"Samira! Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Laking gulat ni Samira nang masilayan si Everson. Nagising kasi siya nang may humaplos sa kaniyang mukha at laking gulat niya nang makita ang binata. Napaatras siya. Habang nakatingin naman sa kaniya si Everson. "A-Anong ginagawa mo dito? Gabi na, ah. Hindi ka pa ba uuwi?" Napatingin si Samira sa orasan na nakasabit sa pader. Alas onse na ng gabi. Nanlaki ang mata niya. 'Gabing-gabi na, bakit nandito pa siya? Kanina pa kaya siya dito? At teka, paano ako nakauwi?' Ang naalala ko, nasa school pa ako kanina nagpapahinga saglit!' "Nawalan ka ng malay, Samira. Hinatid kita dito. Nag-alala ako ng sobra sa iyo. Kumain ka na. May pagkain na sa labas." Nanlaki ang mga mata ni Samira. Dali-dali siyang bumangon at lumabas ng kaniyang kuwarto. Nanlaki a

