F*ck! Utak gumana ka naman! Alalahanin mo lahat ng pinag-usapan namin ni Karie. I need it right now. Isa ‘yon sa magiging pag-asa ko sa mga oras na ‘to. Come on! Naudlot ang mariing pag-iisip ko sa kung ano pang napag-usapan namin lately ni Karrie. Napaangat ang ulo ko nang tumunog ang telepono ni Dennise. "Hello?” sagot nito. “Harry? Bakit?" Tapos ini-loud speak niya para marinig namin ni Zem. Bakit kaya? Sa ganitong pagkakataon pa talaga? Gandang timing, ah? "May nakuha kami na kahina-hinala." Rinig naming sagot nito. Halatang bumubulong ‘to dahil sa hina ng boses niya. Anong meroon at nasaan ba siya? "Saan ka ba?” tanong ko. “Ba't bumubulong ka?" Napalingon naman ang dalawang babae sa akin na nagtataka pero hindi ko na sila pinansin. Hindi ba nila nahalata?

