Napadpad ako ngayon sa canteen at nakita ko ang iilang nagkukumpulang college students na babae. Nasa gitna ay ang malanding bakulaw na kapreng si John na sobrang lawak ng kaniyang mga ngiti. Feeling Casanova ang tukmol, hindi naman kagwapuhan. Pero bakit halos gusto ng bawat babae rito na makipag-share sa lalaking 'yan.
Jusko! Titing-t**i na ba sila? May marami namannna deserve nila pero bakit pinagtiya-tiyagaan nila ang gago?
Sa pagkakaalam ko ay may share ang family niya sa school na 'to kaya ganiyan siya makaasta. Ngunit, hindi ‘yon tatalab sa akin. Kahit sino hindi pwedeng santuhin except na lang sa mga taong I value the most. Thoguh pag nasa mali hindi ko kokonsentehin.
"Is that Eris?" Rinig kong bulong ng isang estudyanteng nadaanan ko.
They didn't expect na makikita ako rito base sa reaksyon nila. But I don't care. Hindi ko nga rin alam bakit na rito ako eh.
"Oo nga, ‘no?” Baling naman ng isang kasama nito nang pasimpleng napalingon ako sa kanila. “Ang ganda niya talaga. At swerte niya kasi buhay pa siya. ‘Di ba 6 months lang tumatagal ang nagiging presidente ng school natin? Siya 'yong maswerteng nakaligtas."
Ow! Kung sa fresh break-up may three months rule sa pagiging presidente dapat may six months rule?
Ngunit kamuntikan na rin si Karie kung hindi ‘to lumaban pa kay kamatayan.
"May agimat ata siya o baka nawala na ang sumpa," ani naman ng isang kasama nila.
Gusto kong mailing na lang sa mga naririnig ko sa kanila.
"Kung nawala na ang sumpa, mas mabuti."
Nagpapaniwala talaga sila. Sila lang ang inuuto ng suspect para pagtakpan ang totoong nangyayari sa misteryosong bumabalot sa posiyon ni Karie. Kaya nga nag-iingat ako. Iniisip ko rin ang possible na gawin sa akin o mangyari man lang.
"Kaya nga.” Sang-ayon naman ng isa. “Mas mabuti talaga. Kawawa kasi kung hindi."
"Baka ano pang mangyari sa atin kung nagpatuloy pa."
Lumapit ako sa kanila kaya natigil din ang mga ‘to sa pag-uusap. Pansin ko rin na iilan ay ilag sa akin.
"What about sa sumpa? Ano bang alam niyo?" Mahinahong tanong ko.
Curious lang talaga ako. Ano ba talaga rason bakit nagkasumpa after noon kay Xylene? Pinagdadamot ba niya ang posisyon niya?
"Kasi po bali-balita po na after pong namatay ni Xylene ay sinumpa niya po ang pwesto ng pagiging presidente," sagot naman ng isang babae.
"Bakit daw?” tanong ko. “Immature naman." Hindi ko maiwasan na ikomento na ikinangiti nila.
Pero totoo naman kasi. Though gusto ko rin sanang sabibin na bakit nagpapaniwala sila pero hindi na lang. Baka mamasamain nila ang sasabin ko.
"What?" tanong ko sa kanila.
"Kasi akala namin hindi na po kayo makikipagkwentuhan sa amin after what happened sa inyo. Hindi po ba may amnesia kayo?" Nag-aalangang sagot naman ng babaeng may mababang buhok.
Ow. Friendly pala ang kapatid ko rito. Sabagay, kahit may pagkamaldita 'yon at pagkamasungit minsan ngumi-ngiti naman siya kahit kanino pero depende rin sa mood nito. Nakikipag-usap pa nga. Madaldal kasi minsan.
"Alaala lang ata ang nabura ‘di naman lahat ng pagkatao ko, ‘di ba?" sagot ko. "Anyway, next time na lang. May bibilhin kasi ako at hahanapin." At naglakad na palayo pero napahinto ako dahil narinig ko.
"Nag-away na naman po ba kayo ng best friend niyo?” Biglang tanong ng isang babae. “Milktea lang ang katapat. 'Yon kasi minsan ang napapansin naming bitbit mo o binibili mo rito sa canteen. Tapos ibinibigay niyo po sa kaniya para hindi na siya magtampo or magalit sa ‘yo,” sabi pa nito.
Nakakagulat kasi 'yong biglaang change ng topic. Nagulat din ako sa sinabi niya. Milktea? Shuta! Ano ‘to? Daig pa ang magsyota sa lagay na ‘yon, ah!
"Bakit mo nasabi ‘yan?" Takang tanong ko.
Sinong best friend?
"Ganiyan po kasi kayo minsan pag nag-aaway kayo,” sagot naman niya na ikinasang-ayon ng mga kasama niya. “Pag wala po kayong magawa nakikipag-usap po kayo kahit kanino. Parang dina-divert mo pansamantala 'yong nangyari sa pagitan niyo. Pag-okay ka na po ay ginagawa niyo po 'yon."
Tumango na lang ako sa sinabi nila nang may biglang nagpop-up na imahe sa aking utak.
―"Uyy! Twinnie naman kasi!" Pagmamaktol ng kambal ko.
Halos ipasok na ang sarili sa screen para lumitaw rin ang katawan niya rito sa monitor ko.
"Pwede ka namang bumili riyan sa school niyo, ah? Sosyalin kayo kaya may milktea riyan." Sabay irap ko.
Nagpatuloy na lang ako sa aking binabasa.
"Kasi naman eh!” Ingos na naman nito. “Sige na kasi! Marunong ka namang gumawa ng milktea, ‘di ba? ‘Di ba? Sige na kasi!" At nag-puppy eyes na siya.
Ano bang problema ng isang 'to at nagka-interest na sa milktea? We do love milk pero hindi ang milktea. Ayaw namin na may halo. So, bakit?
"Tae ka, Karie!” Inis na sabi ko. “Umayos ka nga riyan! Hindi nga pwede! Kasi last time na tinuruan kita I know halos sumabog ang kitchen natin dahil sa pagluluto mo. Ngayon gagamit ka ng blender? My gosh, Karie! Baka pagdating mo rito sa mansyon kalbo ka na!" Panenermon ko pa.
Ayokong umabot sa point na mangyari 'yon. Jusko.
"Bakit naman?" Kunot noong tanong nito. "Ano ba kasing koneksyon ng sinabi ko sa request ko? Milktea lang naman ang pinag-uusapan dito at past is past, okay?” Sunod-sunod na tanong nito. “Sige na kasi!" Pamimilit pa niya.
Hindi ko maiwasan na ikutan siya ng mga mata. Masyadong mapilit.
"May koneksyon kasi lalo na't pagmasira mo ang blender, for sure, hahabulin ka talaga ng blade para ikaw ang i-blend!" Sabay irap ko pa.
I have a point naman. Iniiwasan ko na mangyari 'yon kaya it is better na huwag na lang.
"Oo na hindi na! Bahala ka!" Pagtatampo niya.
Umalis na sa harap ng monitor. Lumipas ang ilang minuto may biglang dumaan pero hindi ko nakita kung sino kasi nakatalikod. Natawa ako nang mahina nang makita ko na nakanguso na naman ang twinnie ko na nakaharap sa babaeng nakatalikod.
"Best friend, sorry na kasi." Nagpapa-cute pa. “Swear hindi ko sinasadya."
Umayos ako nang upo at may kinakalikot sa phone ko na ikinatigil ng taong nasa kabila. Nag-thumbs up ako sa kaniya at pinatay na ang skype.
Nagpadala kasi ako ng message sa isa sa business namin sa Pilipinas na magpa-deliver ng milk tea kung saan man naroroon si Karie. Nag-text na rin ako sa kanila to inform them na always nilang suplayan ang school canteen nila Karie para hindi na siya mambulabog about doon. Baka buong school nila ang sasabog pag ginawa niya ‘yon. ―
Natauhan naman ako nang may nagwe-wave ng kamay sa harapan ko mismo. I blinked several times because of it.
Spacing out, again.
"May naalala po kayo about doon, Ms. Pres.?" tanong ng isang babaeng kausap ko kanina na nasa harapan ko na pala.
Masyadong naging malalim ang pagbabaliktanaw ko at hindi ko pa siya napansin.
"Huh? Yeah. Thanks nga pala. I have to go." Nagmamadaling sabi ko.
Pumunta na ako sa counter para bumili pero parang alam na ata ng naka-assign doon kung anong pakay ko. Binigay na talaga sa akin ang paper bag at pagbukas ko may milktea at may isang box na cookies. Nginitian ko na lang sila at nagbayad. Parang hindi ata mauubos ang energy ko sa panggagaya at pag-alala sa lahat ng nasa lumang diary ng kambal ko para hindi makahalata ang iba na hindi si Karie ang kasama nila. Tadhana na ang naghahanap ng way para matulungan ako.
Naglalakad lang ako para hanapin nga si Dennise. Akala ko nga kailangan kong libutin talaga ang buong university namin. Buti may nagturo kung saan ang babae. Hindi na ako mahihirapan pa. Akala ko pa ay needed oo na gumamit ng GPS na I am sure useless pa rin not unless naka-connect sa akin at naka-on 'yon sa kaniya.
Pumunta na ako sa garden at nakita ko nga siya. Binubunot ang mga d**o na walang magawa kundi magpatianod din sa ginagawa ng babaeng naiinis sa akin.
Kailangan paamuhin baka bumangon at sumulpot bigla ang kambal ko mahirap na. Best friend sila. Ako pa magiging dahilan kung bakit hindi na.
"Oh? Peace offering," saad ko nang makalapit na ako sa kaniya.
Nilahad ko pa agad sa harap niya ang paper bag na kanina ko pa hawak.
"Tsk!" Inarapan pa ako.
"Kunan mo na ‘to,” ani ko pa. "Nag-effort akong bilhin 'to at hanapin ka kaya kunin mo na." Pamimilit ko pa.
Kinuha naman niya pero hindi pa rin ako pinapansin. Sinulyapan ko siya at halos sumayad na sa lupa ang nguso niya.
I would give myself an A+++ sa galing kong magpanggap. Kapagod. Jusko!
"Ano bang meroon tayo?" Bigla na lang lumabas sa bibig ko na ikinagulat niya.
Mukhang mali ata ang naging tanong ko. Masyado naman agad-agad.
"A-Anong tanong mo?" Kinakabahang tanong nito.
"Nakakabingi na ba ang tanong ko?” sagot na tanong ko. “Sagot na kasi." Pilit ko pa.
"B-Best friend?" Alanganing sagot nito sa akin.
Kumunot ang noo ko nang may patanong pa sa sagot niya.
Mahirap bang sabihin ang best friend without question mark? Sa pagkakatanda ko ay hindi.
"Ow? Talaga?" Nagdududang tnong ko. "Parang ayaw mong bigkasin ang best friend. So, ano nga?" Pamimilit ko pa.
Katahimikan ang pumagitna sa aming dalawa dahil sa naging tanong ko. Magsasalita sana siya nang tumunog ang phone ng kambal ko na ginagamit ko na ngayon at ‘to na parati ang dala-dala ko.
Sinagot ko naman agad. Hindi na lumayo pa kahit nasa tabi ko lang si Dennise.
"Young Lady, nasa E.R. na naman po kami." Bungad ng taong nasa kabilang linya after I clicked the accept call.
"I trust you." Mariin na saad ko. "Do everything to save her."
Napahigpit lalo ang hawak ko sa phone nang hawakan ni Dennise ang kamay ko. Nilingon ko siya at bakas sa mukha niyang ang pagtataka at pag-alala. Narinig ko na lang ang nagkakagulong mga tao sa kabila.
"Nasa loob ka, ‘di ba?” tanong ko pa. “Pake speaker, please. Siguraduhin mong maririnig niya," utos ko na siyang agad naman niyang ginawa.
"Hey! Siguraduhin mong pagbalik ko ay buhay ka pa dahil kung hindi? Ako na mismo ang maglilibing sa 'yo pero before that gagawin kitang mummy!" Pagbabanta ko sa kaniya.
"Young Lady, nag-flat po." Tarantang sabi nila sa akin.
"Sh*t! Ano ba?!” sigaw ko. “Sabi ng lumaban ka! ‘Di ba sabi mo hanggang pagtanda ay magkasama pa rin tayong dalawa? Oo na, sasabihin ko na mahal na mahal kita just please lumaban ka? Gagawin ko lahat ng gusto mo. Lahat ng kahilingan mo basta lumaban ka lang."
'Yon ang matagal niyang gustong marinig sa akin. Ang sabihin kung gaano ko siya kamahal. Para ma-feel daw niya kahit papaano na kambal nga kaming dalawa. Hindi ko rin alintana na may iba pa pa lang taong nakakarinig sa akin. I don't care, buhay ng kambal ko ang pinag-uusapan dito.
Natahimik na lang ako napapikit nang mariin nang natahimik ang sa kabilang linya.
Gosh! Karie, please? Lumaban ka! Bibigyan pa kita ng hustisya at pagbumalik ka na I am making sure na maayos na ang lahat. Please?
"She's back!" Narinig ko na lang makalipas ng ilang minuto.
Halos maluha ako sa narinig ko.
"Yes!" Napatalon ako ng 'di oras nang marinig ko ‘yon.
"So, ‘yan ba ang dahilan bakit umalis ka na lang bigla ng walang paalam? At kung bakit na-aksidente ang sinasakyan mo?" Biglang tanong ng katabi kong si Dennise.
Natigil tuloy ako at napaharap kay Dennise. Nakalimutan ko na narito pala siya. Paano ko lulusutan 'to? I'm sure magtatanong siya. May pagka-Zem the second pa naman.
"Yes." Pagsisinungaling ko.
Wala naman kasi akong alam. Kaya nga ako na rito ay para malaman kung anong nangyari sa kambal ko before siya naipadala sa Europe at kung sino ang taong tumulong sa kaniya.
So, naaksidente?
"Who is she?" Walang emosyong tanong niya sa akin.
"Isa sa importanteng babae sa buhay ko." Honest na sagot ko.
Kahit may sapak 'yong kambal ko mahal na mahal ko ‘yon. Hindi ko talaga kakayanin na mawawala siya. Hindi ko kakayanin talaga.
"Okay. I have to go." Sabay tayo niya.
Sinundan ko siya nang tingin dahil sa inakto niya bigla. Tama ba ang nakita ko o namamalikmata lang ako?
Did she — pero imposible.
Tinawag ko siya pero hindi na siya lumingon kaya hinayaan ko na lang. Lumalabas na naman ang pagiging curios kong tao.
Who are you Dennise Valdez? Sino ka ba talaga sa buhay ng kambal ko?