"Sweetheart... aalis na ako. Baka gabihin ako ng kaunti, ha?" pagpapaalam ni Clifford sa kaniyang asawa. "Okay sige. Ingat ka sa pagmamaneho. Huwag masyadong mabilis magpatakbo," malambing ang tinig na wika ni Elara sabay yakap kay Clifford. "Opo. Katamtamang bilis lang na takbo ang gagawin ko." Hinaplos ni Elara sa magkabilang balikat ang kaniyang asawa. Sa totoo lang, sa tuwing nagpapaalam sa kaniya si Clifford kapag magtatrabaho na ito sa kanilang kompanya, kinakabahan siya na baka maulit na naman ang nangyari noon. Na baka hindi na naman makabalik ang asawa niya. "Basta, kapag pauwi ka na, palagi mo i-check ang preno ng sasakyan mo, ha? Maging malikot ang mata mo. Maging alerto ka dahil baka mamaya, may nakasunod na naman sa iyo." Bakas sa tinig ni Elara ang labis na pag-aalala. T

