Sumasakit na talaga ang aking ulo sa kaka-assign sa mga kasamahan ko para maayos na ng mabuti ang upcoming foundation day. Para rin pagnag-start na ang program ay wala ng poproblemahin pa. Bawat plano may nilagay akong mga what ifs para pag mangyari man ang posibleng problema ay may solusyon agad. Nagulat pa nga sila nang maisip ko ang ganoong bagay. Nagkatinginanan pa ang mga ‘to. Mukhang sanay sila na kung ano-anong gagawin nila pero ayaw ko talaga. I want to organize everything as much as I can. Noong una ay nagkainitan pa sa pagpaplano pero kalaunan ay nakuha nila agad ang gusto kong mangyari kaya naging maayos naman ang lahat sa pagitan namin. Akala ko pa ay kailangan pa naming ipagpapabukas ang meeting dahil sa naging mahaba na talaga ang diskusyon regarding about it. Pinagpapasa

