15 years later... "Good morning, Everson! Bakit nakabusangot na naman ang mukha mo? Wala ka na bang balak na maging masaya? Kahit isang araw man lang, day off sa pagiging masungit at nakasimangot na mukha?" Walang emosyong tumingin si Everson kay Sophia. Simula nang malaman ni Sophia na umalis si Samira sa kanilang lugar at hindi na doon nag-aral, hindi na siya umalis sa tabi ni Everson. Talagang panay na ang dikit niya sa binata. Pinapanatili niyang maayos ang relasyon ng mga magulang nila lalo na sa business para nakakalapit siya sa binata. At simula nang umalis si Samira, naging masungit na si Everson. Naging mailap na ito lalo sa tao. At bihira lang kung mamansin. Pinagtatiyagaan lang talaga ni Everson si Sophia na kausapin. Lalo pa't kasama sa Board of Directors ang dalaga. At

