The plan supported by Evil BEA DINALA ko sa ibang bahay si Xian para magawa ko ang mga binabalak ko sa kaniya na hindi nakikita ng mga kapatid ni Sina. Nakakasora ang dalawang batang iyon. Sila pa ang maging hadlang sa plano ko kapag nagkataon. Si Xian muna ang kinuha ko dahil mahahalata kapag sinama ko si baby Xion. Pinilit ko siyang sumama sa akin dahil binantaan ko siyang may mangyayaring masama kay Sina sa Baguio kapag hindi siya sumama sa akin. And guess what, sumama nga ang baby ko, not because he’s afraid but because mahal niya talaga ako. Kinuha ko kay Dion ang susi ng bahay na ito. Mga ilang puno lang ang nagbibigay espasyo mula sa bahay nila Xian. Walang nakatira sa bahay kaya rito muna kami ngayong gabi. Hindi kagaya ng iba, wala akong ginawang pagtali p

