Kabanata XXI: Cute

1719 Words
Sina Simeon             “TINANGGAP mo pala ang imbitasyon ng anak ko na matulog dito at tulungan siya sa gawain sa paraalan.” Lumapit sa amin si Kapitan nang nakangiti.             Hindi ko alam na alam pala ni Kapitan na rito ako matutulog. Ang buong akala ko, sariling desisyon ito ni Xian at hindi na pinaalam pa sa ama niya. Fake news ang sinabi sa akin ni Xian na nasa seminar raw si Kapitan. Kung alam ko lang na uuwi rin si kapitan ngayong gabi. Hindi na talaga ako tumuloy pa. Gagawa ako nang maraming dahilan huwag lang makapag-overnight. Maling-mali ang naging desisyon ko. Pipilitin kong kumalma kahit may takot. Lolokohin ko nalang ang sarili ko na nabura na sa isip ni Kapitan ang ginawa niya noong nakaraan.             “Yes, dad. He’s all hands to help me,” nakangiting sagot ni Xian sa ama. Nang makalapit si Kapitan sa amin ay nag-mano si Xian. Bilang paggalang, kinubli ko ang panginginig ng kamay ko at inabot na rin ang kamay na humaplos sa katawan ko. Kamay na punong-puno ng mga makamundong pagnanasa. Nang matapos kaming magbigay galang, pinasok niya ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng kaniyang suot na pantalon.             “Ma-magandang gabi po,” bati ko rito. Hindi man ako komportable. Ayokong sumira ng gabi dahil nakita ko ang nangungusap na tingin sa akin ni Kapitan.             “Magandang gabi rin, Sina. It seems that something is bothering you. Kalma lang. I witnessed your position and ayos lang iyon. Alam ko namang nag-aasaran lang kayo katulad ng mga ginagawa niyo during your childhood days,” mahabang hayag nito.             ‘That’s not my source of being uncomfortable this moment.’             “Sorry, dad. You know naman, I don’t eat these gulays.” Tinuro ni Xian ang talong sa lamesa. “But since this is the punishment, I also want him to see what punishment I could give him,” nakangisi pa nitong dagdag.             Nahiya tuloy ako bigla sa sinabi ni Xian. Napayuko ako. Nakikinig sa kanila habang nakatayo sa gilid.             “You indeed are my son!” Tinapik ni Kapitan ang anak sa braso nito.             ‘Yeah. That’s very easy to notice because of their physical features. Also, due to that same ‘thingy’ stuff, u know.’  Kahit ako tuloy na hindi parating gumagamit ng hiram na salita ay napapa-English na rin dahil sa pag-uusap ng mag-ama. “I thought may Seminar po kayo?” tanong ni Xian. Napansin ni kapitan ang mga gadgets na nakabukas sa mesa. May patunay na nagbabalik-aral talaga kami.             “Cancelled. Sa ibang araw nalang itutuloy. Nagkaroon ng sudden emergency ang guest speaker,” paliwanag ni kapitan. Mukha siyang disente sa suot niyang formal attire. Kagalang-galang. May powerful na aura.             ‘Bad timing. Ano kaya ang nangyari sa guest speaker? Imbyerna!’ I know God has purpose kung bakit ako nandito. “Teach my son well,” saad sa akin ni Kapitan bago siya tuluyang umalis sa kinatatayuan namin ngayon. “And you, Xian, be gentle to him.”             “Ah sige po,” sang-ayon ko nang makaalis na siya.             “No, dad. I won’t make a promise.”   Hard-headed talaga siya.             “Ipapadala ko na ang dinner niyo kay Yala,” saad pa ni Kapitan. Naramdaman ko ang pagiging maalaga niya sa anak. Sweet siya at kapag nagkakaroon ng kaunting oras, pinaparamdam niya kay Xian ang pagmamahal niya. Simula ngayon, balak ko nang kalimutan ang ginawa sa akin ni Kapitan. Isa pa, hindi naman na nasundan iyon. Nabigla lang siguro siya. “Ikaw kasi! Nakita pa ng daddy mo ang trip mo sa akin.” Baling ko kay Xian. Umupo akong muli upang ipagpatuloy ang pagre-review. Sumunod naman siya at naupo rin. “Don’t worry. May-ipapakita rin ako sa iyo mamaya,” bulong nito. Naramdaman ko na naman ang init ng hininga niya. “Okay. Ready na akong makita kung ano man ang ipapakita mo mamaya. But please, kainin mo na ang punishment. Hindi ko pa ito nakalilimutan!” Nawala ang saya sa mukha niya nang maalala ko ang talong na hindi niya pa nakakain. “Pass!” Tumayo siya. “Saan ka pupunta?” tanong ko sa kaniya. Hindi ako sinagot nito bagkus ay bila nalang lumusong sa pool na nasa gilid. ‘Para siyang batang pasaway! Hirap disiplinahin!’ “Hoy, hindi pa tayo tapos! May gagawin din ako!” Sigaw ko pa sa kaniya sa inis. May trabaho pa ako sa masyon bukas. May pasok din sa school. Akala niya, wala na akong ibang obligasyon sa mundo, jusko. “Naku, bawal ang maingay rito.” Nagulat ako sa nagsalita sa gilid ko. Nilingon ko kung sino siya at nakita ko si manang Yala. May bitbit siyang isang tray, may lamang hapunan at binaba iyon sa bakanteng lamesa malapit sa kinauupuan ko. “Mag-hapunan na kayo.” “Ay, sorry po manang Yala. Nakulitan lang po ako sa alaga niyo.” Tinuro ko si Xian. “Kita niyo po, hindi pa kami tapos sa ginagawa namin, lumusong na agad sa pool. Hindi po ba’t kagagaling lang niyan sa trangkaso?” “Mukhang papalitan mo na si ate Yala sa pag-aalala sa akin ah!” pagsingit na sigaw ni Xian. Nakita ko ate Yala na nakangiti sa akin. Nakahawak pa siya dibdib niya na tila kinikilig. “Nakatataba ng puso.” Akala ko ay maiiyak pa ito. “Kung mawala man ako. Alam kong may mag-aalaga na sa alaga ko.” ‘Hala. Baka akala ni manang yala ay papasok ako bilang katulong nila someday?’ Umahon si Xian mula sa Pool. Tiniggan kung ano ang pagkaing dala ng kasambahay. “Wala po akong balak na pumasok na katulong para lang alagaan ang paiba-ibang isip na taong si Xian,” hayag ko. Lumapit ako sa kanila. May karapatan din naman siguro akong kumain ng hapunan no? “Nay Yala, ang gusto kasi ni Sina ay hindi katulong…. Kung hindi” Napatingin ako sa kaniya at hinihintay kung ano ang kalokohang sasabihin niya. “Kabiyak ng puso ko!” sabi niya habang binabalatan ang sugpong hawak niya. “Ang kapal mo, huy!” sabi ko. “Mas maganda na maging magkabiyak kayo. Basta’t huwag mo lang bibiyakin ang puso ng alaga ko.” Tumikhim siya at tinignan ako sa dalawang mata ko. “Magkakaalaman tayo.” Umalis na siya nang hindi na kami niligon pa. ‘Ang strikto pala ni manang Yala pagdating kay Xian. Nakakakaba.’             “Oh, bakit natahimik ka?” tanong ni Xian. “Try mo kayang kumain, ang sarap ng sea foods!”             “Wala, ang sweet lang kasi sa iyo ni manang no?” sagot ko. Nagliwanag ang mga mata ko nang masulpayan ang piging. “Grabe! Ang sasarap!”             “Chill, it’s mukbang! Maalaga talaga si ate Yala. Noong pumunta ka rito kaya hindi mo siya nakita, namalengke ata siya no’n.”             Ah… kaya pala parang na-iisa lang siya sa bahay bukod sa isa pang katulong at kay manong Amar.             “Ano nga pala ang mukbang?” tanong ko sa kaniya. Ngayon ko lang narinig ang salitang iyon.             “Hindi mo alam?” gulat nitong tanong. Umiling ako.  “Okay. Iyong mukbang, sikat ‘yan sa internet, you’ll eat different varieties of foods and you have to film or mag-live sa social media,” ang paliwanag niya.             “Ah... so mag-video pa tayo ganoon?” Inosenteng tanong ko. Malay ko ba kasi sa mukhang ba iyan.             “Nope! I am not into cameras,” wika niya. “Kain na!”             Nag-umpisa na kaming kumain. Marami pa kaming kailangan na tapusin.               MATAPOS ang masarap na pagkain. Naghubad si Xian nang suot niyang pang-itaas. Upang hindi siya malamigan, mayroong tuwalyang nakasabit ngayon sa katawan niya. Nagpagawa rin siya ng hot drink kay manang Yala para mabuhay muli ang dugo niya sa pag-aaral.             “Ayaw mo pa talagang magbihis?” tanong ko rito. Medyo naiilang kasi ako sa kaniya. Ang puti ng katawan niya at ang kinis pa. Hindi sobrang kalakihan pero fit at hot kumbaga, hindi na akong magsisinungaling. Kung nandito lang kaibigan kong si Kalay, baka naihi na iyon kapag nakita ang hubad na katawan ni Xian.             “Bakit? Pangit ba ang katawan ko?” Sinuri pa nito ang sariling pangangatawan. Nagtatanong kung may mali ba sa physical features niya dahil sa pinagbibihis ko siya.             “Hindi naman.” Nag-iwas ako ng tingin sa katawan niya at muli nag-seryso sa aming ginagawa. Back to review routine na naman pero inalis ko na ang punishment kapag nagkamali sya dahil inaasar ako nito. Puro arasan lang ang mangyayari. Ako rin naman ang talo. Baka mamaya, masagad ko pa ang pasensya niya sa pamimilit ko. Masapak pa niya ako. Ang sakit at hapdi siguro no’n.             “Pasensya nga pala kanina kay tita, ha? Huwag kang mag-aalala, wala akong nanakawin ni isang bagay sa inyo ultimo akalibok,” hayag ko at natawa naman siya. Nagkaroon muna kami ng five minutes break para ma-fresh ulit ang utak. Hindi rin naman kasi effective ang sobrang tuktok. Kailangan din mag-break kahit 5 minutes but be reminded to avoid some external distractors.             “Nothing to worry about that. Alam ko namang hindi ka ganoon. Iba lang ang ninanakaw mo.” Napatingin ako sa huli niyang linya.             “Hoy wala ah, promise. Kahit hubaran mo pa ako ng lahat ng suot ko bukas bago ako umuwi para lang ma-secure niyo na wala akong inipit sa katawan o pinamulsa na mga gamit dito sa bahay niyo.”  Ayokong mag-isip siya ng masama sa akin.             Mahina siyang natawa sa sinabi ko. “Anong nakakatawa roon? Sinasabi ko lang ang mga possible ways to ensure my integrity.”               “Okay. I’ll undress you tonight ‘till tomorrow.” Nakangisi nitong saad. Doon lang pumasok sa akin ang mga kalutangan kong sinabi.             Napasampal nalang ako sa kahibangan. Sinabi ko pa talaga ang ‘integrity’ tapos, willing magpahubad! Arg! Ano iyon, Sina?             “Ang cute mo.” Tinanggal niya ang kamay ko sa pisngi ko. Pinagmasdan niya ang kabuan ng mukha ko. Hindi ko alam, ngunit hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya. Sa pagkakataong ito, nagkaroon ako ng chance na masuri ng mas malapit ang mukha niya. Ang tangos ng ilong niya. May pinong kilay na akma lang sa hugis ng kaniyang mukha. May nangungusap na kayumangging mata. Higit sa lahat, ang pula ng labi niya.             “Ikaw rin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD