Naisipan na rin nila na lumabas ng airport kaya sumunod na ako sa kanila papunta sa kotseng dala nila. Nang masigurado nilang okay na ang lahat ay umalis na kami nang tuluyan sa airport. Nakakapagtaka lang bakit alam nilang dadating ako. Private plane lang naman ginamit ko. Pero hinayaan ko na lang. Dadagdag lang sa iisipin ko. At least hindi na ako mahihirapan pa.
Iidlip sana ako dahil sa jetlag na nararamdaman ko ngunit hindi ko magagawa 'yon. Akala ko matatahimik na ang buong biyahe dahil hindi na nagsalita ang isang madaldal pero mali pala ako.
Maling-mali pala ako.
"They will be happy pagmalaman nila na bumalik ka na.” Panimulang sabi nito. “Akala kasi nila hindi ka na babalik o lilipat ka na raw ng school." Sabay pout ni Zem habang nakatingin sa akin.
Hindi ako nagsalita at binaling ko na lang ang tingin ko sa labas. I want to divert my attentions kasi baka maputol na talaga ang sobrang nipis na sinulid ng pasensya ko sa kaniya o sa kanila. Ayoko ring sayangin ang laway ko sa kaniya. She is wasting my time, effort and energy para makipag-usap sa kaniya. I need some peace para makatulog ako pero habang kasama ko siya ay hindi ko ‘yon magagawa kailanman.
I can't help but massage my temple. Sumasakit na ulo ko. Hindi pa nag-iisang araw na kasama sila lalo na si Zem pero parang gusto ko na bumalik sa Europe. So that I can stay away from Zem and friends.
Napapikit na ako when she talks non-stop. Halos hindi ko na masundan pa kasi nagtatalo ang atensyon ko sa pagpakalma sa sarili ko at kagustuhang patahimikin siya.
"Gagawa tayo ng welcome party for her!" Exclaimed by Tim, and that's it.
Lumagpas na sila sa limit ng haba ng pasensya ko sa kanila. I'm proud of myself dahil nagawa ko ng ganoon ka tagal pero hindi ko na kaya pa. Sagad na sagad na nila ang lahat. Wala na talagang natira.
"Will you shut the f*ck up?!" Bulyaw ko sa kanilang dalawa.
Kanina pa kasi sila dada nang dada sa airport. Hanggang dito ba naman? Hindi ko na talaga kaya na makinig pa kasi nakakabobo lang. Dudugo pa ata taenga ko. Lagi na lang may baon na topic. Wala namang sense 'yong iba. Hindi ba sila marunong makiramdam? They are so insensitive.
Sinulyapan ko sila at nakangiti lang sila sa akin waring they are expecting me to shut them up. Kaso kina Tim and Zem ngiting aso talaga.
Yucks!
Mukhang silang dalawa talaga ang may mga sapak sa grupo at ang dalawa pa ay hindi. Mukhang 'yong kapatid ko ang nasa gitna which is obvious naman.
Karie can easily mingle with others pero sabi ko nga pikunin din ang isang iyon.
"Kyaaaah!” Tili ni Zem. “You are so hot when you are pissed. Lalo na rin paggalit na galit ka na! Nakakatibo ka, Bruha!"
I just rolled my eyes dahil sa reaction ni Zem sa biglang pagsigaw ko. Buti na lang talaga at alam na alam ko lahat ng gestures, ugali, dislikes and etc. of my twin. Pinipilit niya kasi akong gayahin siya before and thanks to her kasi nagamit ko na nga ngayon. Kaya kampante ako sa mga kilos ko. Ngunit, hindi ako kampante sa temper ko.
Gosh!
But, what? Nakakatibo ako? What the hell! Is she gay? Damn!
"You should stop, Zem and Tim.” Biglang sabi ni Harry habang nakangiting nakatingin sa akin sa mirror na nasa harapan. “Baka hindi na makapagtimpi si Eris sa inyong dalawa. Mapalabas na naman kayo sa kotse. Siguradong lakarin niyo na naman papuntang school niyan. Ang layo pa naman natin."
Alam ko 'yon and I laughed hard matapos kong mabasa ang part na nangyari sa kanila. Nasabi ko pa na masyadong harsh si Karie for doing it pero ngayon gets na gets ko na bakit umabot sa point na 'yon. Pero sa pagkakataong ‘to baka magawa ko rin sa kanila. Baka malala pa nga.
"Huwag naman ganiyan.” Natatarantang saad ng dalawa sabay sulyap pa sa akin bago binaling ang tingin kay Harry. “Hindi na nga nakaalala 'yong tao tapos 'yan pa sasabihin mo."
Nang tahimik na talaga ay napag-isipan kong matulog dahil sumasakit na ang aking ulo. Kailangan ko na talaga ng mahabang pahinga ngayon. Naubos na talaga energy ko sa kanila kahit hindi pa nga ako tumatagal na kasama sila.
Wish me luck na lang sa mga araw na mas makakasama ko sila.
Gosh!
***
"Hey, wake up!" An angel whispered in my left ear kaya agad akong nagising. “Nandito na tayo," sabi pa niya.
Ang asul na mga mata nito ang unang nabungaran ko pagdilat ng aking mga mata. Na-mesmerize ako sa paris ng mga mata niya but I am not into girls. Straight kaya ako. Straight as pole! Humanga lang ako dahil may ganoon siyang mga mata. Though I have seen different shades of eyes sa Europe pero iba talaga sa kaniya. Ang mata niya ay punong-puno ng emosyon na hindi ko matukoy kung ano.
Natauhan naman ako nang marinig ko siyang tumawa.
Does she really laugh? Ba't ang gaan ng pakiramdam ko sa kaniya? At the same time ay nababahala ako sa hindi malamang dahilan.
Weird!
"Labas na riyan bago pa mag-time. Baka dumugin ka rito.” Pabiro pa niya. “Alam mo naman na maraming nakaka-miss sa 'yo. Idol ka kasi ng campus."
Talaga lang, huh?
"And why?" Habang nakakunot na ang noo ko.
Ganoon pa rin ang posisyon naming dalawa na hindi man lang ako naasiwa. Nakatingala ako ng kunti tapos siya ay nakayuko habang malapit ng kunti ang mukha naming dalawa. Ewan, weird kasi hindi ako nailang. Parang I am much comfortable sa kaniya compared kay Zem na gusto ko na talaga ibaon sa kailaliman ng mundong ‘to. I want her to disappear agad-agad na hindi ko siya makikita talaga panghabang buhay kasi kung mangyari ‘yon? Hindi ko maririnig muli ang nakakarinding boses nito.
About Zem? Buti na lang hindi siya ang gumising sa akin o nagpaiwan para hintayin ako. Baka masapak ko lang ang babaeng 'yon.
Hays!
"Sikat ka kaya rito,” ani pa niya. “Lalo pa't buhay ka na bumalik dito." Hindi nakalagpas sa paningin ko ang lungkot at sakit na dumaan sa mga mata niya.
Ang weird ng babaeng 'to. Parang may something na kailangan kong alamin. Pero about what she said, buhay na bumalik dito? It means alam ng lahat na may nangyari sa akin but they didn't know kung ano ang eksaktong nangyari.
May sumpa ba ang school na 'to? Parang sa sinasabi niya o dating ng sinasabi niya parang naulit na naman.
"Why?" I asked. "Dapat bang namatay na ako?" Sabay layo ko sa kaniya.
Tinaasan ko rin siya ng kilay dahil sa sinabi niya.
Hindi ko alam kung matutuwa ako sa takbo ng usapan namin ngayon. Anong meron? Ano ba talaga ang nililihim ng kapatid ko? Bakit parang isang himala na nakabalik si Karie Eris Xena ng buhay rito sa school nila? They expect it talaga na wala na? Isa ba sila sa reason? O hindi?
I hope hindi sila. Dahil hindi ako magdadalawang isip na gantihan sila kahit sila pa ang tinuring na true friend ng kapatid ko. Wala akong sasantuhin ni isa.
Naniniwala pa naman ako na ang malaking kalaban ng isang tao ay mismong close nila. I also believe that your best friend will be your greatest enemy in the future to come. It depends if may conflict na kayo o may nililihim na sama ng loob sa 'yo and it turns to hate. It can ruin relationships, actually.
"What I mean is, ikaw lang ang nakagawa ng ganoon." Paglilinaw niya pero magulo pa rin sa akin. "Basta malalaman mo rin." Ngumiti na lang siya pagkatapos.
Lumabas na lang ako sa sasakyan dahil wala rin naman akong maiintindihan sa pinagsasabi niya for now. Lutang pa siguro ako kasi kakagising ko lang. Gusto ko pa matulog ulit.
Napatigil ako sa paghakbang nang may pumasok na senaryo sa utak ko na ikinatawa ko nang kunti. Napalingon tuloy siya sa akin na may halong pagtataka.
"Are you okay?" She asked nang hindi siya makatiis.
Tumango lang ako bilang sagot kasi ayaw ko namang sabihin kung ano. She is cute though. Ayoko rin na may awkward feeling between us.
"Let's go?" Aya na lang niya nang makitang wala na akonf balak na sagutin pa ng maayos ang tanong niya.
"Okay." Maikling sabi ko.
Sumunod na lang ako kay Dennise dahil wala naman akong alam sa pasikot-sikot dito baka mawala pa ako. We are heading to the girl's dormitory. Nakita ko lang sa signage. Wala rin naman kasing nilagay na blueprint si Karie sa diary niya eh kaya normal na hindi ako pamilyar sa lugar.
If ever na naglagay si Karie? Magba-bow ako sa kaniya. Sipag at ma-effort eh.
Habang nililibot ko ang aking tingin sa bawat nadadaanan namin ay nakikita ko kung gaano talaga kalaki 'to. Infairness malaki ang dorm nila at kasiya-kasiya talaga lahat ng students dito. Nilibot ko na lang ang aking tingin para maging pamilyar din ako kahit papaano. Nakita ko sa 'di kalayuan ang dorm para sa mga lalaki pero masasabi ko ring malaki rin ‘yon. Sa right side ko naman, nakita ko ang malaking building at sa katabi nito ay building din pero mas malaki 'yong nauna kong nakita.
Sa mga ganitong bagay hindi ako marunong mag-explain. Kung ano nakikita ko 'yon na 'yon. Mukha naman okay pa naman so far ang pag-stay ko rito. Wala pa akong hindi nakikita na hindi maganda.
"Iyan 'yong college building at ang pangalawang building sa 'di kalayuan nito ay ang mall,” sabi na lang niya. "We can tour you tomorrow, but you need to rest after nating makarating sa room. Halatang kulang pa tulog mo."
Napansin siguro niya ang ginagawa ko. Normal din naman kasi sa na amnesia na mag-obserba. Balak nga sanang sumama si Mr. Butler kasi minsan na siyang nakapunta raw rito. Sinama siya noon ng kapatid ko to accompany my sister kasi bago pa nga ‘to rito ngunit tumanggi ako.
Pero natuwa ako sa part na need ko magpahinga. Buti naman at napansin niya rin 'yon. So far, matino siyang kaibitan ni Karie pero may mood swing na siyang pansin ko.
Pero nakakagulat na may mall sa mismong university, ha? Kaloka. All in one na pala rito.
"Dumaldal ka ata ngayon." Tumawa na lang siya bilang sagot.
Totoo naman kasi. Noong nasa airport nakatingin lang siya sa akin na hindi ko naman pinagtuonan nang pansin kahit may something sa sinasabi niya. Tapos noong nasa sasakyan kami ramdam ko rin ang pasulyap-sulyap niya sa salamin pero ganoon pa rin, hindi ko na pinansin. Na-miss siguro niya talaga kapatid ko kaya ganoon siya. Mukha kasing sa kaniya close si Karie. Sa pictures kasi nila siya lagi ang katabi nito. That is why I assumed na she is the closest one.
"Welcome back, Eris!" Sabay nagpaputok ng confetti si Zem na halos mag-udyok sa akin na sakalin na siya.
Pagbukas kasi ng pinto siya na talaga ang una kong nakita kasabay ng pagputok ng confetti. Muntikan pa akong matamaan. Buti na lang nakaiwas pa ako. Ba't kailangan pa ng ganito? Hindi naman isang taon nawala ang kapatid ko.
"Just give me a peace of mind, Zem!” Reaksyon ko sa ginawa niya habang halos magkasalubong na ang kilay ko sa asar ko sa kaniya. “Will you?" Iritang tanong ko sa kaniya pagkatapos.
"Hehehe." Sabay peace sign ni Zem at gumulong-gulong na siya sa kama niya.
Doon ko lang napansin na may tatlong kama pala ang pinasukan namin na room. Diritso kama na pala pero may mini sala naman sa gilid. Hindi naman maliit. Sakto lang sa aming tatlo pero parang gusto kong lumipat pag-iniisip ko na isa si Zem ang makakasama ko.
Isang malaking parusa ba sa akin 'to?
"Ito 'yong kama mo." Sabay turo ni Dennise sa kama na malapit sa pinto.
Ngumiti lang ako nang tipid bago dumiritso na ako sa kama ko para humiga at matulog na. Hindi na ako nag-abala na magbihis muna. Pagod na talaga ako. Ubos na ubos na energy ko sa araw na 'to. Hindi pa nga kumakalahati pero said na talaga.
Kung hindi pa ako sanay sa kapatid ko hindi pa ako makakakapag-adjust kay Zem. Baka ano pa nagawa ko sa kaniya. Sabagay, sanay na ako na tahimik ang buhay ko. Sanay na ako na ako lang lagi ang mag-isa sa aking kuwarto. Sanay na ako na makuntento sa mga nakikita ko lang sa monitor at sa aking mga napapanuod . Sanay na ako na nagmamasid lang sa dilim.
"Finally, I am here." 'Yon na lang ang natatandaan kong lumabas sa bibig ko bago tuluyan na akong hinila ng antok ko.
Nakulangan talaga ako sa tulog kanina. Kailangan ko talaga ng mahaba-habang tulog ngayon para mabawi ang energy na nawala sa akin. Mukhang bukas na siguro ako magigising. Naninibago rin kasi ako sa environment at klema rito. Sobrang init ba naman kahit naka-aircon na ang buong kuwarto.