Her POv
Hapon na itong nagising, paglabas niya napansin kong may pasa ang isang pisngi nito at putok ang labi niya.
" what happen to your face?" tanong ko at gumagawa ako ng banana cue...dumaan si utol kanina para bigyan ako ng saging.
" What is that Cate?" turo niya sa banana cue na niluluto ko.
" sweeten banana..."
Tinuro ko ang mukha niya pero umiwas lang ito. Pagkatapos kong iluto ito hinain ko na para sa meryenda niya. Ginawan ko na din siya ng juice at iniwan ito. Hinanap ko ang first aid kit ko, well hindi nawawala ito sa akin kahit na pumapasok ako noon sa trabaho sabihin nalang natin na clumsy ako at puro gasgas at mga sugat napapala ko kapag naaaksidente ako. Kaya hindi pwedeng mawala ito saakin. Nang mahanap ko ay tinawag ko siya para gamutin ng sugat niya.
Nagbingi bingihan ang loko kaya kinuha ko ang banana cue na isusubo sana niya at nilayo ito.
" Cate, I'm starving....feed me please!"
Hindi ako nagsalita at hinatak nalang siya paupo sa sofa.
" your mom gonna kill me if she's see this.... look at your face," kinuha ko ang bulak at naglagay ng betadine. At dahan dahan pinahid sa pumutok niyang labi.
Ang kinaiinisan ko lang ay tinitignan niya ako, ako kasi yung taong ayaw na ayaw kong tinititigan lalong lalo na sa mata. Hindi ko nga kayang makipagtitigan eh, kahit nga kasalubong ko hindi ko matignan. Eto ang problema ko noon sa botika, hindi ako pala tanda ng mga costumer namin.
Malakas kasi ang radar ko kapag tinitignan ako.
" Just a small fight Cate... don't tell to my mom.."
Kinuha ko ang ointment para sa sugat niya.
" ok, as long you will take care of yourself when I'm not around..."
" Aren't you scared?" tanong niya saakin
Kumunoot naman ako.
" Why should I? "
Umiling lang ito at pinabayaan ako g gamutin siya. Pagkatapos ay nilagyan ko ng band aid. Ang nakakahiya lang.... mickey mouse ang design ng band aid ko.
Natawa nalang siya kaya tinigna ko siya ng masama.
" come on let's eat.... Cate, what's called again?"
" banana cue or sweeten banana....my brother brought this a while ago."
" huh, you have a brother here in Prague?"
" yeah, he's not there when you fetch me... He's leaving with his wife.... they both working in same company. "
" so you're the only one has no partner? "
" I don't have a plan.... not now. "
Nagtimpla na din ako ng kape at nakiharap sa kanya para kumain ng banana cue.
" aren't you afraid to be alone forever? "
" I'm not... I'm afraid to be hurt again with the same reason... so it's better to be alone forever "
" does your past boyfriend cheated you?"
" ang dami mong tanong...." sabi ko pero tinawanan lang ako.
" boys are boys...."
" hey, I'm a man.... don't get me wrong. Not all men are the same. If ever he hurts you, there's a reason behind those...... hurting you scene "
" Cheating once is acceptable.... but five in a row..is not forgiven... that's an asshole move. "
" five? As in five girls while he's with you? "
Tumango ako.
" f*ck!, he's a really an asshole to do that to you... "
Natawa naman ako, kahit pala ibang lahi pare-pareho ang reaksyon sa nangyari saakin.
" Did he say the reason why he's cheated? "
Doon ako natigilan sa pag nguya. Ano ba? sasabihin ko ba sa kanya?
" to be shorten...... He cheated because I'm not that beautiful enough to please his co-army. I'm not that sweet, clingy to him.."
" That a s**t Cate! "
" that's a lame reason.... is he Man? or what?" dagdag pa niya
" I told you boys are boys..... I'm already move on... "
" his eyes are defected...you're %/#£/%*%. " bulong niya kaya hindi ko naintindihan.
Nagyaya itong lumabas kami ngayong gabi. Magpapahangin daw ang loko. Pumayag nalang ako, summer din kasi ngayon...kaya karamihan ng tao dito ay lumalabas kahit gabi.
Ang kaso parang di ako nabubusog sa pagkaing inorder niya. Kaya pala ala muscle at mga sexy mga tao dito, yung kinakain nila parang tikim lang saatin.
Lumipas ang ilang araw balik na siya sa work niya. Kaya nagbilin na ito ng mga gagawin ko.
" Cate,..I'll give a call when I got home. Lock the door always.... if you feel the boredom, go to your sisters place."
Tumango tango lang ako.
" Cate, answer me... not just nod."
Napakaarte naman nito.
" Copy Koen....."
Tinaasan ba naman ako ng kilay, eh sabi niya sagutin ko.
Madami pa siyang bilin. Sabi niya puno naman daw yung stock sa ref kaya pagbalik nalanh daw kami maggrogrocery. Tae, katulong pa ba ako dito o maiiwan na asawa?
Nagising ako ng sobrang aga para ihatid ito sa labas. Sabi kasi niya need ko gumising para i double lock ang bahay.
" Good morning Cate..." bati niya.
Yay, ang pogi naman ng alaga ko sa uniform niya. Hindi ko akalain na makakakita ako ng nakaunipormeng piloto.
" what's the score Cate?" puna niya saakin.
Shock! Nahalata ba niya na natulala ako?
" Just stretching my eyes... to be widen" palusot ko.
Natawa lang ito. Napansin kong may dala itong maleta. Aakmang kukunin ko na ito pero nilayo niya.
" Nope... just close and lock the door Cate.. I have to go the service is here... go back to sleep and.... behave!"
Behave??? ano naman gagawin ko dito?
" happy trip..." sabay kaway ko sa kanya
" *%564)5/:/==*."
Pero napatigil ako ng may narinig akong parang nagtagalog ito.
Tagalog kaya yun?
Nagchat ako kina ate kung available sila, kaso may work daw sila....no choice kundi dito muna mag stay ng isang araw. Bukas daw ng tanghali sila available.
Wala naman akong lilinisin dahil masinop naman ang alaga ko. Kaya kain tulog sulat ang ginawa ko maghapon.
Kinabukasan ay alas otso na ako lumabas. Ang problema ay kung papaano ako makakapunta sa apartment nila ate.
Wala pala akong sense of direction. ? Kainis naman hanggang dito nadala ko... di na ako nagbago.
Pero dahil sa swerte pa din ako. May nakasabayan akong kapwa ko Filipino. Hindi nila tinuro saakin kung saan banda o saan sasakay kundi hinatid nila ako mismo. Kasi kanina kahit i explain nila hindi ko pa din maintindihan. Eto ang isa sa mga sakit ko.... mahirap akong umintindi ng direction at instructions.
" Papaano ka pa ba matututo kung di mo susubukan?" Ate Reo
" sinubukan ko naman... ang kaso ang ending eh nawala ko..."
" kahit saan ka pumunta... nawawala ka, mabuti nalang may mabuting puso na maghatid sayo dito.." Ate Ria
Pinapapak ko ang biscuit ng pamangkin ko.
" kailan ba balik ng alaga mo?"
" bukas... 2days lang naman flight nun..."
" Ang pogi ng alaga mo ha... baka mainlove ka.. " tukso niya saakin
" ayoko sa banyaga...the best pa din ang Filipino."
" Sus, nakailang heartbreak kana sa Pinoy...try mo kaya sa mga Afam! " singit ni ate Jo
" Ate, hirap na nga ako sa ibang language,.. baka di ko pa nasasagot eh tegok na ako at wala ng dugo."
" Sabagay.... may kanya kanya kapalaran. "
" Oo nga pala, tumawag si Mama,..tinatanong kung ano ba daw nangyari noon sa Baguio. "
Napatigil ako sa pangnguya ng tanungin ako ni Ate Reo sa nangyari after 6 months.
" Wala naman ah... nawala nga ako diba.? "
" Bakit galit?.. eh papaano daw... yung siraulo mong ex na pulis... nag eembestiga sa isang lalaki na suspect sa isang krimen... at nakita daw sa cctv na nakausap mo ito."
" nakausap lang....sa dinami dami ng nakausap ko noon malay ko bang isa sa kanila ang suspect. " pag sabi ko.
Bakit ba inuungkat na naman yan?
" Baka naman papansin ex ko hahaha"sabat naman ng asawa ni ate Jo.
Umirap lang ako sa kanila at nagtungo sa sofa para matulog.
Kinagabihan, pagkahatid nila saakin... Nag ayos na ako dito bago dumating ang siraulo kong alaga.
May pinabaon saakin ng ate ko na puto at kutsinta. Hindi naman maarte sa pag kain ang alaga ko.
Dahil hindi naman ako pagod pinagpatuloy ko ang pagsusulat kailangan ko kaiang mag update para mabayaran na ako hahaha
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa mesa.
Paggising ko nasa kama na ako.
" nasa mesa ako kagabi ah, napunta pala ako dito?."
Nag toothbrush na ako at binabad ang retainer ko tsaka ako lumabas. Meron na kaya ito?
Pinainit ko ang puto at kutsinta at agad na nagpa init ng tubig. Nagtitimpla ako ng lumabas ito.
" Good morning Cate.... "
Napatingin ako sa kanya, at kumunot ang noo ko sa nakita ko.
" anak ng--- bruises again?" medyo pagalit na ang boses ko. Ke aga aga isasalubong niya saakin mukha niyang basag na naman.
Binitawan ko ang kutsara at hinarap ito.
" ikaw ba nagtratrabaho o nakikipagbasag ulo ka sa eroplano?" para akong nanay na pinapagalitan ang anak.
Napataas naman ito ng dalawang kamay na para bang pagsuko.
" Come here..."
Tumalima naman siya na parang batang sumusunod saakin.
Heto na naman at ginagamot ko ang mga pasa at putok niyang labi.
" hey Cate, you mad?"
" wag mo akong kakausapin..." sagot ko na para bang naintindihan niya.
" ya, you are... " sabi nalang niya.
" Mauubos ang gamot ko na baon ko dahil parati ka nalang bugbog sarado..."
" sorry...."
Napatingin ako sa kanya.
" do you understand what am i saying? "
" Nope...but I know you're mad...."
Napabuntong hininga nalang ako.
" Cate, Are you always like this? Treating someone's wound? "
" You're not someone...."
" did you treated someone..... like?" tanong niya ulit.
" what do you mean? Stranger?"
" yeah.... "
" I did.... I saved stranger six months ago..."
" what happen? "
Napangiti nalang ako bigla.
" I don't know... I don't even know his face... I promise to him that I'll never look at him...."
" huh? Why? " pagtataka nito
" He got bleed.... and I saw him in pain when I came out to the drug store... I came over him to cure his wound."
" did he hurt you? "
" No, "
" what if he's a bad guy... "
" I don't care.... he's still human to be cure... everyone need to cure."
" you're so brave....what do you like about him? "
" I don't like him... but I don't hate him either... It just that I have responsibility to do.... "
" What kind of necklace is that Cate? "
Napakapa ako sa leeg ko. Ito yung binigay na bayad saakin nung lalaki.
"done... eat your breakfast.. lalamigan kape ko sa kakatanong mo."
Ayokong ikwento sa kanya. Baka sabihin niyang easy to get ako.
Hindi ko alam kung talagan makulit siya o madaldal lang ang dami niyang tinatanong.
" Cate, can you teach me how to speak your language.? "
Napatampal ako sa noo ko. Daig pa niya yung bata sa sobrang kulit niya.
" not until you give me reason why are you always get punch?"
Umiwas siya ng tingin.
" Never mind...." pinagpatuloy lang niya kinakain nito.
" this food is good..." pagpupuri niya
" That's puto... Made in sticky rice" sabi ko.
" wow, how bout this one?" turo niya sa kutsinta.
" Also made in sticky rice and some ingredient that i don't know also hahahha..."
" you didn't made this?" tinaas lang niya ako ng kilay, apaka bakla lang.
" my sister made that. .."
" then what is your speciality? "
Napaisim ako...? Ano ba alam ko?
" pork barbecue...."
" that's it? "
" yes.... may reklamo ka? "
" you're so scary Cate... Hahaha"
Bah pinagtawanan pa ako.
Napansin kong nakatingin lang siya saakin.
His pov
I'm Koen Blair Velasco... Half American half Filipino, and yes I know how to speak tagalog. I'm 34 years old and still single. Hahaha
My nanny is Raelix Cate Carpi I have reason why I want her to be my nanny.
I'll tell you a story six months ago.
In
.
.
.
.
.
.
.
Baguio.
Tinapos ko ang mission ko dito sa Baguio, last mission para makaalis na ako sa isang agency bilang assassin. Naging hobbies ko kasi makipag away noon kaya hanggang sa umabot ako bilang killer. Binabayaran para pumatay.
Nadaplisan ako ng kalaban bago ko sila pinatay.
Nakaupo ako ngayon sa park hawak hawak ang sugat ko. Nasa sasakyan ko yung wallet ko at phone ko kaya hindi ko makontak ang secretary ko.
Napansin ko kaagad ang isang babae na kalalabas lang sa isang drug store. Aligaga itong palingon lingon. Naka Jacket na brown, Tshirt ng Mickey mouse na yellow at naka short... naka converse na sapatos. Nagtama ang mata naman kaya ako ang unang umiwas. Nakaramdam agad ako ng kakaibang feelings ng nagtitigan kami.
Paglingon ko ulit sa kanya, muntik na akong napatayo dahil sa kanyang pagtawid.
Damn! Hindi ba siya marunong tumawid?
Nakahinga lang ako ng maayos ng nakatawid ba ito palapit saakin.
Teka? Palapit saakin? Nataranta ako dahil malapit na siya.
Mabuti nalang at naka facemask ako.
" Kuya ok ka lang?" tanong niya saakin
Hindi ako sumagot ngunit agad siyang napatingin sa gilid bg tiyan ko.
" hala may sugat ka..." pagkataranta niya.
" Wait lang dyan ka lang kukuha ako ng gamot" pipigilan ko sana ngunit agad itong bumalik sa drugstore. Mabuti nalang at walang masyadong dumadaan na mga sasakyan.
Pinalakas ko lang ang sarili ko para makalayo ako.
Nakadalawang hakbang palang ako ng may isang maliit na kamay ang pumigil sa braso ko.
Paglingon ko ay yung babae.
" umupo ka at gagamutin ko ito." hindi siya nakatingin saakin.
Wala sa sarili ko na sinunod ito. Para bang magnet na dumikit ako sa kanya.
Tinaas niya ang damit ko kaya napakagat siya sa ibabang labi niya.
" Wag mong pagpantasyahan katawan ko." mahina kong sabi.
" tumahimik ka.... medyo malalim ang sugat mo kaya napakagat lang ako..."
Kinuha niya ang hydrogen peroxide at hinugasan niya ito... nakaramdam ako ng konting hapdi, kaya hinipan niya ito. Nanigas ang panga ko sa ginawa niya
Pinagpatuloy niyang gamutin ito hanggang takpan niya ng gauze pad ang sugat ko. May kinuha ito sa supot na plastic at inabot saakin.
Isang tubig para di ako madehydrate.
" Saan ka? Ihahatid kita..." sabi niya.
But I doubt it. Mas kailangan ata na siya ang ihatid ko kesa saakin. Halata kasing nawawala ito.
" Wala akong pag stay' an dito... hindi ako tiga dito." sagot ko.
" saan ka tumutuloy?"
Hindi pa din niya ako tinitignan sa mukha.
" wala..wala din akong pera." sagot ko nalang.
Natahimik ito bigla at tinignan ang wallet niya.
" tara.... "
Bigla siyang tumayo at inakay ako. Kanina pa kami lakad ng lakad.
" saan mo ba ako dadalhin? Ang sakit na ng sugat ko kakalakad."
" naghahanap ng hotel... " sabi niya.
What the f*ck! ang dami naming nadaanan na hotel ah. L
" meron dito sa tapat natin... tumingin ka kasi hindi lakad ka ng lakad" sabi ko sa kanya.
Hinubad niya ang jacket niyang brown at sinuot saakin bago kami pumasok.
" Ate isang room...." nahihiya niyang sabi.
Napatingin saakin yung babae.
Nang magbayad ito ay hinatid kami ng babae sa kwarto.
Pagpasok namin iisang kama lang ito.
" dito ka nalang magpalipas ng gabi... 24 hrs naman ang binayad ko sa pag stay mo. " nakatingin ito sa kanyang mga kamay.
Kinabig ko ito pasandal sa dingding.
" hindi ka ba natatakot saakin? pwede kitang patayin ngayon mismo..." pagbabanta ko sa kanya.
Hindi siya natinag kahit man lang matakot sa kanyang mata ay wala akong nakita.
" Wag kang masyadong gumalaw galaw.... dudugo ang sugat mo..."
Napabitaw ako sa pagkakahawak ko sa kanya. What's wrong with this woman. Hindi ba siya natatakot?
" Humiga ka... bibili lang ako ng pagkain mo."
Aakmang aalis ito ng hawakan ko ang kamay niya.
" wag kang mag alala, hindi ko alam ang mukha mo,.. at pangako ko na hindi ko ito titignan para kung masama ka mang tao, hindi kita maisusumbong"
Dahan dahan ko itong binitawan. Para akong lumambot sa sinabi niya. Bakit ganun ang epekto niya saakin?
Humiga ako at pumikit.
" Blair, anong ginagawa mo!, idadamay mo pa ang walang muwang na bata." sabi ko sa sarili ko.
30 minutes na pero hindi pa ito bumabalik. Kaya napatayo ako... susundan ko nalang ito.
Pagpihit ko ng doornab ay bumukas ito.
" pasensya ka na... natagalan ako. Naligaw kasi ako. "
So wala siyang sense of direction kung ganun halata nga dahil aligaga itong patingin tingin sa kaliwa't kanan.
Umupo ako at nilabas niya ang pagkain.
" Kumain ka na....pagkatapos mo ay inumin mo na gamot mo... tsaka ako aalis. "
Tinignan ko ito. Naka facemask pa din ako kaya alanganin kung tatanggalin ito.
" Tatalikod nalang ako para makakain ka."
Yun nga ang ginawa niya. Nakainum na ako ng gamot ng binalik ko facemask ko.
" salamat... pero alam mo ba pabalik sa bahay niyo?" tanong ko.
Umiling siya.
"Hindi naman ako tiga dito... may team building kami dito sa Baguio... Nagpaalam lang ako para bumili ng jelly ace pero hindi ko na alam pabalik."
Napakamot ako sa ulo. Mukhang ako pa ang maghahatid nga sa kanya.
" ihahatid kita."
" Talaga? - - - pero paano sugat no? "
" nakainum na ako ng gamot... medyo kumikirot pero kaya ko naman. "
Pinakita nga niya saakin ang address., buti nalang at alam ko ito. Malapit lang naman bakit naligaw pa itong batang ito.
Nang makarating kami.
" salamat sa pag hatid."
" salamat din sa pag gamot sa sugat ko. "
Hinihintay ko itong pumasok.
" pasok ka na... Babalik na ako sa hotel."
" babalikan kita bukas ng umaga... para dalhan ka ng pagkain mo para makainum ka ng gamot."
Sabi niya saakin. Tumango nalang ako, wala akong pera kaya wala man sa kakayahan kong tumanggi.
Naka limang hakbang ako ng may pumindot sa balikat ko.
Paglingon ko, kinuha niya ang kamay ko at nilagay ang isang lollipop at jelly ace.
Agad siyang tumakbo.
Napangiti nalang ako...
" tsk bata talaga..."
Dahil sa gamot ay nakatulog agad ako. Pagmulat ng mata ko, napabalikwas ako ng makita ko itong naka upo at nanonood sa tv.
" Gising ka na pala.... naihanda ko na pagkain mo...aalis ako kapag nakainum ka na ng gamot."
Nakafocus lang ito sa tv. Bumangon ako at dumeretso sa banyo. Nagtoothbrush muna... may free toothbrush at toothpaste kasi dito pati sabon.
" Bakit maraming mamamatay tao? " nabilaukan ako sa tanong niya.
" hindi ba dapat... bago nila ikulong ang kriminal ay imbestigahan muna nila at tanungin ang rason kung bakit niya ginawa yung pagpatay?"
Napangisi ako sa sinabi niya.
" bata ka pa para alamin ang mga yan. "
" hindi naman ako bata eh...34 na ako"
Nabilaukan ulit ako.
" 34?bakit para kang 17?... di mo pa kabisado ang way pabalik?"
"doon ako mahina eh..." yun lang sagot niya.
Nang makainum ako ng gamot ay tumayo na ito at nagpaalam.
" Mamayang tangahali babalik ako para----"
" alam ko para makakain ako...."
" hindi... para magpaalam... babalik na kami sa Vizcaya... huling araw na namin dito."
Para akong nabato sa sinabi niya. Bakit parang iiwan ako ng syota?
" hapon pa naman ang alis ng Van sa slaughter... kaya pupuntahan pa kita. "
" wag na... kaya ko na sarili ko. "
" may isang gamot pa para mamaya...para masunod ang 3 times a day na gamot."
Hindi ako nagsalita. Pag alis niya iniwanan niya ulit ako ng lollipop at jelly ace.
Lumabas ako suot ang jacket niya. Nilabhan ko kasi damit ko kaya walang choice kundi isuot ito.
Pinuntahan ko ang saskayan ko kahit alam kong malayo yung lalakarin ko. Wala kasi akong pera.
Nang mahanap ko ay nabuhayan ako dahil akala ko dinamay nila. Agad kong pinaandar at bumalik sa hotel. Baka kasi dumating ito.
Naghintay ako hanggang tanghali. Nagtaka ako dahil may kumatok... kaya naalarma ako. Hinanda nag sarili sa laban.
Pagbukas ko. Food delivery ang bumungad saakin.
" Good afternoon po Sir... ah food delivery po..."
Pagkaabot ko ay umalis na ito.
" sa kanya ba ito galing?"
Ininom ko ang gamot.. na nasa supot. Napansin kong 18 pcs pa na gamot na antibiotic at pain reliever ang laman. May biscuit din ito at yakult.
Mag aalas tres na ng hapon wala pa din siya kaya nag check out nalang ako sa hotel.
Naalala ko na sa slaughter siya sasakay. Pumunta ako doon para hanapin siya. Hindi ko alam pero nasaktan ako dahil hindi niya tinupad ang sinabi niya na magpapaalam ito.
Trenta minutos din ako nag abang at naghanap kung saan ang sakayan niya.
" boss saan po sakayan ng papuntang Vizcaya..?"
" sa kabila boss... pero baka puno na ito..."
"salamat.."
Paglapit ko doon. Nakita ko itong nakapila kasama ata niya mga kaibigan niya. Tumatawa ito.
Napahinto siya ng pagsakay ng makita niya ako. Agad siyang lumapit saakin.
" Nainum mo na gamot mo?" yun talaga ang bungad niya saakin.
" sabi mo babalik ka?" may lungkot sa boses ko na napansin niya.
" pasensya ka na... kasi kanina gustong sumama mga katrabaho ko. Ayaw din naman kitang ipahamak kaya nagpa deliver nalang ako ng pagkain mo. "
Tinitigan ko siya ng mabuti.
Kinalas ko ang kwintas ko. Hindi siya silver o gold pero napaka importante saakin ang pendant niya. Isa itong singsing.
Sinuot ko ng walang alinlangan na may nakakakita saamin.
Parang magsyota na magkakalayo....
Yun ang nararamdaman ko ngayon.
" sayo na ang kwintas ko... bayad ko sayo."
Aakmang aalisin ngunit hinawakan ko kamay niya.
" sayo na... pero babalikan kita. hahanapin kita...."
Tumalikod ako na mabigat sa loob ko. Ayoko siyang lingunin. Baka makidnapin ko lang siya.
Hinintay ko ang pag alis ng sasakyan niya bago ako umalis ng Baguio.
Hanggang sa bumalik ako sa America at nagbagong buhay na. Umalis ako sa bilang assassin at pinagpatuloy ang trabaho ko bilang piloto. Natuwa si Mama sa desisyon ko.... sinabi ko sa kanya ang dahilan ko.
At kung sino ang dahilan ko.