Kabanata IV: Mahusay Na Manlalaro

1887 Words
Sina Simeon “MAMITA Jana, say yes na po, hindi naman po kami magpapagabi nitong si Sina. Magpapa-umaga po kami kung bet ng soul niyo. Charot!” Kanina pa pinipilit ni Kalay si Nanay. Pinagpapaalam ako na tutungo nga kami sa basketball-an. kung mapapansin niyo, simula kaninang umaga pa ako yinayaya ng baklang kaibigan ko. Kasalukuyan kaming naririto sa kubong pahingahan ng pamilya, makikita ito sa ilalim ng punong mangga na kasing tanda pa ata ng mga ninuno namin. Minsan, dito rin kami nagtitipon sa tuwing may pagsasalo, kagaya nga ngayong kaarawan ng aming mahal na Patron na si Sta. Teresita. Malamig kasi at presko sa lugar na ito kaya tamang-tama lang kahit anong oras kami pumarini. “Ditse, hayaan mo na ang anak mo, hindi naman magpapano iyang si Sina sa dausan ng bolahan,” ang segunda ni tito Juanito kay nanay. Tumungga siya ng alak na kanina pa nila pinagsasaluhan. Si Tito Juanito ay ang bunsong kapatid ni Papa. Siya na ang nagsisilbing tatay ko simula pa noong bata ako. Makisig si tito. Lalaking-lalaki ang presensya at malinis sa katawan kahit nagbubukid siya kasama ni nanay. “Puwede po ba akong sumama sa inyo?” ang tanong ni Vhina sa akin. Hinagis niya ang dalandan sa mesa kaya naman nagbigay iyon ng kaunting pagkagulat sa mga taong naririto. Nagsisimula na namang maging hyper ang kapatid kong bunso. “Ay, puwerta ng inahing manok!” sigaw ni Lita. Asawa ni tito Juanito. Siya ang tita kong best friend ng tingting dahil sa pagiging very petite ng katawan niya. Hindi siya nakakasama sa bukid dahil baka liparin siya ng hangin o kaya naman ay malusaw siya sa tindi ng sikat ng araw. Kaya si tito Janito lang ang nakakatulong ni mama. Etchos lang. “Anak.” Agad na inayos ni mama ang mga nagulong gamit sa mesa. Wala namang ibang reaksyon ang mga tao rito ngayon dahil sanay na sila kay Vhina. Minsan nga hindi namin mapigil ang behavior niya. Pero hindi namin siya pinapagalitan, bagkus ay pinapaliwanagan pa ng maayos. Gayunpaman, hindi sa lahat ay natutuwa sa kaniya, pansin ko sa mukha ni tita Asuzulayta, ang panganay na kapatid ni papa na hindi niya ibig ang sitwasyon ng kapatid ko. Hmmm... matandang dalaga kasi, maybe she's living with despair. I pray for her soul to find peace nalang. Ang plastik niya kaya just for reality check. Pinagpapasensyahan lang siya ni nanay kaya hindi na siya pinapansin pa. “Ah-Vhina, gabi na. Bawal na ang bata sa labasan. Huwag kang mag-alala, saglit lang naman si Diko roon,” mahinhin kong paliwanag kay bunso ngunit hindi niya ako pinansin, bagkus sinubuan lang ng gulay si Sarah, ang pinsan namin. “Kain ka lang diyan ha! Bawal ang pasuway na bata!” ang wika ni Vhina, dahil dito ay nagtawanan kami. Para kasing matanda sa una kung magsalita. “Sawayin mo ang anak mo, Jana at baka mabulunan si Sarah!” iritang utos ni tita Asuzulayta kay mama. “Panginoon ko! Mga nakatulala!” Hinimas pa niya ang kaniyang sintido.   Ginawa ni mama ang sinabi ni Tita para maiwasan na ang kung ano mang walang katuturang diskusyon. Alam nang lahat ang pagiging iba ng ugali ni tita Asuzulayta. Hindi ko alam kung bakit ganiyan siya. Ang hirap niyang intindihin. Since birth ata ganiyan na siya dahil bata pa lang ako ay ma-eme na ang role niya sa buhay ko. Mabuti pa nga dahil hindi pa siya nananakit. Her attitude is still bearable. Puwede pa namang makipagplastikan,  pero sa akin, pure attitude lang, kasi naniniwala ako na what you did to others, will also be done to you. “Oh, paano mamita? Ano na ang final answer mo? G na po kami?”  nagsalita muli si Kalay. “Bakit? Hindi naman ako tumututol ah? Wala pa naman akong sinasabi?” Nakuha pang magbiro ni mama. “Hmmm! Mamita Jana naman! Para kasing sa ekspresyon ng mukha mo kanina, ayaw mong payagan itong si Sina na magsaya ngayong gabi ng pista,” ang depensa ni Kalay at dumukot pa ng manggang hiwa-hiwa na.         Madalas gawin ng mga tito kong pulutan ang mangga sa tuwing may session sila, ang inuman. Pamilya na rin ang dating sa amin ni Kalay. Hindi na siya nahihiya sa miyembro ng pamilya ko. “Siya nga, oh sige umalis na kayo.” Baling ni tita Edna sa akin. Ang tita ko na opposite ni tita Lita, si tita Edna naman ang first cousin ng drum dahil sa katawan niyang puwede nang gawing tangke ng tubig na de-kuryente! Charot. “Ihatid mo nang matino pa ang anak ko, ha? Malilintakan ka sa akin Kalay. Alam ko ang mga trinatrabaho mo sa buhay.” I don’t know if necessary ba na kabahan sa birong banta ni nanay kay Kalay. “Isa kang big eme, mamita! Sige na po, at baburlagow no returns na po sa inyong lahat! Enjoy-enjoy po. Chill-chill, minsan lang po sa isang taon ang pista!” Nagpaalam na kami ni Kalay. Buti naman at hindi na nagpumilit pang sumama si Vhina, kasama niya kasi ang anak nina tita Edna na si Sarah, pinsan nga namin kaya may kalaro siya. Si Espirita naman, wala rito, kasama rin ang mga kaibigan niyang tumungo sa event place, kung saan nagaganap ang mga palabas at gabing patimpalak. Tumakas lang ang babaeng iyon. Nalaman lang namin sa mga tambay na nakakita sa kaniya. “Ang saya-saya sa buong paligid ngayon no? See the lights everywhere! Ang kukulay nila! Very inspired ng community natin. Feeling ko tuloy, pride month ngayon. Pati ang mga kinang ng ilaw, nakikiisa sa pagiging kasapi natin sa komunidad.  Bongga ni kapitan for choosing the rainbow lights to represent the liveliness of the fiesta!” mahabang saad ni Kalay habang nasa daan kami. Sa totoo lang, magaganda ang mga kulay ng ilaw sa paligid. Rainbow colors, tama si Kalay na parang LGBTQIA… pride ang theme ng fiesta. Naalala ko lang ang nakita kong picture noon sa social media, iyong white house sa United States, surrounded by rainbow lights. Ang cute lang at brave rin at the same time. “We impart constant lights to the community!”  Hindi naman ako excited na pumunta sa basketboll-an at manood ng mga lalaking naglalaro roon. Mas gugustuhin ko nalang na matulog kaysa aksayin ang oras ko sa kanila. Wala naman akong mapapala, kumbaga hindi ko kasi hilig iyon kaya walang value for me. “Bravo!” Pumalakpak si Kalay na akala mo’y nanalo sa lotto na 200M ang prize. “Pero keri mo pang lagyan ng energy ang sinabi mong iyan. Pansin tuloy na hindi ka kumain ng isang araw. You are lacking of energy, girl.” Lumapit siya sa akin at sinalat ang leeg ko. “Girl, baka may sakit ka? Tell me. What’s going wrong?”  “Bakla ka!” Tinampal ko ang kamay niya. “Anong sinasabi mo?” “Eh kasi, kanina mo pa ata hindi bet na sumama sa akin, parang napilitan ka lang.” Tumabi siya dahil may tricycle na dumaan sa gilid. Sandali, galing ba sa pagtatampo ang sinabi niya? “Ay tampo ‘yarn? Baklang ito, nagtampo pa.” Mahina ko siyang hinampas sa braso niya as a sign of paglalambing sa kaniya. “Gusto ko naman, pero mas masaya sana kung nandito si Lola no?” Kakamatay lang kasi ni Lola noong nakaraang buwan. Madalas kasi ay siya ang nagpapasyal sa amin ng mga kapatid ko sa tuwing piyesta kapag hindi avaible si mama, pero ngayon hindi na kasi wala na siya, siguro siya ang source ng sadness ko ngayong gabi. “Hmmm… Sis, sa tingin mo ba happy ang grandmamita mo sa heaven kung masa-sight niya ang buwatiful apo niya na hindi mag-enjoy ngayong gabi!? Ay sis, no, no, no!!” ang siyang salita ni Kalay. May point siya. Wala lang, hindi ko lang maiwasan na hindi maging emosyonal minsan, lalo na sa tuwing maalala ko ang araw na nagtatawanan kaming dalawa sa ilalim ng punong mangga. Mabilis nang makarating kami sa court. Sumalubong sa amin ang mga palakpakan, hiyawan, tilian at iba’t-iba pang ingay galing sa mga improvised cheering equipment. “Shuta ka, sis. Ang tagal mo kasi. Ayan tuloy, nag-umpisa na ang game.” “Akala ko ba 8 pa ng gabi?” tanong ko sa kaniya. Punong-puno ng tao ang bawat parte ng court. May mga cheer dancer pa na sobrang kakapal ng make-up at iikli ng shorts sa gilid ng benches. “Kaya nga. Ayon ang sabi nila. Ang aga naman nilang nag-start. 7:30 PM pa lang kaya.  Siguro, para hindi masabay sa ibang palabas no?”             “Probably?” “Tara na nga sa unahan.” Hinatak ako ni Kalay at nakisingit kami sa mga tao para makapunta sa harapan. “Excuse us, people!” Magaling maki-singit ang kaibigan kong ito. Hasang-hasa siya pagdating sa mga singitan na role sa buhay. “Omg!!! Ang gu-guwapo nila!” Hindi mapigilang manginig sa kilig ni Kalay nang makita ang players sa malapitan. “Number 5, Alonzo for three points!” saad ng announcer. Naghiyawan ang mga tao, kasama na ang mga cheerleaders na nakatayo sa benches. “Si Xian iyon, bakla. Ang galing niyo no!?” Sa totoo lang, ngayon ko lang mapapanood si Xian na nagba-basketball. Sa tingin ko naman, mahusay siya dahil kararating pa lang namin, nakakuha na agad siya ng three points. “Go-go, fafa Xian at fafa William! Fight the ill opponents!” sigaw ni Kalay. Nakahihiya naman siyang kasama. Ang cheerful niya kaya sounds threatening sa iba. Baka mamaya, marinig siya ni Kap, ipadampot nalang siya sa mga tanod. Joke. “Sino si William?” “Hindi mo siya kilala?” tumango ako. “Pinsan siya ni Xian. Galing din sa Manila. Buti nga nakaabot pa siya sa paglalaro. Alam mo ba nagkakausap kami niyan.” Aba, nagkuwento pa talaga siya? Iba talaga ang kaibigan kong ito. Marami siyang kakilalang lalaki. Samanlatang ako, nakikita ko lang ang iba sa daan pero hindi ko alam ang pangalan nila kahit iisa lang ang baryo namin. “Ngayon ko lang siya nakita. May itsura rin.” “Super! Teka lang, ano kaya ang scores?” Tinignan niya ang score board sa gilid kaya naiwan akong mag-isa sa kinatatayuan ko. Wala naman akong malay rito kaya tamang linga-linga lang ako sa paligid. “Lamang ng 3 points ang kabili shuta,” medyo inis na saad ni kalay nang makabalik siya. “Masyado mo namang dinidibdib ang laro bakla. It’s just a sport at wala ka namang makukuha if ever na manalo ang team na gusto mo,” ang sagot ko sa kaniya. “Sis, may satisfaction kasi siyang dulot sa akin, super sasaya ako kapag nanalo sila!” ang paliwanag niya. “Go fafa Xian, shoot the ball please!” Hiyaw pa nito. Si Xian kasi ang kasalukuyang may hawak ang bola at pa-shoot na siya.  Magaling nga siya, na-shoot ang bola. “Ayan 1-point nalang ang lamang. Kaya pa iyan. Push lang! Go-team!” Nagtatatalon na wika ni Kalay habang pumapalakpak pa. Nadako ang tingin ni Xian sa puwesto namin, nakita niya kami at napangiti siya. Hindi ako sigurado kung para sa amin ba ang ngiting ginuhit niya sa labi o para sa mga taong nasa likuran namin.  Ang guwapo ni Xian. Hindi ko maitatanggi.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD