06 BKEX

2644 Words
"I'm sorry, I'm late," sabi ko nang makapasok ako sa Student Council Office.   Kitang-kita ko paano namilog ang mga mata ng mga taong pamilyar sa akin because of the diary ni Karie. Umawang pa ang mga bibig nila habang iilan ay nawalan na ng kulay ang mga mukha nila except sa mga kaibigan ng aking kapatid. Akalain mong officers din pala ang mga ‘to. Mukhang hindi umabot sa pandinig ng co-officers ni Karie na buhay pa siya.   Mukhang sinadya rin ata nina Zem na huwag ipaalam sa mga kasama nila. Kung ano man ang rason ay wala na akong pakialam doon.   "P-President E-Eris?" Hindi makapaniwalang napatitig sa akin ang babaeng may wavy na buhok sa dulo ng buhok niya.   Bakit ba? Pero nakahinga ako deep inside dahil Eris talaga tawag nila kay Karie. Madali lang lumingon pag-Eris. Pag-Karie kasi ay baka hindi.   "Yes?" tanong ko sabay lakad papunta sa upuan na nakalaan para sa akin.   Walang kumibo ni isa sa kanila dahil hindi pa rin siguro nag-sink in sa mga utak nila na narito pa si Karie sa harap nila. Akala siguro nila na nasa kabaong na at nilalamayan na kaya ‘to nawala na lang bigla.   Nakakatawa sa totoo lang.   Yes, nasa harapan nga nila si Eris pero hindi nila alam na ibang tao na pala. Wala bang nakakaalam na may kambal si Karie? Sabagay, hindi naman importante 'yon. Sa pagkakatanda ko rin ‘yon ang alam ng lahat na nag-iisang anak lang siya ng kilalang businessman na si Mr. Xena kasi lagi siya ang nakikita nila na kasama ni daddy aside kay mommy. Family friends and another businessman ni daddy ang may alam ng existence ko. Pero baka binaliwala rin nila kasi never pa nila akong nakitang muli.   "I don't have time para makipagkwentuhan sa inyo mga bata.” Diridiritsong sambit ko kaya napaayos naman nang upo ang co-officers ni Karie.   Mukhang natauhan naman kahit papaano ang mga 'to.   “Kailangan ko lahat ng mga report ninyo ngayon na dapat natapos na noong nawala ako." Panimula ko. "Huwag na kayong magreklamo dahil hindi ko ginusto kung bakit nawala ako ng parang bula sa mga panahon na 'yon."   From now on self dapat si Karie ka na. Sa isip at sa gawa. Hindi pa kasi ako sanay masyado. Minsan nakakaramdam ako ng awkwardness sa mga pinaggagawa ko. Minsan naman ay kinakabahan ako lalo na’t maraming students akong nakakasalamuha. Hindi ako sanay.   Buti nga walang nakakapansin na napapagitla ako pag may biglang lumalapit sa akin. I am not used to it. Modern taong tabon ako eh, kuwarto version nga lang.   "I'm Dennise Valdez, secretary of Student Council." Sabay lahad niya sa akin ng mga papeles habang nagsasalita siya.   I think, I need to talk to them bakit wala silang sinabi about dito.   “Sa dalawang buwan at dalawang linggong pagkawala mo ay nagkaroon ng una at huling pagpupulong dahil sa ka—" Pinutol ko agad kung ano man ang sasabihin niya dahil sa may narinig akong hindi kaaya-aya sa aking pandinig.   Napansin ko pa ang uneasiness ng mga kasama namin.   "Una at huling pagpupulong sa dalawang buwan at dalawang linggong pagkawala ko?” Habang seryosong nakatingin sa kanila. “Buti nasikmura niyo." Sabay tawa ko nang pagak sa harap nilang lahat.   Nakakadismaya pakinggan sa totoo lang. Wala silang ginawa? O gumawa ng action bakit bigla na lang nawala si Karie at bakit may kumakalat na rumors about her pero ni isa ay wala? Sinong hinihintay nila?   Yumuko naman agad sila na parang nahihiya sa ginawa pero si Dennise nakatingin lang sa akin ng seryoso. May napansin akong kakaiba sa mata niya kanina pa. Ayoko pa naman sa lahat ay hindi ginagawa ang responsibilidad at trabaho na inatas sa kanila. Kung ganoon naman mas mabuting bitawan na nila ang posisyon nila.   Ganito ba talaga sila?   "Talk!" Madiin na sabi ko sa kanila. "Give me a damn valid reason bakit 'yon lang?" I asked.   Pero ni isa wala ng nagsalita. Kaya tumayo ako at seryoso silang tinignan isa-isa. Kahit napapaiwas nang tingin ang iba ay wala aking pakialam. Even though this is not my job ay kargado ko pa rin ang mga iniwan pansamantala ni Karie.   "Pabaya!” Malakas na pagkakasabi ko. “Hindi na ako magtataka kung bakit namamatay ang mga nagiging presidente ng Student Council kung ganito lang naman ang mga kasama niya at nasasakupan! At buti na lang at buhay pa ako!" Full of sarcasm na sabi ko sa kanila.   Biglang nagsalita naman ang isang lalaki na may singkit na mata, moreno at halata may lahi talaga.   "I'm Mark Ynares, Peace Officer." Pagpapakilala nito sa kaniyang sarili. “Hindi naman ho sa ganoon, President Eris," turan nito.   Hindi maiwasang pagtaasan siya ng isang kilay dahil sa naging sagot niya. Nagpapatawa ata siya.   "So, mali pala ako?” Sabay seryoso siyang tinitigan sa kaniyang mga mata. “Then, prove to me that I'm wrong, Mr. Mark! Bago ako pumunta rito ay napadpad ako sa CCTV Monitoring Area na nakahiwalay rito. Gusto niyo bang malaman ano ang nakikita ko?" tanong ko pagkatapos.   Ang iba ay nanatiling nakayuko lang. 'Yong iba ay hindi makatingin ng diritso sa akin pagnapapatingin ako nang dirikta sa mga mata nila.   "Bakit lahat ng mga estudyante ay pakalat-kalat habang school hours?” tanong ko agad. “At kayo na prenteng nakaupo sa gintong silya na 'yan ay walang kaalam-alam na may nagbubugbugan at nambu-bully sa bawat hallway ng building na 'to. Ano bang nagawa ninyo? Nakatulong ba 'yan sa kanila, ha?” Napaayos naman sila agad nang upo at si Mark naman ay yumuko na lang.   Ano bang klaseng mga Student Council Officer sila?   “Sinabi niyo na sana sa akin na gusto niyong pumula 'yang puwet ninyo para ako na mismo ang gagawa ng lahat ng responsibilidad na dapat ay ginagawa ninyo!" Gigil kong sabi. "Peace officer your face! Saan ang peace riyan?! Sagot!" Sabay hampas ng lamesa.   Nanlilisik na tinignan sila isa-isa. Punong-puno na talaga ako sa mga nangyayari rito. Simula pa lang pero nakakainit na ng ulo. Paano nakakaya ni Karie na makasama ang mga ganitong klase ng mga tao? Kung alam ko na ganito ang kalakaran sa university na ‘to? Hindi ako magtiya-tiyaga. Aalis ako agad. Hindi na sana siya napahamak.   "Sino ba ang vice president dito?!” Hindi ko maiwasang itanong. “Bakit bahag ata ang buntot mo at hinayaan mong ibang officers ang mangahas na magsalita na dapat ikaw! Dahil ikaw ang pumapangalawa sa akin! Dapat ikaw ang nagti-take-over sa pwesto ko ng mga panahon na nanganganib ang buhay ko! Hindi ba uso ang salitang initiate?! Ano bang use ninyo as a Student Council Officers?! Palamuti?!" Mukhang kulang na lang ay maputol ang ugat ko sa leeg dahil sa sigaw ko.   I know masyadong masakit ang mga salitang binitawan ko. At masyado kong nagalaw rin ang ego nila dahil doon pero wala akong pakialam. Gusto ko lang na mapagtanto naman nila na it is not a joke na kumuha ng posisyon sa Student Council o kahit saan pa man. It is a responsibility kahit mababa o mataas na posisyon ka man. Hindi naman magwo-work lahat if lacking ang isa. Hindi ganoon ‘yon eh.   "Anong nangyari sa kaniya?” Rinig kong tanong ng isang officer. “Bumalik ata siya sa pagiging masungit at laging galit."   "Nakakatakot siya pero taman naman siya,” ani naman ng isang kasama pa nila. “May mga nagawa tayong mali."   Napantig naman ang taenga ko dahil sa dalawang babae at isang lalaking nagbubulungan. Napansin ko na ang isang babaeng ay 'yong may wavy ang buhok.   "Paano natin sasabihin na wala rito si John?" pabulong naman na tanong ni Mark sa kasamahan niya.   Kumulo na ang dugo ko dahil sa narinig ko. Doon ko lang napansin na vacant pala ang isang upuan sa kabilang dulonna inuupuan ko kanina. At kumulo dugo ko lalo sa taong nagbukas ng pinto ng Student Council Office. Mabilis nabaling ang atensyon naming lahat sa taong pumasok. Mas lalong uminit ang ulo sa narinig at aking nakikita.   "Chill, honey!" ani nito. "After ng meeting namin magdi-dinner date tayo." Malanding sabi ng hinayupak na Vice-President ng Student Council.   Ang kapal niyang pumunta rito sa Student Council Office habang kasama niya ang haliparot niya. Ang kakapal ng mga mukha. Hindi ba niya kayang ilugar ang pagiging hitad niya?   "Really?" Malanding tanong ng isang estudyanteng kasama nito. "Then, after pupunta tayo sa room mo to make some time alone?"   Halos maging p**n star na ng isang magazine sa suot niya. Mas lalo tuloy uminit ulo ko dahil hinayaan lang ng mga ‘to na may magsuot ng ganiyang kaikling damit sa school. Isama mo pa na ganiyang klase ang naging Vice President.   Kaya naman pala.   Ang ibang Student Council Officers ay halatang nagmamasid lang. Naghihintay sila kung ano ang sasabihin ko lalo na't alam nilang galit na galit na ako. Kailangan ko na atang gawin ang isa sa gusto kong ginagawa ng kambal ko pagmay pinapahiya siyang taong kahiya-hiya naman talaga! May maganda rin namang katangian ang kapatid ko na siyang gustong-gusto ko.   Easy for me to do though. Mas malala talaga ako sa kaniya pero kaya ko naman na gumaya sa lebel ni Karie paggalit.   "Then, what about me, honey?" Flirt na tanong ko sabay naglakad papunta sa lalaking namimilog na ang mga mata at nakaawang na ang bibig na nakatingin sa akin ngayon.   Pati rin ata ang babaeng kasama niya ay ganoon din ang naging reaksyon nang makita ako.   Dapat lang talaga. Ang kakapal ng mga mukha. Higad!   "What did you say?" Pabulong na tanong ni Dennise nang madaanan ko siya.    Sinulyapan ko lang siya at binaling ulit ang tingin ko sa lalaking sobrang malandi na nakangisi na ngayon sa akin.   "Wow!” Hindi makapaniwalang reaksyon nito.   Nakangiti pa nang wagas ang loko. Agad na lumayo sa babaeng akbay-akbay kanina.   “You are back, Eris. Akala ko ka—" Balak pa ata niyang lumapit sa akin kaya pinutol ko na man ang sasabihin niya.   "Akala mo na patay na ako?” tanong ko. “Kaya ka lumalandi sa iba? Akala ko ba ako lang?"   Ngiting aso naman ang hinayupak. Nagtangkang lumapit na nang tuluyan sa akin kaya bago mangyari ang gusto niya ay mabilisan ko siyang hinawakan sa braso at binalibag nang malakas sa sahig. Rinig na rinig pa ang kabog ng pagkakabagsak niya. May lumaguto pa sa kaniya na paniguradong masakit 'yon.   But I don't care! He deserves it.   "Arg! Ang likod ko!" Namimilipit na sigaw niya sa ginawa ko.   Bago pa makalapit ang babaeng higad ay sinamaan ko siya nang tingin. Kaya napaurong na lang ‘to at hindi na binalak kung ano man ang gagawin niya sa akin.   "Get lost or I will scratch your face?!" Mariin na tanong ko na may pagbabanta na tono.   Agad naman ‘tong kumaripas nang takbo palabas ng Student Council Office. Mabilis akong lumapit sa pinto at binalibag ‘to nang malakas sabay lock ko. Baka kasi may pumasok.   Binaling ko ulit ang atensyon ko sa mga kasama ko ngayon dito sa loob. Bakas sa mga mukha nila ang takot at gulat sa aking ginawa.   Psh! As if naman na bago lang ‘to sa paningin nila. Kahit papaano ay may alam akong baho ng paaralang ‘to.   "Why did you do that?” tanong ni John habang nakangiwi pa rin ‘to. “Grabe ka magselos," sabi pa niya.   Ang kapal talaga ng mukha. Habang pilit na tumatayo siya at iniinda rin ang sakit ng likod niya ay nagawa pa niyang maging malandi sa sitwasyon na 'to. Ibang klaseng lalaki.   "Kung magseselos lang naman ako at dahil sa ‘yo?” tanong ko. “Mas gugustuhin kung magselos kay Zem dahil nauto niya si Tim! Hindi dahil sa kalandian mo malanding bisugo ka!" Asar na sigaw ko.   Kunting-kunti na lang talaga. Baka magsisi ang lalaking ‘to at umakto pa siya ng ganiyan. Babasagin ko talaga future niya. Makikita niya.   "Hoy! Bakit naman ako nadamay? Nananahimik kaya ako rito!” Angal naman ni Zem sabay irap pa sa akin. “Maka-ano ka riyan, ha?! Maganda ako at hindi ko inuto si Tim. Siya 'yong nang-uto sa akin!"   Pero hindi na namin pinagtuonan nang pansin ‘to.   "Bakit denial ka pa rin hanggang ngayon?” tanong na naman ni John. “Nagsisisi ka ba at binasted mo ako at pinili mo—" Malokong sabi niya sa akin ngunit naputol lang ‘to nang may sumigaw.   "Stop it, John!" Pagpigil naman ni Harry sa sasabihin ni John.   Wow! Buti na lang talaga at hindi talaga siya pinatulan ng kapatid ko.   Pero pinili? Sino? Si Harry?   "Bakit, Harry?" He asked. "Bakit ayaw mong ituloy ko? Natatakot ka ba na hindi na matulad dati ang lahat? Nabagok na ang ulo niya at malaking mali ang ginawa niya?!” Sunod-sunod na naging tanong nito. "Eris is mine and mine alone!" Possessive na pagkakasabi niya kay Harry.   Kitang-kita ko kung paano nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Sa tingin pa lang parang gusto niyang pumatay.   "No one owns me kundi ako lang!" Reaksyon ko sa sinabi niya. "And you, John, whatever your surname is. I, Eris Xena, proclaim that you are now dethroned to your position as Vice President, and Dennise Valdez will be the new Vice President of the Student Council from now on!" Maotoridad na anunsyo ko na ikinagulat niya.   Ang iba ay napanatag sa naging desisyon ko. Mukhang bahag talaga ang buntot nila pagdating sa vice president. Buti na lang talaga at nandito ako.   Ano bang meroon sa lalaking ‘to at takot sila?   "You can't do this!" sigaw niya sa akin.   Akmang sasapakin niya ako nang ibalibag ko ulit siya. This time, 'yong paa ko nakaapak sa future niya pero hindi mariin baka mabasag ko talaga lalo. Naka-boots pa naman ako. Siguradong madudurog talaga pagnilakasan ko ang pag-apak. Namumuro na kasi akala mo kung sinong gwapo.   "Move, so that your gem ay madurog ko ng tuluyan.” Seryosong sabi ko habang sinasalubong ang galit na tingin niya sa akin. “Hindi ka karapatdapat sa posisyon na 'yon, John or let me say Juan Tamad. Landi lang ang alam mo. Hindi kita kailangan dito dahil ni isa sa katangian mo hindi nakakatulong, nakakalala lang."   Pipiglas pa sana siya nang diinan ko pa lalo ang pag-apak sa future niya. Kitang-kita ko kung paano niya pigilang huwag mapasigaw sa ginawa ko. Ang sama pa rin nang tingin niya sa akin.   "Sasabihin ko 'to kay, Mrs. Buenavista!” Nanggagalaiting sabi niya. “Hinaharas mo ako!"   Tinitigan ko lang siya.   "Go on.” Hamon ko pa. “Kanina pa siya nakikinig at kanina pa niya napapanuod ang nangyayari ngayon." Sabay smirk ko.   Kanina ko pa kasi napansin na may CCTV dito. May monitoring area rin which is nakakapagtaka bakit hindi napansin ng mga tao rito na may nangyayaring hindi maganda kanina. Iresponsableng mga tao talaga. Though I am not sure if nakikinig o nanunuod ba si Mrs. Buenavista sa amin.   Lumayo na ako sa kaniya at tumalikod. Balak kong umalis muna rito sa opisina para magpalamig ng ulo ngunit bigla may nangyaring hindi maganda.   "Eris!" sigaw ng ibang kasama ko sa aking pangalan.   Agad akong lumingon kasabay ng pagbulagta ni John sa sahig.   "I can't see you but I can sense you.” Malamig kong turan. “Kaya sino man ang magtatangkang traydurin ako o gagawa ng hindi ko gusto tulad ng paglabag sa rules. Sorry na lang kasi hindi ko kayo sasantuhin kahit kilala ko kayo at naging parte ng buhay ko. Sana ‘wag umabot sa ganoon dahil hindi niyo magugustuhan ang gagawin ko." Agad naman akong umalis nang hindi na lumulilingon sa kanila.   Pangalawang araw ko pa lang dito sa Pilipinas pero sumasakit na ang ulo ko dahil sa mga nangyayari. Paano 'to nakakaya ng kambal ko?   Pero mukhang pupwede kong magamit si John, soon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD