Kabanata XXII: I Like You

1721 Words
Sina Simeon             MAKAGALING kina Xian, maaga akong umuwi sa amin upang gumayak dahil papasok pa ako ng school ngayon. Kung alam niyo lang kung gaano kasarap matulog sa kanila. May aircon, parang namamahay pa nga ang katawan ko, pero kailangan kong gumising ng maaga, matapos ay ginising ko na rin siya dahil ngayon ang finals nila sa ibang subject. Hanggang tanghali lang ang schedule ko ngayon kaya’t matapos nito ay sunod naman akong pupunta sa Mansyon upang magtrabaho. Ganito na talaga ang araw-araw na buhay, sanay na sanay na ang katawang lupa ko sa ganitong sitwasyon.             “During my first five years of practice being a lawyer. I received a case with whom I needed to fight for the rights of ordinary people to high-profile individuals with notorious lawyers, but, I won and am still here, sharing one of my great experiences about legal practice,” pagku-kwento ni Atty Perciles sa buong klase.             Tahimik ang kabuuan ng apat na sulok ng kuwadradong silid. Ang buong atensyon ay nakatutok sa gurong nagbabahagi ng kaniyang kaalaman na nanggaling mismo sa kaniyang karanasan.             “I know most of you wanted to pursue law after finishing this course. One thing that I could advise is always to take action of what is MAKATARUNGAN at kung ano ang KAILANGAN.”                        Dama ko ang salitang tapang at paninindigan sa bawat pagbikas ni Atty. Perciles ng mga salita niya. Nagtatagalay sa mga linya ang pusong handang ipagtagol ang mga nasa laylayan na inaapi ng mga nakatataas sa lipunan.             I really still don’t know ‘till today if I’ll pursue Law after finishing this course. Magastos ang pag-aral ng pag-aabogasya, hindi ko kakayanin pinansyal pa lang ang pinag-uusapan. Kailangan ko munang sustentuhan ang pamilya at makapag-ipon-ipon bago sundin ang sarili kong pangarap. Gayunpaman, I am not closing my doors for opportunity in the future. Some things will just shock us, maging handa nalang tayo roon.             “When you became lawyers, doon pa lang ang simula ng totoong kakera at ng mundo natin. Itong pag-aaral na ginagawa niyo, paghahanda lamang sa mas ekstensibong pag-aaral na gagawin niyo sa mga assigned case sa inyo. Akala ko noong una, kapag nakatapos na ako sa Law school, ayos na, madali nalang ang susunod, pero hindi, mas mahirap at maluwang ang karagatang naghihintay sa atin sa labas. Kaya pagbutihan ang pag-aaral, kailangan kayo ng bayan!”             Aw, that hits me hard. Totoo nga, that reality of life struggle’s begins for those who had full support of their parents and haven’t yet carried their own baggage. Totoo nga na para sa kanila, hindi pa nagsisimula ang tunay na laban ng buhay. Napangiti nalang ako out of nowhere dahil napansin ko ang pagtitig ni Vince sa akin. Seryoso kasi ako sa pag-reflect ng mga sinasabi ni attorney, at wala akong pakialam sa paligid ko, ang kaso nang mapatingin ako sa kaniya, roon ko nalaman na may iba pa pala akong kasama.             “Maraming nagrereklamo sa justice system ng ating bansa because we are lacking of Judges, prosecutors, and such kung kaya’t masakit mang sabihin, ang ibang kaso ay tumatagal pa ng sampung taon bago matapos. Parang sa hospital lang din, kapag kulang ng doctor, hindi ba’t, hindi naman magagamot ang mga pasente? Nakalulungkot kung iisipin. Sana dumating ang araw na hindi ito sapitin ng mga susunod na henerasyon sa inyo, ayon lang naman ang pangarap ko, hindi maging sikat na abogado ngunit nais kong mag-ambag ng pagbabago.”             Mahabang salita ni attorney. Dama ko ang pagiging busilak ng mga sinabi niya dahil nagtutugma ang kisap ng mga mata niya at ng mga salitang binibitiwan niya, tanda lamang na galing ito sa kaniyang puso. Isa rin sa tinuro niya sa amin na matutong kilatisin ang mata ng ating mga kaharap, psychology thingy pero useful sa profession namin. MATAPOS ang tatlong oras na klase at ang oral questioning ay nagsilabasan na kami ng silid aralan. Hindi pa man kami ganap na nag-aaral ng law, ginagawa na rin namin ang tinatawag na Socratic method of oral questioning. Bago kami pumasok ng klase niya, dapat aral na namin ang mga topics na sinabi niyang matatalakay ngayong araw.             “What are you up to today?” biglang tanong ni Vince sa amin ni Nicole habang naglalakad kami sa hallway.             “Wala akong shift sa library ngayon pero I have work to do,” sagot ko sa kaniya.             “Hmmm… as usual. Wala naman nang bago,” ani naman ni Nicole. Pansin ko ang pagtatampo niya sa pamamaraan niya ng pagsasalita.             “Parang sad ang bff mo Sina ko oh,” pang-aasar na saad ni Vince habang nakaharap kay Nicole.             “Oo, nagtatampo talaga ako. Wala na kayong time sa akin.” Nagulat ako dahil bigla nalang nag-walk out ang babaeng ito. Parang nagiging sensitive siya lately. Hinabol ko siya upang magpaliwanag.             “Nicole!” Nagtingin tuloy ang mga tao na nandirito sa hallway. Hindi malakas ang boses ko dahil ayokong maka-abala sa mga nagka-klase. Alam ko namang sumunod sa akin si Vince. Nang maabutan ko si Nicole ay hinablot ko siya sa payat at maputi niyang braso.             “Saan ka pupunta? Sorry na ateng. Alam mo namang need ko mag-work para sa future. Hindi ba? Sorry na. Huwag ka ng magtampo,” sabi ko sa kaniya.             “Yup. There’s also time naman para sa bonding ulit. And we’re all friends. We can hangout anytime we want if we’re not busy!” segunda naman ni Vince kaya hindi kagaad nakapagsalita si Maxine.             “Ano ba kayo guys? Maiihi lang ako kaya ako nagmamadali. Bitiwan mo na ako Sina, mag-come out na ito. Pinagtitinginan na tayo,” natatawang paliwanag nito. Inalis ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak sa kaniya at napasampal nalang sa mukha ko. Nagmadali naman siyang maglakad at tumungo sa pasilyo kung saan gawi ang CR.             “f**k! Akala ko galit talaga siya!” nakangising wika ni Vince.             “Boses mo ang lakas!” Nahampas ko siya sa binti niya dahil bigla siyang napasigaw ng malakas. Nakuha niya ang atensyon ng ibang estudyante.             “Wait me sa labas ng Comfort Room area, I’ll just get something on my locker,” saad ni Vince. Hindi talaga mawawala ang pagkindat n’ya sa akin. Tumango ako sa kaniya bilang pag-sang-ayon at tumungo sa CR area upang hintayin si Maxine.             “I THOUGHT, lumayo ka na sa kaniya.,” wika na nanggaling sa likuran. Hinarap ko ito at siya na naman si Ms. Police woman na lagging nakikialam sa akin at sinasabing layuan ko si Vince. Ngayon ay kasama niya muli ang dalawang chubby gays.             “I am Steffi Dimaranan, btw,” pakilala nito sa akin. “I won’t touch your hands hanggang hindi mo nilalayuan si Vince,” dagdag pa nito.             “Look at his hands. It seems that super needy niya ng cash kaya dikit ng dikit sa mga mayayaman! A poor gay. Maganda nga, wala namang pera!” wika naman ng medyo makutim.             “I agree, not like us even we’re not kagandahan, hindi naman tayo nagpapakasasa sa ibang tao para lang makahawak ng limang daan,” siya namang turan ng isa pang bakla na pache-pache ang balat.             Saan ba nila nakukuha ang mga salitang pinibintang nila sa akin? Pasalamat sila, nasa school kami at nasa building pa ng college namin mismo kaya ayaw kong gumawa ng gulo pero kapag hindi talaga ako nakapagpigil sa panlalait na ginagawa nila ay ipapalamon ko sila sa pader na sa gilid niya.             “I don’t consume my energy to useless individuals like you,” saad ko sa kanila at tumalikod na.             “Don’t do that!” Nagulat ako sa bilang sumigaw. Si Nicole ito at nakita kong akmang sasabunutan na ako ng baklang makutim ngunit nakita ito ng BFF ko kaya hindi niya natuloy ang binabalak niyang gawin sa akin.             “Do you know that attacking someone in the back has corporate punishment in the law!? Stay away from Sina or else’ I’ll call my mom, and see you on the court. I saw you last time at the parking lot na binato niyo siya ng papel. Your over practicing your rights!” salita ni Nicole habang papalapit siya sa amin.             Namangha ako sa tapang na pinapakita niya. Ibang-iba ang nerdy na mukhang shy type na si Maxine.             “Layuan mo siya!” saad ni Steffi bago sila umalis.             “Layuan niyo rin siya!” sagot pa ni Maxine rito. Iilan lang ang tao sa lokasyon namin ngayon, walang gaanong nakasaksi sa naganap.             “Who are those brainless people with unethical behavior?” ang tanong nito sa akin.             “Hindi ko kilala ang dalawa, pero iyong babae ay si Steffi raw. Pilit nila akong pinapalayo kay Vince, hindi ko naman alam ang dahilan,” sagot ko.                      “Hmmm… just don’t mind them. Baka isa lang sila sa mga cheap people na nagkakagusto sa bestfriend natin at naiingit sa iyo. Hayst, envy is really dangerous,” wika niya pa.             “Am I right that I heard my name?” Bilang sumulpot si Vince sa gilid namin at may bitbit siya ngayong box.             “Oo, tagal mo kasi. Saan ka ba kasi nanggaling?” sagot ni Maxine. Napatingin siya sa hawak na box ni Vince dahil wala naman iyon kanina.             “I got this to my locker,” sagot nito. “For you my Sina ko.” Binigay niya sa akin ang box na hawak niya.             “No Vince, salamat nalang.” Hindi ko ito tinanggap. Bakas sa mata niya ang pagkagulat dahil ngayon lang ako tumanggi sa alok niya.             “Why, Sina ko? Is there any problem? I am 100% sure na magugustuhan mo ang laman niyan.” Gusto ko man tanggapin ito ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Alam kong buo ang loob niyang ibigay sa akin ang box, pero ayaw ko ng maraming iniisip ang ibang tao sa akin na hindi naman totoo.             “Iniisip ng mga tao na ginagamit kita,” hayag ko ng totoong dahilan. “I am sorry Vince, alam kong naawa ka lang sa akin kaya mo ako binibigay pero, sana itigil mo na.”             “No! Don’t mind them! Si tita ang nagbibigay sa akin ng pera ko at hindi sila! f**k them all! I love what I am doing ‘cause I like you, Sina,” hayag nito habang nakatingin sa akin ang nangungusap niyang mata. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD