"Tsk! Tsk! Ang kutsilyo ay para sa kusina hindi para pantusok sa mata." Sabay iling ng babaeng nasa harapan ko na habang hawak ang kutsilyong tutusok sana sa aking mata. "Tanga lang ang papatay sa isang tao sa pamamagitan ng ganito," sabi pa niya. That was the scariest moment of my life. She just smiled at me nang mapatingin siya sa akin. Humarap naman agad ‘to sa kung saan nanggaling ang kutsilyo. Hinagis niya ‘to pabalik at may narinig na lang kaming sigaw. Kitang-kita namin ang pagbagsak ng taong gusto akong patayin. Nakatusok sa noo nito ang kutsilyong binato ng babae pabalik sa may-ari na waring dart board lang. Damn! How the hell she does that? "Nice! Akala ko kinalawang na ako," nakangiting sabi pa nito nang makita ang nagawa nito. Agad namang napatayo sina Zem n

