Sina Simeon
NAGWAWALIS ako ngayon sa kabahaan ng pasilyo ng mansyon. Hindi ko na naman nakausap si Donya dahil wala siya ngayon dito. Umalis at mukhang may aasikasuhin na namang mahalagang bagay, kasama niya syempre ang hindi mawawala sa tabi niya na si manong Bulog.
Matapos akong magwalis ng pasilyo ay narating ko muli ang sala na mayroong malambot na sofa. Sandali kong itabi ang walis upang ipagpagpag ang mga unanng naririto. Nang mapatingin ako sa mga malalaking litrato sa dingding, napansin ko na wala na roon ang frame ni donya Catripia kasama ang isang lalaki na hindi ko matiyak kung sino.
‘Maharil kaya inalis iyon ni Donya kasi hindi naman nakikita ang mukha ng kasama niya dahil sa malaking aranya na nakasabit sa kisame.’
Maluwang ang bawat espasyo sa paligid ng masyon. Puwede ka na ngang mag-practice ng basketball sa loob nito, puwedeng-puwede si Xian rito panigurado.
‘Hayst… bakit ba nasa isip ko ang lalaking iyon? Naalala ko na naman ang naganap sa amin kahapon. Sana, okay na ngayon ang pakiramdam niya.’
Sunod kong ginawa ay pagpupunas sa mga figurine sa tabi ng malaking TV. Sigurado ako mahal ang presyo ng mga displays na ito. Sabi sa mga hula-hula, may pamahiin raw ang mga mayayaman kung bakit sila nag-lalagay ng mga ganito sa bahay nila bukod sa isang silbi, bilang disenyo.
“Ingatan mo ang pagpupunas, Sina.” Nagulat ako sa bilang sulpot na katiwala.
“Po?” tanong ko.
“Mag-inagt ka sa pagpupunas at huwag mong ibabago ang mga pigura sa puwesto nila dahil ayaw ni donya na nababago ang mga gamit sa mansyon nang hindi niya alam,” paliwang ng katiwala.
Grabe naman pala si Donya. Sobrang estrikta niya pala sa mga bagay-bagay. Buti nalang at binigyan ako ng paalala ni ate.
“Sino po kayo ulit? At paano niyo po ako nakilala?” takang tanong ko. Hindi ko alam ang pangalan niya pero siya ang nag-abot sa akin ng juice kahapon. Wala akong natatandaan na nagpakilala ako sa kaniya.
“Nabanggit sa akin ni Bulog ang pangalan mo. Ako si Wena Dimairna, ate Wena nalang ang itawag mo sa akin,” nakangiting pakilala nito.
Oo nga. Hindi ko naisip na baka iyon ang dahilan, pinakilala ako ni manong Bulog.
“Sige po, ate Wena. Salamat po sa paalala sa mga gagawin.”
Hindi na siya nakasagot dahil may biglang sumulpot na isa pang katulong na nakasuot ng floral na uniform na all pink. Mahaba ang buhok nito na hanggang puwet. Parang parati siyang rebonded.
“Itahimik ang mga bibig at pigilan ang sarili sa pagdaldal kapag oras ng trabaho!” saad niya sa amin.
“Nand’yan na ang feelingerang amo,” mahinang bigkas ni ate Wena.
“Anong binulong mo Dimairna? Nakita ko ang mga bulok sa ngipin mo kaya alam kong nagsalita ka!”
“Naku eh siya nga, amoy pormalin ang hininga,” bulong pa ni ate Wena. Mahina tuloy akong napangisi ngunit agad kong kinubli ito dahil nakita ni ate.
“Oh sige na Sina, basta kapag may katanungan ka, nandoon lang ako sa quarter. Kapag hindi mo ako nakita roon, nasa gilid-gilid lang ako,” paalam ni ate Wena.
Nang makaalis siya. Lumapit sa akin ang best in uniform na maid.
“Hello po,” nakangiting bati ko rito. Baka sa pamamagitan ng maganda kong ngiti ay mabago ang mood niya.
“Ikaw! Ayusin mo ang trabaho mo! Huwag kang lalamya-lamya!” Nanlaki ang mata ko nang bigla nitong duruin ang noo ko. “Ako si Carmen Naemfacta. Kaibigan ko si Donya Catripia at ako ang namamahala ng mansyon kapag wala siya rito!”
Mataray ang mukha niya at ang taas pa ng boses.
“Bakit niyo po ginawa sa akin iyon?” ang tanong ko. Hindi naman masakit ang pagduro niya. Nagulat lang ako.
“Ayoko sa bakla. Hangga’t nandito ka, hindi magiging maganda ang buhay mo! Mukha kang puwing sa mga mata ko! Alis!” saad nito at hinampas sa binti ko ang kaninang walis na tinabi ko sa gilid.
Natulala nalang ako dahil sa unang asta niyang pinakita sa akin. Hindi ako nakalaban at naka-yukong umalis sa paningin nito. Malakas ang kapit niya sa amo namin. Kailangan kong magtrabaho kaya sa ayaw at sa gusto ko, kailangan kong pakisamaan si ate Emfacta, este, si ate Carmen.
May CCTV naman sa salas. Sana ay makita ni Donya ang tunay na ugali ng kaibigan niya, ang taong pinagkakatiwalaan niya na hindi naman dapat.
BAGO ako umuwi ay nais ko munang bilhan sina Vhina at Espirita nang malamig na softdrinks. May natira pa naman ako sa baon ko. Binayaran na rin ako ni Xian sa mga pinagawa niya noong nagpunta ako sa kanila.
“Ate, Maxine! Long time no see ah!! Short hair ka na ngayon!?” bungad ko sa tinderang kabiruan ko. Nakita kong bago na naman ang arwa niya, iba talaga kapag may pera. Dumungaw ito sa butas ng tindahan at napangiti nang makita ako.
“Sina! Ang paborito kong customer! Tinatanong mo ba kung kumusta ako?” sagot niya.
“Ha-hala, hindi po.”
“Ay hindi ba? Sayang bibigyan pa naman kita ng softdrinks! Promo ito ng company ng supplier namin. Baka gusto mong tikman.”
Tama ba ang naririnig ko? Magbibigay si ate ng soft drinks? Kung ganoon, makakatipid na naman ako. Mabubudol ko na naman siya!
“Keme lang iyon ate Maxine! Sabi ko, long time no see at kumusta ka na!? Hindi mo ba narinig. Naku, baka kailangan mo nang dalhin sa EENT, zhar!”
Humalagakpak naman siya ng tawa sa sinabi ko. Bentang-benta talaga sa kaniya ang mga ka-corny-han ko sa buhay.
“Sige na nga! Ito na!” Matapos tumawa ay pumunta siya sa ref ng sari-sari store at kumuha ng dalawang malaking softdrinks na magkaiba ang flavor. “Sikat sa Maynila ang produktong ito baka sabihin mo, binibigyan kita ng lason. Kahit totoo naman, zharr!” Binaba nito ang soft drinks sa estante ng tindahan.
“Libre lang ba talaga iyan ate Maxine?”
“Oo nga! Para kang sira!”
“Uwu, super spoil ko na sa iyo, ate! Magiging ninang ka talaga sa kasal ko!”
“Sige-sige go lang ako,” ang sagot niya. “Kuhain mo na, may lakad pa ako. Babur, Sina!”
“Salamat, ate Maxine.”
Kinuha ko ang binigay niyang inumin na ipapasalubong ko kina nanay. Tuwing bibili nalang ako sa kaniya, parati siyang nagmamadali, always siyang may ganap. Iba na naman ang hairdo, baka iba na naman ang boylet ng mama niyo. Zhar.
Xian Alonzo
“OKAY team, we won’t be having training today as this week serves as your time to review all your lessons these coming finals. Make sweat and pour hard work!” saad ni coach Roquel at umalis na.
“Men, mauna na kami! Review over girls ha!” paalam naman ni Justine. The other team members nodded to each other as a sign of goodbye.
“Sure, you, choose girls!” I shouted at him. He gave me a f*****g middle finger at his back.
“That man is indeed a f*****g holy cow!” wika naman ni Vincent. One of my closest friends, ang pinakamatinik sa chicks in our circle, to be honest. Napangisi naman kami sa sinabi niya. “I will leave both of you here, bless your bromance!” pang-aasar pa nito sa amin.
“Gago!” sigaw ni Fibo sa kaniya. Naupo ako sa benches to think of things to do. Tinatamad ako mga-review. Wala bang magic na auto-pass nalang?
“Bro, good to know na maayos na ang pakiramdam mo! Believe talaga ako sa iyo, kagagaling mo lang sa trangkaso and you’re here, wanted to practice yet, sadly no practice today,” wika ni Fibo sa akin.
“Yup bro, kaya mag-review ka nang may makopyahan ako!” ang sagot ko.
“Ako pa talaga bro? Nah, can’t give you false hope. Bakit hindi ka magpatulong kay Sina? Iyong taga-gawa mo ng mga school works. He’s smart and diligent right? For sure, he can help you pass all the f*****g exams!” aniya.
Nabanggit ko dati sa kanila si Sina, kaya medyo tanda na nila. They are just copying my written outputs. Will add some changes to the arrangements of words but the thought has just the same meaning.
Hmmm... this man gave me an idea to do. Why not grab it and made Sina as my tutor?
“Okay, bro! Good luck sa exams! Uno is shaking!” Tinapik ko ito sa braso niya. Kailangan kong sabihin si Sina tungkol dito para maayos niya ang sched niya. Busy pa naman parati ang taong iyon.
“Yabang!” narinig ko pang hiyaw nito sa akin.
Dumiretso ako ng parking lot kung nasaan ang kotse ko. Wala namang tao sa bahay, ayain ko nalang si Sina na ma-overnight sa amin.
‘Lemme continue the cancelled teased you saw in me last time.’
“MAGALING! Ginawa mo nang maayos ang trabaho mo. Ang buong akala niya, magiging masaya ang pagtatrabaho niya rito sa mansyon. Gusto kong magpakawala ng isang libong tawa dahil nagkakamali siya!”
“Salamat, donya! Huwag kang mag-alala. Sa susunod na gagawin ko, luluhod at luluha na siya ng dugo!”
“Hindi ako nagkamaling kumonsulto sa iyo regarding sa mga plano ko. Hanggang ngayon, nasa akin pa rin ang buong loob mo.”
“Ay dapat lang donya. Hinding-hindi ko malilimutan ang araw na nabiyak ang puso niyo nang agawin ni Jana sa inyo si Ador. Gamit ang mga kamay ko, paparusahan ko ang bunga ng kanilang pagmamahalan!”
‘Bakla ang dahilan kung bakit wala akong asawa ngayon. Humanda ka Sina, ang galit ko sa baklang iyon ay sa iyo ko ibabaling.’