Nang matapos na ang klase ay dumeritso na kami sa cafeteria para kumain kasi lunh time na rin naman. Nakakagutom naman talaga ang mag-solve nang mag-solve the whole time nakakawala rin ng energy kasi gamit na gamit ang isip. Maraming nagagamit na energy ang utak ko kaya kailangan din kumain ng marami para ma-regain kahit papaano. "Hala nagsama-sama ang Student Council Officers!" Most of the students exclaimed when they saw us lalo na ang nadadaanan namin sa hallway papuntang canteen. Is there something wrong with that? "Himala ata." "Oo nga!” Sang-ayon naman ng isa. “Anong kaya nakain nila?" "’Di ba hindi naman sila magkasundo?" "Baka dahil wala na si John. 'Yon lang naman ang hindi nila gustong kasama." Hula pa ng isa pa. "Sabagay, mabuti na nga 'yon dahil okay

