02 BKEX

2091 Words
"Young Lady, are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Mr. Butler sa akin nang mapansin ang naging reaksyon ko.   Namutla rin agad nang mabaling ang tingin ko sa kaniya. Pumikit na lang ako nang mariin dahil sa nararamdaman ko ngayon. I want to scream and ripped someone's neck. But I am trying to calm down as hell. Ayokong mag-over power ang emotions ko dahil hindi makakatulong ‘yon sa akin. I am sure na I would mess up if hindi ako kakalma. i will bexome impulsive if hahayaan kong mangyari 'yon. May tamang oras sa kung ano man ang gusto kong mangyari para sa kapatid ko. Mayroong tamang oras para roon.   "I am fine." I sighed. "Babalik na ako sa Pilipinas, Mr. Butler.” Agad kong sabi sa kaniya. “And like what I said noong isang araw sa ‘yo, huwag na huwag kayong magsasalita o magsusumbong sa parents namin."   He stared at me as if he is waiting for me to say that I am kidding.   "Let me handle this." Dugtong ko na ikinakurap ng mga mata niya nang ilang beses.   Baka kasi makalimutan niya mahirap na. Besides, he knows what to do pagnakaalis na ako ng tuluyan dito.   "Okay, Young Lady,” nasabi na lang niya sa akin kahit bakas sa mukha niya ang pagtutol sa kung ano man ang binabalak ko ngayon. "I never wished na makikita ka namin sa ganitong sitwasyon pa. Keep safe sa kung anong pinaplano mo."   I shrugged my shoulder at lumabas na ng mansyon.   Alam ko ang tinutukoy niya. Mismo ako hindi ko aakalain na lalabas ako sa ganitong sitwasyon. I have a choice, but I chose to go back sa Pilipinas and have some deadly justice for my twin.   You read it correctly.   Karie is my twin and no one knows that except sa mga taong nasa mansyon at sa parents namin. Kung may nakakaalam man sa Pilipinas ay sigurado akong makakalimutan na nila 'yon. Never pa kasi kaming sumama sa iisang malalaking gathering. Pero ngayon lang akong lumabas na walang suot na maskara para takpan ang aking mukha sa loob ng mahabang panahon.   I have reasons na dahilan bakit nagkubli ako sa aking kuwarto at tuluyang nagbago makalipas ng ilang taong pamamalagi sa apat na sulok nito.   Napatingin ako sa aking bulsa nang tumunog na lang bigla ang phone ni Karie. Kakabigay lang din sa akin ni Mr. Butler kanina lang. Kinuha ko agad at tinignan kung sino ang caller. Napahigpit ang hawak ko sa phone nang makita kong si mommy ang tumatawag.   Bakit ngayon pa? Hindi pa nga ako nagsisimula.   "Young Lady, handa na ang sasakyan niyo ho papuntang airport." Bungad ng isang tauhan namin at sumenyas akong mauna na siya dahil sasagutin ko pa ang tawag.   Bumuntong hininga naman ako bago tuluyang sinagot ang tawag. Nakaramdam ako nang kaba pero pinagsawalang bahala ko na ‘yon.   "Karie!"  Masiglang bungad na tawag niya sa pangalan ng kapatid ko nang taong nasa kabilang linya.   Napabuntong hininga na lang ako dahil doon. Ang mahirap na parte ng pagpapanggap ay sa harap ng mga magulang namin. Alam ko na kahit hindi nila ako nakikita minsan ay ramdam nila kung anong pagkakaiba naming dalawa ng aking kambal lalo na si mommy. They are our parents. But I would try my luck na hindi niya mapansin o nila ni daddy. Dahil may mga bagay na kailangang itago muna habang hindi pa sila nagtatanong at nagtataka ay hindi rin ako aamin sa kanila.   I can handle naman, for now.   Wish you luck, self.   "Mom," tawag ko sa kaniya.   Pinasigla ko pa ang aking boses like how Karie talks. Hyper kasi lagi. May sapak din ‘yon sa utak. Kaya napakiharap para sa akin na gawin ‘to. We are totally opposite talaga. Nakaka-drain ng energy, to be honest.   "How are you? Are you busy ba?" Sunog-sunod na tanong nito. "Lately, hindi ma-contact 'yong number mo." May pagtatampong saad niya pagkatapos.   Hindi ko alam anong dapat isagot. Pero sa klase ng tanong niya ay iniiwasan din ni Karie na makatunog ang mga magulang namin na madalas niyang kasama sa Pilipinas.   Hindi na sana ako iimik but I am reminding myself today na ako si Karie at hindi bilang ako para madali for me na magpanggap. Baka hindi pa nagsisimula ay nahuli na ako.   I am sure hindi nila ako papayagan sa binabalak ko. Panigurado rin na sila na mismo ang magha-hunting sa may sala. O baka hayaan?   "Lately lang, Mom, but don't worry," sagot ko. "I will be going home. Nag-visit lang ako kay twinnie, you know what I mean."   Natahimik ang sa kabilang linya nang biglang may nagsalita sa likod ko kaya napatampal ako sa aking noo ng 'di oras.   Mommy will think na kasama ako ni Karie. Young Lady ang laging tawag sa akin habang Miss Karie o Young Lady Karie naman sa kambal ko.   "Young Lady? Why are y—" Naputol ang sasabihin ni Mr. Butler nang humarap ako sa kaniya.   Nagsalubong ang kilay ko dahil iritado na ako sa nangyayari kaya yumuko siya bilang paghingi ng patawad at umalis na siya. Hindi ko alam na umalis siya kanina at bumalik agad pagkatapos.   Kamuntikan na talaga. Kung hindi lang niya naitikom ang kaniyang bibig ay mabubuko na talaga ako. Baka ano pa ang sabihin niya.   Nabaling ang atensyon ko sa phone nang marinig ko ang tanong ni mommy.   "Can I talk to her, Karie?" Mahinang tanong niya.   Halatang may halong lungkot ang boses ni mommy nang itanong 'yon. Parang tinusok ng milyon-milyong karayom ang puso ko sa tono ng boses niya. May napagtanto tuloy ako ngayon. Hindi ko alam na pagdating sa akin ay ganito siya. Lagi kasi siyang nakangiti, tulad ng kapatid ko. Naisip ko rin kung anong sinasagot ni Karie o anong nafi-feel niya.   Naisip ko rin na ako ang isa sa dahilan o ang pag-uugali ko kaya naisipan nitong maglihim sa akin.   "Yes, you can," sagot ko.   Nilayo ko nang kunti ang phone sa aking taenga para bumwelyo dahil ako lang naman ang kakausap kay mommy. Wala naman dito ang kambal ko kaya dapat mag-ingat ng sobra baka magkamali pa ako sa sasabihin ko.   "Hey, Mommy." Cold na saad ko.   Ganiyan ako magsalita parang walang buhay kaya mahahalata talaga ang pagkakaiba naming dalawa. Isipin ko pa lang na maging si Karie parang nakakatamad at nakakaubos ng energy. But unfortunately, 'yon nga ang mangyayari sa akin dahil nga sa nangyari sa kambal ko. I need to do it in order for me to know kung sino ang may kagagawan nito sa kapatid ko. Gusto ko ring malaman kung ano ba talaga ang totoong nangyari.   "How are you, Anak? Do you want me to go there and visit you? Gusto mong mamasyal tayo?” Sunod-sunod na tanong nito sa akin. “Sasabihin ko sa daddy mo! Sebastian! Ihanda mo na ang helicopter sa rooftop! Pupuntahan natin ang anak natin!" Biglang sigaw nito kaya hindi ko maiwasan na mapatampal sa noo ko.   May narinig akong nagsisigaw sa kabilang linya na waring natataranta na at may parang nabasag pa. Mukhang may nadulas pa ata.   Helicopter talaga ang panlaban. Nasa Europe lang siguro sila dahil 'yon ang gagamitin nila. Business, I guess. Pagkatapos siguro ay baka bumalik na sila sa Pilipinas. Dumalaw na kasi sila rito ngunit wala silang masyadong napala sa akin.   "Mommy," tawag ko sa kaniya.   "Yes, Anak?" sagot naman agad niya.   "Huwag na po. I am fine.” Pagpigil ko sa kung anong binabalak niya. “Na-visit naman ako ni Karie kaya it is okay. Alam kong busy rin kayo. Next time na lang po. Uuwi rin naman diyan si Karie."   Sana naman ay mabilis pumayag o huwag na mamilit pa. The more na matagal ko siyang makakausap, the more na baka mapansin niya na may something.   "But, Anak—" Tututol sana siya nang pinutol ko na kung ano man ang kaniyang sasabihin.   Hindi pwede mangyari ang plano niya dahil kailangan ko na rin namang umalis dito sa mansyon as soon as possible.   "Mommy, I am fine," sabi ko ulit. “Nandiyan ba si Daddy?" tanong ko.   Kinakabahan na tuloy ako. Ngayon lang kasi ako magsisinungaling sa kanila. Pero ilang ulit naman ako naglihim. Sasabihin ko na lang pag okay na ang lahat para less problem.   "Yes, Baby?" Masiglang response naman ni daddy.   Halatang siya ang nadulas kanina dahil the way siya magsalita ay nag-iba. Sobrang sakit siguro ang nangyari sa kaniya. Nakarinig ako na may nabasag eh.   "Aalis ako sa mansyon." Walang paligoy-ligoy ko na sinabi sa kanila.   Alam kong mabibigla ko talaga sila kasi first time 'yon na marinig nila sa akin. For how many years na kino-convince nila ako na alis sa mansyon para sumama sa kanila ay ngayon lang nagbago isip ko tapos wala pang namilit sa akin ulit. For them, it is a miracle.   Kailangan ko ‘to lalo na't pupunta ako ng Philippines ngayon. Baka pag biglaang bumisita sila rito ay wala silang madatnan at baka mabuking pa ako. It is safe rin naman if sasabihin ko ang part na aalis ako pansamantala sa mansyon but I won’t tell kung saan at bakit.   Natahimik ang kabilang linya kaya nagpatuloy na ako kung ano man ang dapat kong sabihin sa kanilang dalawa.   "I want to tour the world with myself only at gusto kong hanapin ang sarili ko. Diskobrihin kung anong gusto ko sa buhay." Dugtong ko pa.   "But, Baby, ‘di ba ayaw mo sa matataong lugar?” Agad na tanong nito. “Sa kambal mo nga lang nag-iinit na nga ang ulo mo at naiirita ka na. Paano pa kaya ang ibang tao na hindi mo kilala? Baka mawala ka o mapano ka rin sa pupuntahan mo? Hindi ka pa naman marunong mag-commute tapos baka ma-kidnap ka or ba—"   "Daddy, kaya ko po." Singit ko sa sasabihin pa niya sa akin.   Tatanda ata ako nang maaga dahil sa kanila. Kung nandito pa si Karie baka lumala pa. Pero 'yong totoo? Lumalabas talaga ako sa mansyon without them noticing me. Marami na rin akong nakaka-encounter na ibang klase ng tao. Parating nasa hindi kalayuan ako o madilim lang na parte ng isang lugar na pinupuntahan ko. Parang nagmamasid lang sa paligid, ganoon lang. Pero never pa akong nakihalubilo talaga kahit kanino nang malapitan talaga.   "Kung 'yan ang gusto mo," sagot naman ni mommy.   Aangal pa sana si daddy pero nanahimik na lang siya dahil alam ko na kinukurot na naman ni mommy ‘to para manahimik. Under nga kasi talaga siya. Kahit ganiyan sila ay mahal na mahal ko silang dalawa lalo na ang kapatid ko na aking kakambal.   "Huwag mong kalimutan ang Pilipinas, Anak." Paalala ni mommy sa akin.   Hindi na ako kumibo pa nang banggitin niya ang bansang 'yon. Sobrang tagal na rin noong nakapunta ako roon. Ngayon na lang ulit ako makakabalik na siyang hindi nila alam.   "I'm sorry kasi pinaalala ko na naman ang nang—"   "I will at sana sa pag-apak ng paa ko sa Pilipinas ay lutuan ninyo ako, Mommy, ng aking favorite food," sabi ko na lang.   Para matapos na ang usapan. Ayokong marinig pa ang nangyari noon.   "Anak, ‘di ba ayaw mo sa bansang 'yon kas—"   Pinutol ko na ang sasabihin niya dahil panay tingin na sa akin ang ibang guards at si Mr. Butler. Kailangan ko na rin kasing umalis. Ako lang ang hinihintay nila.   "I have to go. Aalis na rin kasi si Karie. Bye." Pinatay na nga ang linya.   "Kain ka po muna bago tayo umalis," sabi ni Mr. Butler kaya tumango ako.   Naglakad na ako papalapit sa kotseng nakaparada sa harapan ng mansyon nang matapos na akong kumain. Bago ako pumasok sa kotse at umalis ay may pinagbilin muna ako sa kanila lalo na kay Mr. Butler.   "They know na aalis ako to tour the world and they know na babalik na ng Pilipinas si Karie,” sabi ko agad sa kaniya. "Don't you ever say something to our patents? Like the old times. Will you?"   Tumango lang sila at tuluyan na akong umalis.   Alam ko rin kasi minsan na napapansin nila ako na dumarating galing sa labas ng mansyon pagpumupuslit ako kina mommy. Napansin ko 'yon last time. Hindi naman sila nagsumbong o nagkuwento man lang kaya madali lang para sa kanila na gawin 'yon.   Sanayan na lang.   Wala na talagang atrasan 'to at pagmakarating na ako sa Pilipinas hindi na ako ‘ako’ kundi si Karie Eris Xena na.   I told you, I may be nobody, but I can be anybody.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD