100

1012 Words

"Samira, halika na. Pero kung sakali sana, gusto mo bang kumain muna tayo sa labas bago kita ihatid sa inyo?" Nanlaki ang mata ni Samira. Naguguluhan na siya sa ipinapakita sa kaniya ng binata. Naiisip niyang baka may gusto na rin sa kaniya si Everson ngunit alam niyang malabo iyong mangyari. Lalo pa't hindi naman siya mayaman at isa lamang siyang dukhang kaibigan. 'Ganito ba talaga ang trato ng lalaking kaibigan sa babae niyang kaibigan? Hindi ba masyadong sweet? Tama ba na ganito niya ako itrato bilang kaibigan niya?' "Ahm... ikaw ang bahala. Kasi..." "Ano? Tungkol na naman sa libre? Nahihiya ka na naman? Magtatampo na ako sa iyo kapag nahiya ka pa sa akin," nakangusong sabi ni Everson. Bumuntong hininga si Samira at saka ngumiwi. "S-Sige.. hindi na ako mahihiya. Halika na't kumain.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD