Naalimpungatan ako nang may marinig akong kaluskos, idagdag pa na may nag-uusap malapit lang sa akin. Ang ingay nila talaga kahit alam nilang may natutulog. Ididilat ko sana ang aking mga mata ngunit hindi ko magawa. Ang bigat din ng pakiramdam ko. Ganoon na ba ako kapagod kaya pati katawan ko ay ayaw na makipag-coordinate sa akin? Ramdam ko ang sikat ng araw kaya kailangan ko na talagang bumangon dahil may kailangan pa akong gawin. Natigil ako sa aking balak dahil sa mga sunod kong narinig sa mga taong kasama ko ngayon sa room. "Alam natin na nakakatakot siyang magalit pero kahapon? Ibang-iba sa nasaksihan natin before," saad ng isa na halatang pinipigilang lumakas ang boses pero failed naman. Sakit sa taenga grabe. Naisipan pang makipagkwentuhan dito kung saan malapit lang sa

