Sina Simeon
HINABLOT ko si Steffi nang makita ko siyang nadaan sa Hallway. Maaga akong pumasok ngayon kahit mamaya pa ang klase namin dahil may gusto akong itanong sa kaniya. Siya lang ang makatutulong sa akin upang malaman ang tunay na katauhan ni Vince. Base sa pagpapalayo niya sa akin, mukhang marami siyang tinatagong impormasyon sa lalaking iyon.
Sa lakas ng pagkakahablot ko, tumama siya sa bintana. Hindi ko naman iyon sinasadya.
“Aray! Put-!” Tinakpan ko ang bibig niya upang hindi niya matuloy ang gagawin niyang pagsigaw. Baka may makarinig sa amin. Isipin pa kung ano ang ginagawa namin sa isang sulok.
“Huwag kang maingay, may itatanong ako sa iyo.” Nahimasmasan naman siya nang makita kung sino ang humablot sa kaniya. Tinanggal ko na kamay ko sa bibig niya para makapagsalita na siya ng maayos.
“Ikaw lang pala iyan. Don't touch my mouth! Allergy ako sa mga kamay na katulad ng sa iyo,” salita nito sa akin. Wala akong oras para makipag-asarang bata sa kaniya. Marami pa akong bagay na kailangang gawin ngayon.
“Bakit mo ‘ko pinapalayo kay Vince? Gusto kong malaman ang dahilan!” diretso kong tanong sa kaniya. Time is the most essential asset of human, hindi dapat ito inaaksaya.
Tumikhim siya at ngumisi. “Ano ang dahilan kung bakit gusto mong malaman? Balak mo na ba siyang layuan?”
May alam nga ang isang ito. “Oo.”
Napangiti siya sa narinig na sagot ko. “Sigurado akong umandar na naman ang pagiging agresibo niya.”
“Anong agresibo?” Kunwari ay wala akong alam sa salitang ito. Naging agresibo nga siya kahapon. Tama lang naikubli muna ito upang makakuha ako ng mas maraming impormasyon.
“Meet me sa labas ng gate mamayang hapon, exactly 3 PM. May klase pa ako ngayon. Sasabihin ko sa iyo ang lahat ng dapat mong malaman.”
Natriga ako sa hinayag niya. Tama lang ang oras, wala akong klase no’n.
SUMAPIT ang oras ng klase, nag-present ako ng on the spot presentation. Nilibot ko ang paningin sa buong klase ngunit, isa lamang ang iniiwisan nito. Nagkapag-present ako ng mahusay dahil pamilyar na ang topic na na-assign sa akin. Sakto, nang matapos ang klase ay Lunch break na. Laking pagtataka ni Nicole nang hindi kami nagpapansinan ni Vince.
“Sina, anong problema niyo ni Vince? May misunderstanding ba kayo? Don't you like the ways of him courting you?” Sunod na sunod na tanong nito.
“Pagod lang ako, Nicole,” sagot ko, at pinagpatuloy ang paglalakad. Nasa hulihan namin si Vince. Mabilis ang hakbang ng mga paa ko, ayaw kong makisabay sa kaniya. Malalamutak ko lang ang pisngi niya, sa sobrang kaasaran.
“Sina, I am very sorry. I know I forced you, but I am begging for forgiveness right now.” Nanlaki ang dalawang talukap ng mata ko nang lumuhod si Vince sa harapan ko.
“Ay! Ganda ng lola niyo oh!”
“Sila ba, beh?”
“Bromance is lifer na talaga!”
“Ayie, love really conquers all!”
Mga kantiyaw ng mga students sa paligid.
Nag-iwas ako sa kaniya at dumaan sa gilid nito. Wala akong pake kung ano isipin ng mga tao sa paligid pati na si Nicole. Muntik na akong babuyin at masira ang pagkatao ko. Dumiretso ako sa lugar kung saan tahimik, at pinagbabawal ang pag-ingay, sa Library. Tamang-tama, duty ko ngayon.
Lumapat ang pang-upo ko sa malambot na upuan, at matapos ay bumagsak ang mga luha kong kanina pa kinikipkip. Upang walang makita sa aking nga estudyante ay tumalikod ako at humarap sa pader.
May narinig akong tumikhim, si Sir Edz iyon at wala nang iba. Naramdaman ko ang isang kamay niya na lumapat sa aking braso, at banyagang hinimas iyon.
“I know, you're hurting, just keep the tears flowing in your eyes. That’s the most recommended way to feel better again.”
It's the comfort I needed to hear right now. I made a better decision for choosing to be here. Buti nalang at hindi sumunod ang dalawa kong kaibigan.
“Don't mind your shift right now, prioritize your emotional health.”
I know that my feelings are easing through his words. I have highest respect for Vince kaya nagkakaganito ako ng pag-iyak. But, I have received a broken promise that gave me a lifelong emotional injury.
“What happened to your family is still fresh in you. Nag-break down ka na. Ramdam ko na patuloy ka pa ring lumalaban pero, minsan, kailangan mo ring magpahinga upang kumuha muli ng eherniya para lumaban muli.”
May estudyanteng pumasok ng room, wala rito ang kasabay kong mag-shift, kaya si sir na ang nag-entertain sa mga ito.
“What happened to him, sir?”
“Siya ba ang namatayan ng tita?”
“Don't speak too much. Please observe silence.” Pagsuway ni sir sa mga students who have forgotten the value of minding their own businesses.
Matapos ang ilang minutong pag-iyak, I wipped all my tears that came out of my sorrowed eyes. I composed myself, I needed to work.
“Thank you, sir.”
UMABOT ang oras ng alas-tres ng hapon. Kailangan kong pumunta sa labas ng gate dahil may pinag-usapan kami ni Steffi. Umupo ako sa waiting area upang mas madali ko siyang makita if ever na lalabas siya ng gate. Hindi karamihan ang mga estudyanteng lumalabas at pasok dahil it's normal time for the class hour of other students. Malamig ang klima ngayon. Kanina pa hindi makapali ang puwet ko.
Maya-maya lang ay dumating si Steffi. Hindi naman ako nabigo at tumupad siya sa sinabi niya sa akin. Nakita ko agad ang pasa sa mukha niya.
“Anong nangyari riyan!?” ang tanong ko sa kaniya. Hindi niya ako sinagot at hinila lang ang kamay ko. Anong nangyari sa mukha ng babaeng ito? Kaninang umaga naman ay hindi ko naman iyon napansin.
Patuloy lang ang pagtihak niya sa kamay ko hanggang sa marating namin ang malapit na coffee shop sa labas ng university. Pumasok kami roon, naghanap siya ng malayong upuan at doon kami naupo.
“Umorder ka muna ng cold coffee. May treat, para maging handa ka sa mga sasabihin ko sa iyo,” seryosong saad niya. Lumapit sa amin ang waiter at pumili ako pinakamurang kape. Ililibre lang ako ni steffi, huwag nang mamili ng mahal- one of the etiquettes when someone is treating you. Huwag maging abusado. Siya naman, hot chocolate coffee ang pinili.
“Anong nangyari sa pasa mo sa mukha?” Sinimulan ko na ang usapan. Nakaupo kami sa walang ganoong katabi, ligtas upang walang makarinig nang gagawin naming pag-uusap. Mahirap na, sa panahon ngayon, kailangan na talaga ng matinding pag-iingat.
“I just have used by Vince sa CR ng college namin. Sa fifth floor, tila siya na ang may ari no'n…”
“Anong ginawa niya?”
“He made me as his s*x slave.”
Pinigil ko ang sarili ko na mapura dahil sa rebelasyon niya. Paanong nagagawa ni Vince ang mga ganitong bagay!? Wala siyang respeto sa mga babae. Totoo talaga, looks can be deceiving. Nagkamali ako ng pagkakalilala sa taong iyon. Muntik pang malagay sa alanganin ang buhay ko.
“He's a sadist and manipulative. Gusto niya parating na pagbibigyan sa s*x. Kapag tumanggi ka sa kaniya, mapipilitan ka niyang saktan. Wala siyang paki-alam kahit magmaka-awa ka pa. Para siyang bingi na walang naririnig sa bawat pagdaing mo.”
Hinayaan ko siya na magpatuloy sa pagku-kwento, nakikinig lang ako. Gan’yan na gan’yan ang naranasan ko sa kaniya kahapon sa mansyon. Nakakadiri. Hindi lang pala ako ang biktima niya. Si Steffi rin, mayroon pa kayang iba?
“Matindi ang galit ko sa lalaking iyon. Pero suntok sa buwan para maganti. Hindi lang ako ang nagawan niya ng kawalanghiyaan. Pati na ang pinsan ko na pinatay niya...” Bumagsak ang mga maninipis na butil ng luha sa kaniyang mga mata. Ang babaeng kanina ay kung umasta ay siga-siga, ngayon ay tila isang papel na tiniklop at malambot na kandilang naglalabas ng luha.
“Lumaban ang cousin ko sa kaniya kaya napilitan siyang patayin ni Vince, kitang-kita ko ang nangyari...”
“Bakit hindi siya nakulong?” ang pagsingit ko.
“Walang mamaniwala sa akin. Mayaman sina Vince, makapangyarihan at walang kaming binatbat na mga normal na tao lang pagdating sa katayuang mayroon sila. Kaya ako nag-aaral ng pagpupulis ngayon, hindi man pumabor sa amin ang batas. Kapag nagkaroon ako ng lisensya ay ako mismo ang maglalagay ng batas sa mga kamay ko,” huminto siya. “Ipaghihinganti ko ang sarili ko, at pamilya ko.”
Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko ngayon pero alam ko na makatotohanan ang mga ito at nararapat na paniwalaan. Mamumura mo nalang talaga ang batas dahil sa may pinipili ito. Laws are created for the people, not for the certain people.
“Naalala ko pa no’n, huling bagay na binigay niya sa pansin ko ay panyo. Simula no’n puro pag-iyak nalang ang ginawa ng pinsan ko sa piling niya. Tinakot siya kaya hindi nakapagsalita. Tayong mahihirap ay walang boses sa batas.”
Binalot ako ng takot nang banggitin niya ang salitang ‘Panyo’. Binigyan din ako ni Vinceng panyo. Simula nga nang araw na iyon, gula-gulatay na ang gulayan namin, at pumanaw si tita. Sana ay hindi ko nalang tinanggap ang kahong inabot niya. May sumpa pala itong kaakibat.
“Ano bang ginawa niya sa iyo?” ang tanong nito.
Hinanda ko ang sarili ko sa mga rebelasyong ibubunyag ko sa kaniya ngayon mismo.
“Alam ko, maaari itong maging katawa-tawa sa iba pero muntik na niya rin akong galawin, mabuti nalang at hindi niya naituloy dahil dumating ang katulong nila.”
Siya lang ang taong makapagsasabihan ko tungkol dito. Ang taong pakikinggan ako nang walang halong panghuhusga dahil nauna niyang naranasan kung ano ang dapat na mararanasan ko sa araw na iyon.
“Expected ko na na mangyayari sa iyo iyan. Dahil gan’yan na gan’yan din ang ginawa niya sa pinsan ko. Sa una, akala mong maamung puta kung maglambing, halos abutin ang bituwin mapaibig ka lang pero kapag bumigay ka na, paalam sa iyo dahil wala ka nang kawala sa patibong na hinain niya. Kaya binalaan kita nang makita kong nag-iiba na ang pagtrato sa iyo ng walang hiyang lalaking iyon. Parati akong nakasubaybay sa inyo dahil ayaw ko nang maulit ang nangyari sa pinsan ko.” Tumunga siya ng kape. Ngayon ay nahimas-masmasan na siyang muli.
Kriminal si Vince. Mabuti nalang at hindi ako bumigay sa kaniya. At hanggang maaga ay kinausap ko si Steffi.
Nakita kong kumaway siya sa waiter. Naglabas siya ng three hundred pesos at inipit iyon sa puting lalagyan kasama ng resibo.
“Ayaw kitang pangunahan, Sina. pero huwag ka ring magtitiwala sa kaibigan mong si Nicole. Ilap ako sa babaeng iyan at alam kong may tinatago rin siyang sikreto. Kailangan ko nang umalis. Kung may kailangan ka, tawagan mo ako sa number ko. Mag-iingat ka.” Nagbaba siya ng calling card sa table bago tumalikod sa akin.