GABRIELLA’S P.O.V. LUMIPAS ANG MGA araw para sa amin ni James at mas nakilala namin ang isa’t isa. Naging masaya kaming dalawa lalo na at sweet at maalaga siya. Lagi niya rin akong sinasabihan ng ‘i love you’. Hindi ko rin malaman sa sarili ko kung bakit ang bilis kong bumigay pagdating sa kanya. Simula nga no’ng may nangyari sa amin ni James, lagi na siyang nakadikit at lagi na niya akong ginagalaw. Minsan nga, kahit pagod at hindi pa ako nakakatulog ay hindi niya ako pinagpapahinga at tinatantanan. Natatakot ako sa maaring mangyari, pero sabi niya mahal niya ako. Kaya iyon ang panghahawakan ko. Pero siguradong magagalit sila Nanay sa oras na malaman nila ito. Kabilin-bilinan nila na ’wag daw akong magpapagalaw kapag hindi ko naman asawa pa, kaso bumigay agad ako. And worse, I like it

