Tahimik lang akong nagmamasid sa bawat nadadaanan ko ngayon. Ramdam ko ang bawat tingin na pinupukol ng iba sa akin pero pinagsawalang bahala ko na ang lahat ng ‘yon. Hindi naman ako manhid para hindi mapansin ang mga tingin a pinupukol nila sa akin. But I don't give a damn! Sabagay, ikaw ba naman ang magmukhang monster sa gym the other day. Sino kaya ang hindi pag-uusapan nga students dito, ‘di ba? Hindi ako nababahala kung mapapahamak ako sa mga ginagawa ko. O mawala man lang ang posisyon ni Karie bilang isang presidente ng school. Mas mabuti pa nga ‘yon dahil paniguradong mabubunyag ang lahat sa likod ng sumpang pinapaniwalaan ng bawat taong na rito. Though malaking porsyento sa akin na hindi nila gagawin ‘yon, ang mapatalsik si Karie sa posisyon niya kasi wala rin namang ibang haha

