Kabanata V: Banda

1638 Words
Sina Simeon           “NABIGAY ba ni nay Yala ang pinapagawa ko?” ang tanong sa akin ni Xian. Nandito na kami sa event place, kasalukuyang naghihintay sa banda. Katatapos lang ng basketball, sila ang nanalo.  Ramdam ko ang pagiging masaya niya.           Nagpalit na siya ng damit. Ang suot niya ngayon, white polo na naka-unbutton ang upper part kaya makikita ang malapad niyang dibdib, hindi naman ako nakatingin roon. Syempre, magkalapit lang kami kaya hindi ko maiwasan na masagi ang tingin sko a parteng iyon.             “Oo, kaso hindi ko pa nabubuklat. Busy kasi sa paghahanda kanina,” ang dahilan ko. Mabuti naman at kinakausap niya ako ngayon.             “Ayos lang, next week pa naman ang pasahan no’n. Mag-enjoy ka muna.” Nakikita sa mga mata niya ang pagiging malaya. Malaya in the sense of pag-iintindi, free from obligations and free to do what he wants to do, siguro kaya gano’n, dahil may kaya sila? Hindi ko kagaya, magsasaya nga ngayong gabi pero marami namang obligasyon ang naghihintay sa akin kinabukasan.             “Salamat. Ikaw din, mag-enjoy ka dahil deserve mo iyan. Ang galing mo palang maglaro kanina. Ngayon ko lang nakita ang mga moves mo sa court,” ang salita ko. Magkababata kami nitong si Xian. Bully kasi siya noon kaya hindi kami close, nito nalang kami nagkakausap nang maayos dahil nagpapagawa nga siya sa akin ng mga requirements niya sa school.             “Yeah… thank you!” Siniko pa ako nito ng mahina sa braso ko.             “Aray!” Ang laki ng katawan niya tapos sisikuhin niya lang ako ng ganoon. Kahit mahina lang, may impact pa rin.             “Sorry… napalakas ba?” may pag-aalalang tanong niya sa akin. Tumango nalang ako nang nakangiti. Nagsimula na nga ang performance ng banda. Sikat ang banda na ito sa buong Pilipinas. Secret has no clue kung sino sila, pero inuulit ang name nila. Naging hyper na ang crowd dahil sa pagtunog ng mga electric music instruments at pagbukas ng bibig ng vocalist na may long and silky hair.             “That’s my favorite band!” ang sigaw ni Xian habang sumasabay sa pagkanta. Kung mapapansin, wala sa tabi ko ang magaling kong kaibigan na nag-aya sa akin dito. Inutusan kasi ni Xian na bumili ng makakain ang pinsan niya na si William. Hindi ko alam kung anong klase ng lakas ng loob ang sumanib kay Kalay at naisipan niyang sumama kahit hindi naman siya inaaya ng lalaki.             “Ang ganda nga ng mga kanta nila. Ang sarap pakinggan kapag down ka,” wika ko naman. Sunod na kinanta ng vocalist ang isa sa pinakapabirito kong kanta nila. Parati kong naririnig ito sa radyo naming maliit.             “Yup. I always listen to their music while studying at night,” si Xian. Binigyan ko siya ngiti at hindi na ako nakasagot dahil nilalasap ko ang bawat lyrics ng kanta.             “Everything will be alright in time.” Hindi ko alam na narinig pala ni Xian ang binulong ko.             “Yes, kaya dapat chill lang at enjoy!” Ngayon ko lang nakita sa malapitan ang maputi at pantay niyang ngiti. Siguro, produkto ng brace ang ngipin niya kaya pantay at ang puputi. Nahiya tuloy akong ngumiti. Baka hindi ka-aya-aya ang ngipin ko ngayon.             Malaki na pinagbago ni Xian kung ikukumpara noong mga bata pa kami. Masaya ako na kahit hindi kami ganoon ka-close, nagkakausap pa rin kami. Tagalang bumalik sina Kalay. Hindi ko alam kung anong oras na ngayon, pero sa tantya ko, nasa alas nuwebe na ng gabi. I can’t afford to buy watch, kaya wala akong magamit ngayon.                 “Kuddos nga pala sa daddy mo. Ang galing niya. Alam kong masayang-masaya ang mga tao sa baryo natin dahil sa mga magkakasunod na palabas na hinanda ni kapitan,” sa kaniya ko na inabot ang pasasalamat ko. Maingay pa rin ang paligid, nakare-relate sila sa performance ng performers sa stage. Ganoon naman talaga, need nilang mag-build ng connections sa audience para hindi maging boring ang pagtatangghal.             “Hmmm… well, it’s my plan. I really wanted to have lively funs. Nasa modern days na tayo, it looks boring to get the old themes. A modern concept with touched of historical roots.”             Hindi ko maiwasan na mapahanga.  I didn’t know that all were his ideas.  Creative thinker rin, ayon nga lang at  hindi siya ang gumagawa ng mga written outputs niya. Well, may benefits rin naman sa akin iyon, ang laki ng naitutulong ng talent fee ko sa ibang gastusin namin.             “Right. Magandang plan na hindi pa rin alisin ang traditional roots no? Para sa mga matatanda sa lugar . Ang husay naman pala!”             “Naks, ako pa ba?”  He does the sounds of lizard. Nag-flex pa siya ng muscles sa braso niya.             “Nagbuhat ka pa ng sarili mong bangko,” ang natatawang saad ko. Napapansin ko ang mga tingin ng iilang kababaihan sa akin. Parang naaasar sila na hindi ko mawari. Maharil, dahil kasama ko ngayong gabi ang anak ni kapitan? Hindi ko alam sa kanila.             “Huh? Nagsasabi lang ako ng totoo. Tignan mo iyong ibang mga babae, nakatingin sa atin. Nakikita mo ba ang reaksyon ng mukha nila? Naiinggit sila sa iyo dahil ikaw ang pinili kong kasama ngayon at hindi sila,” bulong sa akin ni Xian.             Tama nga ang hinala ko. Kaya ganiyan nga ang tingin ng mga babae dahil dito kay Xian. Hindi ko mapigilan na bahagyang mapangiti dahil sa sinabi niya. Ay mali ata. Kilig ba ito?             “Sina?!” Sa wakas naman, dumating na si Kalay at kasama nga rin niya si William. Napansin ko ang bitbit nilang cotton candies.             “Ang tagal niyo naman,” ang sabi ko. Nagkakilala na kami ni William. Kababata ko rin pala siya. Matagal lang siyang hindi na uwi sa probinsya kaya parang nakalimutan ko na ang itsura at pangalan niya. Nang makausap ko naman siya at marinig ko ulit ang boses niya. Naramdaman ko na siya ang batang mabait at kaibigan naming si Bolie. Bolie ang tawag namin sa kaniya. Parating may dalang bola noong mga bata pa kami.             “Sina-kuan ka na naman ng pasensya mo bakla. Buti nga at matagal kami, nagkaroon kayo ng solo time ni Xian. Pabor naman sa iyo iyon, hindi ba?” pang-aasar sa akin ni Kalay.             Nakahihiya siya. Namula nalang tuloy ako at natahimik. Inabot niya sa akin ang cotton candy na para sa akin.             “Tol, the celebration will be on 10 PM, sa bahay niyo ah?”  narinig kong sabi ni William sa pinsan niyang si Xian. Sabi ko na nga ba, may sa celebration sila. Mag-iinuman siguro. Celebration is one of the ways for the group to stay motivated to achieve more and mas mag-built ang relationship between members of the group. Wala, nasabi ko lang.             “Can I join?” pangsingit ni Kalay.             “Hoy Kalay, tumigil ka nga. Hindi ka ba nahihiya?” panunuway ko rito. Hindi naman siya basketball player. Bakit siya makikisali?             “No, no… it is okay, you can join both if you want.” Ang conyong magsalita ni William. Halatang galing din siya sa may kayang pamilya at nag-aaral sa magandang unibersidad sa kabisera ng bansa.             “Ay totoo ba? Hindi ba nakahihiya?!” maligalig na saad ni Kalay. Tumango naman ang dalawa sa kaniya. “Tignan mo keri naman pala!” baling pa nito sa akin. Napangisi nalang ang dalawang lalaki sa ginawa ng kaibigan ko. Ang tapang ng hiya niya no?             “Sorry, hindi naman ako imiino, uuwi nalang ako kapag aalis na kayo,” nakangiting pagtanggi ko. Wala ako sa posisyon para tumanggi dahil hindi naman nila ako niyaya pero it’s my choice and right. Ayokong malasing, marami pa akong need na gawin bukas.             “What?” ang gulat ni William. “We’ll teach you then.”             “Yeah, 20 ka na hindi, ba? Sabi ko kanina, ‘di ba enjoy lang? Bakit hindi mo subukan?”  si Xian.             “’Oo nga naman. Minsan lang ito, malay mo magustuhan mo pa!?” pamimilit ni Kalay. I have my own grounds. Kapag sinabi kong hindi, no talaga iyon para sa akin. Learn to say no to other things if it will just break your plans.             “Hmmm…. hindi talaga,” huling sagot ko at ngumiti sa kanila. Mukhang na-disappoint naman ang kaibigan ko sa pagtanggi ko. Wala akong magagawa.             “It’s fine, basta tapusin mo ang mga pinapagawa ko ha? May bonus pa iyan kapag mataas ang scores mo,” si Xian.             “Wow, tol! You're hiring output makers and it's Sina?  Iba ka talaga!” Pinanlakihan ako ng mata ni Kalay dahil wala siyang kaalam-alam dito. Ngitian ko lang siya. Ngayon alam na niya.             “Sure, master!” nakangiting sagot ko kay Xian. Lumipas ang mga oras, tumawag na ang ang team mates nila na ready na raw para sa party. Hindi talaga nagpaawat si Kalay, sumama nga siya. Buti nalang, nakasalubong ko si Espirita na rin kasama ang mga kaibigan niya kaya may kasabay akong umuwi. Mabuti na ring nakasabay ko ang kapatid ko dahil may nais akong itanong sa kaniya na dapat niyang sagutin. “Sino iyong batang lalaki na naka-akbay sa iyo kanina sa gilid ng tricycle?” tanong ko sa kaniya na ikinagulat niya. Akala niya siguro ay hindi ko siya nakita, puwes ay hinding-hindi maaaring magkamali ang malikot ko at malinaw kong paningin. “A-ah Diko, kaibigan lang namin iyon nila Cassandra at Magranda,” ang sagot niya. “Mukhang may lihim pa ang kapatid ko sa akin ah,” ang paglalambing ko naman. Minsan nalang kaming magkausap ng kaming dalawa lang habang naglalakad sa daan na punong-puno ng makukulay na liwanag. “Wala nga diko, promise.” Hindi ko na siya pinilit. Ramdam ko na may something ang lalaking iyon sa kaniya. Ang cute pala ng puppy love , NO?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD