KABANATA 13 - BACK TO SCHOOL

1151 Words

GABRIELLA’S P.O.V. ISANG LINGGO NA simula nang umalis si James. Tumatawag naman siya kaya naging panatag na ako na ayos lang siya. Ngayon nga pala ang balik ko sa eskwela. Hatid ako ng isang bodyguard ni James na siya ring bantay ko. Kinakabahan ako sa pagpasok ko dahil baka magtaka ang dati kong mga kaklase kung bakit nakakotse na ako. Alam kasi nilang mahirap ako at hindi afford ang ganitong bagay. Tumanaw ako sa bintana at sinalubong ang sikat ng araw. Maaliwalas ang panahon ngayon, hindi kagaya no’ng nakaraang araw na maulan. “Señorita, narito na po tayo,” sabi ng bodyguard ni James. Pansin ko na ang babata pa ng mga bodyguard niya at mga gwapo rin. “Sige po, Kuya. ’Pag tumawag po si James, pakisabi na pumasok na ako,” bilin ko rito at bumaba na ng kotse. “Masusunod, Señorita,”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD