Everything will find its beautiful ending, but love is the only thing that does not end. Sina Alonzo PAPIKIT pa lang ako sa mga sandaling ito nang tumunog ang cellphone ko. Kanina pa hindi maayos ang pakiramdam ko sa meeting dahil nga kay Vince. Nakita ko ang kaibigan ko na si Anastacia ang tumatawag. Ano na naman kaya ang sasabihin nito sa akin? Sa tingin ko, hating gabi o pa-umaga na sa Portugal. “Sina?” Bumungad sa akin ang takot sa boses niya. Hindi na ako nakasagot pa dahil nagsalita ulit siya. “Nasa panganib ang pamilya mo ngayon. Kasama nila si Bea. Hindi ko alam kung nasaan sila. Kung hindi ka na naman maniniwala sa akin, uunahan na kita, nakita ni Espirita ang asawa mo na ka-s-x si Bea sa ibang bahay. Kailagan ka nila Sina! Tumawag ka ng pulis.”
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


