"Wow! Ang dami namang toys! Salamat po, papa! Sobrang saya ko po!" masiglang wika ni Louie sabay yakap kay Clifford. Yakap na mahigpit ang kaniyang ginawa. Napatingin si Clifford kay Janica bago gumanti ng yakap kay Louie. Hinaplos-haplos niya ang buhok ng bata bago kumalas ng yakap. "You're welcome, Louie. Gusto kong maging masaya ka. Mamaya ulit after work ko, dadaan ako sandali dito para makipaglaro sa iyo. Ayos ba iyon sa iyo?" malambing na sabi ni Clifford. Nanlaki ang mga mata ni Louie kasabay ng matamis na ngiti sa kaniyang labi. "Yes po! Sobrang ayos na ayos po!" Nginitian siya ni Clifford. "Sige na, mag-play ka na muna ng toys mo." Bumuntong hininga si Clifford bago tumingin kay Janica. "Aalis na ako. Sumaglit lang talaga ako dito para ibigay ang mga toys niya. Tatlong araw

