakamali lang ho kayo sa paghusga sa kakayanan ko." seryoso niyang paghahamon. Napaisip ang Mama at maya-maya ay lumingon ito sa mga trabahante na nagbubuhat ng mga sako sakong grabang buhangin.
"Buboy, ituro mo nga rito ang bubuhatin at kung paano." sabi nito sa isang medyo batang bata pang lalake.
"Dito, Ate." turo nito kaya hinubad niya ang bag at nilapag muna sa counter sa tabi ng cashier. Inayos niya ang dulo ng t-shirt niya at lumapit siya sa binata na inaya siya sa isang bodega. Pagpasok niya ay patong-patong na sako ng graba ang nakita niya. "Ate, sigurado ka bang kaya mo? Mabigat din ang isang sako nitong graba." nag-aalangan nitong sabi.
"Saan ko ibabagsak ang sako?" tanong niya imbes na sagutin ang pag-aalangan nito.
"Doon sa nakaabang na truck. Ibabagsak mo doon at bahala na ang ibang trabahante na nakasakay sa truck na mag-ayos no'n." tugon nito kaya tumango siya ay binanat ang mga braso at pinalagutok ang leeg bago siya lumapit sa sako ng graba.
Binuhat niya iyon na walang kahirap-hirap at dinala sa truck at binagsak. Nagulat ang lahat dahil ang bilis niyang ilipat ang lahat ng sako sa delivery truck na siya lang mag-isa. Halos nakanganga na lang ang mga trabahante habang inililipat niya lahat.
Napamangha naman ang may-ari ng hardware kaya ng lumapit siya rito matapos niyang mabuhat lahat ng sako ng graba. Nagpagpag siya ng kamay at braso bago tumingin sa may-ari na naglahad ng kamay.
"Magaling. Hindi ko akalain na sa payat mong 'yan ay nabuhat mo lahat sa saglit na oras lang. Hindi tulad ng mga ito (turo sa mga trabahante) na inaabot pa ng ilang oras bago nila maisalansan sa truck." puno ng paghanga nitong sabi habang kinakamayan siya.
"Hindi naman ho talaga aabutin ng matagal kung mabilis lang ang kilos. Pero sa tindi ng init ay napapagod din ang trabahante n'yo." tugon niya na kinatango nito.
"Sige, pumasok ka na bukas rito. Pasok ka na." nakangiting sabi ng Mama.
"Pwede ho ba sa gabi na lang ho ang pasok ko? May pasok ako sa umaga hanggang hapon sa school. Tutal ho ay bente kwatro oras ho kayong bukas." sabi niya rito.
Napaisip naman ito at kalaunan ay tumango.
"Sige, pero bawal sa akin ang late at tamad. Dapat ay pangatawanan mo ang pagpapakitang gilas mo rito."
"Makakaasa ho kayo." sabi niya rito at nagpaalam na. Kinuha na niya ang bag at sinukbit sa magkabilang balikat bago siya lumapit sa bisikleta niya.
May biglang pumarada na kotse sa harap ng hardware shop. Pero hindi na niya pinansin 'yon dahil busy siya sa pag-ayos ng tayo ng bisikleta niya.
"Magandang hapon, Mr. Ford." dinig niyang sabi ng may-ari ng hardware shop.
"Ka Agustin, pagbili nga ho ng remover sa pentel pen. May isang bwisit ho kasi na basta na lang dinudumihan ang kotse ko."
Napatigil siya sa pag-apak sa pidal ng marinig niya ang pagpaparinig ng isang boses na pamilyar sa kanya. Napalingon siya at nakita ang hambog na lalake na si Diesel.
"Ito, Hijo, 150 lang." sabi ng may-ari.
Ngumisi siya na kinasalubong ng kilay nito dahil nakikipagtitigan pa ito ng masama sa kanya.
"It's a permanent mark pen. You can't remove it." sabi niya rito at nagpidal na siya at mabilis na lumayo.
Napailing siya ng marinig niya ang pagmumura nito.
'Tsk. He's so gay.' aniya.