07 BKEX

2111 Words
Sa loob ng isang linggo, grabe 'yong adjustment ko dahil kay Zem pa lang mahirap na mag-adjust. Paano pa kaya sa lahat ng students dito, ‘di ba? Sobrang sakit talaga sa ulo halos lahat ng mga estudyanteng nag-aaral dito. I don’t know to handle them. Napi-pressure na nga bawat kasama ko kasi may napupuna kasi talaga ako lagi. Ewan ko kung ano ang ginagawang solusyon ng kambal ko para makinig naman sila sa pinagbabawal ng mga officer.   Napahilamos na lang ako sa aking mukha sabay sandal sa kinauupuan ko. Nakakapagod at masakit sa likod at leeg kakayuko para basahin ang mga report. Nang okay na ay naisipan ko muling pagtuonan ng pansin ang paper works. Mabuti na lang at flexible ang schedule ng klase ni Karie kaya mabilis akong nakapag-adjust.   "Coffee?"   Naiangat ko agad ang tingin ko sa nagsalita. Nawala tuloy ako sa konsentrasyon sa biglaang sinabi niya. She is standing right now sa hamba ng pinto ng office ni Karie na nasa loob lang din ng Student Council Office. Nakahiwalay kasi pero kita pa rin naman ako rito. I frowned when I saw what she is holding right now.   A coffee and cake?   Anong nakain niya at dinalhan niya ako ng snack ngayon? Pakonswelo dahil stress na stress ako sa mga nangyayari? Gusto ko tuloy mapangiwi habang iniisip na kakainin at iinumin ko ang dala niya.   "Akala ko coffee?” tanong ko. “May kasama pa pala," saad ko pagkatapos na ikinangiti niya lang.   Lumalakas talaga ang kutob ko sa kinikilos ni Dennise. Anong sumapi sa ka niyang espiritu para pagtimpalahan ako ng kape at may kasamang cake pa? Wala naman siyang balak na lasunin ako, ‘di ba?   "Akala ko hindi mo na ako kakausapin o hayaan na maiwan na kasama ako sa isang lugar na tayo lang." Dugtong ko pa.   Namula naman ang pisngi niya sa aking sinabi. Nagiging mailap na rin ang tingin niya kaya tinitigan ko siya lalo.   Napapansin ko kasi madalas na ilag talaga siya pag kami lang dalawa ang naiiwan. Minsan nga sumasama na lang siya kina Zem pagmalalaman niya na ako lang maiiwan dito sa opisina. Iniisip ko na lang na baka natakot siya sa ginawa ko pero imposible naman 'yon. Once lang nangyari ‘yon and I am sure na mauulit mulin’yon with a valid reason naman. I won’t hurt anyone kung wala lang.   Though I know na masama ang ginagawa ko pero if hindi pinapakita sa lahat na ikaw ang upper hand babastahin ka na lang nila. Kaya iniiwasan ko na mangyari ‘yon. Over my sexy body. I won’t be summisive at hayaan ang kahangalan nila.   "Hindi naman sa ganoon.” Nahihiyang turan nito sabay lapag ng hawak niya. “Nag-a-adjust lang. Alam mo na."   Hindi ko maiwasan na mailing na lang sa naging rason niya. What a lame excuse.   Pinanuod ko na lang kung paano siya naupo sa bakanteng upuan na nasa harap ng lamesa ko. Ingat na ingat talaga siya. Maybpagkamahinhin pero alam ko na hindi siya tipikal na babae na kailangan ng lalaki para iligtas siya. Not a damsel in distress ikanga nila.   "If you say so," saad ko.   Binaling ulit ang atensyon ko sa laptop na kanina pa kawawa sa akin pati mga papel na nakalatag lang sa lamesa. Ang dami ko kasing tinatapos na trabaho. Ang daming incident reports na aking tinatapos at pinepermahan. Nakasalalay rin sa akin kung anong magiging aksyon sa mga nilabag ng mga estudyante sa rules ng university na ‘to. Hindi ko alam bakit naibibigay lahat sa presidente to think na dapat bawat isa ay gampanan ang responsibilities nila. Pero yes na lang. Ginusto kong magpanggap kaya panindigan ko.   "Have a break,” ani niya makalipas ang ilang minutong katahimikan sa aming dalawa. “Kanina ka pa kasing may ginagawa riyan. Limang oras ka ng nakaharap diyan sa screen ng laptop mo."   Napasandal ako sa upuan at tumingin sa kaniya. Nakita ko na naman ang asul niyang mga mata. Ang weird pero pagnakikita ko siya, lagi sa kaniyang mga mata napapako ang aking mga tingin. Ang ganda kasing tignan. Her eyes make me calm pero hindi ko alam kung hanggang kailan.   "So, kanina mo pa ako pinagmamasdan?” tanong ko. "What do you want?"   Natawa siya bigla dahil sa aking tanong. Hindi ko naman alam kung anong nakakatawa sa sinabi ko. Pero hinayaan ko na siya. Minsan lang siyang ganito kaya hayaan ko na. Sumasagi rin sa isip ko na baka miss niya lang ang usally na ginagawa nila ni Karie.   Who wouldn't, 'di ba? Lalo na kung close kayong dalawa. Ang nakakalungkot pa nito, hindi ka pa maalala. Though baka may possible na hindi nga if maging okay si Karie. Masyadong napuruhan ulo niya.   "Actually, wala." She said. "Naninibago lang ako sa kinikilos mo minsan." Sumeryoso na rin ang mukha niya.   Gusto kong makaramdam nang kaba dahil sa sinabi niya pero wala akong makapa sa puso ko ng ganoong pakiramdam. Komportable ako sa kaniya na parang nakasama ko na siya rati which is weird.   Maybe because sa koneksyon namin ni Karie. Naniniwala kasi ako na kung anong nafi-feel minsan ng kapatid ko towards sa isang tao ay nararamdaman ko rin. Therefore, siya siguro ang ka-close talaga ni Karie. Maghahanap lang ako ng valid evidence para roon. Baka false alarm lang pala.   Bigla tuloy pumasok sa aking isipan kung anong alam niya sa totoong nangyari sa kapatid ko. Kung siya ba ang huling kasama nito.   "Nagiging hobby mo na ata ang pagtitig sa mukha ko. ah." Nakalolokong saad nito sa akin makalipas ng ilang minutong pananahimik naming dalawa muli.   Hindi ako kumurap bagkos nag-lean forward pa ako sa table para makalapit ng kunti sa kaniya. Nakapatong lang kasi ang baba niya sa mesa ko. Kaya isang dangkal na lang ang layo ng mga mukha namin.   "Because I like the way I stared at your blue eyes." Pag-amin ko.   Nagulat siya nang sabihin ko ang mga katagang ‘yon. Halatang may bumabagabag sa isip niya na ikinatawa ko nang mahina. Hindi siguro siya makapaniwala na bibitawan ko ‘yon sa harap niya. Pero totoo 'yon. No malice.   "I didn't know na may effect din pala ang sinasabi ko sa ‘yo, Dennise.” Pansin ko. “Sa loob ng isang linggo ng pag-o-obserba ko sa inyo lalo ka na. Masasabi kong maloko kang tao lalo na't pagnasa mood ka. Seryoso ka naman pagkinakailangan. Ayaw na ayaw mo sa mga taong mahangin at kung ano-ano pa pero may isa pang napansin ako na alam kong hindi alam ng tatlo."   Napaayos siya nang upo at umiwas nang tingin.   "I think." Hindi ko siguradong dugtong ko pa.   Baka kasi mali ako. Baka naman hindi. Depende na 'yon sa magiging reaksyon ni Dennise if sasabihin ko kung ano.   "What are you talking about?" Kinakabahang tanong niya.   Wala pa nga pero uncomfortable na siya sa takbo ng usapan. Naisipan pa kasing tumambay rito sa opisina.   "You are gay." Walang paligoy-ligoy na sabi ko na ikinasamid niya agad kahit wala naman siyang iniinom.   Lumipas ang ilang minuto hindi siya nagsalita kaya tumawa ako nang malakas. I just can’t help it.   Ang cute niyang tignan grabe. Namumula ang pisngi niya pati dulo ng taenga niya. She looks like a lost puppy too na naghahanap ng kakampi.   "Teka, anong nangyari?!" sigaw ng mga taong kakapasok lang dito sa opisina.   Nabaling ang atensyon naming dalawa sa taong biglang pumasok.   'Yong wall ng office ay glass tapos sa labas ay mga cubicle ng mga co-officer ni Karie. Ako lang talaga ang naka-separate dahil 'yon din naman daw ang design ng office ng Student Council Office simula pa lang at wala ng binago pa.   Nakatitig talaga ang mga bagong dating sa akin na parang hindi makapaniwala sa mga nasaksihan nila. Tumawa ba naman ako nang malakas. Ngayon lang din ako nakatawa ng ganito.   "What?" Natatawang tanong ko.   Mukhang mas lalo pa silang nagulat sa inakto ko. Natatawa pa rin kasi ako kay Dennise. Ang cute rin kasi. Nahihiya tuloy siya lalo. Huling-huli kasi.   "Hey, Dennise.” Baling ni Zem sa isa. “Ano bang pinakain mo riyan o sinabi kung bakit tumatawa na siya ngayon after siyang bumalik from a long vacation?" Usisang tanong naman nito sabay niyuyogyog ang balikat ni Dennise.   Tsismosang babae kahit kailan. Dapat talaga halos alam lahat kaya naiiling na lang ako sa pinaggagawa niya. Tumigil na ako at tinignan na lang sila.   "Ano ba!" Agal ni Dennise sa kaibigan. "Nakakahilo! Tumigil ka nga!” Sita naman ng isa. “Wala akong ginawa. Siya kaya 'yong nangti-trip sa akin," sagot niya agad sabay turo pa sa akin.   Humaba na nga ang nguso niya dahil sa kahihiyang nararamdaman niya ngayon. I think iniisip niya na sana ay kainin na siya ng inuupuan niya.   "Weee? Kayong dalawa, ha?" Nagdududang sabi ni Tim. "May tinatago ba kayo? May amnesia ka ba talaga, Eris?" Baling naman sa akin nito.   Kumunot naman ang noo ko sa naging tanong niya sa akin. May alam ba siya?   "Tapos?" sagot ko. "Anong problema roon? Tumawa lang ako at ang laking issue na? Mayroon ba akong amnesia o wala?" Sumeryoso na rin ang mukha ko na ikinatigil nila.   Anong klaseng tanong 'yon?   "Nakakapanibago lang kasi.” Nabaling ang atensyon ko kay Mark nang sabihin niya ‘yon. “Isang linggo ka na kasing hindi nakakausap ng maayos dahil binabara mo kami. Hindi ka naiimik, minsan naman nagpapatawa na sina Zem hindi pa rin benta sa 'yo. Mukhang natapos na ata ang bumabagabag sa isip mo.”   Sa loob ng isang linggo may kakaiba rin akong napapansin sa bawat kasama ko rito sa office lalo na kay Mark. Masyado siyang mesteryoso at observant na tao pero hindi sapat ‘yon para kabahan ako. Though kailangan ko pa ring mag-ingat talaga.   "So, can you go out now?" Naging tanong ko na lang.   Nagtinginan muna sila bago naisapang lumabas na nga except kay Dennise na prenteng nakaupo pa rin sa silya.   "Ikaw, Miss?" Baling ko sa kaniya. "Baka gusto mong buhatin kita palabas at ibagsak sa cubicle mo?"   Nag-tsk lang siya. Padabog na umalis pero bago siya mawala ng tuluyan sa paningin ko ay tinawagan ko siya sa phone. Sinagot naman niya ang tawag ko sabay harap sa akin na may pagtataka.   "Problema mo?” Agad na tanong nito nang masagot ang aking tawag. “Nag-aaksaya ka lang ng load!" Pagmamaldita pa nito.   Akala ko ba mahinhin ang isang 'to? Mukhang amazona pala.   "Naiinis ka na niyan?" Pang-aasar ko. "Paki kuha nga pala ng bitbit mo lalo na ang cake dahil hindi ko ‘yan gusto. Thank you." Sabay binaba na nga ang linya.   "Nakakainis ka! Paborito mo naman ‘to, ah!" Naiinis na saad niya nang makalapit siya sa table ko.   Napaisip ako sasinabi niya.   Gusto ng kapatid ko? Sa pagkakatanda ko ay ayaw niya sa cake. Aside sa nakakasira ng figure kuno dahil model nga raw siya ay hate niya rin ‘to dahil sobrang matamis.   "Really? Kailan pa?" tanong ko habang nakakunot ang aking noo.   Seriously? Wala akong alam about dito. Actually, lahat ng kinakain at ayaw kainin ng kambal ko ay sinasabi niya sa akin lalo na pag nagsa-skype kami pero about dito? Wala siyang sinabi. Mukhang pili lang siguro. Ngayon na pansamantalang ako ay siya ay napapansin ko at napapatunayan na hindi ko na masyado siyang kilala.   Hays.   "Alam mo nakakainis ka na. Hindi pala, galit na ako sa 'yo!" sigaw nito sa akin sabay padabog na umalis sa office ko.   Napalingon ako sa glass wall at kaniya-kaniyang trabaho sila kahit alam ko na nakikinig sila kanina pa sa pinag-uusapan namin. Napahilamos tuloy ako sa aking mukha dahil sa inakto ni Dennise. Nahampas ko pa 'yong lamesa.   Nagulat ako nang mag-c***k ang lamesa ko.   Tae!   Napalakas 'yong hampas ko. Tatawagin ko sana si Tim nang may mapansin ako. Isang ballpen na kulay ginto na nasa sahig na. Pinulot ko na lang pero nagtaka ako nang pag-angat ng tingin ko may nakita akong isang bagay na nasa ilalim ng mesa. Mukha siyang dairy at luma ang itsura niya.   "Tae ka, Karie! Maysado kang mahilig sa mga luma!" nabulalas ko na lang.   Naisipan kong itago na lang muna sa bag ko at tumayo na para umalis.   "Pwede bang pakipalitan na lang ang lamesa ko?” tanong ko. “Nasira kasi," saad ko kay Tim bago ako nakalabas ng tuluyan sa office.   "Nasira?” Hindi makaniwalang tanong nito. “’Di ba made in narra 'yong table natin? Paanong nasira niya 'yon?" Huling narinig ko.   Sana naman huwag silang magsimulang maghinala sa akin dahil baka mapatagal pa ang paghahanap ko ng ebidensya sa nangyari sa kapatid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD