Nakaupo lang ako sa isang sulok habang nakasabunot sa aking buhok habang nakayuko. Stress na stress ako ngayon at napakalaking problema 'to sa akin. Hindi ko na alam anong gagawin ko. Kinakabahan din ako sa posibleng maging kahihinatnan ng lahat. Parang unti-unti na talagang lumilinaw sa akin ang lahat bakit nasangkot sa ganitong gulo ang aking kambal na kapatid. Ngunit, pilit kong winawaksi na sana hindi nga tama ang aking kutob at hinala. Kahit sobrang slim ang chance nga hindi nga. Inangat ko ang aking ulo at sumalubong sa akin ang tingin nila na waring naguguluhan sa aking kinikilos. Parang may gusto silang alamin pero minabuti na lang nila na manahimik na lang. Mabuti na lang din at hindi talaga. Pumikit ako nang mariin pero I can't contain my blood to boil. Gusto kong manira ng g

