KABANATA 14 - NO CONTACT

774 Words

GABRIELLA’S P.O.V. LUMIPAS ANG ISANG buwan na naging maayos naman akong nakakapag-aral. Nandoon pa rin ang mapanghusga trato sa akin nina Tricia at ng ibang estudyante. Sa bahay naman ay nandoon ’yong babaeng kita na ang kaluluwa. Siya ’yong binilinan ni James na bantayan ako, pero hindi naman bantay ang ginagawa no’n, dahil ’pag kaming dalawa lang ang magkaharap ay lagi ako nitong inuutus-utusan at sinasaktan. Hindi ko naman siya kayang labanan dahil malakas siya at malaki kumpara sa akin. Pinabayaan ko na lang at hindi ko na muna pinoproblema iyon dahil mas iniisip ko si James. Sa lumipas kasi na isang buwan, hindi na tumatawag si James sa akin. Nag-aalala na nga ako na baka napano na siya. Kapag naman itinatanong ko sa ibang bodyguard niya kung kailan ito uuwi ay wala naman silang a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD