03 BKEX

2034 Words
"Eris, here!" Masayang bungad sa akin ng apat na taong matatangkad habang kumakaway para makita ko sila agad.   I stared at them for a second para malaman ko kung sino ang mga ‘to. Baka kasi hindi pala 'yong kapatid ko ang tinatawag nila. Mapahiya pa ako, mahirap na, 'no. Marami pa namang nagkakapareho ng pangalan sa mundong ‘to lalo na sa bansang ‘to. Kahit nga surname magkapareho na 'yong iba. Hindi rin kasi ako assumerang nilalang kaya I am making sure of it. Mahirap mapahiya sa totoo lang.   Hahayaan ko na sana sila dahil hindi ko talaga sila kilala. I didn't expect naman na may sasalubong kay Karie kasi wala namang may alam. Nang biglang may kidlat na dumaan sa aking mga mata. May mg imaheng nagsulputan sa aking isip that makes me stared sa apat na taong panay kaway pa rin aa gawi ko. Sila pala ang mga kaibigan ng kambal ko na ngayon ko lang napagtanto. Kaya naman pala pamilyar ang mga mukha nila dahil sa nakita ko na sila sa mga larawan na nilagay ni Karie sa mahiwagang lumang diary niya sa sariling kuwarto nito. Hindi ko aakalain na magagamit ko ‘to agad.   Paano nila nalaman na darating ako? I mean, ‘yong kapatid ko?   "Eris! Dito nga kasi!" sigaw ulit ng iba.   Aished! They are too loud and I hate it! Hindi ko na sana sila papansinin pa nang sila na mismo ang lumapit sa akin nang hindi makatiis ang mga ‘to. At sabay hablot sa maliit na bag na aking hawak-hawak kani-kanina lang. Hindi na ako nagdala ng marami dahil may damit naman panigurado si Karie. Parehas pa naman kami ng size ng katawan kaya okay lang. Dinala ko lang 'yong gamit na essential sa akin bilang ako.   Dahil naka-shades ako, hindi nila nakita kung paano tumaas ang isang kong kilay. Natatakpan kasi talaga dahil sa laki ng shades na aking suot ngayon. Kung hindi lang sa kakambal ko baka nawalan na sila nang malay dahil sa suntok na ibibigay ko. I know I am brutal, pero ganoon ako lalo na't sa mga taong ayaw na ayaw ko. Sa mga taong umaakto ng ganiyan.   Nakakahiya!   Even though nagkukubli lang ako sa aking kuwarto ay marami naman akong nagagawa sa buhay. Pinag-aaralan ko ang mga bagay-bagay na napapanuod ko na nangyayari talaga sa real world. I know about my limits naman. No one knows actually. Masyado kasi akong malihim na tao.   Buti na lang talaga at may private plane kami. Wala akong makakatabi na kung sino-sino, hindi ko kasi talaga masikmura. Hindi talaga ako sanay. Sobrang tagal na akong hindi namuhay nang normal kaya nahihirapan akong mag-adjust. Everything happened so fast.   Simula noong umalis ako sa bansang ‘to ay lagi na ako sa kuwarto ko sa mansyon. Recently lang ako naglalabas madalas dahil I am trying to explore things. Gusto ko lang din sanayin sarili ko sa crowd. Naisip ko kasi na i-face ang fear ko.   "Hoy, Bruhilda!” sigaw ng isang babae na nasa harapan ko na pala. “Alam mo bang buong vacation kang nawala na parang bula. Tapos malalaman namin week before the vacation ends ay lumipad ka papuntang ibang bansa!" Walang prenong dada nito mismo sa akin habang nakapamewang pa.   Ano bang gusto ng babaeng 'to? Uupakan ko na kaya siya para malaman niyang hindi ako natutuwa sa pinaggagawa niya.   Hoooo!   Hindi ko naman alam na ganito pala talaga ang mga kaibigan ni Karie. Mukhang kailangan ko pang magmasid para malaman ko kung ano talaga mga ugali nila at kung sino talaga ang mga ‘to. Hindi naman pupwede na magtanong-tanong kasi makakahalata panigurado sa kung anong ginagawa ko. Pero hindi na talaga ako natutuwa sa mga nangyayari ngayon. Ang pasensya ko kunti na lang talaga pero pilit kong hinahabaan dahil mas mahaba pasensya ni Karie kaysa sa akin kahit pikunin ‘to madalas.   "Can you stay away from me?" Hindi ko mapigilang itanong sa kaniya.   Naaasiwa rin kasi ako kasi halos ilapit na rin niya ang kaniyang mukha sa akin. Hindi ba niya alam ang salitang distansya? Kahit kunti man lang?   "I don't want to hurt you by the words that I would say, but I am still holding myself not to say it." Walang pagdadalawang isip na sabi ko. "But, I want you to know that I don't know you." Napasinghap tuloy sila kaya hindi ko maiwasang mapairap. "I lost my memory." Walang paligoy-ligoy na dugtong ko.   Ito lang ang paraan para hindi nila ako paghinalaan. Besides, alam ko na marami silang alam sa nangyari kaya easy for me na gawin ‘yon. At easy for them na i-digest kung ano man ang sasabihin ko sa kanila. Kaysa naman na magpanggap ako na walng amnesia. Sakit sa ulo. Nagbibigay malaking problema sa akin.   Nag-usap din kami ni Mr. Butler about dito. He gives me an advice na siyang malaking tulong sa akin ngayon. Sabi niya na it is better na ganoon na lang ang gawin ko para hindi ako mahirapan. He said na for sure na kasama ni Karie ang isa sa mga kaibigan niya kaya hindi na mahirap magsabi na nagka-amnesia na nga. Kinakabahan nga si Mr. Butler dahil bad temper talaga ako na magiging rason para mabuko ako. Sa family ko lang talaga ang hindi pero madalas kay Karie kasi nasasagad niya talaga minsan pasensya ko. I mean, napipigilan ko na huwag uminit talaga ang aking ulo pagdating sa family ko lalo na kay Karie na every day naka-inom ng energy drink.   Pero bakit ganito pa? As in sagad na sagad na talaga. Kunti na lang talaga.   "Wow!” Hindi makapaniwalang reaksyon ng babae. “Masyado kang sraight forward, Bruha ka," sabi naman niya.   Hindi ko maiwasan na pagtaasan siya nang kilay. Anong gusto niya? Flowery words?   "Hindi talaga nag-adlib muna ng kunti para hindi kami magulat?" May halong biro at pagka-sarcastic na sabi naman ng isa.   Hindi na ako kumibo pa. Sa klase ng mga ugali ng mga taong ‘to halatang hindi nagseseryoso lagi. Do they think na nagbibiro ako sa kanila or I am pulling some prank to them?   Tsk!   Hindi ko maiwasan na isipin kung ano sila pagseryosong usapan na o sa seryosong bagay? Ayoko talaga sa mga katulad nila. I mean sa mga taong may pag-uugali na ganiyan. Alam kong may mga kulo ang bawat kaibigan ni Karie dahil ganoon din naman ‘to. I mean, walang taong walang kulo. Lahat namang tao, meron. Pero ramdam kong may iba sa kanila.   Napansin nila at ramdam nila na seryoso ako kaya nagsalita na silang sabay.   "So, totoo pala?!" Hindi makapaniwalang sabi nilang apat.   May nakakagulat ba sa nangyari? I am expecting naman na may isa sa kanila ang magsasabi na 'sabi sa inyo' pero wala. So, it means hindi isa sa kanila ang kasama ni Karie?   Mukhang may kakaiba talaga nangyari kay Karie bago mangyari ang lahat ng 'yon sa kaniya. Ramdam ko na hindi once nangyayari ang ganito sa kaniya ngunit 'yon na ang malala. Nararamdaman ko lang kasi sa sulat pa lang na nabasa ko sa sticky note ay parang ganoon ang dating sa akin.   Base pa lang doon may pinapahiwatig na. Kaya siguro nagawa ni Karie ang diary na 'yon. May malaking chance na ganoon nga.   "Sabi sayo, Eris.” Agad na sabi ng isang babaeng madaldal sa akin.   Hindi ko na siya pagtutuonan ng pansin ngunit natigil ako sa sumunod niyang sinabi.   “Dapat hindi ka pumayag sa posisyon na binigay sa 'yo na maging presidente ng school," ani pa niya. "Alam ko naman na—aray, Harry. Bakit ka ba naniniko? Kutusan kita riyan! Sakit kaya ng ginawa mo. Ang laki mong tao. Hoy!" Reklamo ng babaeng halos ilapit ang mukha niya kanina sa akin sa taong siniko siya.   Thanks naman at mukhang nakaramdam ang kasama niya na tinawag niyang Harry na hindi ako natutuwa sa kung anong sinasabi nito sa akin.   "Shut up," sabi ni Harry sa babae. "Will you take it slowly, Zem? Binibigla mo si Eris. Alam mo namang may amnesia na 'yong tao.”   Hinayaan ko na na mag-usap ang dalawa. Sakit sa taenga boses ng babae eh. Nabaling naman ang tingin ko sa isa pang babae at lalaking kasama nila. Sinuri ko muna ang lalaki at sa pagkakatanda ko siya si Timothy or Tim ‘to and the girl beside him is Dennise.   Basic info lang alam ko sa kanila. Usual na nakikita sa data ng isang tao. Pero alam ko na sila talaga laging kasama ni Karie kasi barkada niya ang apat. Pero weird. Parang may something talaga. Sana naman may nilagay rin si Karie kung gaano siya ka-close sa iba. Lik certain level man lang. As much as possible, I don't watnt to be insensitive pero sorry na lang in advance sa kanila.   "Nakikinig ka ba, Eris?" Agaw pansin na tanong ni Zem.   Kanina pa pala siya dada nang dada. Hindi ko napansin dahil sa kakatingin sa dalawang kasama pa nila. Binaling ko na lang ulit ang atensyon ko sa kaniya. Ayaw pa ata ng babae na hindi siya pinapakinggan dahil mas lalo siyang magsasalita. Kulang talaga ata sa atensyon o aruga eh.   "Do I need to listen to your nonsense words?" Inis na tanong ko sa kaniya habng titig na titig sa mga mata niya.   Kanina pa kasi siya. Kanina pa rin kami nakatayo rito sa airport. Wala ata silang balak na umalis. Gusto ko na talaga magpahinga dahil napagod ako sa biyahe. Hindi na ako sanay. Masyado pa namang matagal bago makalapag ang eroplano sa bansang ‘to. Na-traffic pa kami sa taas.   "Wooh! Chill!" May halong kapilyuhang saad ni Tim sa akin. “Bumalik ata ang pagiging maldita mo at 'yang masasakit mong salita noong bago ka namin naging kaibigan. Pero, sorry not sorry, dear Eris. We have been through diyan kaya tayo naging friends, 'di ba?" tanong nito pagkatapos.   Ngunit tumitig lang ako sa kaniya. Hindi ako umimik pa dahil wala rin naman akong isasagot kasi hindi naman ako si Karie. Ayokong maging mema. Aksaya ng salita at lakas.   “Kaya wala kaming pakialam kung back to zero na naman kami. We will do everything para maalala mo kami,” ani pa niya.   I came back to my senses nang marinig ko 'yon sa kanya.   Tsk.   I need to be careful lalo na't madali mag-init ang ulo ko. Hindi kasi ako sanay na maraming kauring ugali pala 'yong kambal ko. Maybe na mas may worse or worst pa. Kailangan ko na talagang sanayin sarili ko na, I am not me. I am Karie Eris Xena, their friends and the president of their school.   "Let's go back to our school. Baka gabihin pa tayo sa daan." Sabay ngumiti si Dennise sa akin after she utters that word.   Halatang peke ang ngiting pinakita niya sa akin pero wala akong pakialam. Hindi naman dapat ako na-ba-bother sa inaakto niya towards me pero hindi ko maiwasan.   "Hala! Oo nga!" Sang-ayon naman ni Zem.   "Nakaalis na sana tayo kung hindi ka lang madaldal," ani ni Harry.   "Tantanan mo ako, Harry." Pagbabanta ng isa. "Baka saan ka pa pulutin mamaya."   "As if naman matatakot ako sa 'yo," usal pa ng isa. "Totoo namannkasi sinabi ko.   Napapakamot na lang ako sa aking kilay sa bangayan ng dalawa. Siya na ba ang boy version ni Zem?   Huwag naman sana. I need some rest lalo na taenga ko na dudugo na ata kakakinig sa dalawa.   "Magtigil na kayo." Awat naman ng isang babae. "Hindi na siya natutuwa." Pansin niya.   Natigil tuloy ng dalawang nagbabangayan. Napatitig pa ang mga 'to sa akin.   "Baka bumuga na siya nang apoy dahil sa inis sa inyong dalawa." Dugong pa niya.   "What is her problem?" Biglang tanong ko sa akinh isip.   Nahawa na ata ako sa stupidity ni Karie. Nag-away siguro sila ni Karie kaya ganoon na lang pakikitungo ng babae sa akin kasi nga nagpapanggap ako na Karie and they all know ay ako si Karie. Pero wala na akong pakialam sa kung anong nangyari sa kanila. Ang concern ko ay mahanap kung sino ang dahilan ng lahat. Kung ano rin ang rason bakit ginawa niya 'yon sa kapatid ko o sila.   Ngunit hindi ko maiwasan na sulyapan 'to.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD