NARRATOR’S P.O.V. MULA SA MALAYO ay may tatlong tao na nakatayo sa madilim na parte at nagmamasid sa lahat ng galaw ni James at ang babaeng kinababaliwan nito na si Gabriella. “Sa tingin mo ba, uuwi ba ang Lord kapag nawala sa landas ang babaeng iyan?” tanong ng isang may maarte at mataray na boses na babae. Isa ito sa tatlong taong nagmamasid na pare-parehong may suot na kapang itim. “Sa tingin ko ay kamatayan lang ang maaaring makahantungan nito, Zia,” sabi naman ng lalaki na tila malamig ang katauhan at malamig pa ang pangalan. “At bakit mo nasabi ’yan, Ice?” mataray na tanong ni Zia. “Kung hindi n’yo nakikita, wala pang ibang nakakapagpangiti kay Lord. Kailan man ay hindi pa niya nagagawang ngumiti, ngunit ang batang babaeng iyon ay nagagawang pangitiin nang totoo si Lord na hindi

