"Let's start!" Pinal na saad ko sabay punas sa dugo na umaagos sa aking ilong. Binato naman ng isang student ang bola ng volleyball at pumuwesto rin sina Dennise na waring handa na sa mangyayari. May pumasok na ibang students sa court para makompleto sila ganoon din sa side ko. Mukhang handa na ang lahat sa pagitan namin. I stared at Dennise intently while she stared at me the same. Sa pagkakaalala ko ay volleyball player siya o may alam sa larong volleyball like Karie. "I will be the one who will spike, and the first one to serve and do the rest." Bilin ko sa kasama ko at nagdalawang isip na ngumiti sa akin bilang pagsang-ayon sa gusto ko. Nagsimula na nga ang laban at ako ang nag-serve. Sa unang sampong serve ko ay walang nakakasalo kaya mas lalong nagiging malamig an

