Kanabata VIII: Simula

1643 Words
            KINAUMAGAHAN, maagang minulat ni Jana ang kaniyang mga mata upang bisitahin ang mga pananim na palay. Hindi mawawala sa tabi niya ang kaniyang bayaw, si Juanito, ang bunsong kapatid ni Ador- ang asawa niya. Maganda ang umaga, malamig ang daan dahil sa hamog na kumapit sa mga d**o. Sisilip pa lang ang araw kaya’t hindi pa gano’n kaliwanag ang tanglaw sa kalangitan.             Bitbit ni Juanito ang gamot na gagamitin nila pamatay ng mga insekto sa pananim. Uso kasi ngayon ang mga insekto na dumadapo sa palayan. Nang makarating sila roon, laking gulat nila sa kanilang nadatnan. Ang ilang pitak ng palay ay wasak, at ang mga pananim ay tila binuwisit, hindi nang kalikasan kung hindi ng mga taong may muwang.             “Panginoon, sino naman kaya ang may gawa nito?” Unti-unting nanlambot ang mga tuhod ni Jana at napaluhod nalang siya dahil sa panlulumo. Hindi niya akalain na ganito ang madadatnan nila. Ilang araw nilang pinagpaguran ang pagtatanim sa bukid katulong ang ibang manananim matapos ganitong sitwasyon lang ang kanilang aabutan.             “Tang-ina! Kung maninira kayo, huwag niyo namang idamay ang mga pananim na nanahimik!” Galit na hasik ni Juanito. Napapadyak siya sa lupa at nabitiwan ang hawak na galon na may lamang na pang-patay sa mga peste. Wala na pala silang pesteng papatayin, dahil ang mismong tanim ay buwal, sa madaling salita- patay na.             “Sino ang may gawa nito, Juanito? Hindi na ba sila naaawa sa atin!?” Umiiyak na tanong ni Jana. Ang aanihin sa palay nalang inaasahan niyang itatabi sa pag-aaral ng anak na si Sina, ngunit pagkabigo ang sumakop sa kaniyang realidad nang matanaw ang sinapit ng kanilang ilang araw na pinagpaguran.             “Hindi ko alam, ditse. Pero tao ang nasa likod nito at hindi gawa ng kaliksan. Hindi naman bumagyo kagabi,” pagwawari ni Juanito. Tila sinagasaan ng malaking sasakyan ang mga pitak dahil na durog nito, dapang-dapa at daig pa ito sa sinapit ng mga palay nila noong bagyong Undoy.             “Pero sino!? Wala naman akong natatandaan na naka-away natin o may galit sa atin!?” ang tanong ni Jana. Inayos niya ang sarili niya at tumayo. Durog ang puso niyang nakatingin sa mga palay na nasira.             Hindi sumagot si Juanito. Wala rin siyang alam dahil kasundo nila ang mga tao sa paligid.             “Ano na ang gagawin natin ngayon? Saan tayo kukuha nang ipangbabayad sa mga manananim na pinangakuan natin ng mga bigas bilang kabayaran? Sira na ang mahigit sa kalahati ng mga pananim,” kawalan ng pag-asang tanong ni Jana sa bayaw na ngayon ay tulala rin ang pag-iisip dahil sa kanila ngang nadatnan.             “Hindi ko alam, ditse. Tang-ina! Malaman ko lang talaga kung sino ang may gawa nito, makakataga ako. Hindi sila marunong maawa sa mga taong nagpapakahirap upang mabuhay!” Na mamayani ang galit ni Juanito. Nakita niya ang isang sanga ng nabaling puno at binato iyon kung saan man.             “Wala na tayong magagawa. Nangyari na,” tanging wika ni Jana. Sobrang sakit sa kaniya ang nangyari pero walang tulong na magagawa ang pagmumukmok nila.             “Magsimula nalang tayong magtanim ulit.”             “Pero wala nang binhi.”             MAKARAAN ANG ISANG ORAS, nagising si Catripia- ang donyang nagmamay-ari ng engrandeng mansyon sa harapan ng labasan nila Sina. Agad siyang napangisi at naalala ang pinag-utos niya kagabi sa isang tauhan niyang barayan na silaw sa Pera.             “Magandang umaga Donya, nagawa na po ng tauhan ko ang pinag-uutos niyo. Naipasa ko na po sa f*******: niyo ang mga litrato bilang patunay. Ano po ang sunod niyong ipag-uutos?” mayabang na bungad ng lalaki sa kabilang linya. Binalita nito na nagawa na niya ang plano na pinag-utos sa kaniya ni Catripia.             Napangiti si Catripia sa magandang balita. Mukhang magiging maganda ang araw niya dahil ito ang unang araw matapos ang kaniyang unang plano. Umupo siya at humarap sa malaking salamin sa dingding ng kaniyang silid.             “Donya… nandiyan pa po ba kayo?” wika pa ng lalaki. Hindi naka-sagot si Catripia gawa na pinagmamasdan niya ang kaniyang ngiti sa salamin. Gandang-ganda siya sa sarili niya. Perpekto siya. Maganda ang kutis ng balat. Mayaman at halos na sa kaniya ang lahat. Pero hindi niya malaman ang dahilan kung bakit siya pinagtataksilan ng mga lalaking inibig niya nang lubusan.             “Oo, nandito pa ako. Huwag ka nang maraming daldal,” sagot ni Catripia sa lalaki. Nabala ang kaniyang pagmumuni-muni.             “Nakita niyo na po ba ang mga litrato?” Binuksan ni Catripia ang cellphone niya at agad dumiretso sa kaniyang messenger. Nang matanaw niya ang mga litrato ay sumabog siya sa sobrang kasiyahan.             “Bravo! Mahusay ka talaga! May bonus ka sa akin dahil sa magaling na trabaho!”             Naglalaro sa isip ni Catripia kung ano ang mararamdaman ng mga taong binigyan niya ng biyaya ng parusa.             “Naku, donya. Ako naman ay hindi naghahangad ng sobrang pabuya. Ang sa akin lang, magawa ko ng maayos ang trabaho ko at pagsilbihan kayo…” hayag ng lalaking utusan.             “Tumigil ka na… baka sariwain mo pa ang nakaraan.” Dati pa lang, may lihim na pagtingin ang lalaking ito kay Catripia, mga bata pa lang silang dalawa.                 “Baka…” Hindi na pinatapos ni Catripia ang sasabihin ng lalaki at pinatay na niya ang tawag.             ‘Hanggang ngayon, baliw na baliw pa rin sa akin ang lalaking hayok sa  makamundo kong katawan- kawawa ang barangay sa kaniya,’ sa isip-isip ni Catripia. Binaba niya ang smart  phone na hawak niya. Nakasuot pa siya ng ternong pantulog ay lumabas na siya ng kaniyang silid.             ‘Papa, hangad mo ang kaligayahan ng nag-iisa mong anak. Hayaan mo, ngayon ako ay lubos nang magiging masaya,’ wika nito nang matanaw ang malaking litrato ng kaniyang ama sa labas ng kaniyang silid. Sina Simeon             PALABAS na ako ng bahay nang mabungaran ko ang aking ina. Namumugto ang mata nito sa hindi ko malaman na dahilan. Naka-uniform na ako dahil papasok na ako sa eskuwelahan at ihahatid ko na si Vhina kay tita Edna.             “Ano po nangyari ma?” nag-aalalang tanong ko. Umupo siya sa kahoy naming upuan. Walang emosyon ang mukha at tila tulala.             “Sira na.” Basag ang boses na bigkas niya. Ngayon ko lang nakitang ganito si mama. Ano ang sira na?             “Maaa…” banguran siya ni Vhina. Tumakbo ang bata papalapit kay mama at biglang yinakap ito. Wala na si Espirita sa bahay at nauna na siyang umalis at pumunta sa paaralan.                         “Malungkot ba si mama, Diko?” baling ni Vhina sa akin.             Sakto naman nang bumugad sa pintuan si tita Edna.             “Vhina, tara na sa bahay at…” hindi niya natapos ang sasabihin niya nang makita ang namumugtong mata ni nanay.             “Ah… Vhina sama ka muna kay tita Edna. Maglalaro na raw kayo ni Sarah.” Lumapit ako sa kapatid ko at binuhat ko siya.             “Ayaw!” Nagpumiglas siya.             “Kanina ka pa hiihinintay ni Sarah sa amin, may ibibigay siyang bagong manika sa iyo. Binili ng tito Amang mo sa bayan.” Gumana naman ang pang-uuya ni tita Edna kay Vhina at sumama na ang kapatid ko.             “Tita, kayo na po ang bahala kay Vhina.” Kinuha ko ang bag ni Vhina sa parisukat na lamesa at inabot iyon kay tita. Doon nakalagay ang gamot ng kapatid ko upang mapigilan ang pagiging sobrang hyper nito. “Salamat po, tita.” Umalis na sila. Hay, hindi talaga ako na magsasawang purihin si tita dahil sa kabaitan niya.             Muli akong bumaling kay nanay at nag-aalalang nagsalita.             “Ano pong nangyari sa bukid, Nay?” ang usisa ko.             Tumingin siya sa akin at napaluha. Nabiyak ang puso ko nang makita ang mga mata niya na naglabas ng mga luha.                “Nasira na ang mga pananim natin, anak.”             Para akong bihunusan ng malamig na tubig. Otomatiko akong nanlata.             “Huh? Paano po nangyari iyon?” tanong ko. Sino naman kayang hangal ang gumawa noon sa palayan namin? Kung nasisiraan na sila ng ulo, huwag na huwag nilang idadamay ang mga palay na nanatimik sa kabukiran.             “Hindi ko alam, anak. Nakita nalang namin ng tito Juanito mo nang makarating kami, sirang-sira na ang mga palay sa bawat pitak. Sinadya itong buwisitin, wala nang mapapakinabangan pa sa mga ito. Mas maganda pa nga kung bumagyo nalang, doon kahit paano, may maisasalba pa tayo,” bigong saad ni nanay.             Napaluha nalang ako hindi dahil sa pagkasira ng palay namin kung hindi dahil sa pagod na nilaan nila nanay, maging maayos lang ang palay at umani ng marami. Ayon ang hanapbuhay namin. Ang bumuhay sa amin. Paano na kami ngayong sira na ang mga palayan sa bukid?             “Nasira po lahat, nay?” Pinahirin ko ang mga luha ko sa mga mata dahil ayokong ipakita kay mama na mahina ako. Ako ang sandalan niya. Kailangan lang ay maging matatag din ako.             “May natira pang dalawang pitak anak pero wala na rin iyon. Iyon ang unang pinamahayan ng mga insekto- hindi magandang palay ang aanihin.”             Gusto kong mag-mura! Sino ba ang gumawa nito? Gusto kong malaman at nang mabigyan siya ng kaukulan na parusa.             “Ayos lang iyan, Nay. Kaya natin iyan. Pagsubok lang po ito ng Panginoon. Mabuti po ay may natira pa.” Pagpapalakas ko ng loob niya.             “Patawad anak, baka- wala na tayong ipangbabayad sa matrikula mo sa susunod na semestre.”             Matinding kalungkutan ang ginawad sa akin ng sitwasyon. Para bang sinampal ako ng napakasakit na katotohanan. Paano na? Makakapag-aral pa kaya ako? Saan na kami ngayon kukuha ng pera?             “Huwag mo nang alalahanin iyon, Nay. Ako na po ang bahalang mag-isip ng problema sa pag-aaral ko. Pipilitin ko pong gumawa ng paraan, ang isipin niyo nalang po, kung paano muling makakabangon ang bukid natin. Humingi po kaya tayo ng tulong kay Kapitan?”             Sana sa sinabi kong ito ay mabawasan ang iniintindi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD