Vince
“VINCE, umandar na naman ang pagiging sadista mo!? Don’t tell me, ginawa mo na naman kay Sina ang ginawa mo sa ibang girls you met before?” salita ni Nicole sa akin. We’re here on the rooftop of the old building, and she keeps on asking about what happened to me, and Sina.
“I can’t control myself, Nicole! I badly wanted to feel his body in mine!”
“F*ck you! You're back into your old habits! You lost our friend!” Napasipa siya.
“I love Sina, but he’s gay, I don’t respect him. I thought he’d like what I wanted him to do.”
“He’s different from others. Can’t you see it? Ngayon mahirap na siyang kausapin muli. Mag-ingat ka dahil parating umaaligid sa kaniya si Steffi. The cousin of the girl you killed before.” She walked away and left me alone sitting at the stone chair.
Nicole and I are close friends since high school. We are second cousins and lived in the same compound. Wala akong kababatang lalaki no’n kaya siya ang naging close ko. She knows me better than anyone. Hindi alam ni Sina na magpinsan kami.
I texted Steffi to go up here because I witness her, talking with Sina earlier. Masama ang duda ko sa babaeng iyon. Baka magsalita siya, I waited here for minutes, and she arrived.
“What you want from me!?” ang tanong nito mula sa likuran ko. Humarap ako sa kaniya at bakas ang pagkamuhi sa kaniyang mukha.
“Hindi ka talaga titigil na pag-alagad kay Sina no!?” Hinatak ko siya at sinandal sa pader.
“He needed to know what he needs to know!” matapang niyang sagot sa akin na ikinarindi ng tainga ko. I slapped her in the face and I don’t care if what I did will leave marks.
“Don’t you ever tell him the truth in me or else be ready to say in hell!” Hinatak ko siya at pinasok sa isang vacant room. Hinagis ko siya sa isang sulok at sinarado ang pintuan.
“Hubad!” matigas kong utos sa kaniya. She needed a f**k to clarify what’s in her head. Hindi siya makakatanggi sa akin because she knows what I can do. “I’ll do the same thing to you if you did not let me in!” Ginawa niya ang pinag-uutos ko.
“F*ck! You are earthly hot!” I finally see her alluring body again. I can’t help myself but use her body for c*m release.
“Keep your mouth in silence mode.”
Sina Simeon
“MAGANDANG gabi po, lola Apo.” Bungad ko sa lola ni Kalay nang makapasok ako ng kubo nila. Nagtungo ako rito ngayon dahil kailangan ko na mapagsasabihan ng nalaman ko kanina. Kailangan bukod sa aki, may ibang maka-alam nito.
“Oh Sina, apo ikaw pala iyan, Ngayon ka lang ulit napadalaw sa bahay?” Napangiti siya nang makita ako. Inabot ko ang kamay nito at nilapat ko sa noo ko.
“Kaawaan ka ng Diyos.”
“Si Anastacia po lola?” Malakas ang pagsasalita ko. Ang tawag kay Kalay sa bahay ay Anastacia. Ayon kay Kalay ay humina na raw ang pandinig ni lola Apo.
“Nasa likod, ngayon pa lang nagsasaing. Kumusta ka na? Bakit ngayon ka lang ulit nagawi rito?”
“Ngayon lang po kasi ako nabakante sa pag-aaral, lola. Kayo po, kumusta na?” tanong ko. Pansin ko ang lumang tumba-tumbang sinasakyan niya, delikado na at baka mabanggal na ang mga kahoy, pero puwede pa at napagtatiyagaan.
“Ito, matanda na. Hinihintay ko nalang mag-asawa ang kaibigan mo para mabigyan ako ng apo na galing sa kaniya bago manlang ako kuhain ng panginoon. Eh kaso, mukhang napakalabong mangyari iyon. Pasensya nga pala kung hindi ako nakadalaw sa burol ni Azusulayta. Mahina na kasi ang kasukasuhan ng lola mo- hindi nakakapaglakad ng malayo,” mahabang paliwanag ni lola sa akin.
“Lola, keri lang po iyon. Palakas pa po kayo ng katawan. ‘Di ba po at walang imposible sa mundo? Malay po natin, isang araw mabuntis si Kalay.” Humagikgik siya ng tawa sa sinabi ko.
“Ikaw talaga! Manang-mana ka sa apo ng pagbibiro.” Hinampas pa ako nito sa braso ko. Tama po kayo lola, siya nga po ang nagturo sa akin ng mga ganiyang salitaan.
“Lola, puntahan ko po muna si Kalay sa likod.” Paalam ko at tumango naman siya. Nang makarating ako roon, nakita ko ang kaibigan ko naggagatong ng kahoy.
“Kalay!” Hinawakan ko ang braso niya.
“Pusang naglalandi sa gabi!” Sa tindi ng gulat nito, nahampas niya ang kahoy na ipanggagatong niya.
“Bakla ka!” Nag-iwan ng maliit na pasa sa balat ko ang ginawa niya ngunit hindi naman ako nakaramdam ng pagkirot.
“Ano ba kasing giangawa mo riyan? At bakit nandito ka sa bahay namin? Paanong nakapasok ka sa mansyon? Kanino mo nakuha ang sampung susi ng limang gate namin!? Bakit hindi ka natanaw ng mga bantay naming werewolf…”
“Mag-saing ka na. May iku-kuwento ako sa iyo.” Tumalikod ako sa kaniya at naupo sa kahoy na nakakabit sa kubo nila.
“Okay. Mukhang seryoso iyanm ha?” Muli niyang pinagpatuloy ang kasalukuyang ginagawa. Pinanood ko lang siya hanggang sa matapos siya at naupo sa tabi ko.
Nagulat siya nang biglang tumulo ang mga luha ko sa mga mata.
“Ano bang nangyari, Sina?” nag-aalala niyang tanong.
“Nawalan na ako ng tita, nawalan pa ako ng kaibigan, at baka kinabukasan ay mawalan na rin ako ng trabaho…” saad ko habang patuloy na rumaragasa ang daluyong ng luha na nagmumula sa lagusan ng aking mata.
“Ha? Paano? Ang alam ko, tita lang ang nawala sa iyo? Hindi naman kita iiwanan bakla ka. Hindi ka mawawalan ng kaibigan.
“Hindi naman ikaw ang tinutukoy ko. Ayos lang sa akin kahit iwanan mo ako. Hindi ako iiyak ng gan…” Pinutol niya ang sasabihin ko.
“Sige, itutuloy mo iyan o gagawin kitang panggatong sa sinaing?” banta niya.
“Ito na nga kasi.” Huminga ako ng malalim. “Kilala mo ba si Vince? Iyong may bigay ng mga chocolates na binigay ko sa iyo no’n at ng panyo na ginamit ko noong burol ni tita?”
“Ah… oo. Kilala ko ang name pero hindi ko pa siya nakikita. Ano bang itsura no’n? Mas guwapo ba siya kaysa kay fafa Xian?”
“Ewan… pero bakla. Pamangkin siya ni Donya, nito ko lang nalaman.” Lumunok ako ng laway bago ulit magsalita. “Muntik na niya akong pagsamantalahan kagaya ng muntik ng gawin sa akin ni Kapitan.”
“Paano?” Napabalikwas ako ng hinawakan niya ang notrelya ko. “Wala ka pang kipay bakla? Sure ka ba riyan? Alam kong maganda ka pero baka pagod ka lang din…” Hindi ko na siya pinatapos sa kuro-kuro niya.
“Hindi ako pupunta rito sa inyo at dadalawin ka kung hindi totoo ang sinasabi ko.”
“Pati si Kapitan?” Tumango ako at tumingin sa kawalan. “Tang-ina niya pala! Kailan iyon, Sina?” Napakalas ang boses niya pero agad niya iyong hininaan dahil baka marinig ni lola.
“Matagal na. Hindi ko lang sinasabi kahit kanino pero sumabog na ako. Hindi na maganda ang nangyayari sa paligid ko, Kalay. Kailangan mo itong malaman. Hindi mapagkakatiwalaan si kapit…”
“Alam ko Sina.” Tumingin ako sa kaniya at naghintay ng mga sunod niyang sasabihin. “Nagtaka na ako noong nasira ang palayan niyo. Hindi manlang siya nagpa-imbestiga at agad kayong binigyan ng tulong. Nakapagtataka lang dahil sa ginawa niyang iyon, parang may ikukubli siyang ayaw mabunyag ng mga tao.”
Napaisip ako sa sinabi ni Kalay. May punto siya. ‘Anong lagim kaya ang tinago ni Kapitan?’
“Tama ka. Hindi ko na naisip ang bagay na iyon. Ang inisip ko nalang ay tulong no’n kaya hindi ko na pinaglaro pa ang isipan ko sa iba’t-ibang haka-haka.”
“Oh, ano namang sitwasyon niyo ni Vince? Paanong hindi niya natuloy ang binabalak niya sa iyo?”
“Dumating ang feeling amo na si Carmen. Pinagbintangan pa nga niya na ako raw ang balak gumahasa kay Vince. Hindi niya man sinabi pero alam kong sa ginawa niya sa akin, nais niyang ipahiwatig na lahat ng bakla, hayok sa laman ng lalaki.”
“Hayop na babaeng iyan. Hindi pa nagkakasalubong ang landas namin kaya hindi ko pa siya natuturuan ng leksyon.” Tumingin siya sa akin. “Bakit ayaw mong sabihin kay mamita Jana ang lahat ng ito?”
Huminga ako ng lalim. “Ayokong mag-aalala pa sila. Sari-saring problema na ang dumaraan sa buhay namin. Ayaw ko nang dumagdag pa. Kaya ako sa iyo nagsabi dahil alam kong mapagkakatiwalaan kita.” Bigla akong niyakap ni Kalay at napaluha siya.
“Pangako mami kong fresh. Kahit anong mangyari ay hindi kita iiwan. Talikuran ka man ng mundo, parati pa rin akong nakaharap sa iyo.”
Humiwalay ako sa pagkakayakap niya. “We? Kahit…”
“Kahit wala akong hinaharap? Oo! Oh ano happy ka na?” saad niya at nagtawanan kaming dalawa na para bang kay gaan ng buhay at walang pinapasan na kahit maliit na katiting na dakog ng buhay.
Nagpaalam na ako sa kanila na uuwi na. Habang naglalakad ako sa ginta ng madilim na daan, may biglang humatak ng kamay ko at sinandal ako sa puno.
“Kausapin mo ako Sina.” Madalim ang paligid kaya hindi ko mamukhaan kung sino siya ngunit nang maranig ko ang boses niya. Biglang kumulo ang dugo ko. Nakaramdam din ng kaunting kaba.
“Ano naman ang kailangan mo sa akin, Vince!?”