GABRIELLA’S P.O.V. PAGKAUWI NAMIN SA bahay ay nakita ko ang mga bodyguard ni James na mga may pina-pack na gamit. Nagtataka ako dahil puro armas iyon. May giyera ba? “Ah, James. Para saan ang mga iyan?” takang tanong ko rito. “Mga order kasi ang mga iyan, sweetheart,” sabi niya kaya tumango na lang ako. Naglakad na ako papasok nang may makasalubong akong babae. Maganda siya at sexy—sexy ang damit. Naiilang ako sa suot niya, litaw kasi ang dibdib niya na tila kasinglaki ng papaya. Tiningnan ko ang dibdib ko na normal ang laki. Kahit seventeen pa lang ako ay malaki na ang dibdib ko, pero doble ang laki ng kanya. Tapos sa skirt naman, siguro ay pagyuko nito, kita na ang puwet at panty. Grabe. Nagtitipid ba siya ng tela? Bakit ako, kahit mahirap may pambili pa naman ng maayos na damit? S

