"Tao po! Magandang umaga, nandito po ba si Amanda?" Kumunot ang noo ni Samira nang banggitin ang pangalan ng kaniyang ina. Ala syete pa lang ng umaga no'n. Hindi muna siya nagtinda. Naisipan niyang magpahinga muna lalo pa't marami silang pagkain doon dahil kay Everson. At naisip niyang baka lalo siyang magkasakit kung kikilos kaagad siya. "Magandang araw din po sa inyo. Bakit niyo po hinahanap si nanay?" Naluluhang nginitian siya ng babae. "Samira? Ikaw na ba iyan?" Lalong nangunot ang noo ni Samira dahil siya'y magulat. "P-Po? Kilala niyo ako?" "Oo naman! Panganay na anak ka ng kapatid kong si Amanda!" Nanlaki ang mata ni Samira. Napalingon siya sa kaniyang kanan nang makita ang inang palapit sa kanilang kinatatayuan. Bakas ang labis na pagkagulat sa mukha ng kaniyang ina at mabagal

