1

4590 Words
Her Pov May jetlag pa ako ng gisingin ako ni Ate Reo para magsimba daw. Inaantok akong bumangon, hindi kasi titigil ito sa pag yugyog saakin hanggang sa hindi ako bumabangon. Tumayo ako at dumeretso sa banyo. Nagmumug, tanggal ng retainer hugas retainer, brush ng retainer at ilagay sa lalagyan at ibabad. " Anong oras ka susunduin ng amo mo?" " hapon ata... malay ko doon." sagot ko. " Rae, wala ka na sa Pilipinas para ganyan ka pa din.... hindi pwede yan dito. Iba ang---" " Oo ate... Alam kong iba ang nilalang dito sa nilalang sa Pilipinas... Ate naman alam ko na yan... " Nagbra na din ako bago lumabas. Sina Ate Ria at ang asawa niya ang naiwan.. kasama ang baby nilang si Gelo. " hi, darleng Gelo... come here, you want coffee? " pag lalaro ko sa kanya. " No coffee Tata... " marami atang lenguwahe ang pamangkin kong ito dahil, marami nag aalaga sa kanya. Purong Ilocana kami, tagalog ang ibang kaibigan nila, Czech naman ang asawa ni ate... English naman ang tinuturo nila sa bata. " Magkape ka na at magsisimba tayo. " yaya naman ng kapatid kong lalaki si Roi, magkasing edad lang kami ni Nomi na asawa niya tiga Cabanatuan, super bait niya kumpara sa kapatid kong lalaki. Nakakatakot siya... kinakatakutan namin hahaha " pwedeng bang maiwan nalang ako.. pagod ako----" " magsimba ka... magpasalamat sa Diyos dahil nandito ka na." seryoso niyang sabi. Wala akong magagawa dahil baka masermonan lang ako. " Rae lika tikman mo itong ginawa namin ni Roi na pandesal..." yaya ni Nomi saakin. May sideline silang mag asawa, gumagawa sila ng longganisa ala Cabanatuan, Chicharon ala Bulacan, Gourmet Tuyo ala Vizcaya... si ate Reo naman sideline niya taga gawa ng cake, cupcake at puto ganun. Ang ate Ria ko naman kapareho kong hindi marunong magluto. Ako kasi yung pasaway, black sheep of the family.... mabait ako sa mabait saakin....Pero kapag ginalit ako sobra sa kademonyohan ang ugali ko kaya nga halos ilang taon bago ako makapunta dito. " Rae you stay out?" tanong ng asawa ng ate Ria na si Martin...Czech ito kaya yung English niya sakto lang... ikaw na mag aadjust. Natuto lang daw mag english noon maging sila ni ate. " I don't know yet... maybe." sagot ko. Mahirap na baka duguin ako sa ilong kapag nag usap kami ng matagal hahaha Gumayak na kami papuntang simbahan. Mga OFW din ang nagsisimba dito, sila sila din nagsasama sa mga event. Isang oras din ang tagal ng simba kaya pagkatapos may gathering na naman daw kasi birthday ng isang sakristan na OFw din. Pinakilala nila ako kay Father at sa mga ibang OFW... dati daw kokonti lang sila ngayon dumadami na. Masaya naman silang kasama pero hirao na hirap ako dahil ewan ko ba hindi ata ako mabubuhay na hindi nag mumura. Kwentuhan at palaro din ang ganap. Hindi ako sumasali dahil hindi ako ganun ka competitive sa mga games. Mahilig lang akong mag basa sa w*****d at mag scan sa t****k. Isa akong writer... pero assumera lang. Wala lang hobby ko lang gumawa ng kwento. Sa action at fantasy ako magaling ( char lang) . Nakaupo ako sa sulok ng may tumabi saakin. " kapatid mo pala sina ate Ria... bunso ka?" tanong saakin ng lalaki. Di ko nga matandaan pangalan. " Sunod ako kay Ate Ria... kapatid ko naman si Roi." matipid kong sagot. " Ang bata ng mukha mo akala ko bunso ko.." Tinignan ko lang ito at binalik sa phone ang tingin ko. Hahawakan sana niya buhok ko ng tabigin ko ito. " wag na wag mong hahawakan ang buhok ko... baka magkasamaan tayo dito. " banta ko sa kanya. Sa lahat ng ayaw ko ay hinahawakan ang buhok. " sorry... itatap ko sana ulo ko... ang cute mo kasi---" " ano ako bata?" Biglang dumating sina Father at mga ate ko. " Macky... pasensya ka na sa kapatid ko. Ganyan talaga siya tsaka ayaw na ayaw niyang hinahawakan ng iba ang buhok niya" Ate Ria Umalis ako at dumeretso sa labas. Nakakabanas... Alam kong pinag uusapan na naman nila ako sa loob. Malamang dahil sa inasta ko kanina, masama ang ugali na naman ang describe saakin. Ano pa bang bago? Napakatahimik naman dito, walang mga tricycle na maiinay... ? para namang may tricy dito. Mga tsismosang kapitbahay...hay, nakaka miss din pala ang ganun... pero good thing ay may peace of mind ka dito. Doon kasi nakaka leche. Di na kami nagtagal ay umuwi na din kami dahil sa apartment ng ate ko ako susunduin. Inayos ko ang bagahe ko para di na ako mataranta mamaya. " Kung may gustong kainin ng alaga mo na hindi mo alam lutuin, tumawag ka lang saamin. Mga hindi mo alam gawin at mga deretson na hindi mo na naman alam. Ikaw minsan sarili mong lugar ay nawawala ka pa" pagpapaaral saakin ni ate Reo Nagkakape kami ng may nagdoorbell. " baka yan na sundo mo... buksan mo na." Tumayo ako at pinagbuksan, bumungad saakin ang isang lalaki na parang pinoy. " bakit?" yun agad tanong ko ngunit kumunot noo lang ito. Napatampal ako ng noo dahil hindi pala niya naintindihan sa sinabi ko. Tinignan niya ako pataas pababa. Aba't gago nito ah. " Hi, I'm here to fetch Raelix Cate Carpi..." " Rae siya na ba sundo mo?" ate Ria Tumango lang ako. " You're Raelix Cate? I thought...." " why you though that I'm ugly?" deretsa kong tanong. " no.... I thought you're too old." Napatawa naman ang nga kapatid ko sa comment ng lalaking ito. " sasapakin ko ito eh," banta ko kaya sumingit na ang ate ko. Mabuti nalang wala ang utol ko kundi, kanina pa niya ako pinagalitan sa sinasabi ko. " ah Hi, yeah she's my sister... she's Raelix..." hinayaan ko si ate na makipag usap sa lalaking yun at kinuha ang mga maleta ko. Pinatuloy muna nila ito at tinimplahan ng kape. ". Ikaw ha, umayos ayos ka sa magiging amo mo... kapag ikaw tinanggal nila... pulubi ang bagsak mo... " sermon na naman saakin. Nang matapos magkape ang lalaki ay nagyaya na itong umalis binuhat naman niya ang ibang maleta ko. Nagpaalam pa sa mga kapatid ko. Nang nasa sasakyan na kami. " where's Mrs Jessica Velasco? Are you the driver? " tanong ko. Hindi niya ako sinagot at tinuro sa shotgun seat ako umupo. Wala kaming imik hanggang sa nakarating kami sa isang malaking building. Nasabi saakin ni Mrs Jessica na Condominium ang mag sstay an ko. Buhat lang niya ang maleta ko hanggang sa pumasok kami sa bahay nila. Ginala ko ang mga mata ko sa kabuuan ng bahay. Simple lang ito at maayos. Walang picture ng pamilya o ang baby na aalagaan ko. " This will be your room.. and this is mine." Napalingon ako sa sinabi niya. " what?" nagulat ako tama ba ang narinig ko? Katapat niya ang room ko sa room niya? Hindi kaya asawa siya ni Mrs Jessica?pero matanda na si Mrs Jessica posibleng asaw aniya ito. " you don't know ? " maging siya ay nagulat " I thought a six months baby..." " my mom didn't tell you that I'll be a man?" " ba malay ko bang baby pala tawag sayo ng nanay mo... akala ko sanggol." pagtataray ko. " what?... What are you saying?. " " nothing Sir...can I call your mom? I have something to tell.. " Ipapaklaro ko nga sa kanya kung ano ba trabaho ko? Akala ko ba nanny?.. bakit dambuhalang tao naman aalagaan ko..? Tinawagan nga niya ang nanay nito. " Mom she wants to talk to you.... I don't know... maybe she wants to clarify something she doesn't understand.... Ok mom.." Inabot saakin ang phone nito. "Hi Mrs Jessica, I want to ask if the baby you're talking about is a Man?" Mrs Jessica : Yes dear, is there any problem? Don't worry Rae, my son is a nice person. He needs to stay there in Prague because of his job as a pilot. I thought you know it already... maybe the agency didn't mention you.... Hindi nga sinabi kasi akala ko ang baby na sinasabi mo... as in sanggol. Tsk " So I'll stay here with him? Is that okay with you Mrs Jessica?" Mrs Jessica : I won't mind Rae, I know him to well....He's not there always so you can breathe Narining ko oang tumawa ito. Pinagloloko ata nila akong mag ina. Mrs Jessica : Rae, please take care of my baby... You can do what ever you want there but please guide my baby... I'm so busy here so I can't fly everytime he likes to eat. Kumunot noo ko. Bumuntong hininga nalang. " don't worry Mrs Jessica, I'll take care of him... thank you again. Take care Mrs Jessica" Pagkatapos ay binigay ko na din ito sa kanya. " I have only 3 rules thar you need to keep it to your mind..." Napaangat ako ng tingin...sa tangkad niya halos mabali na ata leeg ko. " number 1, dont shout, scream or create noisy when I'm here...." Tangna nito, ano ito hunted house para magsisigaw ako. " number 2, don't enter my room unless I'll give you a permission to enter." " number 3, make a food that no liver added os that clear? " " Yes Sir... " " by the way I'm Koen Blair... Just call me Koen..." " Rae...." pagpapakilala ko. " Cate... " sambit niya. " that's my second name... " " i prefer Cate... easy to say. Fix your thing and we will buy something you needed." Pumasok ako sa kwarto ko, ang plain pala kaya siguro sinabi niyang mamimili kami. Sa isang Mall kami bumili hindi ko mabigkas kung anong pangalan ng Mall lahat na ata nandito, groceries mga furniture ganun. " Get all the things you needed " sabi niya saakin. Ako na ang nagtulak ng cart, nakakahiya naman sa amo ko. May bibilhin din siya para sa kanya, personal things at mga tools. Natakot naman ako ng kumuha ito ng cable tier. Diba ito yung eksena sa Fifty shades of grey. Jusme wala pa naman akong alam na self defense puro pagmumura lang alam ko. May kausap siya sa phone niya habang ang kamay niya nagbababa ng mga pagkain... nasa food stall na kami. Kaya pasimple na din akong naglalagay ng mga ingredients na kaya kong lutuin. Pang adobo, tinola ganun... yan lang pala ang kaya kong lutuin kung tutuusin hahaha Napansin kong puro pasta ang kinuha niya. Tangna ni spaghetti nga hindi ko pa alam patay ako nito. Tinatawag pala niya ako kaya nagulat ako ng nabunggo ko siya ng cart. " Are you listening to me?" " sorry Sir.." " it's Koen...I'm asking you if we get a rice? Mom said you're Filipina... most of Filipina eat a lots of rice." bakit parang nabubully ako dito? Ano masama kung maraming kanin kinakain namin? nakakamatay ba? " we love rice... " yun nalang baka makipag away pa ako sa kanya. Binuhat niya ang isang 25 kilos na bigas. Sana masarap yung, mapili pa naman ako sa kanin hahaha char. Napagawi kami sa mga personal things, kagaya ng mga shampoo ganern.. Kumuha ako ng napkin, pantiliner, shampoo at conditioner na malalaki, vaseline petroleum jelly.... libre naman niya ako kaya sinulit ko na. Hindi naman ako nagpopolbo kaya hindi na ako kumuha... pabango hindi na din dahil may asthma ako hindi ko kaya yung sobrang bango. " make up?" alok na sabi niya saakin. " no I don't do make up...only lipstick." " ok.." Last ay mga appliances. Kumuha kami ng electric kettle, washing with dryer automatic ata kinuha, tv, Refrigerator, heater....at kung ano ano pa na kailangan niya. Basta kinompleto niya para sa kusina. Kaya pala wala pang masyadong gamit sa condo. Kasi kadarating din lang daw niya. Ang ibang appliances ay pinadelivery nalang niya dahil hindi kasya sa sasakyan niya. Gabi na ng matapos kaming makapag ayos ng mga gamit. Hindi na ako nakapag luto dahil hindi namin namalayan ang oras kaya nagpadeliver nalang ito ng pagkain. Pizza ang inorder kaya nakaramdam ako ng gutom bandang alas dos. Nagulat siya nga makita akong nagkakape at sinasaw saw ang tinapay sa kape. " hungry?" natulala ako ng makitang wala itong damit kundi pajama lang. Sanay naman ako makakita ng topless... hindi nga lang sa mga Porenger? " I have a big intesting... hahaha" Dumeretso siya sa refrigerator at kumuha ng tubig. " so that's why you have a mickey mouse face" Loko ito ah, bully talaga ang puta. " I'm I that fat?" tanong ko Nagulat ako at umupo ito sa tapat ko. " not really....average." natawa ito. Gwapo naman itong alaga ko, bully nga lang. " Go to sleep...." utos ko. Ayoko kasi iniistorbo ang pagkakape ko. " sure nanny...." sabay tawa ito. Punyeta ito. Sarap hagisan ng plato. Kinaumagaan maaga pa din akong nagising dahil baka maagang papasok ang alaga ko. Nagluto ako ng itlog at hotdog, nag slice din ako ng carrots ewan ko kung gusto niya. " Good morning Cate " bati niya saakin. " wala kang trabaho?" " what?" tanong niya. Oo nga pala, hindi niya maintindihan. Bopols ko talaga nakakalimutan kong tisoy ang alaga ko. " you don't go to your work?" Hindi din kasi ako ganun ka galing mag english kaya basic basic lang din. " Nextweek, I just need to visit the company of my Father." " Mayaman pala kayo..." " Cate, stop talking in alien words, I don't understand.... " " just sit and eat..." Iniwan ko nalang siya at nag ayos ng mga display sa sala. " Cate, can you find may key... " sigaw niya mula sa kusina " What key?" nagpupunas ako ng kabinet para mailagay ang mga gamit niya. " key for my car.... " Lintik naman kais itong taong ito. Kung saan saan nilagay. Nang mahanap ko kumuha ako ng sticky hook na maliliit at nilagay sa may pader malapit sa kabinet para isabit na lang niya mga ito. Pagkatapos kong naglinis hinugasan ko ang pinagkainan niya. Nasa kwarto niya ito, kaya abala naman akong nag aayos dito sa kusina sa mga bagong gamit sa pagluluto. Natawa ako ng minnie mouse yung mug ko na kinuha niya. Sa kanya plain black mug lang. Hindi ko kasi napansin ito kagabi kasi gutom ako. Bigla itong lumabas at bihis na bihis. " Cate, get dress and we'll go outside." " Where...?" ayoko sanang lumabas. Saan naman ito pupunta at isasama pa ako? Pumasok nalang ako at naligo. Bahala siyang mag hintay matagal pa naman akong maligo. Hindi na kasi malamig ngayon dito sa Prague kaya nag Tshirt lang ako at pantalon. Nilugay ko lang buhok ko dahil basa pa. After 30 minutes lumabas na ako. " how long you took time to dress up?" inip niyang tanong. " 20 minutes in the shower plus 10 minutes to dress up..." sagot ko nalang para hindi na niya ako yayain sa susunod " wow that's fast.... let's go." sarcastic niyang sabi. Bwisit! Medyo malayo ang pinuntahan namin. Kaya akala ko sa company ng ama niya kami pupunta. Akala ko lang pala. ? Charles Bridge Prague Czech Republic  Mamamasyal lang pala kami ? Pero grabe ang ganda ng view, namangha ako sa sobrang ganda. " That's a Charles Bridge... we will go there." " ang saya!" habang naka tanaw ako sa view. Hindi ko nalang siya pinansin busy ang mga mata kong namamasyal sa nadadaanan namin. " I'll take a rest before going back to work.." " your mom said you're a Pilot. " " I'm a Pilot Engineer actually... may Mom is an Architect, may father is an Engineer." " Wow all of you are professional. Do you have a siblings?." " none... I'm the only one.... my parents are already divorce when I'm 6th grade. But they good. " Sana uso ang divorce sa Pilipinas para malaya yung nasaktan. " sorry... " " it's Ok,... Its been a long time that I accept the future for them. " " then why are here ? " tanong ko. " My father has a heart disease... he can't handle the company." " but you're a Pilot..." " I can do both... I love my job as a Pilot." " wow consistent.... Good son. " Natawa ito. " I don't know if you can say I'm a good son when you know me well.. " " your mother told me you're nice person " " she did? " Bakit duda siya sa sinabi ng nanay niya? " Yes,...the person who knows you better is your mother..." "oh, the line.... Mother's knows best... Hahaha ok you said so." Naglakad lakad kami sa parteng tulay at trinay din ang mga pagkain. Pansin ko more on tinapay sila iba't ibang klase lang.  Trdelnik (trdlo) Tinapay na may palaman sa loob. Ang iba naman burger. Maganda lang tignan pero kagaya din sa Pilipinas ang lasa. ? Kung ano ano tinikman namin. Nang may makasalubong kaming mga Pinoy. " Kababayan...." nakasabayan lang namin bumibili ng ice cream. " Hello po..." hindi ako pala kaibigan. " Oh jowa mo yan... ang gwapo naman. Swerte mo naman nakabingwit ka agad." sabi ni ate Bakit ba ganun ang mindset ng mga tao, hindi ba pwedeng amo lang. " hindi po, amo ko po siya." " bagay naman kayo ng amo mo... grab mo na.." sabi pa niya. Grab ko kaya bunganga nito ng manahimik siya. Ngumiti lang ako. " Hi Sir..." biglang bati niya kay Koen kaya nagulat naman ang loko. " Hi.." sabi din nito. " I'm also a Filipina just like your nanny...Do you have a friend that needs a house keeper or a nanny?" Naku jusme ka ate. " sorry I'm also a foreigner here ..." Napahiya si ate. " Baka may kilala ka pang may naghahanap ng nanny... recommend mo naman ako. " " baguhan din ako ate eh.. Sorry wala pa akong alam dito. " Hindi na kami nagtagal doon. At naglakad na kami sa ibang spot. " why Filipino need to cross country to get a job? " Naglalakad kami ng tanungin niya ako. Ano ba isasagot ko sa kanya? " Philippines is not a Rich country...we need a job to feed our family." " even if thousand miles away from your family.?" " Sacrifice... for the family. " " That's sad... " " You can say that because you're a rich.." " do you have your own family? " " None... I'm still catching my dream.. " Tumambay kami sa may tulay. " What is your dream then? " Bakit ba napakadaldal nito? " to build our own house... our house is to old, I promise to my self before settle down... " " Wow...that's nice. " Dumaan muna kami sa companya ng tatay niya pero iniwan nalang niya ako aa sasakyan dahil saglit lang daw siya. Tumawag si Ate Reo para kamustahin ako. " Ok naman, mabait naman ang loko pero bully minsan. " Ate Reo: hindi ka nila kinuhanan ng apartment? di hindi kami pwedeng pumunta sainyo? " Oo, tsaka nakakahiya naman kung every sunday pupunta kayo doon eh Sunday ang off ng loko." Ate Reo: Ok naman na yan... kesa gagastos ka pa ng mga pagkain mo... dyan libre na. Saan ka ngayon? " dito sa sasakyan, hinihintay siya. Sumaglit lang sa company nila. " Ate Reo: ang yaman naman ng amo mo... Mayaman din naman mga amo nila eh, si ate Ria ang amo niya car racer, si ate Reo isang abugado. Yung kapatid kong lalaki at si Nomi sa Macro. Nakaramdam ako ng antok sa paghihintay kaya nakaidlip ako. Nagising ako ng bumukas ang pinto ng sasakyan. " I'll drop you to the condo, I have an emergency to take. Don't wait for me....just take a rest." seryoso niyang sabi. Hindi na ako nagtanong. Pagdating namin ay hindi na nga ito bumaba. At nagbilin na baka gagabihin siya masyado. Nag tinapay nalang ako kinagabihan dahil nabusog ako sa lahat ng free taste kanina na libre niya hahaha Nag ayos ako ng kwarto ko. Nilabas ko lahat ng mga kailangan ko sa pag susulat ng kwento. Dala dala ko parati ang Netbook ko para sa kwento ko. Ito ang libangan ko kapag wala akong ginagawa. Minsan lang din kasi akong mag phone, or minsan dito ko tinutuloy ang paggawa para kahit nasaan ako pwede kong ituloy. Alas dyes na ng gabi ng magtimpla ako ng kape at pumasok sa kwarto. Pinatay ko ang ilaw ng kwarto at lampshade ng tabe lang naka bukas. Di nagtagal ay narinig kong bumukas ang pinto. Ibig sabihin ay nandito na siya. Saan naman kaya ito nanggaling. Hindi ko na ito pinansin dahil siya naman nagsabing hindi ko na ito hihintayin. Alas Dose na ng makaramdam ako ng antok. Tinaggal ko ang eyeglasses ko at natulog. Bilang Nanny niya ay maaga akong gumising para ipagluto ko siya ng breakfast. Pan cake ang nailuto ko at hot choco ang para sa kanya. Saakin kasi nagsaing ako ng kanin at nagluto ng ulam na isda plus isang masarap na kape. Kumakain ako ng lumabas siya. Aba ang aga din niyang nagising... kahit late na itong dumating. " Good morning Cate...." " Morning...." tumayo ako at hinanda ang pan cake niya. Umupo na din ito. Pinapanoon niya akong kumakain na naka kamay. " why don't you use spoon?" " in our country, if you leaving in the Province.... we're using our hand to eat.... my hand is clean. " Na curious ata ang loko. Para ngang diring diri ang gago. " I'll be late tonight..I'm going to a party. Prepare my get up....Black tuxedo. " " what do you want to eat lunch? " " anything Cate.... " Pagkatapos niya pasok muli sa kwarto niya. Nagluto ako ng adobo at pritong isda. Bahala siya kung gusto niya nitong ulam. Wala naman na akong lilinisin dito dahil malinis naman na kaya pumasok ako sa kwarto ko at naligo, pagkatapos ay tinuloy ko ang pagsulat sa kwento ko. Isang katok ang pumukaw sa pagtitipa ko sa laptop ko. " Cate,.. In need you.." Tumayo ako at pinagbuksan. Napamulagat naman ito ng makita ako. ? Mukha niya. " What?" tanong ko Tinuro niya yung bandang dibdib ko. Napatingin naman ako sa dibdib ko. " oh s**t!" agad kong pinagcross ang kamay ko patakip sa dibdib ko. Tangna nakalimutan kong mag bra... putek! Wala na ngang laman... Agad kong sinara ang pinto patakbo akong nagbra. Paglabas ko nakaupo ito sa sofa at kinakalikot niya ang phone nito. " Koen, what do you want? You're hungry?" tanong ko nalang. Hindi ito lumingon. " Im good..." yun nalang sinabi ko para humarap na ito sa akin. Tumayo ito at humarap saakin. " Can you go down at get my papers in my car...." Anak ng... wala ba siyang paa? " ok... " aakmang lalabas ako ng pinigilan niya ako. " wear pajama... " utos niya. Napatingin ulit ako sa legs ko. Naka cycling lang pala. Pumasok muli ako at nagpajama. Kinuha ang susi at bumaba nalang. " Bakit ako pa inutusan nun, siya ang may kailangan doon...." Pagbukas ko ng kotse niya may isang babae na lumapit saakin. " so your the girl he's talking about?" Napalingon ako sa likod ko kung ako ba talaga ang kausap niya. Hinead to foot ko siya, maganda, sexy at blonde ang buhok. " excuse me? " Baka nagkakamali lang ito. " Sei per davvero? Non sei neanche carina... Dio, non posso credere che stia scegliendo te invece di me.." -Are you for real? You even not pretty.... God, I can't believe he's choosing you over me.. "putang ina ka... Hindi ko alam sinasabi mo " pero naka ngiti pa rin ako para safe. " Tell Blair, that we're done." " ok copy paste...." sabay saludo. Hawak hawak ko ang mga papeles ng siraulo kong alaga. " did she hurt you?" bungad nga saakin. Ah kala pala ayaw bumaba... ginoghost niya yung babae. " who?" kunyare di ko alam. " Marianne, " " Ah... you're dump her? " " yes... she's not my type..." sabi nito. " siraulo ka.." Napalingon siya saakin. " what?" " I said...I agree..." " so you're shiraulow?" Bumalik saakin? " here's your papers, if you need anything, just knock in my room. " sabi ko sa kanya at pumasok na. Hindi ko na siya hinintay sumagot. Nakakaantok siyang kasama. Nag alarm ako bago mag 4pm para maayos ko isusuot ng damuho. Gaya ng sabi ayusin ko ang tuxedo niya. Kita mo nga naman ang mga mayayaman. Mag paparty lang naka tuxedo pa... samantalang sa Probinsya sa amin....basta may pera ka na dala kahit nakatsinelas ka pwede na...instant may pauwi pang handa. Inabot ko sa kanya ang damit na isusuot niya. " Stay there i need you comment." pagpasok niya sa kwarto hinintay ko ito sa sofa. Nag seselpon para hindi ako mainip. Sampong minuto nakalipas, lumabas na ito. Bihis na siya at amoy na amoy ko na ang pabango nito. " So my nanny? What do you think? " nakangiti niyang tanong Head to foot Foot to head...? " ayos tao ka na..." " Cate....! Be serious Ok, I need to be impress to our client. This is a big client." seryoso niyang sabi. " It's nothing to do with your outfit....just be yourself, and believe yourself. ok?" Tinignan niya ako ng nakakunot noo. " Ok fine... your good,... but I'll give you some advice " " Advice?? " Lumapit ako sa kanya at inayos ang butones ng damit niya. " Just look at them in their eyes...and smile. No more words... just smile." " Cate.. remember that I'm a businessman not a prostitute - - -** pak..** hey... that's hurt..!" Kinurot ko nga.. kung ano ano sinabi. " apakayabang mo.." " should I need to learn you language?, " Tumawa lang ako at nagtimpla ng kape ko. " gotta go nanny.... Goodnight Cate... " paalam niya. Napabuntong hininga lang ako dahil mag isa ko na man. Tinapay at kape lanh kinain ko tsaka ko pinagpatuloy sa paggawa ng story. Tamad na akong mag scan sa t****k at sss. Nagising nalang ako na umaga na pala. Ang sakit ng leeg ko,.. di ko na maalala ang nangyari kagabi. Ang naalala ko lang ay nakaidlip ako sa desk ko... hindi ko alam na naipahiga ko pa sarili ko kagabi. Gaya ng dati magluluto ako ng pagkain niya. Ako hindi na muna kakain ng kanin, tinopak ako kaya fruits siguromuna ako ngayong umaga. Baka kasi masira sayang naman. Nagulat ako ng makitang nakatulog ang loko sa sofa. Nilapitan ko ito para gisingin.... " koen,... Koen..." yugyog ko sa kanya " hmmmmm" inaantok pa siya. " Koen, go to your room.... change your clothes... jusme ka ng nilalang ka..hindi ka pa nagtanggal ng sapatos mo ang dumi dumi niyan.." para akong tangang nagagalit sa isang tulog. Amoy alak pa ang loko. Dahil ayaw niyang gumising... alam ko na ang gagawin ko " Koen, your mom is here! " nilakasan ko para marinig niya. Napabalikwas naman siya kaya nahulog ito sa sahig. Boogsh! Kinuha ko ang isang pares ng tsinelas ko para maging weapon sa kanya kapag nagalit. " What the hell Cate I'm still sleeping... " " go to your room... and fix yourself!" sabi ko. Padabog itong naglakad papasok sa kwarto niya. May sinasabi pa siya ngunit hindi ko maintindihan. Wag niya akong ginagalit baka gusto niyang ibalibag ko siya palikod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD