ANG haring araw ay muling nagpamalas ng liwanag, tanda na ito ang panibagong araw na biyaya ng nasa itaas. Upang mangarap, lumaban at gawin ang mga gusto natin sa buhay. Dala ng pagsikat ng araw ang bagong pag-asa, nasa sa atin ang kapangyarihan kung gagamitin natin ito sa kabutihan o sa kasamaan.
“Donya, ito na po ang tea-ng pinatimpla niyo,” ang pagkuha ng katulong sa atensyon ng babaeng namamayani ang pagkapustura sa katawan. Kitang-kita sa kaniya ang pagiging elegante dahil sa mga naglalakihang alahas sa nakakabit sa kamay. Kasisikat pa lang ng araw pero ang suot nito, tila makikipag night party na.
Inabot ng Donya ang tasang may lamang tsaa at naupo sa upuang bakal na may pinturang puti sa tabi niya.
“Kapansin-pansin na marami nang nabago sa barangay simula nang umalis ako,” wika niya habang pinagmamasdan ang mga tanawin na maabot ng kaniyang paningin mula sa tuktok ng engrandeng mansyon. Oras na nagbukas ang talukap ng mga mata niya, dito na agad siya nagtungo dahil ito ang pinakapaborito niyang lugar sa kaniyang tahanan.
“Siya nga Donya, masaya po kami na nagbalik na kayo,” ang sagot ng mutchacha. Mapapansin sa kilos niya ang pagiging ilap nito sa amo. Para bang natatakot siya rito sa hindi malaman na dahilan.
“Nagbalik ako dahil nais kong tapusin ang nasimulan ko.”
Kinabahan ang katulong ngunit nanatili lang siyang nakatahimik sa isang sulok, nagsisimulang mag-isip kung ano ang nais na pakahulugan ng kaniyang amo sa tinuran nito. Tumayo ang Donya kung tawagin, pumunta sa mismong harapan ng balkunahe upang mas makita ang malawak nilang nasasakupan.
“Kumusta ang pagsasaka sa lupain?” ang tanong nito. Matagal siyang nawala sa bansa. Kababalik niya lang kaya’t ngayon lang siya muli nakikibalita sa kung ano ang mga nangyari sa lugar nila sa matagal na panahon niyang pagkawala.
“Ang mga Simeon pa rin po ang nagsasaka sa lupain,” ang matipid na sagot ng katulong.
Napangiti ng madilim ang donya sa narinig niya. Tila may namuong madilim na pag-iisip sa kaniya. “Mainam. Sige, lumayas ka na sa paningin ko. Gusto kong mapag-isa.”
“Kung may ipapagawa po kayo, nasa ibaba lang po ako,” saad pa ng katulong bago siya tuluyang umalis nang nakayuko.
Muling tinanaw ng donya ang buong lupain, nang matapat siya sa punong santol, nanariwa sa ala-ala niya ang mga masasakit na pangyayari sa buhay niya. Muli niyang binalikan ang mga mapanirang ala-ala gayong nasasaktan siya, ito ang isa sa paraan niya upang maka-isip siya ng bagay na ibabato sa pamilyang sumira sa maganda niyang buhay.
Sa punong iyon mismo nabuo ang murang pagsinta niya, gayunpaman, unti-unting nabiyak sa maliliit na piraso ang puso niya nang sumingit sa eksena ang babaeng lubos na kinamumuhian niya.
‘I can get nothing from you as you don’t have any great possessions, hence, this plan will cause you suffering… it’s time to take revenge.’ Gumuhit ang pangit na ngiti sa ekspresyon niya habang bitbit ang planong paghihiganti. Tumungga siya sa Tsaa habang pinapanood ang masayang pamilya na nagsasalo-salo sa lilim ng malaking puno
“I am thrilled to witness those smiles get disappeared.”
Sina Simeon
“DON’T forget to stand your rights, seniors!” Pagtatapos na habilin sa amin Atty. Perciles. Sa wakas, tapos na ang buong araw na klase. Lumabas na kami ng room, kasama ko ang mga kaibigan ko sina, Nicole at Vince.
“He really inspires me to be a good lawyer someday. You see the power and command in his voice!” nakangiting saad ni Nicole habang naglalakad kami sa hallway. “Imagine? Just grabe!”
Si Nicole ang kaibigan kong maganda, but nakalimutan niya ata ang essence of taking care one’s self, medyo hindi siya pala ayos. Mayroon siyang eye-glasses. Ang oras niya ay nakatutok lang sa pag-aaral. Aminado ako, mas magaling siya sa akin academically, but tahimik kasi siya at medyo mahiyain kapag marami nang tao. Hindi ko katulad, na wala akong inaayawan na laban.
“Yeah… that’s real. One of our great professors I won’t forget in the entirety of my life,” ang saad naman ni Vince. “Hindi ba Sina ko?” baling niya sa akin.
“Yieee… that kilig king is on his way again,” ang pang-aasar na pangsingit ni Nicole.
“Ano ba Vince? Stress ka na naman siguro no, kaya ako na naman ang nakikita mo?” sagot ko. Hilig niya talaga akong asarin. Hindi ko alam sa kaniya kung bakit niya ito ginagawa sa akin.
“Nope, I am not just the one who feel stress, lahat kaya tayo.” Dinamay niya pa kami, pero totoo lang. “Let’s go to the cafeteria; I’ll treat you.”
“Great idea! Tara na.” Hinatak na kami ni Nicole papunta sa cafeteria. Nang makarating kami roon, si Vince na ang pumunta sa counter, pinahanap nalang niya kami ng vacant table ni Nicole.
“Ang bait talaga ni papa V no?” ang wika ni Nicole habang hinihintay naming makabalik si Vince mula sa counter.
“Oo, kaya sure akong suwerte ng magiging girlfriend niya,” ang pagsang-ayon ko. “Matalino na, tapos sweet pa… ayon nga lang mapang-asar.”
“Aws.” Ngumiti siya ng makahulugan sa akin.
“Bakit gan’yan ka makatingin?” Minsan, weird din ang babaeng ito. Teka lang, minsan ba o madalas?
“I think, you are the right one, Sina.” Bigla siyang nangisay sa kilig.
“Anong the right one?” kunot noo kong tanong. “Gutom lang iyan, Nicole. Ikain mo mamaya ng marami ha?”
“No girl, I don’t want to jump to the conclusions, but for me, you are fit for each other, parehas naman kayong single. One thing, the world has become free na for boy’s love, or any form of love,” pagwawari niya. “Huwag kang nega no. I see your future living together.”
“Kakabasa mo iyan ng mga fictional books kaya kung ano-ano na ang napag-iisip mo.”
“Nope, you’re not sure.” Kinuha niya ang book niya sa bag at nag-umpisa na namang magbasa. Hindi pa ako sure nito, huh?
Nakita ko na mahaba ang pila sa counter kaya’t hindi pa nakababalik si Vince. Nakahihiya naman, siya na nga ang manlilibre sa amin. Siya pa ang naghihintay sa pilahan.
Pupuntahan ko na sa sana siya pero bigla kong naalala ang pinapagawa sa akin ni Xian. Hindi ko pa pala iyon natatapos. Tambak kasi ako ng requirements na kailangang tapusin. Dito ko nalang ito gagawin, tutal naman, malamig sa cafeteria. May aircon, mas madaling makapag-isip ng idea kapag conducive ang environment.
1000 words essay ang pinapagawa ng lalaking iyon, tungkol sa article about modern computers, reaction paper pala. Si Xian talaga, para sa major subject ang pinapagawa niya. Hayst, imbis na siya nalang ang gumawa e. Uumpisahan ko na nga ito para mamaya sa bahay, pagre-review nalang ang aatupagin ko.
“Attorney Vince is serving your rightful orders, two Madame.” Naabala ako sa ginagawa ko nang makabalik si Vince.
“Oh, finally after centuries, you’re back!” wika ni Nicole.
May bitbit siyang isang tray kaya inayos ko na agad ang mga papel sa table para mailagay niya ito roon, gayundin, hindi siya mangawit sa pagbubuhat.
“I’ll get the sundae na ha?” Kinuha agad ni Nicole ang sundae sa tray. Favorite niya talaga ang mga sweets and cold foods.
“Hoy, Sina. Mamaya na ang school works,” pagkuha nito sa atensyon ko. “Mag-meryenda muna tayo para may energy ulit.” Nginitian niya ako.
“Oh Sina, get yours na,” sabi ni Nicole. Nahihiya pa kasi akong kumuha. Kahit matagal na kaming magkakaibigan, nahihiya pa rin ako sa kanila lalo na pagdating sa pagkain. Parati nalang kasi sila ang nanlilibre sa akin, wala akong maiambag, kasi wala naman akong pang-ambag e.
Inabutan ako ni Vince ng burger, pasta and drinks.
“Salamat,” ang tugon ko sa ginawa niya.
Nakaramdam na rin ako ng gutom sa mga oras na ito. Hindi kasi ako kumain ng tanghalian, iyong pambibili ko ng launch, ipinangbayad ko nalang sa mga handouts na kailangan para sa mga cover ng nakaraang topics. I don’t have any means na bumili ng mga mamahaling libro kaya nagpapa-photocopy nalang ako. Nilagay ko sa bag ko ang mga papers ni Xian para wala nang maging abala.
“Sina ko, hanggang ngayon ba, nahihiya ka sa amin? Don’t be. We got you,” ang sabi ni Vince. Ngayon lang sila nag-call out nang ganiyan sa akin.
“Omg, iba ang shaking factor ko ngayon, huh!” si Nicole. Naubos na niya nang tuluyan ang sundae na kinakain niya. Kumuha siya ng tissue para pahirin ang kumalat na tipak sa pisngi niya.
“Salamat talaga, guys. I am so grateful to have you in my back,” wala naman masama kung uumpisahan ko na ang pagda-drama ko, hindi ba? Napatingin sila sa akin.
“Don’t worry, kapag hindi na kaya sa mga school works, nandito lang ako. Maybe, that’s one of the ways to help you sa mga treats niyo sa akin. You know naman, I can’t afford to buy you foods.”
Mukhang useless din naman ang idea ko, hindi naman kasi sila nagpapagawa ng mga gawain sa school.
“Just do save your energy Sina ko,” ang saad ni Vince. “We can carry our own tasks.”
“Hi, Atty. Vince!” May tumawag kay Vince na gay kagaya ko nang mapadaan siya sa table namin. Malakas ang dating ni Vince. No wonder, kung bakit maraming nagkakagusto sa kaniya, both gay and women.
“Hey,” ang nakangiting pansin ni Vince rito. Tila nangisay naman sa kilig ang kabaro ko. Hindi ko naman siya masisisi. Normal lang makaramdam ng kilig.
“Hindi pa attorney iyan, pero ang lakas na agad ng dating oh. Paano pa kaya kapag abogado na?!” ang saad ni Nicole.
“Then, I’ll finally have the heart of Sina.” Binigyan niya ako ng kindat niya.
Hindi na bago sa akin na sabihin ni Vince iyan. Palabiro talaga siya, at parating ako ang nakikita niya. Mahina nalang akong tumawa dahil sanay na ako. Ang niya bait-bait but ang hilig-hilig niya rin akong asarin, hence, not to the extent na nakabubwisit na.
There’s no something attached, pure biruan lang.